RAT_AP_Grade 4

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

REGIONAL ASSESSMENT TEST IN


Araling Panlipunan 4
Pangalan: __________________________________ Iskor: ___________
Baitang/Seksiyon: ___________________________ Petsa: __________

Panuto: Basahin at unawain ang mga tanong. Piliin ang letra ng tamang sagot
at isulat sa sagutang papel.

1. Ano ang tawag sa lugar o teritoryo na may naninirahang mga tao na may
magkakatulad na kultura, iisang wika, pamana, relihiyon at lahi?
A. bansa
B. lalawigan
C. lipunan
D. teritoryo

2. Ang isang bansa ay maituturing na bansa kung ito ay binubuo ng apat na


elemento ng pagkabansa. Ano-ano ang elementong ito?
A. mamamayan, pamahalaan, teritoryo at batas
B. tao, pamayanan, teritoryo at batas
C. mamamayan, pamayanan, tahanan at soberanya
D. tao, pamahalaan, teritoryo at soberanya

3. Ano-anong mga bansa ang katabi ng Pilipinas sa bandang hilaga?


A. Brunei, China at Taiwan
B. Brunei, China at Japan To send feedback
regarding any of
C. China, Taiwan at Japan our services,
kindly scan the
D. China, Taiwan at Thailand QR Code.

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 Email Address: region3@deped.gov.ph
Website: https://region3.deped.gov.ph/
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

4. Anong dagat ang nasa gawing Timog ng Pilipinas?


A. Bashi Channel
B. Dagat Celebes
C. Dagat Kanlurang Pilipinas
D. Karagatang Pasipiko

5. Ilang kilometro ang haba ng Pilipinas mula sa hilaga patimog?


A. 1851 kilometro
B. 1852 kilometro
C. 1853 kilometro
D. 1854 kilometro

6. Saang rehiyon ng Asya matatagpuan ang Pilipinas?


A. Timog-Silangang Asya
B. Timog-Kanlurang Asya
C. Hilagang-Silangang Asya
D. Hilagang-Kanlurang Asya

7. Alin sa sumusunod na pahayag ang naglalarawan ng pagiging insular ng


bansa?
A. napaliligiran ng mga bansa sa Asya
B. napaliligiran ng mga dagat at karagatan
C. kakikitaan ng mga magagandang baybayin
D. mayaman sa yamang dagat at yamang lupa

8. Ang Gitnang Luzon ay nakararanas ng 6 na buwang tag-ulan atTo6send


na feedback
buwang tag-init. Ano ang uri ng klima ang tumutukoy dito? regarding any of
our services,

A. unang uri kindly scan the


QR Code.

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 Email Address: region3@deped.gov.ph
Website: https://region3.deped.gov.ph/
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

B. ikalawang uri
C. ikatlong uri
D. ikaapat na uri

9. Tumawag ng pagpupulong ang inyong barangay upang magbigay ng mga


paalala o mga dapat gawin tuwing may paparating na malakas na bagyo.
Kinabukasan ay nagbabala ang PAGASA na may paparating na malakas na
bagyo. Ano ang nararapat mong gawin?
A. Susundin ko ang mga ibinilin sa amin ng mga tauhan ng barangay
nang buong puso.
B. Susunod ako sa mga ibinilin pero hihintayin ko munang dumating ang
sinasabing bagyo.
C. Susundin ko ang mga ibinilin sa amin ngunit hintayin kong tumaas
ang tubig bago lumikas.
D. Susunod ako sa mga ibinilin sa amin pero kailangan ko munang
malaman kung gaano kalakas ito.

10.Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa katangiang


pisikal ng bansa?
I. Sumusuporta ako sa mga programa ng aming paaralan at
komunidad tungkol sa pangangalaga ng kalikasan.
II. Winawalis ko ang dumi ng kanal sa tapat ng aming bahay upang
maiwasan ang pagkabara ng basura rito.
III. Nililinis ko ang daluyan ng tubig sa palikuran isang beses isang
taon.
IV. Inaalagaan kong mabuti ang mga halaman at punongkahoy sa
aming bakuran.
A. I, II at III
To send feedback
B. I, II at IV regarding any of
our services,
C. I, III at IV kindly scan the
QR Code.

