MIDTERMS SOSLIT

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 10

Midterms

PAGSUSURI
TATA SELO NI: ROGELIO SIKAT
Ang pamagat ng kwentong "Tata Selo" ni Rogelio
Sikat ay masasalamin ang aktwal na pangyayari sa
lipunan, ang pang-aapi sa mga mahihirap at
pagturing dito na mababang uri.

Pagsusuri ni: Carla S. Paraiso


Seksyon at Taon: BSciE Biology IV-22
Buod ng Maikling Kwento: Tata Selo
Ang kwento ay nagsisimula sa isang maliit na pook sa
munisipyo, kung saan nagkalat ang mga tao nang malaman
na tinaga at pinatay si Kabesang Tano. Ang bakuran ng
bahay-pamahalaan ay napuno ng mga tao, nagdadagsaan at
nag-aalitagtang nagtatanong kay Tata Selo.

Si Tata Selo, ang pangunahing tauhan, ay matandang


magsasaka na naging biktima ng pang-aagrabyado.
Tinanong siya ng isang binatang anak ng mayamang
propitaryo kung bakit niya tinaga si Kabesang Tano, at
dito naipaliwanag ni Tata Selo ang kanyang sitwasyon.
Ayaw niyang bitiwan ang lupaing dating sa kanila,
subalit inagaw ito ng kabesa at ngayon ay binabawi niya
ito. Ang kanyang pangarap ay mabawi ang lupa, at ito
ang nagdulot ng hidwaan.
Bumisita ang binatang anak ng mayamang propitaryo sa
istaked ni Tata Selo at itinanong ang nangyari.
Ibinahagi ni Tata Selo ang pangyayari kung paano siya
tinungkod ng kabesa, at itinuturing na hindi
makatarungan ang pag-agaw sa kanya ng lupang sinasaka.

Lumapit rin ang anak-magbubukid na si Saling, anak ni


Tata Selo, na nagbigay ng impormasyon tungkol sa
kanyang ama. Sa huli, dumating ang alkalde at ang hepe
ng mga pulis upang kausapin si Tata Selo. Ipinakita ni
Tata Selo ang kanyang pagmamakaawa, ngunit siya'y
kinulong at naiwan na naghihintay sa istaked.

Isang araw, dumating si Saling, ang anak ni Tata Selo,


na nagbigay-lunas ng tubig at kanin. Napaiyak si Tata
Selo nang makita ang anak, at naging masalimuot ang
kanilang pag-uusap. Humingi si Saling ng tulong sa
alkalde, ngunit sinabi ni Tata Selo na huwag nang
manghimasok at umuwi na lamang siya.

Sa huli, nagbigay ng simpatiya ang isang batang dumalaw


kay Tata Selo, ngunit sa kabila ng mga pangyayari,
naroon pa rin ang pangarap ni Tata Selo na mababawi ang
kanyang lupang kinuha.
Pagsusuri sa Akda

Pagsusuri sa Tata Selo sa lente ng


Marxismo:

Bahagi ng Kwento:

“Binabawi po niya ang aking saka,” sumbong ni


Tata Selo. “Saan pa po ako pupunta kung wala na
akong saka?”

Kumumpas ang binatang mayaman. “Hindi katwiran


iyan para tagain mo ang kabesa. Ari niya ang
lupang sinasaka mo. Kung gusto ka niyang
paalisin, mapaaalis ka niya anumang oras.”

Halos lumabas ang mukha ni Tata Selo sa rehas.

“Ako po’y hindi ninyo nauunawaan,” nakatingala


at nagpipilit ngumiting wika niya sa binatang
nagtapon ng sigarilyo at mariing tinakpan
pagkatapos. “Alam po ba ninyong dating amin ang
lupang iyon? Naisangla lamang po nang
magkasakit ang aking asawa, naembargo lamang po
ng kabesa. Pangarap ko pong bawiin ang lupang
iyon, kaya nga po hindi nagbibigay ng kahit
isang pinangko kung anihan. Kung hindi ko na
naman po mababawi, masaka ko man lamang po.
Nakikiusap po ako sa kabesa kangina, “Kung
maari akong paalisin. Kaya ko pa pong magsaka,
‘Besa. Totoo pong ako’y matanda na, ngunit ako
po nama’y malakas pa.’ Ngunit... Ay! tinungkod
po niya ako nang tinungkod, tingnan po n’yong
putok sa aking noo, tingnan po n’yo.”
Bakit Marxismo?

Makikita sa bahagi ng kwentong ito kung bakit ba


tinaga ni Tata Selo ang Kabesa. Makikita sa bahaging
ito kung paano angkinin at bawiin ang lupa ni Tata
Selo. Dahil sa katayuan ni Tata Selo, tila
kinakampihan pa ng binatang mayaman ang kabesa dahil
sa pagsasabi nito na hindi na sana tinaga ni Tata
Selo ang kabesa. Makikita kung paano isinasantabi ng
binata ang hinaing ng matanda ukol sa kanyang ginawa
sa kabesa.

