Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 15

Republic of the Philippines

Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN

MASUSING BANGHAY ARALIN sa Araling Panlipunan


Grade 10: MGA KONTEMPORARYUNG ISYU

Paaralan: ROXAS NAT’L COMPREHENSIVE HS Baitang/Antas: Grade 10


GRADES K1-12 Guro: CCRIZZLL HANNAH M. PABILLORE Asignatura: AP- MGA KONTEMPORARYUNG ISYU
Petsa: FEBRUARY 20, 2023 Markahan: Ikatlong Markahan
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Ang mag-aaral ay nakagagawa ng mga malikhaing hakbang na nagsusulong ng pagtanggap at
Nilalaman paggalang sa iba’t ibang kasarian upang maitaguyod ang pagkakapantay-pantay ng tao bilang
kasapi ng pamayanan.

B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay may pag-unawa sa mga epekto ng mga isyu at hamon na may kaugnayan sa
Pagganap kasarian at lipunan upang maging aktibong tagapagtaguyod ng pagkakapantay-pantay at
paggalang sa kapwa bilang kasapi ng pamayanan.

C. Pamantayan sa Natatalakay ang mga uri ng kasarian (gender) at sex at gender roles sa iba’t ibang bahagi ng
Pagkatuto daigdig.

D. Kasanayan sa Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


Pagkatuto/ Mga tiyak
na layunin 1. Natutukoy ang mga uri ng sekswalidad at gender.
2. Nailalarawan sa pamamagitan ng iba’t-ibang presentasyon ang mga uri ng sekswalidad
at gender.
3. Nabibigyang puna ang mga uri ng sekswaliad at gender.

II. NILALAMAN A. Paksa: MGA URI NG SEKSUWALIDAD AT GENDER

B. Kagamitan: LED TV, power point presentations, mga larawan, Laptop, kartolina, colored
papers, pentel pens at iba pang pantulong na biswal

C. Sanggunian:1. Araling Panlipunan 10: Mga Kontemporaryung Isyu (LM)


2. Araling Panlipunan 160: Mga Kontemporaryung Isyu (TM)
Kagamitang Panturo
A. Sangunian Araling Panlipunan 10: Mga Kontemporaryung Isyu
1. Mga pahina sa
gabay ng guro
2.Mga pahina sa LM, pahina 8-9
kagamitang pang-
mag-aaral
3. Mga pahina sa
teksbuk
4.Karagdagang :
kagamitan mula sa
portal learning
resource
GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL
III. PAMAMARAAN
Pang araw-araw na Panalangin
gawain Bago tayo magsimula ay inaanyayahan ko
ang lahat na tumayo para sa ating
(2 minutes) panalangin.

Angel pangunahan mo ang ating panalangin.


(Tatayo ang lahat at mananalangin)

Pagbati
Magandang umaga din po!

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN
Magandang umaga sa inyong lahat!

Pagpuna sa Paligid
Bago maupo ang lahat, pulutan ang mga kalat
sa ilalim o paligid ng inyong upuan, at ilagay
sa inyong bulsa dahil mayroong panuntunan
ang ating paaralan na kalat mo? Bulsa/uwi mo!
(Susunod ang mga mag-aaral)

Kung wala na, maaari na kayong maupo.

Pagtala ng liban sa klase Wala po.


May liban ba sa ating klase ngyong araw?

Kung ganon ako’y nagagalak sapagkat


walang lumiban sa inyo sa araw na ito.

Pagkuha ng Takdang Aralin


May iniwan ba akong gawain sa inyo tungkol Wala po
sa ating huling tinalakay?

Kung ganoon, ihanda ninyo ang inyong mga


sarili para sa ating gawain at talakayan
ngayong araw.
a. Balik-aral sa Gawain 1-QUESTION AND ANSWER
nakaraang aralin PORTION!

