Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 8

ARALING PANLIPUNAN 10

KASARIAN SA IBA’T IBANG LIPUNAN


WEEK 1-2
Paksa: Kasarian sa Iba’t Ibang Lipunan
Kahulugan ng Sex at Gender
➢ Ang sex ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangiang nagtatakda ng pagkakaiba
ng babae sa lalaki. Ito rin ay tumutukoy sa gawain ng babae at lalaki na ang layunin ay
reproduksiyon ng tao.
➢ Ang gender ay tumutukoy sa mga panlipunang gampanin, kilos, at gawain na itinatakda ng
lipunan para sa mga babae at lalaki. Karaniwang batayan nito ay ang gender identity at roles
na mayroon sa lipunan, ito ay ang pagiging masculinefeminine.
Ano ang pagkakaiba ng sexual orientation at gender identity (SOGI)?
➢ Ang oryentasyong seksuwal (sexual orientation) ay tumutukoy sa kakayahan ngisang tao na
makaranas ng malalim na atraksyong apeksyonal, emosyonal, seksuwal, at malalim na
pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kaniya, iba sa kaniya, o kasariang
higit sa isa.
➢ Ang pagkakakilanlang pangkasarian (gender identity) ay kinikilala bilang malalim na damdamin at
personal na karanasang pangkasarian ng isang tao, namaaaring nakatugma o hindi nakatugma sa sex
Katangian ng Sex Katangian ng Gender
➢ Ang mga babae ay nagkakaroon ng buwanang regla ➢ Ang lalaki ay itinuturing na malakas at matipuno samantalang
samantalang ang mga lalaki ay hindi. ang mga babae ay tinitingnan bilang mahinhin at mahina.
➢ Ang mga lalaki ang magtataguyod sa pamilya samantalang
➢ Ang mga lalaki ay may titi at testosterone habang ang
ang mga babae ay inaasahang gagawa ng mga gawaing
babae aymay suso at estrogen.
bahay.
niya nang siya ay ipanganak.

Sa simpleng pakahulugan, ang oryentasyon seksuwal ay tumutukoy sa iyongpagpili ng iyong makakatalik,


kung siya ay lalaki o babae o pareho. Angpagkakakilanlang pangkasarian naman ay ang personal na
pagtuturing sa sariling katawan (na maaaring mauwi, kung malayang pinipili, sa pagbabago nganyo o kung ano
ang gagawin sa katawan sa pamamagitan ng pagpapaopera, gamot, o iba pang paraan) at iba pang
ekspresyon ng kasarian, kasama na ang pananamit, pagsasalita at pagkilos.
Ang oryentasyong seksuwal ay maaaring maiuri bilang heterosexual at homosexual.

Heterosexual – mga taong nagkakaroon ng atraksyon sa miyembro ng kabilang kasarian,


mga lalaki na ang gustong makatalik ay babae at mga babaeng gusto naman ay lalaki.
Homosexual – mga taong nagkakaroon ng atraksyon at seksuwal na pagnanasa sa mga
taong nabibilang sa katulad na kasarian
Bukod sa babae at lalaki, sa kasalukuyan ay may tinatawag tayong Lesbian, Gay, Bisexual,
Transgender, Queer, Intersex, at Asexual o mas kilala bilang LGBTQIA+.
Lesbian (tomboy) -mga babaeng nakararamdam ng pisikal o romantikong atraksyon sa
kapwa babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas na tibo at tomboy).

Gay (bakla) - mga lalaking nakararamdam ng atraksyon sa kanilang kapwa lalaki. May iilang
bakla ang nagdadamit at kumikilos na parang babae (tinatawag sa ibang bahagi ng Pilipinas
na bakla, beki, at bayot).
Bisexual - mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian

Transgender - ang isang taong nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan,


ang kaniyang pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi magkatugma.
Queer - mga taong hindi sang-ayon na mapasailalim sa anumang uring pangkasarian,
ngunit maaaring ang kanilang pagkakakilanlan ay wala sa kategorya ng lalaki o babae,
parehong kategorya o kombinasyon ng lalaki o babae.
Intersex - kung ang isang tao ay nakararamdam na siya ay nabubuhay sa maling katawan,
ang kaniyang pag-iisip at ang pangangatawan ay hindi magkatugma

Asexual – mga taong walang nararamdamang atraksyong seksuwalsa anumang kasarian.

Pag-aaral sa Kasarian sa Iba’t Ibang Lipunan


Gender Roles sa Pilipinas
Panahong Pre-Kolonyal
➢ Ang kababaihan sa Pilipinas noon, maging sila man ay kabilang sa pinakamataas na uri o sa
uring timawa sa kanilang lipunan, ay pagmamay-ari ng mga lalaki.
➢ Nagkaroon ng mga binukot o prinsesa ang isang katutubong pangkat sa isla ng Panay at pagbibigay ng
tinatawag na bigay-kaya. Ang binukot ay itinuturing na itinagong paborito at pinakamagandang anak ng
datu. Hindi siya maaaring tumapak sa lupa at masilayan ng mga kalalakihan hanggang sa magdalaga.
1
➢ Ayon sa Boxer Codex ang mga lalaki ay pinapayagang magkaroon ng maraming asawa, subalit
maaring patawan ng parusang kamatayan ang asawang babae sa sandaling makita niya itong may
kasamang ibang lalaki.
➢ Kung gustong hiwalayan ng lalaki ang kaniyang asawa, maaari niya itong gawin sa pamamagitan ng
pagbawi sa ari-ariang ibinigay niya sa panahon ng kanilang pagsasama.
