Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION X – NORTHERN MINDANAO
SCHOOLS DIVISION OF EL SALVADOR CITY

IKATLONG MARKAHAN NA PAGSUSULIT SA ARALING PANLIPUNAN 10

Panuto: Basahing mabuti ang bawat tanong at piliin ang titik ng tamang
sagot.

1. Ang CEDAW ay ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women.
Karaniwang inilalarawan bilang International Bill for Women, kilala din ito bilang The Women’s
Convention o ang United Nations Treaty for the Rights of Women. Bakit ito nalikha?
A. Para proteksyonan ang lahat ng tao.
B. Para proteksyonan ang mga kabataan.
C. Para proteksyonan ang mga kababaihan.
D. Para proteksyonan ang mga kababaihan at kabataan.
2. May paligsahan sa sayaw na inanunsyo ang inyong paaralan na nagsasaad na ang pwedeng sumali nito
ay mga babae at lalaki lamang. Maraming gustong sumali ngunit di sila pwede dahil sa kanilang kasarian.
Ikaw bilang estudyante ng paaralan ano ang gagawin mo sa sitwasyong ito?
A. Pagsabihan ko ang nag anunsyo na hindi makatarungan ang sinasaad sa paligsahan.
B. Pagsabihan ko ang mga estudyante na magprotesta laban sa gumawa ng paligsahan.
C. Pagsabihan ko sila na huwag nalang piliting sumali kasi di sila pwedeng sumali dahil sa
kanilang kasarian.
D. Pagsabihan ko ang gumawa ng paligsahan na kung pwede ay maguhin ang alituntunin ng
paligsahan at ipakita ang pagkakapantay-pantay sa lahat ng estudyante sa paaralan
3. Ikaw ay isang anak ng kilalang negosyante sa inyong lugar. Marami kayong mga manggagawa sa
inyong kompanya. Ngunit napansin mo na hindi tumatanggap ang iyong mga magulang ng mga PWD
na naghahanap ng trabaho kahit may angking kakayahan sila sa papasukan nilang trabaho. Ikaw
bilang isang mag-aaral sa ika sampung baitang ay alam mo ang tungkol sa mga karapatan ng PWD. Ano
ang iyong gagawin?
A. Pagsabihan ko ang aking mga magulang na huwag mapanghusga sa mga PWD na
naghahanap ng trabaho.
B. Pagsabihan ko ang aking mga magulang na kaawaan nila ang mga PWD naghahanap ng trabaho
sa aming kompanya.
C. Pagsabihan ko ang aking mga magulang na masama ang maliitin ang kakayahan ng mga PWD
na naghahanap ng trabaho sa aming kompanya.
D. Pagsabihan ko ang aking mga magulang na idaan sa tamang proseso ang mga PWD na
naghahanap ng trabaho sa aming kompanya at kung makapasa sa proseso ay tanggapin sa
trabaho.
4. Ang Magna Carta for Women ay isinasabatas noong Hulyo 8, 2008 upang alisin ang lahat ng uri ng
diskriminasyon laban sa kababaihan at sa halip ay itaguyod ang pagkakapantay-pantay ng mga babae at
lalaki sa lahat ng bagay, alinsunod sa mga batas ng Pilipinas at mga pandaigdigang instrumento, lalo na
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION X – NORTHERN MINDANAO
SCHOOLS DIVISION OF EL SALVADOR CITY

ang Convention on the Elimination of All Forms of Discrimination Against Women o CEDAW. Bakit
nakasentro lamang sa mga kababaihan ang mga batas na ito?
A. Dahil ang mga babae ay kadalasang biktima ng karahasan at diskriminasyon.
B. Dahil ang mga babae ang tinaguriang ilaw ng tahanan kaya dapat pahalagahan.
C. Dahil ang mga babae ay mas marami ang papel na ginagampanan kaysa sa lalaki.
D. Dahil ang mga babae ay mas may maraming maitutulong sa lipunan kaysa sa lalaki.

5. Ano ang tawag sa mga babaeng mahirap o nasa hindi panatag na kalagayan. Sila ang
mga wala o may limitadong kakayahan na matamo ang mga batayang pangangailangan at
serbisyo.