(5 minutes) Patungkol nga saan ang ating paksang huling


tinalakayan?
Ma’am tungkol po sa sex, gender, at sexuality

Salamat, Gevy, Ano naman ang pagkakaiba


ng Gender, Sex at Sexuality?
Ang gender po ay iba’t-ibang persepsyon at
hindi nakabatay sa kung anong sexual o
reproductive organs mayroon ang isang
indibidwal. Ang sex naman po ay tumutukoy sa
bityolohikal na katangian ng sang tao at ang
sexuality po ay minsan nakabase po a kultura,
pagpapalaki at imoluwensya ng kaibigan at
media.
Maraming salamat, palakpakan natin si Jevy.
Karagdagang kasagutan, Jephunneh?
Ma’am ang gender po ay isang pangkulturang
kategorya, ang sex naman po ay nauuri lamang
sa dalawa, ang lalaki at babae samantalang
ang seksuwalidad naman po ay ito yung
seksuwal na oriyentasyon o seksuwal na
Salamat, palakapakan natin si Jephunneh atraksyon sa iba.
Ako’y natutuwa sapgkat inyong at naalala at
natutunan. Malinaw na ba klas ang huling
paksang tinalakay?

Handa na ba kayo para sa ating panibagong Opo ma’am


paksa?

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN
Opo ma’am
B. Paghahabi sa Gawain 2: ANO ITO?
layunin
Kung gayun ay magkakaroon ulit tayo ng
(5 minutes) panibagong gawain na tatawagin nating,
pakibasa nga ng saby-sabay.
Ano ito?
Para sa panuto pakibasa nga ng may
katamtamang lakas Winz
Panuto: Hatiin ang klase sa 3 pangkat at buuin
ang mga salita upang magkaroon ng ideya sa
ating paksang tatalakayin.

Unang pangkat- RIU


Ikalawang pangkat- SKSUEWADLIDA
Ikatlong pangkat-EDERGN

Salamat! Dito sa kanang bahaging ang unang


angkat, sa gintang bahagi ang pangalawang
pangkat at dito sa kaliwa ang ikatlong
pangkat. Ang pangkat na tapos na ay
pumalakpak at idikit sa pisaa ang inyong
sagot. Meron lamang kayong dalawang
minuto para gawin ito. Naunawaan ba kla?
Opo ma’am!
Kung ganoon, simulan na ang gawain.

Klas tapos na ang aking itinakdang oras.


Maari na kayong bumalik sa inyong mga
upuan.

Alamin na natin ang inyong mga naging


sagot. Para unang pangkat tama ba na uri
ang nabuong nilang nilang salita? Opo ma’am!

Magaling! ito ay ang salitang uri, sa


pangalawang pangkat naman ang kanilang
nabuong salita ay seksuwalidad, tama kaya
na ito ay seksuwalidad? Opo!

Mahusay, ito ay seksuwalidad at para ikatlong


pangkat gender ang nabuo nila, at tama na ito
ay gender. Ngayon klas base dito sa mga
nabuo niyong mga salit patungkol saan kaya
ang ating magigigng paksa ngayon araw? Ma’am patungkol po sa Mga uri ng
Seksuwalidad at Gender

Magling, tatlong bagsak na palakpak para kay


Faith. Ngayon narito ang ating mga layunin na
kailangang nating maisakatuparan bago
matapos ang ating talakayan, pakibasa nga
ng may katamtamang lakas April Layunin:
1. Natutukoy ang mga uri ng sekswalidad
at gender.
2. Nailalarawan sa pamamagitan ng iba’t-
ibang presentasyon ang mga uri ng
sekswalidad at gender.
3. Nabibigyang puna ang mga uri ng

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN
sekswaliad at gender.

Ngayon klas base dito sa ating layunin ay


nais kong bumuo kayo ng mga katanungan
nan ais niyong masahot o matutunan bago Ma’am Ano po yung mga uri ng seksuwalidad
matapos ang ating talakayan. Sino at gender?
makapagbibigay sa akin ng tanong na
nagsisimula sa Ano?