➢ Kung ang babae ang magnanais na hiwalayan ang kaniyang asawa, wala siyang makukuhang ari-arian
Panahon ng Espanyol
➢ Ang mga kababaihan ay nananatili sa kanilang tahanan at inaasikaso ang bawat pangangailangan ng
kanilang asawa at mga anak. Gayunpaman, naging malaki ang bahaging kanilang ginampanan sa
pagkamit ng kalayaan laban sa mga Kastila. Ilan sa mga kababaihang ito ay si Gabriela Silang,
maybahay ni Diego Silang na isa ring kilalang bayani sa panahon ng himagsikan laban sa mga Kastila.
Gayundin, sa panahon ng Rebolusyon ng 1896, may mga Katipunera tulad nina Marina Dizon na
tumulong sa adhikain ng mga katipunero na labanan ang pang-aabuso ng mga Espanyol.
➢ Ayon kay Dr. Lourdes Lapuz, a pioneer in the field of psychiatry, sa kaniyang pananaliksik na
pinamagatang “A Study of Psychopathology and Filipino Marriages in Crises;” Filipinas are brought up
to fear men and some never escape the feelings of inferiority tha upbringing creates”.
➢ Tungkulin ng mga kalalakihang ibigay sa kanilang asawa ang kinikita sa paghahanapbuhay.
Panahon ng Amerikano
➢ Sa pagsisimula ng pampublikong paaralan na bukas para sa kababaihan at kalalakihan, mahirap o
mayaman, maraming kababaihan ang nakapag-aral.
➢ Nabuksan ang isipan ng kababaihan na hindi lamang dapat bahay at simbahan ang mundong kanilang
ginagalawan.
➢ Ang mga kababaihan ay nagkaroon ng pag-asang umunlad sa sarilli nilang pamamaraan.
➢ Isang espesyal na plebesito ang ginanap noong Abril 30, 1937, 90% ng mga bumoto ay pabor sa
pagbibigay-karapatan sa pagboto ng kababaihan. Ito ang simula ng pakikilahok ng kababaihan sa mga
isyu na may kinalaman sa politika.
Panahon ng Hapones
➢ Ipinakita ng mga Pilipino ang kanilang kagitingan sa pagtatanggol sa bansa sa abot ng kanilang
kakayahan at maging hanggang kamatayan.
➢ Parehas na lumaban ang mga kalalakihan at kababaihan noong Ikalawang Digmaang Pandaigdig.
➢ Ang kababaihan na nagpapatuloy ng kanilang karera na dahilan ng kanilang pag-iwan sa tahanan ay
hindi ligtas sa ganitong gawain.
Kasalukuyang Panahon
➢ Patriyarkal man ang paraan ng pamamahala tulad sa Pilipinas subalit nagkaroon din ng puwang ang
mga kababaihan at naging lider ng bansa gaya nina dating Pangulong Corazon C. Aquino at Gloria M.
Arroyo.
➢ Ang mga babae, may trabaho man o wala, ay inaasahang gumawa ng mga gawaing-bahay.
➢ Marami nang pagkilos at batas ang isinulong upang mapagkalooban ng pantay na karapatan sa
trabaho at lipunan ang kababaihan, kalalakihan, at iba pang kasarian o napapabilang sa LGBTQIA+.
Gender Roles sa Iba’t Ibang Lipunan sa Mundo
Taong 1931 nang ang antropologong si Margaret Mead at ang kaniyang asawa na si Reo Fortune ay
nagtungo sa rehiyon ng Sepik sa Papua New Guinea upang pag-aralan ang mga pangkulturang pangkat sa
lugar na ito. Sa kanilang pananatili roon ay nakatagpo nila ang tatlong pangkulturang pangkat; Arapesh,
Mundugumor at Tchambuli. Sa pag-aaral sa gampanin ng mga babae at lalaki sa pangkat na ito, natuklasan
nila ang pagkakatulad at pagkakaiba nito sa bawat isa.
Sa Arapesh (na nangangahulugang ‘tao’) ay walang pangalan ang mga tao nananinirahan dito. Ang mga
babae at lalaki ay kapwa maalaga at mapag-aruga sa kanilang mga anak, matulungin, mapayapa, kooperatibo
sa kanilang pamilya at pangkat. Samantala, sa pangkat ng Mundugumor (kilala rin sa tawag na Biwat), ang
mga babae at lalaki ay kapwa matapang, agresibo, bayolente, at naghahangad ng kapangyarihan o
posisyon sa kanilang pangkat. Sa Tchambuli (tinatawag din na Chambri), ang mga babae at lalaki ay may
magkaibang gampanin sa kanilang lipunan. Ang mga babae ay inilalarawan na nakahihigit ang gampaning
pangkabuhayan kaysa sa mga lalaki. Sila ang naghahanap ng makakain ng kanilangpamilya. Ang mga lalaki
naman ay abala sa pag-aayos sa kanilang sarili at mahilig sa mga kuwento.
Mahigpit ang lipunan para sa mga kababaihan lalo na sa mga miyembro ng komunidad ng LGBTQIA+ sa
mga rehiyon ng Africa at Kanlurang Asya. Mahabang panahon ang hinintay ng mga kababaihan sa rehiyong
ito upang sila ay makalahok sa proseso ng pagboto.
Ayon sa datos ng World Health Organization (WHO), may 200 milyong kababaihan (bata at matanda) ang
biktima ng Female Genital Mutilation (FGM) sa 30 bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Tinatayang tatlong
milyong kababaihang may edad na 15 ang sumasailalim sa prosesong ito taon-taon. Ang FGM ay isang
prosesong pagbabago sa ari ng kababaihan (bata o matanda) nang walang anumang benepisyong medikal,
ngunit patuloy pa rin ang ganitong uri ng gawain dahil sa impluwensiya ng tradisyon ng lipunang kanilang
ginagawalan. Ito ay isinasagawa samga batang babae na may edad 0―15 taong gulang. Ayon sa kanilang
paniniwala, mapananatiling walang bahid dungis ang babae hanggang siya ay maikasal. Walangbasehang
panrelihiyon ang paniniwala at prosesong ito na maaaring magdulot ng impeksiyon, pagdurugo, hirap sa pag-
ihi at maging kamatayan.
