Marunggay mag agri tayo

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 16

TITLE

1
Dilaw na Mais

Pinagkunan ng larawan: www.freepik.com

Ang dilaw na mais ay isang barayti ng


matamis na mais. Ang isang bunga
nito ay maaaring maglaman ng
hanggang sa 400 kernels na lumalaki
sa mga hilera nang pahaba. Ang
magulang na bunga ay kadalasang
ginagamit sa pagproseso ng feedstock.

2 GABAY SA PAGTATANIM NG YELLOW CORN


MGA DAPAT GAWIN BAGO MAGTANIM
Alamin kung ang itatanim ay hybrid o
open-pollinated variety (OPV)

Ano ang hybrid?

• Pare-pareho at magkakatulad
• Mas mataas umani kumpara sa OPV
• Mas mahal ang binhi
• Sampu hanggang labinwalong kilo (10-18
kg) ng binhi ang rekomendasyon sa isang
(1) ektarya
• Hindi inirerekomendang binhiin at itanim
ang sariling ani

Pinagkunan ng larawan: www.mimaropa.da.gov.ph

Halimbawa ng barayti ng mais na hybrid


1. IPB 911
2. IPB 929
3. P4097YR
4. NK-6240
3
Ano ang OPV?

• Hindi puro (posibleng may ibang halong


barayti)
• Mas mababa ang ani kaysa hybrid
• Dalampung (20) kg ng binhi ang
rekomendado sa isang ektarya
• Maaring binhiin ng paulit-ulit

Pinagkunan ng larawan: www.mimaropa.da.gov.ph

Halimbawa ng barayti ng mais na hybrid


1. IPB Var1
2. IPB Var7

Pumili ng barayting mataas umani, matibay sa


sakit, at pesteng kulisap.

Gumamit ng mataas na kalidad ng binhi mula


sa mga kilalang kumpanya o ahensya ng
pamahalaan.

4 GABAY SA PAGTATANIM NG YELLOW CORN


PAGHAHANDA NG LUPA
Tiyaking maayos ang paghahanda ng lupa
bago magtanim. Nakatutulong ito upang
maiwasan ang maagang paglago ng damo,
mapabilis ang pagtubo at paglaki ng
halaman, at mapataas ang kakayahan ng
lupa sa pagpapanatili ng tubig.

Siguraduhing dumaan sa soil anylysis ang


lupang pagtatamnan.

Pinagkunan ng larawan: www.freepik.com

Araruhin at suyuring mabuti ang lupa


hanggang ito ay maging pino at buhaghag.
• Para sa mabuhangin o buhaghag na
lupa (light soil), isang pag-aararo at isang
pagsusuyod ang gawin.

• Para sa malagkit na lupa (clay or heavy soil),


isang pag-aararo at dalawang pagsusuyod
ang gawin.

• Pito hanggang sampung (7-10) araw ang


pagitan ng pagsusuyod.

Pinagkunan ng larawan: www.freepik.com

5
PAGTATANIM

Gumawa ng tudling na may agwat na 60-70


sentimetro (cm) sa katamtamang lalim na 8
cm kung tag-ulan at 10 cm naman kung tag-
araw.

Kung hindi nagawa ang soil analysis.


Maglagay ng apat hanggang limang
toneladang organikong pataba (compost) o
tuyong dumi ng hayop sa isang ektaryang
taniman (kalahating kilo sa bawat isang
metrong habang tudling).

Itanim ang buto (isa hanggang dalawang


buto kung OPV at isang buto naman kung
hybrid) na may layong 25-30 cm bawat butas.
Tabunan ng lupa ang binhi at idiin ito upang
maayos na mailapat sa lupa. Aabot sa 41,000-
53,000 na halaman sa bawat ektarya.

Pinagkunan ng larawan: www.freepik.com

Patubigan ang mga bagong tanim na binhi


sa panahon ng tag-araw upang ito ay agad
na sumibol nang sabay-sabay.

Ang mga buto ay nagsisimulang sumibol sa


loob ng apat hanggang pitong (4-7) araw
pagkatapos itanim.

6 GABAY SA PAGTATANIM NG YELLOW CORN


PAG-AABONO

Ang dami ng abono ay base sa taba ng lupa.


Maaaring malaman ang antas ng taba ng
lupa sa pamamagitan ng pagpapasuri nito sa
laboratoryo. Maaaring dalhin ang soil sample
sa pinakamalapit na tanggapan ng Bureau
of Soils and Water Management (BSWM) o
gumamit ng rapid soil test kit sa tulong ng
mga tekniko ng Kagawarang ng Pagsasaka.