Ma’am paano malalaman kung saan kabilang


Magandang katanungan, sino naman ang isang tao sa mga uri ng seksuwalidad at
makapagbibigay sa aking ng tanong na gender?
nagsisimula sa Paano?

Bakit po kailang malaman ang mga uri ng


seksuwalidad at gender?
Salamat, sa tanong naman na Bakit?

Wala na po

Maraming salamat, meron po pang nais


dumagdag ng tanong?

Kung kayo ay may mga katnungan, ako ay


may mahalaga ding tanong sa inyo na
kailangan niyong masagot sa pagtatapos ng Mahalagang Tanong:
ating talakayan, pakibasa nga ng sabay- Bakit mahalagang pag-aralan ang mga uri ng
sabay at may katamtamang lakas seksuwalidad at gender?

Opo ma’am!

Ngayon handa na ba kayo sa ating susunod


na mga gawain?

C. Pag-uugnay ng Gawain 3: Anong Connect!


mga halimbawa sa Magkakaroon ulit tayo ng isang pangkatang
bagong aralin gawain na tatawagin nating pakibasa nga ng
sabay-sabay at para sa panuto pakibasa nga
(5 minutes) Jadai
ANONG CONNECT?
Panuto: Bawat pangkat ay suriin ang larawan at
kumpletuhin ang patlang kung saang o sa ilang
kasarian nagkakaroon ng seksuwal na
atraksyon ang isang tao at kung wala nga ba.
Pagtapos sumagot ay pumalakpak lamang
ang inyong pangkat at idikit dito sa pisara ang
inyong sagot, bibgyan ko lamang kayo ng
dalawang minutopara gawin ito, naunawaan
ba ang ating panuto klas?
Opo
Kung ganoon simulant na ang gawain.

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN

Unnag pangkat

Atraksyong seksuwal sa ___________ ____ ng


kasarian.
Ikalawang pangkat

Atraksyong seksuwal sa _________________


____ ng kasarian
Ikatlong pangkat

____________ seksuwal na atraksypn sa iba

Natapos na ang aking itinakdang oras, idikit


na inyong mga sagot sa pisara. Ngayon
alamin natin kung nasagot niyo ba ang
hinahanap sa patlang. Para sa uang pangkat
ang kanilang nabuo ay atraksyon sa

Okey, mahusay meron pa ba kayong


katanungan klas sa ating gawain?
Wala na po
D. Pagtalakay ng Gawain 4: GUESS ME! GUESS ME!
bagong konsepto at
paglalahad ng Kung ganoon, magkakaroon tayo ng
bagong kasanayan panibagong gawain na tatawagin nating
#1 pakibasa nga ng lahat at para sa panuto
pakibasa nga Divan
(6 minutes) GUESS ME! GUESS ME!
Panuto: Hatiin ang klase sa 5 pangkat at
buuhin ang salita patungkol kung saang uri ng
sekswalidad at gender napapabilang ang nasa
larawan.