Sa bahagi naman ng South Africa, may mga kaso ng gang-rape sa mga lesbian(tomboy) sa paniniwalang
magbabago ang oryentasyon nila matapos silang gahasain.Bukod pa rito, ayon na rin sa ulat na inilabas ng
United Nations Human Rights Council noong taong 2011, may mga kaso rin ng karahasang nagmumula sa
2
pamilyamismo ng mga miyembro ng LGBTQIA+.
Maging ang paglalakbay ng mga kababaihan ay napipigilan sapagkat may ilang bansang hindi
pinapayagan ang mga babaeng maglakbay nang mag-isa o kung payagan man ay nahaharap sa malaking banta
ng pang-aabuso (seksuwal at pisikal)
KASARIAN SA IBA’T IBANG LIPUNAN
WEEK 3-4
Ano ang diskriminasyon?
Ang diskriminasyon ay tumutukoy sa anumang pag-uuri, eksklusyon, o restriksyon batay sa kasarian na
naglalayon o nagiging sanhi ng hindi pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng lahat ng kasarian ng
kanilang mga karapatan o kalayaan.
Diskriminasyon sa mga Kalalakihan, Kababaihan, at LGBTQIA+
Bago natin talakayin ang ating paksa, nais kong makilala mo ang ilang mga personalidad na kilala sa
iba’t ibang larangan sa ating bansa. Maaari ka ring magsaliksik ng mga karagdagang impormasyon tungkol
sa kanila upang mas makilala mo ang kanilang buhay bilang miyembro ng ating lipunan
PABLO ‘Chef Boy’ LOGRO (Lalaki) Siya ay isang Filipino Celebrity Chef na nakilala sa
kaniyang mga palabas sa pagluluto tulad ng Idol sa Kusina at Chef Boy Logro: Kusina Master.
Maraming kalalakihan na rin sa kasalukuyan ang nalilinya sa larangan ng pagluluto
GLORIA M. ARROYO (Babae) Nahalal siyang Senador ng bansa noong 1992- 1998. Sa loob ng
dalawang taon, siya ay naging Pangalawang Pangulo ng Administrasyong Estrada. Noong Enero
20, 2001 siya ang humalili sa pagkaPangulo at nahalal sa buong anim na taong termino mula
2004 hanggang 2010. Nagsilbi siyang kinatawan ng 2004 hanggang 2010. 2nd District ng
Pampanga noong 2010 at naging Speaker of the House of Representatives mula 2018 hanggang
2019. Siya ang ikalawang babae na naging Pangulo ng bansa.
GERALDINE B. ROMAN (Transgender) Isa siyang mamamahayag at politiko na nagsisilbing
kinatawan ng 1st District ng Bataan mula noong 2016. Siya ang unang transgender woman na
naluklok bilang kinatawan ng Kongreso. Sa kabila ng kaniyang kasarian, hindi ito naging hadlang
upang maglingkod sa kaniyang mamamayan.
DEXTER “Teri Onor” DOMINGUEZ (Gay) Isang aktor at komedyante na nahalal bilang
ViceMayor ng Abucay, Bataan mula 2007-2010 at naging Board Member ng 1st District ng
Bataan. Siya ay isang halimbawa na sa kasalukuyang panahon, may puwang na ang LGBTQIA+
sa larangan ng pulitika sa Pilipinas.
JAKE ZYRUS (Lesbian) Isang mang-aawit na nakilala hindi lamang sa bansa kundi sa ibang
panig ng mundo. Tinawag ni Oprah Winfrey na “The Most Talented Girl in the World”. Isa sa
sumikat na awit niya ay ang pinamagatang, Pyramid.
Diskriminasyon sa Kalalakihan Marahil ang Pilipinas ay isang patriyarkal na bansa kaya mataas ang
pagtingin sa kalalakihan sa lipunan. Subalit may mga pagkakataon ding sila ay nakararanas ng
diskriminasyon. Ginagawang paksang biro ang pagtawag ng ‘House husband’ sa mga kalalakihan na naiiwan
at gumaganap ng mga gawaing pantahanan.
Diskriminasyon sa Kababaihan Ang Labor Force Participation Rate (LFPR) ng mga kababaihan ay
nanatiling mas mababa kaysa sa mga kalalakihan na maaaring maiugnay sa paglaganap ng diskriminasyon
batay sa kasarian sa lugar ng trabaho partikular na ang diskriminasyon sa pagpasok sa trabaho, pagpapanatili
at pagsulong ng mga manggagawang kababaihan, sexual harassment, agwat sa sahod at limitadong
kakayahang umangkop sa trabaho.
Diskriminasyon sa Kababaihan
Ang Labor Force Participation Rate (LFPR) ng mga kababaihan ay nanatiling mas mababa kaysa sa
mga kalalakihan na maaaring maiugnay sa paglaganap ng diskriminasyon batay sa kasarian sa lugar ng
trabaho partikular na ang diskriminasyon sa pagpasok sa trabaho, pagpapanatili at pagsulong ng mga
manggagawang kababaihan, sexual harassment, agwat sa sahod at limitadong kakayahang umangkop sa
trabaho.
Ang limitado at hindi pantay na pakikilahok ng mga kababaihan sa gawaing pang-ekonomiya ay may
direktang epekto sa paglago at pag-unlad ng ekonomiya ng bansa. Ang Labor Force Participation Rate ng mga
kababaihan ay halos 48% habang ang mga kalalakihan ay humigit-kumulang na 77% na mas mababa sa 29%
kaysa sa mga kalalakihan.