A. Disabled Women
B. Marginalized Women
C. Women in Especially Difficult Circumstances
D. Poorest of the Poor Women
6. Ano ang tawag sa mga babaeng nasa mapanganib na kalagayan o masikip na katayuan tulad ng
biktima ng pang-aabuso at karahasan,” human trafficking” at mga babaeng nakakulong?
A. Disabled Women
B. Marginalized Women
C. Women in Especially Difficult Circumstances
D. Poorest of the Poor Women
7. Alin sa mga sumusunod ang hindi nabibilang sa Marginalized Women?
A. Kababaihang Moro at katutubo
B. Kababaihang maralitang taga lungsod
C. Kababaihang magsasaka at manggagawang bukid
D. Kababaihang may sapat na kakayahan upang mabuhay
8. Sinasabi na ang layunin ng Magna Carta for Women ay itaguyod ang husay at galing ng bawat babae at
ang potensyal nila bilang alagad ng pagbabago at pag-unlad, sa pamamagitan ng pagkilala at pagtanggap
sa katotohanan na ang mga karapatan ng kababihan ay karapatang pantao. Ano ang ibig ipahiwatig nito?
A. Ang karapatan ng kababaihan ay kabilang sa karapatang pantao.
B. Binibigyan ng malaking pagpapahalaga ang mga kababaihan sa lipunan.
C. Pantay-pantay ang karapatan ng lahat ng tao kahit ano man ang kanyang kasarian.
D. Mahalaga ang papel na ginagampanan ng mga kababaihan sa pag-unlad ng lipunan
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION X – NORTHERN MINDANAO
SCHOOLS DIVISION OF EL SALVADOR CITY

9. Naglipana sa inyong paaralan ang mga baklang estudyante na hindi sumusunod sa batas ng paaralan
tulad ng pagsusuot ng tamang uniporme at pagsunod sa wastong gupit ng buhok. Sila ay pumapasok sa
paaralan na matataas ang buhok, nakadamit pambabae, at naka make up. Alam mo ang tungkol sa mga
isinusulong na pantay na karapatan sa lahat ng kasarian sa boung daigdig dahil ito ay natalakay na
sa asignaturang Araling Panlipunan 10. Ano ang una mong gagawin sa sitwasyong ito?
A. Pupunta ako sa School Disciplinarian at isusumbong ko sila dahil sa kanilang paglabag sa batas ng
paaralan.
B. Sasabihan ko ang gate guard na ipapapasok pa rin sila sa paaralan dahil mayroon silang
karapatan tulad din ng ibang kasarian.
C. Pagsabihan ko sila na sumunod pa rin sa batas ng paaralan kasi nakasaad sa batas ng paaralan
ang mga dapat gawin at sundin ng mga estudyante.
D. Magtanong ako sa Punong Guro ng paaralan kong may nakatakdang batas ba na ginawa ang
paaralan para sa kanila na may kinalaman sa kanilang karapatan
10. Bakit mahalagang masukat ang economic performance ng bansa?
A. Dahil magiging tanyag ang bansa sa mga pandaigdigang
institusyong pampinansiyal
B. Magagamit ito upang makabuo ng mga patakarang magpapaangat sa ekonomiya ng bansa
C. Dahil repleksyon ito sa kahusayan ng namumuno na magagamit upang umani ng malaking boto
sa eleksiyon

D. Dahil makikilala ang bansa sa pagkakaroon ng mahusay na


pamamalakad ng ekonomiya
11. Sila ang mga tao na nakararamdam na sila ay nabubuhay sa maling katawan, ang kanilang pag-iisip at
ang pangangatawan ay hindi magkatugma.
A. Bisexual
B. Gay
C. Lesbian
D. Transgender
12. Sila yung mga taong nakararamdam ng atraksyon sa dalawang kasarian.
A. Asexual
B. Bisexual
C. Gay
D. Transgender
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION X – NORTHERN MINDANAO
SCHOOLS DIVISION OF EL SALVADOR CITY

13. Sa kasaysayan ng LGBT sa Pilipinas, ay maraming pagsulong ang inilunsad na naging daan sa pag-
usbong ng kamalayan ng Pilipinong LGBT.Maraming mga grupo ang naitatag tulad ng Lesbian Collective,
ProGay Philippines, at ang Ladlad na naging politikal na partido pero hindi pinayagan ng COMELEC na
tumakbo sa halalan 2010. Ano kaya ang dahilan nito?
A. Dahil sa pinunong partido.
B. Dahil sa basehang moralidad ng partido.
C. Dahil sa kakulangan ng pondo ng partido.