Unang Pangkat

H__T__S_____LITY

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN

Pangalawang Pangkat

H__T__S_____LITY
Pangatlong Pangkat

B____SE______ITY
Pang-apat na Pangkat

P ________SE_____ITY
Panglimang Pangkat

A__S____XU_____TY
Salamat, Papangkatin ko ang klase sa limang
pangkat at kumpletuhin ang nawawalang letra
upang mabuo ang salita at pagkatapos
mabuo ay idkit sa harap ang inyong nabuong
salita, bibigyan ko lamang kayo ng dalawang
minuto para gawin ito, naunawaan ba nag
panuto klas?
Opo!
Okey klas natapos na ang itinakdang oras,
alamin na natin kung tama nga ba ang inyong
mga salitang nabuo patungkol sa larawan.
Para sa unang pangkat ang kanilang nabuo
ay Heterosexuality, tama nga ba?
Opo ma’am!
Okey, tama, palakpakan natin ang unang
pangkat. Bakit ito naging Heterosexuality,
Jessa?
Dahil po ma’am makikita sa larawan si Marian
Rivera na kung saan nagkakagusto o
nagkakaroon lang sya ng atraksyon sa
kasalungat niyang kasarian o sa lalaki lang po.
Okey tama tatlong bagsak na palakpak para
kay Jessa. Para naman sa pangalawang
pangkat tama ba na ang nabuo nilang salita
ay Homosexuality?
Tama din po ma’am

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN
Magaling, palakpakan din natin. Bakit kaya
ang mga taong ito ay kabilang sa
Homoseuality, Lea?
Ma’am dahil po yung mga tao po na ito y
nagkakagusto o nagkakaroon po ng atraksyon
sa kapareho nilang kasarian gaya po nila Awra
at Vee
Tatlong bagsak din palakpak. Para sa ikatlong
pangkat Bisexuality, tama ba?
Tama po ma’am
Mahusay tama din, sa ikaapat na pangkat
naman tama din ba na ito ay Pansexuality?
Ma’am tama din po
Tama, bakit kaya?
Dahil po ipinapakita po sa larawan na hindi lang
po sa iisang uri ng kasarian nagkakagusto o
nagkakaroon ng atraksyon kundi po sa higit sa
marami pong mga kasarian.
Palakpakan din natin, para naman sa
ikalimang pangkat, asexuality ang kanilang
nabuo, tama kaya?
Tama po ma’am

Mahusay, bakit naman ito naging asexuality?


Ma’am dahil po base sa larawan hindi po
nakakaramdam ng atraksyon sa kahit
kaninuman.
Magaling palakpakan din natin. Ngayon klas
nalaman niyo na ang mga uri ng
seksuwalidad at gender, mayroon pa ba
kayong nais linawin sa ating naging gawain?
Wala na po
E. Pagtalakay ng Gawain 5: TALENTADONG GRADE 10!
bagong konsepto at
paglalahad ng Kung wala na, ngayon ay magkakaroon ulit
bagong kasanayan tayo ng pangkatang gawain na pinamagatang
#2 pakibasa ng lahat, at para sa panuto pakibasa
mo nga Gerald
(15 minutes)
TALENTADONG GRADE 10!
Panuto: Hatiin ang klase sa 3 pangkat at
gumawa ng malikhaing presentasyon na
naglalarawan sa mga uri ng seksuwalidad na
nakatalaga sa inyo.
Ang inyong magiging kagrupo ay ang inyong
kagrupo din kanina sa ating unang gawain at
gagawa kayo ng isang malikhaing
presentasyon, para sa unang pangakat ang
gagawan niyo ng presentasyon ay patungkol
sa homosexuality at heterosexuality, sa
ikalawang pangkat naman at bisexuality at
pansexuality at sa ikatlong pangkat ay
asexuality. Narito naman ang ating
pamantayan sa pagpupuntos pakibasa nga
klas
MGA PAMANTAYAN SA PAGBIBIGAY NG
PUNTOS

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN
May kaugnayan sa paksa-----------------10
May pagkakaisa at disiplina-------------5
Maayos ang presentasyon---------------5
Natapos sa takdang oras-----------------5
Kabuuan------------------------------------------------25
Bibigyan ko laman kayo ng tatlong minuto
para makapaghanada, at tatlong minuto
naman sa presentasyon, isulat ang pangalan
ng bawat miyembro ng grupo, naunawaan ba
ang ating panuto klas?
Opo!
Kung gayon, maari na kayong pumunta sa
inyong kinabibilangan pangkat. 1,2,3,go!