Sa bahagi na ito ng kwento, makikita kung paano


sabihin ni Tata Selo kung ano ang nag-udyok sakanya
para tagain ang kabesa. Makikita kung paano ikwento
ni Tata Selo na sakanila naman talaga ang lupa na
inaangkin ng kabesa. Dahil sa pangangailangang
maipagamot ang kanyang asawa, naging dahilan ito
para isangla sa kabesa ang kanyang lupain. Gustong
mabawi ni Tata Selo ang kaniyang lupa, ngunit kahit
magbigay siya sa kabesa ng bahagi ng kaniyang ani.
Ngunit hindi ito ang gusto ng kabesa. Makikita kung
gaano apihin ng kabesa si Tata Selo. Sa bahaging ito
makikita na kung paano tinungkod ng kabesa si Tata
Selo dahilan sa pagputok ng kanyang noo.

Sa parteng ito malinaw na ipinapakita kung gaano


apihin ng mga mayayaman na gaya ang kabesa ang mga
mahhirap na gaya ng magsasakang si Tata Selo. Kahit
na may karapatang ang kabesa sa lupa dahil ito ay
isinangla sakanya, hindi dapat humantong sa
pagtungkod o pangaapi kay Tata Selo na maidadaan
naman sa isang mahinahong pag-uusap. Ngunit mas
nanaig ang pang-aabuso sa kapangyarihan ang kabesa.
Sa huli ang paglaban ni Tata Selo parin ang
nagmukhang masama dahil isa lamang siyang hamak na
magsasaka.
Bahagi ng Kwento:

“Napatay mo pala ang kabesa,” anang malaking


lalaking hepe. Lumapit ito kay Tata Selo na
nakayuko at din pa tumitinag sa upuan.

“Binabawi po niya ang aking saka,” katwiran ni


Tata Selo.

Sinapok ng hepe si Tata Selo. Sa lapag, halos


mangudngod si Tata Selo.

“Tinungkod po niya ako nang tinungkod,”


nakatingala, umiiyak at kumikinig ang labing
katwiran ni Tata Selo.

Itinayo ng hepe si Tata Selo. Kinadyot ng hepe


si Tata Selo sa sikmura. Sa sahig, napaluhod si
Tata Selo, nakakapit sa umipormeng kaki ng hepe.

“Tinungkod po niya ako nang tinungkod...Ay!


tinungkod po niya ako nang tinungkod...”

Sa may pinto ng tanggapan, naaawang nakatingin


ang dalawang pulis.

“Si Kabesa kasi ang nagrekomenda kat Tsip, e,”


sinasabi ng isa nang si Tata Selo ay tila damit
na nalaglag sa pagkakasabit nang muling
pagmalupitan ng hepe.
Bakit Marxismo?

Bukod sa pagmamalupit ng kabesa kay Tata Selo,


ay nakaranas din sya ng pang-aapi mula sa mga
pulis na humuhuli sakanya. Mababasa sa bahagi
na ito kung paano saktan ng hepe si Tata Selo
nang paulit-ulit kahit nakikita na nila ang
panghihina ni Tata Selo.

Makikita sa bahaging ito kung gaano abusuhin


ng may kapangyarihan ang mga ordinaryong
mamamayan na gaya ni Tata Selo. Makikita rin sa
bahagi na ito na napag-utusan lamang sila ng
Kabesa. Kahit sabihin ni Tata Selo ang kanyang
hinaing sa mga ito, ay hindi nila ito
pinakikinggan dahil sila ay napag-utusan lang
rin ng isa pang may mas mataas na kapangyarihan
sa kanila. Sa ganitong estado at pamamalakad ng
may mga kapangyarihan, ang mga mahihirap lamang
ang walang matatakbuhan at naiipit sa pang-
aabuso ng mga taong inaabuso ang kanilang
kapangyarihan.
Pagsusuri sa Akda

Pagsusuri sa Tata Selo sa lente ng


Realismo:

Bahagi ng Kwento:

“Pinutahan niya ako sa aking saka, amang,”


paliwanag ni Tata Selo. “Doon ba sa may sangka.
Pinaalis sa aking saka, ang wika’y tinungkod ako,
amang. Nakikiusap ako, sapagkat kung mawawalan ako
ng saka ay saan pa ako pupunta?”

“Wala na nga kayong mapupuntahan, Tata Selo.”

Gumapang ang luha sa pisngi ni Tata Selo. Tahimik


na nakatingin sa kanya ang bata.

Bakit Realismo?
Hindi na bago sa lipunan ang pangaangkin ng mga
mayayaman sa lupa ng mga normal na magsasaka.
Makikita sa bahaging ito na inaangkin ng kabesa ang
lupa na pagmamay-ari naman talaga ni Tata Selo.
Laganap na ito sa ating lipunan na ang may mga
kapangyarihan ang mga gumagawa ng mga ito.