D. Dahil sa kakulangan ng dokumento ng partido .


14. Sa kasaysayan ng Pilipinas, ipinapakita na ang asawang lalaki ang nagsisilbing haligi ng tahanan. Siya
ang inaasahang bubuhay sa kanyang pamilya. Samantalang ang asawang babae naman ang nagsisilbing
ilaw ng tahanan. Siya ang gumagawa ng gawaing bahay at nag-aaruga sa mga anak. Ano ang ibig
ipahiwatig nito?
A. May karahasan na sa kababihan at kalalakihan.
B. May diskriminasyon na sa kababihan at kalalakihan.
C. May mataas na pagtingin sa mga kalalakihan kaysa sa kababaihan sa lipunan.
D. May nakatalagang papel na ginagampanan ang kalalakihan at
kababaihan sa loob ng tahanan.
15. Ang matalik mong kaibigan sa paaralan ay isang bisexual. Noong natuklasan ng mga magulang mo
ang kanyang oryentasyong seksuwal ay pilit kang ipinapalayo sa kanya. Ano ang iyong gagawin?
A. Susundin ko ang sinabi ng mga magulang ko.
B. Susuwayin ko ang sinabi ng mga magulang ko.
C. Sasabihin ko sa kaibigan ko ang sinabi ng mga maguling ko.
D. Sasabihin ko sa mga magulang ko na isang mabuting tao ang kaibigan ko.
16. Ayon sa World Health Organization (WHO), may 125 milyong kababaihan (bata at matanda) ang
biktima ng Female Genital Mutilation (FGM) sa 29 na bansa sa Africa at Kanlurang Asya. Napatunayan ng
WHO na walang benepisyong-medikal ang FGM sa mga babae, ngunit patuloy pa rin ang ganitong uri ng
gawain dahil sa impluwensya ng tradisyon ng lipunang ginagalawan. Ano kaya ang layunin ng gawaing
ito?
A. Mapanatili ang hugis ng katawan ng babae hanggang siya ay maikasal.
B. Mapanatili na walang bahid dungis ang babae hanggang siya ay maikasal.
C. Mapanatili ang kalinisan ng katawan ng babae hanggang siya ay maikasal.
D. Mapanatili ang kalusugan ng katawan ng babae hanggang siya ay maikasal.
17. Dumating ang mga Hapones sa Pilipinas noong pagsiklab ng Ikalawang Digmaang Pandaigdig. Ang
mga kababaihan sa panahong ito ay kabahagi ng kalalakihan sa paglaban sa mga hapones. Ano ang
ipinapakita nito?
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION X – NORTHERN MINDANAO
SCHOOLS DIVISION OF EL SALVADOR CITY

A. Ang mga babae ay magaling sa digmaan.


B. Kayang gawin ng babae ang ginagawa ng lalaki.
C. Pantay ang karapatan ng babae at lalaki tuwing digmaan lamang.
D. Nagpapakita ng pagmamahal sa bayan ang mga kababaihan noong panahon ng Hapones sa
Pilipinas.

18. Ang oryentasyong seksuwal ay tumutukoy sa kakayahan ng isang tao na makaranas ng malalim na
pakikipagrelasyon sa taong ang kasarian ay maaaring katulad ng sa kanya, iba sa kanya, o kasariang
higit sa isa. Ano ang tawag sa oryentasyong seksuwal na kung saan ang isang tao ay nakararamdam ng
atraksyon sa dalawang kasarian?

A. Asexual
B. Bisexual
C. Heterosexual
D. Homosexual
19. Ito ay tumutukoy sa biyolohikal at pisyolohikal na katangian na nagtatakda ng pagkakaiba ng babae
sa lalaki. Ito rin ay maaaring tumutukoy sa gawain ng babae at lalaki na ang layunin ay reproduksyon ng
tao.
A. Sex
B. Gender
C. Feminine
D. Masculine
20. Ito ay anomang pag-uuri, eksklusyon o restriksyon sa kasarian na naglalayono naging sanhi ng hindi
pagkilala, paggalang, at pagtamasa ng mga babae ng kanilang mga karapatan o kalayaan.
A. Pang-aabuso
B. Diskriminasyon
C. Pagsasamantala
D. Pananakit
21. Ang mga sumusunod ay kilalang mga babae, lalaki, at LGBT sa iba’t ibang larangan sa bansa at maging
sa buong mundo. Ito ay isang pagpapatunay na ang bawat isa sa kanila ay may kanya-kanyang angking
kakayahan. Sino sa kanila ang gumawa ng iPhone, iPad, at iba pang Apple products. Bago paman
napunta ang Apple Corporation sa kanya ay nagtrabaho rin siya sa Compaq at IBM, at mga kompanyang
may kinalaman sa computers.
A. Charo Santos-Concio
B. Tim Cook
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION X – NORTHERN MINDANAO
SCHOOLS DIVISION OF EL SALVADOR CITY