Okey klas natapos ang itinakdang oras,


maupo na ang lahat at atin ng tunghayan ang
presentasyon ng unang pangkat!
(magprepresenta ang unang pangkat)
Okey, mahusay klas bigay natin ng isang
Congratulations klas ang unang pangkat!
(isasagawa)
Okey, ngayon naman tunghayan natin ang
presentasyon ng ikalawang pangkat!
(magprepresenta ang ikalawang pangkat)
Okey, magaling klas bigyan natin ng I like this
one klap ang ikalawang pangkat!
(isasagawa)
Ngayon klas tunghayan naman natin ang
presentasyon ng ikatlong pangkat!
(magprepresenta ang ikatlong pangkat)
Okey, klas bigyan natin ng Darna klap ang
ikatlong pangkat!
(isasagawa)
Ngayon ay dadako na tayo sa pagbibigay ng
puntos, ang unang pangkat ay nakakuha ng
25 na ppuntos, pangalawang pangkat ay
nakakuha din ng 25 ng puntos at ganoon din
ang ikatlong pangkat.

Klas palakpakan ninyo ang inyong mga sarili


dahil sa mahusay na presentasyon na inyong
ipinakita!
(isasagawa)
Okey, klas meron pa ba kayong katanungan
patungkol sa ating nakalipas na gawain?
Wala na po!
Kung wala na, tayo ay magpatuloy.
F. Paglinang sa Gawain 6: FAST TALK!
kabihasaan (Tungo
sa Formative Ngayon ay mayroon ulit tayong gagawin at ito
Assessment) pinamagatan kong pakibasa ng klas at para
sa panuto pakibasa mo nga Mica
(8 minutes) FAST TALK!
Panuto: Sabihin kung anong uri ng
seksuwalidad ang pahayag napapabilang.
Mayroon akong mga pahayag o pangugnusap
na inihanda dito klas, ang gagawin niyo ay
babasahin at sasagutin kung anong uri ng

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN
seksuwalidad ito.

Naunawaan ba klas?
Opo ma’am!
Okey, para sa unang pahayag, Jim pakibasa
at pakisagutan at ipaliwanag.
1. Atraksyon ng isang tuwid na lalaki (straight)
sa isang tuwid na babae (straight) at vice versa.

Ma’am Heterosexuality po dahil po ma’am sa


kasalungat o opposite na kasarian
nagkakagusto o nagkakaroon ng atraksyon ang
isang tao.

Tama, palakpakan natin si Jim, para naman


sa ikalawang pahayag Lea 2. Bakla (gay) o yaong may atraksyong
seksuwal sa kaparehong lalaki at tomboy
(lesbian) o yaong may atraksyon sa
kaparehong babae.

Ito po ay Homosexuality ma’am dahil yung


atraksyon nya po ay sa parehas na lalaki o
kaparehas din pong babae.

Bigyan natin ng isang bagsak na palakpak si


Lea, at para sa ikatlong pahayag ay ikaw Ara 3. Naakit sa babae at/o lalaki.

Ma’am ito po ay tumutukoy sa bisexuality po


dahil sa dalawang kasarian po, sa babae at
lalaki po nagkakagusto o nagkakaroon ng
atraksyon.

Mahusay! Tatlong bagsank naman na


palakpak para kay Ara. Sa pang-kat na
pahayag ay Kieven, ano uri ng seksuwalidad
ito at bakit? 4. Gender blind at hindi mahalaga ang gender
at kasarian sa atraksyong seksuwal sa halip
bukas sa pakikipagrelasyon sa mga hindi tuwid
(not straight) na lalaki o babae.

Pansexuality po ito ma’am dahil open po sa


kahit anong gender at wala pong pinili kung
saan po magkakagusto ay okey lang po kung
mapa babae, lalaki, bakla, tomboy o
transgender man po.

Salamat, bigyan natin ng barangay klap si


Kieven at para sa panglima ay si Jada 5. Hindi aktibo sa gawaing seksuwal (sexually
inactive) o walang seksuwal na pagnanasa.