Patuloy na kumukuha ng mga lupain ang iilan na nasa


kapangyarihan sa mga magsasaka at mga katutubong
pamayanan upang tayuan ng mga establisyimento na
kanilang gagawing kabuhayan. Kinukuha nila ang mga
lupain na tila sakanila at hindi binibigyan ng sapat
na bayad o kapalit ang mga kinuhaan nila ng lupa.
Pagsusuri sa Akda

Pagsusuri sa Maikling Kwento bilang isang


Akda na Tumatalakay sa Kahirapan at
Karapatang Pantao:
Ang maikling kwento na isinulat ni Rogelio Sikat na
pinamagatang Tata Selo ay makikita na tumatalakay sa
kahirapan at sa karapatang pantao. Makikita sa ilang
bahagi ng kwento kung saan makikita kung paano
apihin si Tata Selo dahil siya ay hamak na magsasaka
lamang.

May isang bahagi sa kwento kung saan dahil sa


kahirapan at pagnanais na ipagamot ni Tata Selo ang
kanyang asawa, naging dahilan ito upang kanyang
isangla ang kanyang lupain sa kabesa. Dahil sa
kahirapan alam natin na may mga pagkakataong may
isinasakaripisyo tayong mga mahalaga sa atin kahit
ang ating pangkabuhayan, Dahil sa estado natin
bilang mahihirap nasa ating bokabularyo na ang
salitang sakripisyo para sa ating pamilya. Bukod pa
rito dahil sa marami ang mas nakaaangat sa atin
nagiging biktima rin ang mahihirap ng mga pang-aapi
at pang-aabuso mula sa mga may kapangyarihan na gaya
ng naranasan ni Tata Selo mula sa kabesa at sa mga
pulis. Makikita sa ilang bahagi ng kwento kung gaano
abusuhin si Tata Selo at apihin ng kabesa at mga
pulis na sinaktan siya nang paulit-ulit kahit
nagpapakita na ng kahinaan dahil sa dinanas nito.

Pumapasok na dito ang karapatang pantao kung saan


si Tata Selo ay inagawan ng karapatan sa maayos na
paglilitis sa mga kapulisan at maipahayag ang
kanyang hinaing sa alkalde bago siya ipakulong. Sa
kamay ng kabesa, makikita kung gaano alisan ng
karapatan si Tata Selo sa sarili nyang lupain at
alisan ng ikabubuhay para sa kanyang pamilya.
Bisa ng Maikling Kwento: Tata Selo

Bisa sa Isip:

Ang akda ay naging tulay upang malaman ang estado ng


pamumuhay ng mga kagaya ni Tata Selo na isang
magsasaka. Na sila ay nagiging biktima ng mga
mapangabusong mga tao sa kapangyarihan na mayroon
sila. Ipinakita ng maikling kwento ang pagkakaroon
ng hindi pagkakapantay-pantay ng mga tao at kung
paano ito abusuhin ng iba. Naipakita kung paano
gumamit ng dahas ang ilan upang malamangan ang
kanilang kapwa upang maging angat lamang sa buhay.

Bisa sa Damdamin:

Sa pagsusuri sa akda at sa pagbabasa nito,


mararamdaman ang awa para kay Tata Selo at sa mga
kagaya nitong mga magsasaka na nakakakranas ng pang-
aapi. Dahil sa kabila ng pagiging mahina dahil sa
edad nito ay nagawa pa itong abusuhin ng ilang may
kapangyarihan sa kwento. Makakaramdam din ng awa
habang binabasa ang kwento dahil sa pagkikita nina
Tata Selo at ng anak niyang si Saling na may sakit,
makikita na gusto lamang ni Tata Selo na mabigyan
ang kanyang anak ng ikabubuhay na kanyang kinukuha
sa lupaing kanyang sinasaka.

Dahil dito, nakaramdam din ng galit at pagkadismaya


sa mga taong may kapangyarihan sa kwento. Dahil sa
walang awa nilang pagtrato kay Tata Selo sa kabila
ng edad at ipinaglalaban nito.
Bisa sa Kaasalan:

Dahil sa akda, nagkaroon ng pagbabago sa aking


pananaw na hindi dapat natin husgahan ang ilang tao
base sa kanilang ginawa. Dahil sa kabila nito,
maaaring mayroon silang malalim na dahilan upang
gawin ang mga ito. Hindi dapat natin sila tanggalan
ng karapatan upang maibahagi ang kanilang hinaing
bagkus bigyan sila ng kalayaan upang ipaglaban ang
kanilang sarili.

Sa panig ng may mga kapangyarihan, hindi dapat tayo


maging kasangkapan sa kanilang paggawa ng kasamaan o
mang-abuso ng mga tao para sa kanila kagaya ng
ginawa ng mga pulis kay Tata Selo dahil utos ito ng
kabesa.

You might also like