Diskriminasyon sa LGBTQIA+
Development (USAID) na may titulong Being LGBT in Asia: The Philippines Country Report, ang mga
LGBTQIA+ ay may kakaunting oportunidad sa trabaho, bias sa serbisyong medikal, pabahay at maging sa
edukasyon. Ilan sa mga halimbawa nito ay may mga kurso, propesyon, at hanapbuhay na para lamang sa
babae o lalaki.
Karahasan sa Kalalakihan, Kababaihan at LGBTQIA+
Karahasan sa Kalalakihan
Maging ang kalalakihan ay biktima rin ng karahasan. Maaaring magsimula ito sa kanilang pamilya at maging
sa trabaho. Wala itong pinipiling edad, maging bata man o matanda. Ang pang-aabuso sa kalalakihan ay hindi
kinakailangang maging pisikal, ngunit maaaring emosyonal at seksuwal. Marami pa ring mga lalaking biktima
ng karahasan ang nahihiyang lumantad at magbahagi ng kanilang karanasan kaya walang malinaw na bilang
kung ilan sa kanila ang naging biktima ng pang-aabuso.
May kalalakihang nakararanas ng seksuwal na pang-aabuso mula sa kanilang pamilya o mga taong
pinagkakatiwalaan nila na maaaring makaapekto sa kanilang damdamin o emosyon. May mga pagkakataon
3
na sila rin ay biktima ng pisikal na pananakit mula sa kanilang asawa o partner.
Karahasan sa Kababaihan
Ayon sa United Nations (UN), ang karahasan sa kababaihan (violence against women) ay anumang
karahasang nauugat sa kasarian na humahantong sa pisikal, seksuwal o mental na pananakit o pagpapahirap
sa kababaihan, kasama na ang mga pagbabanta at pagsikil sa kanilang kalayaan. Hindi lamang limitado sa
pisikal na pang-aabuso ang violence against women. Maaari rin itong sa paraang berbal, seksuwal, sikolohikal,
at ekonomikal.
Maraming paraan ang mga kalalakihan upang maipamalas ang kanilang kapangyarihan sa mga kababaihan.
Ang pananakit na pisikal ay isang halimbawa nito. Mula sa berbal na pang-aabuso ay nauuwi sa abusong
pisikal. Ang lahat ng kababaihang nakaranas ng pisikal na pananakit ay biktima rin ng iba pang anyo ng pang-
aabuso.
Ang General Assembly Binding Women for Reforms, Integrity, Equality, Leadership, and Action
(GABRIELA), ay isang samahan sa Pilipinas na laban sa iba’t ibang anyo ng karahasang nararanasan ng
kababaihan na tinagurian nilang Seven Deadly Sins Against Women.
Ang mga ito ay ang:
1. pambubugbog/pananakit, 5.sexual discrimination at exploitation,
2. panggagahasa, 6.limitadong access sa reproductive health, at
3. sexual harassment, 7.sex trafficking at prostitusyon.
4. incest at iba pang seksuwal na pang-aabuso,
Istatistika ng Karahasan sa Kababaihan
2017 National Demographic and Health Survey (NDHS)
A.Isa sa bawat apat (26%) na babaeng may edad 15-49 ang nakaranas ng pananakit na
pisikal, seksuwal, at emosyonal. Karamihan sa mga nananakit ay ang mga kasalukuyang
asawang lalaki o partner.
B.Limang porsyento (5%) na babae ang nakaranas ng seksuwal na pananakit.
C.Labing-apat na porsyento (14%) na mga babae ang nakaranas ng pisikal na pananakit.
D.Isa sa bawat lima (20%) na babaeng may-asawa ang nakaranas ng emosyonal na
pananakit mula sa kanilang mga asawa o partner.
May ilang kaugalian din sa ibang lipunan na nagpapakita ng paglabag sa karapatan ng kababaihan.
Subalit ang nakalulungkot dito, ang pagsasagawa nito ay nag-uugat sa maling paniniwala, tulad na lamang ng
isinasagawang breast ironing o breast flattening sa Africa at foot binding sa China.
Ang breast ironing o breast flattening ay isang kaugalian sa bansang Cameroon sa kontinente ng
Africa. Ito ay ang pagbabayo o pagmamasahe ng dibdib ng batang nagdadalaga sa pamamagitan ng bato,
martilyo o spatula na pinainit sa apoy. May pananaliksik noong 2006 na nagsasabing 24% ng mga batang
babaeng may edad siyam ay apektado nito. Ipinaliliwanag ng ina sa anak na ang pagsasagawa nito ay normal
lamang at ang mga dahilan nito ay upang maiwasan ang: (1) maagang pagbubuntis ng anak, (2) paghinto sa
pag- aaral, at (3) pagkagahasa. Ang maaaring maging epekto nito sa kalusugan ng mga biktima — mga cyst,
cancer sa suso, at mga isyu sa pagpapasuso.
Ang foot binding ay isinasagawa sa mga babae noong sinaunang panahon sa China. Ito ay ang
mahabang proseso ng pagbabali ng arko ng paa ng mga babae upang hindi ito lumaki nang normal. Ang
kanilang mga paa ay mahigpit na nakagapos gamit ang pagbalot ng isang pirasong bakal o bubog sa
talampakan. Ang perpektong paa ng babaeng may sapat na gulang ay tatlo hanggang apat na pulgada ang
haba.
Ang mga deformed feet ay kilala bilang ‘lotus feet o lily feet’. Ang pagkakaroon ng ganitong klase ng
paa sa simula ay kinikilala bilang simbolo ng yaman, ganda, at pagiging karapat-dapat sa pagpapakasal.