Asexuality po ma’am dahil po walang interes o


walang kahit anong araksyon na
nararamdaman po sa kahit kanino.

Plakpakan din natin si Jada. Nauunawaan na


ba klas ang mga uri ng seksuwalidad klas? Opo ma’am!
G. Paglalapat ng Gawain 7: OPINYON MO, IBAHAGI MO!
aralin sa pang-araw-

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN
araw na Gawain. Kung ganoon pakibasa nga ng saby-sabay
ang ating susunod na gagawin
(5 minutes)
OPINYON MO, IBAHAGI MO!

Panuto: Ibigay ang saloobin/opinyon sa mga


usapin/batas na isinusulong ukol sa
sekswalidad at gender.
Mayroon akong inihandang mga usapin o
batas na isinusulong sa senado at nais kong
malaman ang inyong mga opinion ukol dito.
Okey, nauunawaan ba ng panuto klas?
Kung ganoon, para sa una pakibasa nga ng
lahat

(babasahin ng mga mag-aaral)

SAME SEX MARRIAGE


Ano ang inyong opinion ukol dito, payag ba
kayo na maisabatas ito? Bakit?

Itaas ang kamay ng mga sumasang-ayon,


itaas din ang kamay ng mga hindi sumang-
ayon
(itataas ng kamay ang mga mag-aaral)
Sa mga sumang-ayon, ano ang inyong mga
dahilan? Ira?
Sang-ayon po ako dahil di naman po natin
mapiigilan kung ano ang gusto nila at doon
siala masaya.
Okey, karagdagan James?
Payag din po ako ma’am buhay o nila yun at
sariling desisyon at sino naman po tayo parap
igilan kung ano yung makapagpapasaya sa
mga LGBTQ+
At para naman sa mga hindi sumasang-ayon,
ano ang inyong mga dahilan?
Ma’am dahil sabi po sa Bible lalaki at babae
lang po at wala na po ibang iba
Karagdagan, Kyle?
Dahil po ma’am hindi po sila magkaanak at
parehas po sila ng kasarian gaya ng parehas
na lalaki at babae at labag po ito sa relihiyon.
Salamat! Anon ama ang opinyon mo Ara?
Ako naman po ma’am sa gitna lang po payag
po na hindi
Samat Ara! Para naman sa pangnalawang
usapin, pakibasa nga
SEXUAL ORIENTATION AND GENDER
IDENTITY EXPRESSION EQUALITY BILL
(SOGIE BILL)
Alam niyo ba ang SOGIE Bill na tinatawag?

Ang SOGIE Bill ay isang batas na isinusulong


ngayon sa senado, ito patungkol sa
pagwawakas ng diskriminasyon at batas na
magpoprotekta sa mga karapatan ng
LGBTQ+, dito nakapapaloob ang

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN
pagpapahintulot at pagrespeto sa mga
LGBTQ+ na Malaya nilang maipakita, at
maipahayag ang kanilang seksuwal na
orientasyon ng hindi nahuhusgahan ng ibang
tao. Ngayon ang tanong ko sa inyo klas,
payag ba kayo na maisabatas ito?
Ako po ma’am okey lang po sa akin para po
malaya na po ma-express ng mga LGBTQ+
yung mga sarili nila o yung seksuwal nilang
oriyentasyon ng hindi po nahuhusgahan at
nakakaranas ng diskriminasyon.
Maraming salamat, Iba pang opinyon?
Wala na po!
Bawat isa atin klas ay iba-iba ng opinyon
pagdating sa mga usapi na ito, ng mahalaga
kahit magkakaiba tayo ng paniniwala at
perspektibo nandoon pa rin yung respeto sa
bawat isa at kahit hindi man tayo sang-ayon
sa mga LGBTQ+ hindi ibigsabihin ay hindi na
natin sila bibigyan ng pagpapahalaga.
Ngayon ang tanong ko sa inyo ay paano niyo
ipapakita ang pagpapahalaga sa bawat uri ng
seksuwalidad?
Sa pamamagitan po ng pagrespeto sa kanila o
sa bawat uri ng seksuwalidad at gender.
Tama! Paano pa?
Tratuhin po sila ng maayos at ipadama po sa
kanila na mahalaga po sila.
Magandang kasagutan, karagdagan?
Huwag po silang husgahan
Magaling! Mayroon pa ba kayong katanungan
klas nan ais linawin?
Wala na po!
H. Paglalahat ng Gawain 8: KATEGO-LIST
aralin
Kung wala na magkakaroon ulit tayo ng isa
(3 minutes) gawain na pinamagatang pakibasa nga ng
lahat at para sa panuto pakibasa mo nga ng
may katamtamang lakas Chad
KATEGO-LIST

