Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

Filipino

Baitang 7 • Yunit 2: Kuwentong-bayan: Salamin sa Kaugalian at Kalagayang Panlipunan ng


r na Pinagmulan Nito

Gabay sa Pagwawasto

Aralin 2.4. Ang Kaugnayan ng Kuwentong-bayan sa


Lipunan at Panitikang Pilipino
Simulan

Panoorin at Suriin natin!


Panuto
Gamit ang Youtube, hanapin ang Kwentong bayan na ang pamagat ay “Nakalbo ang
Datu”, panoorin ito at subukin na sagutin ang mga katanungan ukol dito.

Pagtatatwa: maaaring gamitin ang link na ito upang mapanood ang bersiyon na isina-tinig
ni G. John Dave Cavite.

Mga Gabay na Tanong


1. Ibigay ang mga kultura at tradisyon ng mga kababayan nating muslim ang malinaw
na naipakita sa kuwento? Ang pag-aasawa ng mga lalaking muslim nang higit sa isa.
2. Ano sa tingin mo ang suliranin na kinaharap ng Datu upang siya’y humantong sa
pagkakakalbo? Ang paraan ng pagpapakita ng pagmamahal ng kanyang dalawang
asawa.
3. Pagkumparahin ang tradisyon ng mga muslim sa tradisyon na iyong nakamulatan sa
pamamagitan ng pie graph. Iba-iba ang maaaring maging kasagutan ng mag-aaral.

Sagutin

1
Filipino

Baitang 7 • Yunit 2: Kuwentong-bayan: Salamin sa Kaugalian at Kalagayang Panlipunan ng


r na Pinagmulan Nito

Sagutin ang sumusunod na tanong:


1. Ano ang kaugnayan ng kuwentong-bayan sa lipunan at panitikang Pilipino? Matibay na
bigkis nito na simbolo ng ugnay ng dalawa kung saan ipinakikita ang realidad ng buhay sa
pamamagitan ng masining na pagsasalaysay.
2. Isa-isahin ang mga kahalagahan ng kuwentong-bayan na natalakay. nagtuturo ng etika at
pagpapahalaga, nagpapakita ng sinaunang kasaysayan at lipunan ng bansa, nagpapatunay
na mayaman at patuloy pang umuunlad ang panitikan ng bansa, nagbibigay-aliw, at tanda
ng pagpapahayag at protesta sa Panitikang Pilipino.
3. Bilang mag-aaral, paano mo nakikita ang kahalagahan ng kuwentong-bayan sa iyong
buhay-pag-aaral? Maaari ko itong magamit sa pagpapalawak ng pang-unawa at respeto sa
kultura, tradisyon at pamumuhay ng aking mga kapwa na nasa iba-ibang pook.

Subukan Natin
Sagutin ang sumusunod na mga tanong:
1. Paano masasabing patuloy na umuunlad ang panitikang Pilipino?Habang may umiibig sa
sining at panulat ay hindi mamamatay ang panitikan. Patuloy itong yayabong hanggang nais
ng tao na ilabas ang kaniyang nadarama.
2. Paano napagdudugtong ng panitikan ang mga nangyari sa nakaraan hanggang sa
kasalukuyan?Ang panitikan ay maaaring naisasabibig o kaya ay naisusulat. Ang mga ito ay
nagpapasalin-salin sa mga henerasyon kung kaya napagdudgtong ang nakaraan at ang
kasalukuyan.
3. Paano nakapagtuturo ng etika at pagpapahalaga ang kuwentong-bayan? Patunayan ang
sagot.Ipinakikita ng kuwentong-bayan ang balanseng sitwasyon ng buhay, pangit man ito o
magandang ugali ay tinatalakay kung kaya nakapagtuturo ito ng etika at pagpapahalaga sa
buhay.

Isaisip Natin

2
Filipino

Baitang 7 • Yunit 2: Kuwentong-bayan: Salamin sa Kaugalian at Kalagayang Panlipunan ng


r na Pinagmulan Nito

Bakit sinasabing sinasalamin ng panitikan ang buhay at maging ang buong lipunan?
Patunayan ang sagot. Gaya nga ng mga nabanggit, ang panitikan ang salamin ng buhay,
sapagkat isinasatitik at isinasalita ng tao ang mga nagaganap sa buhay atkaniyang paligid.

Pag-isipan Natin
A. I-hashtag mo!
Panuto: Gamit ang hashtag, ipahayag ang para sa iyo ay pinakamahalagang bahagi ng
kuwentong-bayan sa ating lipunan at Panitikang Pilipino. Susugan ng
pagngangatwiran ang iyong hashtag.

Katwiran:
Iba-iba ang maaaring maging kasagutan ng mag-aaral.

B. Saliksikin mo!
Panuto: Sumulat ng pagpapatunay na ang kuwentong-bayan ay salamin ng tradisyon
o kaugalian ng lugar na pinagmulan nito. Magsaliksik ng ilan pang halimbawa ng
kuwentong-bayan sa ating bansa at isa-isahin ang mga isinasalamin nitong
impormasyon. Sundin sa pagsasagot ang balangkas na nasa ibaba.

Iba-iba ang maaaring maging kasagutan ng mag-aaral.

You might also like