C. Anderson Cooper
D. James Cooper
22. Siya ay Chair, Presidente, at CEO ng Lockheed Martin Corporation, na kilala sa paggawa ng mga armas
pandigma at panseguridad, at iba pang mga makabagong teknolohiya. Sa mahigit 30 taon niyang
pananatili sa kompanya, naitalaga siya sa iba’t ibang matataas na posisyon. Taong 2017 siya ay
napabilang sa Manufacturing Jobs Initiative sa Amerika.
A. Anderson Cooper
B. Ellen Degeneres
C. Geraldine Roman
D. Marillyn A. Hewson
23. Ang batas na “Anti-Homosexuality Act of 2014” ay isang ebidensya ng diskriminasyon at karahasan sa
LGBT na inulat ng United Nations Human Rights Council noong 2011. Ano ang ibig sabihin ng batas na
ito?
A. Pagbabawal na makipag-usap sa magkaparehong kasarian.
B. Pagbabawal na magbigay puna sa magkaparehong kasarian.
C. Pagbabawal na makipagkaibigan sa magkaparehong kasarian.
D. Pagbabawal na makipagrelasyon sa magkaparehong kasarian
25. Ang footbinding ay tradisyon na sa bansang China. Sa panunungkulan ni Sun Yat Sen ay tinanggal ito
dahil sa di-mabuting dulot ng tradisyon na ito. Anong taon ito tinanggal?
A. 1910
B. 1911
C. 1912
D. 1913
26. Ito ay ang karahasang nag-uugat sa kasarian na humahantong sa pisikal, seksuwal, o mental na
pananakit o pagpapahirap sa mga kababaihan, kasama na ang mga pagbabanta at pagsikil sa kanilang
kalayaan.
A. Violence against women
B. Violence against women and their children
C. Violence against women and their husband
D. Violence against women and their whole family

27. Bawat bansa ay may kanya-kanyang kaugalian o tradisyon na nakasanayan ng gawin maging ito man
ay nagkakaroon ng mabuti at hindi mabuting epekto. Isa na dito ay ang tinatawag na breast flattening o
breast ironing. Ilang rehiyon ng Cameroon, Africa ang gumagawa ng ganitong tradisyon o kaugalian?
Republic of the Philippines
Department of Education
REGION X – NORTHERN MINDANAO
SCHOOLS DIVISION OF EL SALVADOR CITY

A. 4
B. 6
C. 8
D. 10
28. Ano ang tawag sa anumang uri ng pang-aabusong tinamo ng isang tao mula sa kanilang kinakasama,
kasal man o hindi?
A. Domestic Violence
B. Family Violence
C. Matriarchal Violence
D. Patriarchal Violence
29. Isa sa masakit na katutuhanan ay walang malinaw na bilang kung ilan sa mga kalalakihan ang naging
biktima ng nasabing pang-aabuso. Ano ang dahilan nito?
A. Dahil pinoproteksyonan ng lalaki ang kanyang pamilya laban sa kahihiyan.
B. Dahil ang mga lalaki ay takot sa kanilang asawa kaya hindi sila nagsusumbong.
C. Dahil ang mga lalaki ay nahihiyang magkuwento ng kanilang mapait na karanasan.
D. Dahil mahal ng lalaki ang kanyang asawa kaya pinili niyang manahimik na lamang.

30. Ito ay anumang gawain na umaabuso sa karapatan ng mga kalalakihan sa kanilang pisikal,
emosyonal, at mental na kayarian.

A. Karahasan laban sa mga kalalakihan


B. Karahasan laban sa mga kalalakihan kasama ang kanilang asawa
C. Karahasan laban sa mga kalalakihan kasama ang kanilang mga anak
D. Karahasan laban sa mga kalalakihan kasama ang kanilang buong pamilya

You might also like