Panuto: Isulat kung saang kategorya ng


napapabilang ang mga uri ng seksuwalidad.
Salamat! Tatawag ako ng pangalan na
sasagot at magsusulat harap, naunawaan ba
ang panuto klas?
Opo ma’am!
Para sa bisexuality, saan kaya ito kabilang?
Atraksyon sa isang uri ng kasarian
1.__________________________
2. __________________________
Atraksyon sa iba’t-ibang uri ng kasarian
1. __________________________
2. __________________________

Walang atraksyon sa kaninuman


1. __________________________

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN
Para sa bisexuality, saan kaya ito kabilang?
(isusulat ng mag-aaral ang sagot sa harap)
Tama ba na ang bisexuality ay kabilang sa
atraksyon sa isang uri ng kasarian?
Opo!
Tama! palakpakan natin, para naman sa
asexuality?
(isusulat ng mag-aaral ang sagot sa harap)
Tama ba ang sagot nya ay walang atraksyon
sa kaninuman?
Opo ma’am!
Magaling! para naman sa homosexuality?
(isusulat ng mag-aaral ang sagot sa harap)
Tama! ito ay kabilang sa atraksyon sa isang
uri ng kasarian. Ang pansexuality naman
saan kabilang?
(isusulat ng mag-aaral ang sagot sa harap)
Walang atraksyon sa kaninuman ay tama!
Palakpakan natin at panghuli ay
heterosexuality, saan kaya ito kabilang?
(isusulat ng mag-aaral ang sagot sa harap)
Sagot nya ay sa atraksyon sa isang uri ng
kasarian ay tama din! palakpakan natin sya!

Ngayon ay sagutin muna natin ang


mahalagang tanong, bakit mahalagang pag-
aralan ang mga uri ng seksuwalidad at
gender?
Ma’am para po maunawaan po ang bawat uri
ng seksuwalidad at gender
Tama! Ano pa?
Upang makilala po namin ang aming mga sarili
ng lubusan at halaga at respeto ang bawat uri
ng seksuwalidad at gender.
Salamat, napakagandang sagot,
karagdagan? Wala na po!

Kung wala na, meron pa ba kayong mga


katanungan o nais linawin patungkol sa ating
paksang tinalakay ngayong umaga? Wala na po ma’am!

Ako’y natutuwa sapagkat nauunawaan nyo na


ang ating paksang tinalakay ngayong umaga.

At ng dahil dyan kumuha kayo ng sangkapat


na bahagi ng papel at ihanda ang inyong sarili
para sa ating maiksing pagsusulit! (susunod ang mga mag-aaral)
I. Pagtataya ng aralin Mar Vincent, pakibasa ang panuto para sa
ating pagtataya.
(4 minutes) Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat
ito sa sagutang papel.
Maaari na niyo ng sagutan ang inyong
pagsusulit. 1. Ito ay atraksyong sekswal sa anumang uri ng
kasarian.
A. Bisexuality
B. Pansexuality
C. Homosexuality
D. Heterosexuality