Subalit dahil sa ang kababaihang ito ay may bound feet, nalimitahan ang kanilang pagkilos, pakikilahok sa
politika, at ang kanilang pakikisalamuha. Noong 1911, sa pamumuno ni Sun Yat Sen tinanggal ang ganitong
sistema sa China.
Karahasan sa LGBTQIA+
Patuloy ang pagpatay sa mga miyembro ng LGBTQIA+ sa kabila ng panawagan sa pagkakapantay-
pantay at kalayaan sa lahat ng uri ng diskriminasyon at pang-aabuso. Ayon sa ulat ng Transgender Europe
noong 2015 mahigit 1,700 LGBTQIA+ ang biktima ng pagpatay mula 2008-2015.
Ang United Nations Human Rights Council ay nagkaroon ng ulat noong 2011 tungkol sa mga
ebidensya at kaso ng mga diskriminasiyon at karahasan laban sa mga LGBTQIA+. Ang bansang Uganda ay
nagpasa ng batas na Anti- Homosexuality Act of 2014 na nagsasaad na ang same-sex relations at marriages
ay maaaring parusahan ng panghabambuhay na pagkabilanggo.
Hindi lamang kababaihan ang biktima ng karahasang nagaganap sa isang relasyon o ang tinatawag na
domestic violence, maging ang kalalakihan ay biktima rin. Ang ganitong uri ng karahasan sa mga kalalakihan
ay hindi madaling makita o kilalanin. Ang karahasan ay may iba’t ibang uri: emosyonal, seksuwal, pisikal, at
banta ng pang-aabuso. Ito ay maaari ring maganap sa heterosexual at homosexual na relasyon.
Ikaw ay nakararanas ng domestic violence kung ang iyong kapareha ay:
1.tinatawag ka sa ibang pangalang hindi maganda (name calling) para sa iyo at sa ibang tao,
iniinsulto ka;
2.pinipigilan ka sa pagpasok sa trabaho o paaralan;
3.pinipigilan kang makipagkita sa iyong pamilya o mga kaibigan, sinusubukankang kontrolin sa
paggastos sa pera, saan ka pupunta at kung ano ang iyongmga isusuot;
4.nagseselos at palagi kang pinagdududahan na nanloloko;
5.nagagalit kung umiinom ng alak, o gumagamit ng droga;
4
6.pinagbabantaan ka na sasaktan;
7.sinisipa, sinasampal, sinasakal o sinasaktan ang iyong mga anak o mga alagang hayop;
8.pinipilit kang makipagtalik kahit labag sa iyong kalooban; atsinisisi ka sa kaniyang pananakit
o sinasabi na nararapat lamang ang ginawa sa iyo.
Ito naman ay para sa mga gay, bisexual at transgender:
1.pinagbabantaan kang sasabihin sa iyong pamilya, mga kaibigan, at mga kakilala ang iyong
oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian;
2.sinasabi sa iyo na hindi tutulungan ng pamahalaan ang mga gay, bisexual at transgender; at
3.sinasabi sa iyo na ang mga lalaki ay natural na bayolente.
Maari mong malamang inaabuso ka na kung napapansin mo ang ganitong pangyayari:
1.pinagbabantaan ka ng karahasan;
2.sinasaktan ka na (emosyonal o pisikal);
3.humihingi ng tawad, nangangakong magbabago, at nagbibigay ng suhol;
4.paulit-ulit ang ganitong pangyayari; at
5.mas dumadalas ang pananakit at karahasan at mas tumitindi sa paglipas ng panahon.
KASARIAN SA IBA’T IBANG LIPUNAN
WEEK 5-6
Paksa: Tugon ng Pamahalaan at Mamamayan sa mga Isyu ng Karahasan at Diskriminasyon
Ang CEDAW
Ang CEDAW ay ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women.
Karaniwang inilalarawan bilang International Bill for Women, kilala rin ito bilang The Women’s Convention o
ang United Nations Treaty for the Rights of Women. Ito ang kauna-unahan at tanging internasyunal na
kasunduan na komprehensibong tumatalakay sa karapatan ng kababaihan hindi lamang sa sibil at politikal na
larangan kundi gayundin sa aspetong kultural, pang-ekonomiya,panlipunan at pampamilya.
Inaprubahan ng United Nations General Assembly ang CEDAW noong Disyembre 18,1979, kaalinsabay
ng pagdiriwang ng UN Decade for Women. Pumirmaang Pilipinas sa CEDAW noong Hulyo 15, 1980, at
niratipika ito noong Agosto 5, 1981. Kasunod ng Convention of the Rights of the Child, ang CEDAW ang
pangalawang kasunduan na may pinakamaraming bansang nagratipika. Umabot nasa 180 bansa mula sa 191
na lumagda o state parties noong Marso 2005. Unang ipinatupad ang kasunduan noong Setyembre 3, 1981 o
39 taon na ang nakararaannoong 2006, subalit kaunti pa lang ang nakaaalam nito.
Paano nilalayon ng CEDAW na wakasan ang diskriminasyon sa kababaihan?
➢ Nilalayon nitong itaguyod ang tunay na pagkakapantay-pantay sa kababaihan.
➢ Kasama rito ang prinsipyo ng obligasyon ng Estado. Ibig sabihin, may responsibilidad ang estado sa
kababaihan na kailanma’y hindi nito maaaring bawiin.
➢ Ipinagbabawal nito ang lahat ng aksiyon o patakarang umaagrabyado sa kababaihan, anumang
layunin ng mga ito.