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 Email Address: region3@deped.gov.ph
Website: https://region3.deped.gov.ph/
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

D. II, III at IV

11.Ang Baguio City ay may malamig na klima, bukod sa mga


produktong gulay at mga prutas, mayroon din itong mga produkto na
gawa sa kahoy na nagpapakita ng kultura ng mga tao dahil sa mga
disenyo nito. Ito ay kilala bilang __________.
A. Melting Pot
B. Northern Gateway of Luzon
C. Rice Granary of the Philippines
D. Summer Capital of the Philippines

12. Ang mga sumusunod ay paraan ng panghuhuli ng isda sa dagat. Isa sa


mga ito ay ang dahilan ng pagkasira ng tahanan ng mga isda sa ilalim ng
dagat. Alin sa sumusunod na paraan ang nagdudulot ng pagkasira ng
tirahan ng mga isda sa ilalim ng dagat?
A. Paggamit ng bingwit sa panghuhuli ng isda.
B. Paggamit ng tamang sukat ng lambat sa panghuhuli ng isda.
C. Paggamit ng dinamita upang mas maraming isda ang mahuli.
D. Paggamit ng underwater sonar at radars sa paghahanap ng isda.

13.Sa iyong palagay, bakit pananagutan ng bawat Pilipino at


ng pamahalaan ang pangangasiwa at pangangalaga sa
ating mga likas na yaman?
A. wastong pangangasiwa ng mga likas na yaman
B. pagnenegosyo ng mga mamamayan
C. pagtatayo ng mga pabrika, gusali at pook pasyalan
D. may malaking kaugnayan sa pag-unlad ng bansa
To send feedback
regarding any of
14.Ang wasto o matalinong pamamaraan ng pangangasiwa our services,
kindly scan the
sa ating likas na yaman ay nakatutulong upang QR Code.

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 Email Address: region3@deped.gov.ph
Website: https://region3.deped.gov.ph/
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

mapangalagaan ang mga ito. Alin sa sumusunod na


halimbawa ang nagpapakita ng wastong pamamaraan ng
pangangasiwa sa ating mga likas na yaman?
A. pagsusunog ng plastic
B. pagsali sa mga programang pangkalikasan
C. pagsasagawa ng tatlong Rs. - reduce, reuse, recycle
D. paggamit ng sobrang kemikal sa pananim sa lupa

15.Kabilang sa hamon o suliranin ng mga magsasaka ay ang


mababang produksyon ng palay o produkto. Alin sa
sumusunod na pahayag ang makatutugon sa hamon o
suliranin na ito?
A. Paglinang sa mga nakatiwangwang na lupain upang
mapakinabangan.
B. Tamang impormasyon at pag-aaral upang mapaunlad ang
produksyon ng ani.
C. Paggamit ng mga makabagong makinarya upang mapaunlad ang
produksyon.
D. Paggamit ng angkop na kagamitan at magkaroon ng wastong
kaalaman sa pagsasaka.

16.Sa kasalukuyang panahon, isa sa matinding suliranin ng mga


magsasaka at mangingisda na nakakaapekto sa
produksyon ay ang ____________ .
A. pagtaas ng presyo ng petrolyo
B. pagkasira ng mga daan at mabagal na transportasyon ng produkto
C. kakulangan sa kagamitan gaya ng mga bangkang de-motor at iba pa
D. pagkasira ng kalikasan at mga kalamidad na nararanasan sa bansa

To send feedback
regarding any of
our services,
kindly scan the
QR Code.

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 Email Address: region3@deped.gov.ph
Website: https://region3.deped.gov.ph/
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

17.Bakit kailangan ang sustainable development o ang likas


kayang pag-unlad?
A. Upang magkaroon ng isang alternatibong
kaunlaran sa harap ng lumalalang krisis pangkalikasan.
B. Upang maiwasan ang tuluyang pagkasira at pagkawasak ng
kalikasan.
C. Pagsaalang-alang sa kakayahan ng susunod na henerasyon na
makamit din ang kanilang mga pangangailangan.
D. Lahat ng nabanggit

18.Kayo ay naatasang bumuo ng isang programa upang


muling mapayabong ang mga yamang-gubat sa
kasalukuyan at maipagbawal ang pagtotoroso. Alin sa
sumusunod ang maaaring maging programa ng iyong
grupo?
A. Oplan Sagip Gubat
B. Barangay ko, Linis Ko
C. Three Rs para sa Paaralan
D. Clean and Green Program sa Dalampasigan

19.Ang bayanihan ay katangian at pagkakakilanlan ng mga Pilipino. Alin sa


sumusunod na sitwasyon ang nagpapakita ng ganitong katangian?
To send feedback
regarding any of
our services,
A. Binigyan ni Ruben ng tirang pagkain ang kindly scan the
QR Code.