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN

2. Ang mga sumusunod ay tumutukoy sa


tamang pakahulugan sa mga uri ng sekswaliad,
MALIBAN sa?
I. Ang heterosexual ay atraksyong
seksuwal sa kaparehong kasarian
II. Homosexuality ay atraksyong seksuwal
sa kasalungat na kasarian (opposite
sex)
III. Pansexuality ay atraksyong seksuwal
sa anumang uri ng kasarian.
IV. Ang asexuality ay walang atraksyon o
pagnanasa sa kahit anong kasarian o
kanino man
A. I, II B. II, III C. III, IV D. I, II, III, IV

3. Heterosexuality at Homosexuality ay
kabilang sa?

A. Atraksyon sa isang uri ng kasarian


B. Atraksyon sa iba’t-ibang uri ng kasarian
C. Walang aktrasyon sa kaninuman
D. Lahat ng nabanggit
4. Alin sa mga sumusunod ang naglalarawan
sa Bisexuality?
A. Si Jay na atrakted at laging kinikilig
tuwing nakikita si Jom
B. Gustong-gusto ni Ralph si Aria kaya
masugid siyang nanliligaw dito araw-
araw
C. Parehas na gusto ni Rey sina Mark at
Jema kaya hindi niya alam kung kanino
siya makikipag-date sa araw ng mga
Puso.
D. Para kay Nina hindi basehan ang
kasarian kung kanino siya
magkakagusto o magkakaroon ng
seksuwal na atraksyon.

5. Paano mo maipapakita ang pagpapahalaga


sa bawat uri ng seksuwalidad at gender?
A. Sa pamamagitan ng pagrespeto at
pagtanggap sa bawat isa anuman ang
kanilang seksuwalidad at gender.
B. Pangungutya sa mga taong iba ang
seksuwalidad sa nakasanayang
biyolohikal o pisyolohikal na kasarian.
C. Pagpapakita ng pakealam sa kanila sa
pamamagitan hindi pagsang-ayon sa
kanilang seksuwal na oriyentasyon.
D. Wala sa nabanggit

Natapos na ang itinakdang oras, makipagpalit


ng papel sa katabi at lagyan ng iniwasto ni __.
Narito ang inyong gabay sa pagwawasto. Susi sa Pagwawasto:
1. B
2. A

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN
3. A
4. C
5. A
J. Karagdagang Gawain 9: TAKDANG ARALIN
Gawain para sa Ngayon klas, kunin ang inyong kwaderno sa
takdang aralin at Araling Panlipunan at kopyahin ang inyong
remediation takdang-aralin. Luke pakibasa ang panuto.
Panuto: Magbigay ng mga isyung kinakaharap
(2 minutes) ng gender at kasarian at ilahad ang iyong
opinion at solusyon ukol dito. Isulat sa isang
malinis na papel at ipasa sa susunod pagkikita.
Natapos na bang isulat ng lahat ang takdang
aralin?
Opo!
Tumayo ang lahat at tingnan ang paligid kung
may kalat, pulutan ito at itaon sa wastong
basurahan.
(susunod ang mga mag-aaral)

Paalam na sa inyong lahat!


Paalam din po!
IV. MGA TALA

V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-
aaral na nakakuha ng
80% sa pagtataya
B. Bilang ng mag-
aaral na
nangangailangan ng
iba Gawain para sa
remediation
C. Nakatulong baa
ng remedial? Bilang
ng mga mag-aaral na
nakaunawa sa aralin
D. Bilang ng mag-
aaral na nagpatuloy
sa remediation
E. Alin sa mga
istratehiyang panturo
ang nakatulong ng
lubos? Paano ito
Nakatulong?

Inihanda ni:

CRIZZLL HANNAH M. PABILLORE


BSEd IV, Tagapakitang Guro

Pinagtibay ni:

RUSSEL M. ABOG
Guro II, Araling Panlipunn

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com

You might also like