➢ Inaatasan nito ang State Parties na sugpuin ang anumang paglabag sakarapatan ng kababaihan hindi
lamang ng mga institusyon at opisyal sa gobyerno, kundi gayundin ng mga pribadong indibiduwal o
grupo.
➢ Kinikilala nito ang kapangyarihan ng kultura at tradisyon sa pagpigil ng karapatan ng babae, at
hinahamon nito ang state parties na baguhin ang mgastereotype, kostumbre at mga gawain
nagdidiskrimina sa babae.
Ano ang epekto ng pagpirma at pagratipika ng Pilipinas sa CEDAW?
Bilang State Party sa CEDAW, kinikilala ng Pilipinas na laganap pa rin ang diskriminasyon at ‘di-
pagkakapantay-pantay sa karapatan ng babae, at may tungkulin ang estado na solusyunan ito. May tungkulin
ang State Parties na igalang,ipagtanggol at itaguyod ang karapatan ng kababaihan.
Ang State Parties ay inaasahang:
➢ ipawalang-bisa ang lahat ng batas at mga nakagawiang nagdidiskrimina;
➢ ipatupad ang lahat ng patakaran para wakasan ang diskriminasyon at maglagay ng mga epektibong
mekanismo at sistema kung saan maaring humingi ng hustisya ang babae sa paglabag ng kanilang
karapatan;
➢ itaguyod ang pagkakapantay-pantay sa pamamagitan ng iba’t ibang hakbang, kondisyon at
karampatang aksiyon;
➢ gumawa ng pambansang ulat kada apat (4) na taon tungkol sa mga isinagawang hakbang para
matupad ang mga tungkulin sa kasunduan.
Anti-Violence Against Women and Their Children Act
(Republic Act No. 9262)
Ang Anti-Violence Against Women and Their Children Act ay isang batas na nagsasaad ng mga
karahasan laban sa kababaihan at kanilang mga anak, nagbibigay ng lunas at proteksiyon sa mga biktima
nito, at nagtatalaga ng mga kaukulang parusa sa mga lumalabag dito. Sino-sino ang puwedeng mabigyan ng
proteksiyon ng batas na ito?
Ang mabibigyan ng proteksiyon ng batas na ito ay ang kababaihan at kanilangmga anak. Ang “kababaihan”
sa ilalim ng batas na ito ay tumutukoy sa kasalukuyano dating asawang babae, babaeng may kasalukuyan o
nakaraang relasyon sa isanglalaki, at babaeng nagkaroon ng anak sa isang karelasyon. Ang “mga anak”
namanay tumutukoy sa mga anak ng babaeng inabuso, mga anak na wala pang labing- walong (18) taong
gulang, lehitimo man o hindi at mga anak na may edad na labing-walong (18) taon at pataas na wala pang
5
kakayahang alagaan o ipagtanggol ang sarili, kabilang na rin ang mga hindi tunay na anak ng isang babae
ngunit nasa ilalim ng kaniyang pangangalaga.
Sino-sino ang posibleng magsagawa ng krimen ng pang-aabuso at pananakit at maaaring kasuhan ng
batas na ito?
Ang mga maaaring magsagawa ng krimeng ito at maaaring managot sa ilalimng batas na ito ay ang mga
kasalukuyan at dating asawang lalaki, mga kasalukuyanat dating kasintahan at live-in partners na lalaki, mga
lalaking nagkaroon ng anak sa babae, at mga lalaking nagkaroon ng “sexual or dating relationship” sa babae.
Maliban sa Anti-Violence Against Women Act, ang Magna Carta for Women ayisa ring batas sa Pilipinas na
nagbibigay ng proteksiyon sa mga kababaihan.
Magna Carta for Women (Republic Act No. 9710)
Ang Magna Carta for Women ay isinabatas noong Hulyo 8, 2008 upang alisinang lahat ng uri ng
diskriminasyon laban sa kababaihan at sa halip ay itaguyod angpagkakapantay-pantay ng mga babae at lalaki
sa lahat ng bagay, alinsunod sa mgabatas ng Pilipinas at mga pandaigdigang instrumento, lalo na ang
Convention on theElimination of All Forms of Discrimination Against Women o CEDAW.
Layunin nito na itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at ang potensiyal nila bilang alagad ng
pagbabago at pag-unlad, sa pamamagitan ng pagkilala at pagtanggap sa katotohanan na ang mga karapatan
ng kababaihan ay karapatang pantao.
Responsibilidad ng Pamahalaan
Itinalaga ng Magna Carta for Women ang pamahalaan bilang pangunahing tagapagpatupad o primary
duty bearer ng komprehensibong batas na ito. Ginagawang tuwirang responsibilidad ng pamahalaan na
proteksyunan ang kababaihan sa lahat ng uri ng diskriminasyon at ipagtanggol ang kanilang mga karapatan.
Katuwang ang mga ahensya at yunit nito, maglalatag ang pamahalaan ng mga nararapat at mabisang
paraan upang maisakatuparan ang mga layunin ng batas. Kabilang sa mga paraang ito ang paglikha at
pagpapatupad ng mga batas, patakaran at programang nagsasaalang-alang sa mga pangangailangan ng
mga babae, tungo sa kanilang kahusayan at kabutihan. Gagawa rin ng mga hakbang angpamahalaan upang
marepaso o maalis ang mga batas, patakaran, programa, at polisiya na nagpapalala sa diskriminasyon laban
sa kababaihan.
Ang isa pang hamon ng batas sa pamahalaan ay alisin ang mga stereotype attanggalin ang mga
istrukturang panlipunan tulad ng kostumbre, tradisyon, paniniwala, salita at gawi na nagpapahiwatig nang hindi
pantay ang mga babae at lalaki.
Sino ang saklaw ng Magna Carta?