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 Email Address: region3@deped.gov.ph
Website: https://region3.deped.gov.ph/
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

kanyang kapitbahay.
B. Nagbigay si Maricel ng mga damit at pagkain sa mga sinalanta ng
bagyong Ondoy.
C. Tinulungan ni Ana Marie ang kanyang nakababatang kapatid dahil
nadapa ito.
D. Tinulungan ni Marta ang kanyang ina sa palengke upang bumili ng
kanilang pangangailangan.

20.Ano ang pinakaunang pamagat ng ating pambansang


awit?
A. Filipinas
B. Lupang Hinirang
C. Marcha Filipina Magdalo
D. Marcha Nacional Filipina

21.Anong Kapulungan ang nahahati sa Mataas at Mababang


Kapulungan?
A. Senado
B. Kongreso
C. Mababang Kapulungan
D. Kataas-taasang Hukuman

22.Ang __________________ay tumitiyak na ang mga batas na


ginawa ng Kongreso ay naipatutupad upang
mapangalagaan ang kapakanan ng mga mamamayan.
A. Sangay ng Lipunan To send feedback

B. Sangay na Tagahukom regarding any of


our services,
kindly scan the
C. Sangay na Tagapagbatas QR Code.

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 Email Address: region3@deped.gov.ph
Website: https://region3.deped.gov.ph/
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

D. Sangay na Tagapagpaganap

23.Kapag may pagsusuri at pagbabalanse ng kapangyarihan,


maiiwasan ang _______________________.
A. pananakop ng ibang bansa
B. pagmamalabis sa kapangyarihan
C. pakikipag-ugnayan sa ibang bansa
D. pangingibang-bayan ng mamamayan

24. Ano ang tawag sa pinakamataas na opisyal sa mababang


kapulungan sa sangay na tagapagbatas?
A. Gabinete
B. Hudikatura
C. Lehislatura
D. Ispiker ng Kapulungan

25.Lahat ng mga usapin sa ugnayang panlabas ng bansa


maging ang kapakanan ng mga mamamayang Pilipino sa
labas ng bansa ay pinangangasiwaan ng kagawarang ito.
A. Kagawaran ng Turismo
B. Kagawaran ng Pananalapi
C. Kagawaran ng Ugnayang Panlabas
D. Kagawaran ng Tanggulang Pambansa
26.Ano ang pinangangasiwaan ng Department of Interior and
Local Government?
A. Nangangalaga sa likas na yaman ng bansa.
B. Namamahala sa tamang paggastos ng bansa.
C. Namamahala sa mga usaping may kinalaman sa mga lokal na
pamahalaan.
D. Nangangalaga sa kapakanan ng mga mamamayan sa loobToregarding
at labas
send feedback
any of
ng
bansa. our services,
kindly scan the
QR Code.

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 Email Address: region3@deped.gov.ph
Website: https://region3.deped.gov.ph/
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

27.Para sa mabilis na pag-unlad ng ekonomiya at makalikha


ng maraming trabaho, nagbibigay ang pamahalaan ng
kaukulang pondo para sa mga proyektong ____________.
A. Pang-impraestruktura
B. Programang Pang-ekonomiya
C. Programang Pangkapayapaan
D. Programang Pangkalusugan

28.Tayo ay mga Pilipino kaya dapat nating tangkilikin ang mga produktong
gawa sa_________.
A. Amerika
B. Pilipinas
C. Ibang Bansa
D. Mamahaling materyales

29.Bakit mahalaga ang tamang pagpili ng mga namumuno sa bansa?


A. dahil sila ang dapat sundin ng mga mamamayan sa lahat ng oras
B. upang matugunan nila ang mga pansariling pangangailangan
C. upang magtatag ng kaayusan at magpanatili ng isang sibilisadong
Lipunan
D. upang maging masagana ang pang-angkat ng kalakal sa ibang bansa

30.Paano mo mapahahalagahan ang mga serbisyo at programa ng pamahalaan?


To send feedback
A. Pagpapawalang-sala sa mga mayayamang sangkot sa krimen.
regarding any of
our services,
B. Tangkilikin ang mga imported o produktong galing sa ibang
kindlybansa.
scan the
QR Code.