Kung ang lupa ay naipasuri na, gamitin ang


50% ng nitroheno at lahat ng posporus
o potasyum (ilaan ang natirang 50% ng
nitroheno para sa susunod na pag-abono
isang buwan pagkatanim).

Kung ang lupa ay hindi naipasuri, mag-


abono sa tudling bago magtanim gamit
ang anim hanggang walong (6-8) sakong
abonong complete (14-14-14) bawat ektarya
(kung hybrid) at 4-6 sakong abonong
complete (14-14-14) bawat ektarya (kung
OPV). Tabunan ng kaunting lupa ang abono
upang maiwasan ang pagdikit nito sa binhi.

Bunutin ang sobrang tanim (thinning-out) at


magtira lamang ng isang tanim kada tundos.
Siguraduhing maalis ang mga sobrang tanim
at mga damo bago mag-abono.

Muling mag-abono 25-30 araw pagkatanim


gamit ang natititrang 50% ng nitroheno.
Kung ang lupa ay hindi naipasuri, maglagay
ng apat hanggang anim na bag ng
ammonium sulfate (21-0-0) o 3 bag ng urea
(46-0-0) para sa hybrid o OPV.

7
PAGPAPATUBIG
Padaluyan ng tubig ang mga tudling nang
may 5-7 araw na pagitan hanggang 21 araw
bago mag-ani.

Patubigan kaagad ang mga tudling matapos


maglagay ng abono upang matunaw ang
mga ito.

PAGPAPADAAN NG ARARO
Padaanan ng araro ang pagitan ng tudling 21
araw pagkatanim upang masugpo ang damo.

Muling padaanan ng araro ang pagitan ng


tudling matapos maglagay ng abono.

PAGMOMONITOR NG TANIMAN
Bisitahin palagi ang taniman upang malaman at
masugpo ang anumang pesteng kulisap, sakit,
at daga.

PAGSUGPO NG MGA PESTE


Downy Mildew
Ang downy mildew
ay isa sa mga
pinakamapinsalang
sakit ng mais. Ito ay
sanhi ng fungus o amag
na nagsisimulang
umatake habang maliliit
pa lang ang tanim at
nakapagpababa ng mula
40% hanggang 100% ng Pinagkunan ng larawan:
ani. www.pestnet.org

8 GABAY SA PAGTATANIM NG YELLOW CORN


Paano maiiwasan ang sakit na
Downy Mildew:

• Gumamit ng barayti na may taglay na


katangian laban sa downy mildew.

• Panatilihing malinis ang taniman. Ugaliing


alisin ang mga tanim na maaaring
pagmulan ng sakit.

• Maaaring magsagawa ng ikot-tanim


(crop-rotation) o ang pagtatanim ng
magkakaibang pamilya ng halaman nang
sunod-sunod. Halimbawa: Mais mula
Hunyo hanggang Setyembre; legumbre
mula Oktubre hanggang Disyembre; at
madadahong gulay mula Enero hanggang
Mayo.

• I-halo sa binhi ang fungicide tulad ng


metalaxyl bago magtanim.

Corn Borer
Ang corn borer ay isa sa mga
pimakamapaminsalang pesteng kulisap na
umaatake sa mais. Ang uod nito ay umaatake
at nanginginain sa butil ng mais. Kaya nitong
pababain ang ani ng 20 hanggang 80%.

Pinagkunan ng larawan: www.pioneer.com

9
Paano maiiwasan at masugpo ang
Corn Borer:

• Panatilihing malinis ang taniman.


Tanggalin at sirain ang tanim na
pinagkakainan at pinamamahayan ng
pesteng kulisap.

• Pagsugpo gamit ang mekanikal na


pamamaraan tulad ng pagtanggal
(detassel) ng 75% na bulaklak ng mais
kung tag-araw at 65% kung tag-ulan.

Pinagkunan ng larawan: www.britannica.com

• Pagsugpo gamit ang bayolohikal


na pamamaraan tulad ng Bacillus
Thuringienses (Bt) – bakteryang pamatay-
pesteng kulisap (mga halimbawa: Dipel,
Thricide, Xentari at Halt). Ibomba ang Bt
kapag may nakitang itlog o maliliit na
uod ng corn borer. Gawin lamang ito sa
bandang hapon o takipsilim dahil ang
bakterya ay sensitibo sa init ng araw.

• Paggamit ng mga kaibigang kulisap –


Likas na kalaban ng corn borer. Upang
hindi mamatay ang mga kaibigang kulisap,
huwag isabay ang paggamit nito sa
pagbomba ng kemikal.