Lahat ng babaeng Pilipino, anuman ang edad, pinag-aralan, trabaho o hanapbuhay, propesyon, relihiyon,
uri o pinagmulan o ethnicity ay saklaw ng MagnaCarta. Binibigyan ng batas na ito ng bukod na pansin ang
kalagayan ng mga batangbabae, matatanda, may kapansanan, mga babae sa iba’t ibang larangan,
Marginalized Women, at Women in Especially Difficult Circumstances.
Ang tinatawag na Marginalized Women ay ang mga babaeng mahirap o nasa hindi panatag na
kalagayan. Sila ang mga wala o may limitadong kakayahang matamo ang mga batayang pangangailangan at
serbisyo. Kabilang dito ang mga kababaihang manggagawa, maralitang tagalungsod, magsasaka at
manggagawang-bukid, mangingisda, migrante, at kababaihang Moro at katutubo.
Ang tinatawag namang Women in Especially Difficult Circumstances ay ang mga babaeng nasa
mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng biktima ng pang-aabuso at karahasan at armadong
sigalot, mga biktima ng prostitusyon, illegal recruitment, human trafficking at mga babaeng nakakulong.
Ang Paternity Leave
Ang Paternity Leave o Republic Act 8187 ay isang batas na nagsasaad na angbawat empleyadong lalaki
sa pribado at pampublikong sektor ay pinapayagang lumiban o hindi pumasok sa trabaho sa loob ng pitong (7)
araw ngunit patuloy pa rin siyang pagkakalooban ng buong sweldo. Ito ay maaaring magamit ng isang lalakisa
unang apat na araw mula ng manganak ang legal na asawa. Ang lalaking empleyado na nag-a-apply para sa
Paternity Leave ay dapat ipagbigay-alam sa kanyang employer ang pagbubuntis ng kanyang lehitimong asawa
gayundin, ang inaasahang petsa ng panganganak nito. Ito ay benepisyong ipinagkakaloob sa mga
empleyadong lalaki.
PAGTANGGAP AT PAGGALANG SA KASARIAN TUNGO
SA PAGKAKAPANTAY-PANTAY
WEEK 7-8
Paksa: Pagtanggap at Paggalang sa Kasarian Tungo sa Pagkakapantay-pantay
Introduksiyon sa Mga Prinsipyo ng Yogyakarta
Isang namumukod na pangkat ng mga eksperto sa mga karapatang pantao ang nagbalangkas,
nagpaunlad, nagtalakayan, at nagpino ng mga prinsipyo. Matapos magpulong sa Gadjah Mada University sa
Yogyakarta, Indonesia noong Nobyembre 6-9, 2006, may 29 na natatanging eksperto mula sa 25 bansa, na
may iba’t ibang pinagmulan at kasanayan sa mga isyu ng batas sa mga karapatang pantao, ang nagbuklod sa
Mga Prinsipyo ng Yogyakarta ukol sa Aplikasyon ng Pandaigdigang Batas ng mga Karapatang Pantao
kaugnay ng oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian.
Nagkakaisa ang mga eksperto na ang Mga Prinsipyo ng Yogyakarta ay sumasalamin sa
namamayaning kalagayan ng pandaigdigang batas ng mga karapatang pantao kaugnay ng mga isyu ng
oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian. Kinikilala din nila na ang mga Estado ay maaaring
magkaroon ng mga karagdagang obligasyon sa paghuhubog ng batas sa mga karapatang pantao. Ang Mga
6
Prinsipyo ng Yogyakarta ay nagpapatibay sa umiiral nang mga legal na pamantayang pandaigdig na nararapat
sundin ng mga estado. Nagbibigay ang mga ito ng pag-asa para sa isang bagong hinaharap, na kung saan
mangyayaring ang mga taong isinisilang na malaya at pantay-pantay sa dignidad at mga karapatan, ay
nabubuhay ayon sa ganoong namumukod na karapatan.
Pinatutungkulan ng Mga Prinsipyo ng Yogyakarta ang masaklaw na mga pamantayan ng mga
karapatang pantao, at ang kanilang aplikasyon sa mga isyu ng oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang
pangkasarian. Pinagtitibay ng Mga Prinsipyo ang pangunahing obligasyon ng mga Estado sa pagpapatupad
ng mga karapatang pantao.
Mga Prinsipyo ng Yogyakarta
Sa patuloy na hayagang pakikilahok ng mga LGBT sa lipunan, patuloy ring lumalakas ang kanilang
boses upang tugunan ang kanilang mga hinaing tungkol sa di-pantay na pagtingin at karapatan. Nasa 27
eksperto sa oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian (sexual orientation at gender identity o
SOGI) na nagmula sa iba’t ibang bahagi ng daigdig ang nagtipon-tipon sa Yogyakarta,Indonesia noong ika-6
hanggang ika-9 ng Nobyembre, 2006 upang pagtibayin ang mga prinsipyong makatutulong sa pagkakapantay-
pantay ng mga LGBT. Ito ay binubuo ng 29 na prinsipyong nakaayon sa Pandaigdigang Batas ng mga
Karapatang Pantao (Universal Declaration of Human Rights o UDHR) at ilang mga rekomendasiyon.
Prinsipyo 1
ANG KARAPATAN SA UNIBERSAL NA PAGTATAMASA NG MGAKARAPATANG PANTAO
Lahat ng tao ay isinilang na malaya at pantay sa dignidad at mga karapatan.Bawat isa, anuman ang
oryentasyong seksuwal at pagkakakilanlangmpangkasarian ay nararapat na ganap na magtamasa ng lahat ng
karapatang pantao.