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 Email Address: region3@deped.gov.ph
Website: https://region3.deped.gov.ph/
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

C. Huwag makilahok sa mga gawain ng pamahalaan tungo sa


kabutihang panglahat.
D. Magbigay ng positibong aksyon o tugon sa lahat ng mga benepisyo
na ibinibigay ng pamahalaan.

31.Ano ang tawag sa prinsipyo ng pagkamamamayan batay


sa lugar na kaniyang kapanganakan anoman ang
pagkamamamayan ng kaniyang mga magulang?
A. Dual citizenship
B. Jus sanguinis
C. Jus soli
D. Naturalisasyon
32.Ang dating mamamayang Pilipino na naging naturalisadong
mamamayan ng ibang bansa ay maaaring
mamamayang Pilipino muli. Ano ang tawag sa
pagkamamamayang ito?
A. Dual citizenship
B. Likas na mamamayan
C. Naturalisasyon
D. Pagkamamamayan

33.Alin sa sumusunod ang tumutukoy sa karapatang nauuukol


sa ugnayan ng mamamayan sa pamahalaan?
A. Nasasakdal
B. Panlipunan
C. Politikal
D. Sibil

34.May proyekto ang inyong barangay ukol sa pagre-recycle ng mga basura.


Marami kayong papel, bote at lata sa bahay na nakalagay sa bodega. Ano
To send feedback
ang inyong gagawin? regarding any of
our services,
kindly scan the
A. Itatabi ko ang mga papel, bote at lata sa bahay. QR Code.

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 Email Address: region3@deped.gov.ph
Website: https://region3.deped.gov.ph/
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

B. Hihintayin ko ang trak ng basura para kunin ang mga ito.


C. Ipagbibili ko ang mga ito sa junk shop para may pera ako.
D. Dadalhin ko ang mga papel, bote at lata sa barangay upang i-recycle.

35.Nakita mong tumatawid si Lolo Ramon sa kalye. Ano ang


gagawin mo?
A. Titingnan ko siya hanggang makatawid.
B. Sabihan ko siya na mag-ingat sa pagtawid.
C. Maghanap ng pulis na tutulong sa matanda.
D. Aalalayan ko ang matanda sa kanyang pagtawid.

36.Ang organisasyon ng mga kababaihan ay magpapakain sa


mga batang lansangan sa inyong lugar. Ano ang maari
mong maitulong?
A. magboluntaryo sa susunod na pagpapakain
B. pipila ng maayos at makikain kasama ang mga bata
C. pagmasdan ang mga kababaihan sa kanilang ginagawa
D. tumulong sa paghahanda at pagpapakain sa mga bata

37.Bakit mahalaga ang kagalingang pansibiko sa mga


mamamayan?
A. ginagamit tuwing nalalapit ang eleksiyon
B. mahalagang susi sa pag-unlad ng bansa
C. malaking gabay at tulong sa mga negosyante
D. nagsisilbing proteksyon sa mga mamamayan

38.Anong termino ang tumutukoy sa pinakamataas na kabutihang makakamit


at mararanasan ng mga mamamayan? To send feedback
regarding any of

A. Gawaing pansibiko our services,


kindly scan the
QR Code.

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 Email Address: region3@deped.gov.ph
Website: https://region3.deped.gov.ph/
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION III-CENTRAL LUZON

B. Kamalayang pansibiko
C. Kagalingang pansibiko
D. Produktibong mamamayan

39.Alin sa sumusunod na pahayag ang maaaring itumbas sa kaunlaran?


A. masaganang buhay
B. mabuting pamamahala
C. tapat na mamamayan
D. lahat ng nabanggit

40.Naglunsad ang inyong barangay ng lokal na programang


National Greening Program. Hinihikayat ang bawat pamilya
sa inyong barangay na magkaroon ng isang narseri sa
bakuran. Ano ang inyong gagawin?
A. Masaya akong makikilahok sa programa ng barangay.
B. Hihingi ako ng mga kagamitan sa paggawa ng narseri sa barangay.
C. Sabihin ko kay tatay na siya ang gagawa ng narseri.
D. Sabihin ko sa mga kapitbahay na tulungan ako sa paggawa ng
narseri.

To send feedback
regarding any of
our services,
kindly scan the
QR Code.

Address: Matalino St. D.M. Government Center, Maimpis, City of San Fernando (P)
Telephone Number: (045) 598-8580 to 89 Email Address: region3@deped.gov.ph
Website: https://region3.deped.gov.ph/

You might also like