10 GABAY SA PAGTATANIM NG YELLOW CORN


Mga Halimbawa:
1. Trichogramma – kinakain ang itlog ng
corn borer.

Pinagkunan ng larawan: www.greenmethods.com

2. Earwig – kinakain ang itlog, uod at pyupa


ng corn borer.

Pinagkunan ng larawan: www.greenmethods.com

3. Orius – sinisipsip ang katas ng itlog at


maliit na uod ng corn borer.

Pinagkunan ng larawan: www.greenmethods.com

• Pagsugpo gamit ang kemikal na


pamamaraan – magsiyasat para sa pinsala
ng peste sa 50-100 puno ng mais 2 beses
pataas kada linggo. Magbomba lamang
kung mayroon nang 20% na tanim ang
nasira.

11
PAG-AANI
Anihin ang mais kapag maitim na ang bahagi
ng butil na nakakabit sa busal, makintab ang
butil, at tuyo ang mga dahon at balat o kung
sumapit na sa physiological maturity ang
kalahati ng taniman. Anihin at balatan ang mais
sa inyong taniman.

Trivia: Ano ang “physiological maturity?”

Ang mais ay sumapit na sa physiological


maturity kung may makikitang itim na bahagi
sa puno ng butil mga 90 hanggang 125 araw
pagkatanim.

Pinagkunan ng larawan: www.istockphotos.com

PAGPAPATUYO
Dalhin kaagad ang inani sa lugar na
pagbibilaran. Patuyuin ang bunga hanggang
18-21% moisture content (MC) sa pamamagitan
ng pagbilad ng 2-3 araw. Ibilad sa araw ang
inaning mais nang 2-3 araw upang matuyo.
Lagyan ng latag ang pagbibilaran. Baligtarin
ang mga mais paminsan-minsan. Maaari din
gumamit ng mechanical dryer ng 6-8 oras.

12 GABAY SA PAGTATANIM NG YELLOW CORN


Trivia: Upang hindi magkaroon ng fungus ang
mais, huwag munang alisan ng balat kung
hindi mapapatuyo kaagad ang inani. Madaling
kumalat ang fungus sa nabalatan at hindi
napatuyong mais.

PAGPAPADAAN NG ARARO
Maaring gumamit ng maliliit at malalaking
makina sa paghihimay tulad ng gadgaran,
AMDP manual sheller, at Engine-powered
sheller.

Pinagkunan ng larawan: www.cornmachine.com

Para sa mas mainam na pagpapatuyo, ibilad


muli ang hinimay na butil sa loob ng 1-2 araw.
Lagyan muli ng latag katulad ng trapal, sako,
o yero ang pagbibilaran. Tuyuing mabuti ang
mga mais para hindi pestehin. Patuyuin ang
mais hanggang umabot sa 14-13% MC.

Pinagkunan ng larawan: www.freepik.com

13
PAG-IIMBAK
Isilid ang mga tuyong butil sa sako at iimbak
sa malinis at tuyong lugar. Kung itatago nang
matagal, patuyuin muli ang mais pagkalipas ng
isang lingo upang maging 12% ang moisture
content nito. Itabi ang inaning mais sa isang
tuyo at malamig na lugar na ligtas sa mga
insekto at daga.

Pinagkunan ng larawan: www.freepik.com

14 GABAY SA PAGTATANIM NG YELLOW CORN


Guide to Planting Klasika Hybrid Corn. Posted in Agri
By Entre Pinoys On August 14, 2012. Retrieved from
https://ep.franphil.com/guide-to-planting-klasika-
hybrid-corn/

Lanosia, Jr. LB., MM and Salazar, AM. 2005. Gabay sa


Produksyon ng Mais (Binagong Edisyon). Institute of
Plant Breeding, College of Agriculture, University of
the Philippines Los Baños, College, Laguna. Retrieved
from http://ilocos.da.gov.ph/images/IECs/iec%20
materials/produksiyon%20ng%20mais2%20-%20
corn.pdf

Gabay sa Pagtatanim ng Mais. DuPont Pioneer.


Retrieved from https://www.pioneer.com/
CMRoot/International/Philippines/FTT_
GabaysaPagtatanimngMais.pdf

Syngenta India. Corn. Retrieved from https://www.


syngenta.co.in/corn

Institute of Plant Breeding, College of Agriculture,


UPLB. IPB recommend 9 varieties of high-yielding
yellow corn. Retrieved from https://bar.gov.ph/index.
php/test-archive/424-december-2001-issue/4816-
dec2001-ipb-recommend-9-varieties-of-high-
yielding-yellow-corn
15
16 GABAY SA PAGTATANIM NG YELLOW CORN

You might also like