Prinsipyo 2
ANG MGA KARAPATAN SA PAGKAKAPANTAY-PANTAY AT KALAYAAN SA DISKRIMINASYON
Bawat isa ay may karapatang magtamasa ng lahat ng karapatang pantao nang walang diskriminasiyong nag-
uugat sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Dapat kilalanin na ang lahat ay
pantaypantay sa batas at sa proteksiyon nito, nang walang anumang
diskriminasiyon, kahit may nasasangkot na iba pang karapatang pantao.Ipagbabawal sa batas ang ganoong
diskriminasiyon at titiyakin, para sa lahat.
Prinsipyo 4
ANG KARAPATAN SA BUHAY
Karapatan ng lahat ang mabuhay. Walang sinuman ang maaaring basta na lamang pagkaitan ng buhay sa
anumang dahilan, kabilang ang may kaugnayan sa oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
Ang parusang kamatayan ay hindi ipapataw sa sinuman dahil sa consensual sexual activity ng mga taong
nasa wastong gulang o batay sa oryentasyong seksuwal o
pagkakakilanlang pangkasarian.
Prinsipyo 12
ANG KARAPATAN SA TRABAHO
Ang lahat ay may karapatan sa disente at produktibong trabaho, samakatarungan at paborableng mga
kondisyon sa paggawa, at sa proteksyon laban sa disempleyo atdiskriminasiyong nag-uugat sa
oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian.
Prinsipyo 16
ANG KARAPATAN SA EDUKASYON
Ang lahat ay may karapatan sa edukasyon nang walang diskriminasiyong nag-uugat at sanhi ng oryentasyong
seksuwal at pagkakakilanlang pangkasarian.
Prinsipyo 17
Ang karapatan sa pinakamataas na pamantayan ng kalusugang makakamit
Ang lahat ay may karapatan sa pinakamataas na pamantayan ng kalusugang pisikal at mental nang walang
diskriminasyong bunga ng oryentasyong seksuwal o pagkakakilanlang pangkasarian. Batayang aspekto ng
karapatang ito ang kalusugang seksuwal at reproduktibo.
Prinsipyo 19
Ang karapatan sa malayang paglalahad ng opinyon at pamamahayag.Ang lahat ay may karapatan sa
malayang opinyon at pamamahayag, anuman ang kanilang oryentasyong seksuwal o
pagkakakilanlang pangkasarian. Kabilang dito ang paghahayag ng anyo o pagkatao sa pamamagitan ng
pananalita, pagdadala ng sarili, pananamit, katangian ng katawan, pagpili ng pangalan, o iba pa;
gayundin ang kalayaang maghanap, tumanggap at mamahagi ng impormasyon at iba’t ibang ideya, kabilang
ang nauukol sa mga karapatang pantao, oryentasyong seksuwal, at pagkakakilanlang
pangkasarian, sa anumang paraan, at saan man.
Gender and Development
Ayon sa Komisyon ng Kababaihan sa Pilipinas ang Gender and Development (GAD) ay isang pananaw at
proseso ng pag-unlad na mayroong pakikilahok at nagbibigay lakas, pagkakapantay-pantay, napapanatili,
malaya sa karahasan, may paggalang sa karapatang pantao, sumusuporta sa pagpapasiya sa sarili at
pagsasakatuparan ng mga kakayahan ng tao. Ang Gender and Development ay binuo noong 1980 bilang
alternatibo sa Women in Development (WID). Hindi tulad ng WID, ang GAD ay hindi partikular na para sa
lamang sa mga kababaihan. Ito ay nakatuon din sa paraan kung paano ang isang lipunan ay nagtalaga ng
mga tungkulin at responsibilidad na inaasahan sa kalalakihan at kababaihan. Isinasagawa ng GAD ang
7
pagsusuri sa kasarian upang malaman kung saan nagkakaroon ng pagtutulungan ang mga kalalakihan at
kababaihan, na naglalahad ng mga resulta sa kabuhayan at kakayanan ng bawat isa ng may pagkakapantay-
pantay. Ang pangunahing pokus ng GAD ay ang dalawang mahalagang balangkas nito, ang Gender Roles at
Social Relations Analysis. Ang Gender Roles ay nakatuon sa pagbuo ng mga pagkakakilanlan sa lipunan at
ang pagiging patas ng lalaki at babae sa pagkukunan ng pangkabuhayan. Ang Social Relations Analysis
naman ay nakatuon sa pag-aaral ng panlipunang katayuan ng kalalakihan at kababaihan sa lipunan.
Ninanais ng GAD na ang mga kababaihan ay may kaparehong pagkakataon tulad ng kalalakihan, kabilang na
rito ang kakayahang lumahok sa pampublikong sektor. Ang mga patakaran ng GAD ay naglalayong
repormahan ang tradisyunal na pananaw na ginagampanan ng bawat kasarian.
Gender and Development sa Pilipinas
Ang Plano ng Pilipinas para sa Gender and Development, para sa mga taong 1995-2025, ay isang
pambansang plano na tumutugon at naglalayon ng pagkakapantay-pantay at kaunlaran para sa kalalakihan at
kababaihan. Inaprubahan at pinagtibay ito ng dating Pangulong Fidel V. Ramos bilang Executive Order No.
273, noong Setyembre 8, 1995. Ito ang kahalili ng Philippine Development Plan para Kababaihan, 1989-1992,
na pinagtibay ng Executive Order No. 348 ng Pebrero 17, 1989.
Ang gobyerno ay naglalaan ng 5 porsiyento ng badyet para sa iba’t ibang ahensiya nito. Ito ay upang higit na
mapagbuti ang mga polisiya at patakaran ukol sa pagpapaunlad ng kasarian. Gayundin, ang bawat ahensiya
ng gobyerno ay naglalayon na makapagsagawa ng mga pagsasanay para sa pagpapaunlad ng kasarian at
matugunan ang isyu ukol rito.

You might also like