Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 35

EPEKTO NG ANTI-INTELEKTWALISMO SA MGA MAG-AARAL

NG KURSONG STEM NG IKALABING-ISANG BAITANG NG

COLEGIO DE CALUMPIT, INC.

Isang Panukalang Pananaliksik na Iniharap sa mga Guro ng

Colegio de Calumpit, Inc.

Bilang Bahagi ng mga Pangangailangan sa Asignaturang

Komunikasyon at Pananaliksik sa Wika at Kulturang Filipino

Isinumite nina

Antonio, Nicole DJ. Delos Santos, Avinash O.

Centeno, Isleen Grace A. Gutierrez, Alliah Nicole DM.

De Jesus, Mariel Antoinette N. Malonzo, Jaymel P.

Dela Cruz, Errin Marnie L. Pineda, Derrick V.

Mayo 2020
TALAAN NG NILALAMAN
KABANATA I: ANG SULIRANIN AT KALIGIRAN NG PAG-AARAL
Panimula_________________________________________________________________ 1
Kaligiran ng Pag-aaral ______________________________________________________ 3
Kaugnay na Pag-aaral at Literatura ____________________________________________ 3
Batayang Teoretikal _______________________________________________________ 10
Batayang Konseptwal______________________________________________________ 10
Kahalagahan ng Pag-aaral___________________________________________________ 11
Layunin ng Pag-aaral ______________________________________________________ 12
Saklaw at Limitasyon______________________________________________________ 12
Kahulugan at Katawagan___________________________________________________ 13
KABANATA II: PAMAMARAANG GINAMIT SA PAG-AARAL
Uri ng Pananaliksik________________________________________________________ 15
Ang Kalahok at Lokasyon ng Pag-aaral ________________________________________ 15
Instrumentong Ginamit sa Pananaliksik ________________________________________ 16
Hakbang sa Pagkuha ng Datos _______________________________________________ 16
KABANATA III: PAGLALAHAD, PAGSUSURI, AT INTERPRETASYON NG DATOS
Anti-Intelektwalismo at mga Mag-aaral ________________________________________ 18
Epekto ng Smart-Shaming ___________________________________________________ 19
Pinagmulan ng Smart-Shaming _______________________________________________ 23
Kaparaanan Upang Malabanan ang Smart-Shaming _______________________________ 24
KABANATA IV: LAGOM, KONKLUSYON, AT REKOMENDASYON
Lagom ___________________________________________________________________27
Konklusyon______________________________________________________________ 27
Rekomendasyon ___________________________________________________________ 28
KABANATA I:

Ang Suliranin at Kaligiran ng Pag-Aaral

Panimula

Ang paaralan ay ang nagbubuklod sa mga estudyante upang matuklasan nila ang kanilang

kahusayan. Marami silang natutunan sa loob ng paaralan kung kaya’t mas namumulat sila sa mga

bagong kaalaman at kasanayan. Likas na sa kanila ang pagiging mapanuri at maalam kaya

naman malaking tulong ito sa kanilang pagiging estudyante. Sa loob ng paaralan nararamdaman

ng mga mag-aaral ang kalayaan sa kung paano matuto at kung ano ang dapat gawin upang mas

mapalawak ang taglay na kagalingan.

Marami rin ang mga suliraning pinagdaanan ng mga estudyante, tulad ng paglimita sa

kanilang pagkalat ng kaalaman. Magkakaroon ito ng epekto sa mga estudyanteng may angking

galing sa iba’t-ibang larangan, kung patuloy nilimitahan ang pagbigay ng kani-kanilang opinyon

at ideya. Hindi malayong mangyari na maging sanhi ito sa mga iba pang suliranin upang

mawalan ng motibasyon ang mga estudyanteng itinuring na matalino.

Ang Anti-Intellectualism o mas kilala sa salitang “smart-shaming”, ay isang katangian ng

suliranin na kadalasan matatagpuan sa social media at lalo na sa loob ng paaralan. Ayon sa

pananaliksik ni Rodriguez (2017), ito ay tinagurian bilang isang negatibong asal ng mga tao sa

panlipunan dahil sa mga iba’t-ibang impluwensya nito sa ating pag-uugali tulad ng paninira at

1
pamamahiya partikular sa matatalino. Ang smart-shaming sa matalino ay nagpapakita ng

laban-intelektwalismo sapagkat ang mga ito ay pagwalang-bahala ng opinyon o diskurso lalo na

sa mga mag-aaral na nakakaranas nito. “Ang laban-Intelektwalismo ay pagsasawalang bahala o

halaga ng isang diskurso o paniniwala na mahirap tanggapin ng isang tao na kung saan ay hindi

ito kanais-nais sa kanilang mga mata o tenga” (Cusi, 2019).

Ang panghuhusga sa katalinuhan ng kapwa o smart-shaming ay tinaguriang isang balakid

upang maisagawa nang maayos ang tungkulin bilang mag-aaral. Karamihan sa mga tao ay may

pag-iisip na kung saan ang pagiging matalino ay isang negatibong katangian na hindi magawang

tanggapin ng taong nanghuhusga. Ayon sa pag-aaral ni Rodriguez (2017), ang dahilan kung bakit

nagsisimula ang smart-shaming sa isang kapwa ay dahil sa pagkakaroon ng saradong pag-iisip

na kung saan ay may kakulangan sa kaukulang impormasyon batay sa paksa. Kaya naman

ginagawa nila itong paraan upang matigil ang diskurso o ang mga bagay na mga salita o

impormasyon na hindi nila matanggap. ”Sa particular na isyung ito, ang mga matatalino ay

kadalasan nabibiktima ng pamamahiya at ano pang verbal bullying” (Francis, 2022). Halimbawa,

sa tuwing may nagsasaad ng impormasyon o diskurso, hindi maiiwasan sa lipunan, particular na

ang paaralan na makarinig sa kapwa ng mga salitang “Edi ikaw na ang magaling!” o ‘di kaya

“Pwe! Dami mong alam!” na kung saan nagiging laban-intelektwalismo dahil sa

pagsawalang-halaga ng konteksto.

Karagdagan pa sa pananaliksik ni Cusi (2019), ang smart-shaming sa matatalino ay

itinuturing na isang kultura sapagkat, unang-una na ito ay nakikita na sa mga paraan ng

pagsasalita ng mga pilipino. Dahil dito, upang mahalughog ang mga pinagbabatayang

pagpapalagay ng kultura ng panghihiya sa matatalino, minarapat ng manunulat na gamitin ang

pamamaraang metalinggwistik. Sa pamamagitan nito, mauunawaan ang nabanggit na mga

2
dahilan ng pag-usbong ng kultura ng panghihiya sa matatalino. Marahil marami rin ang mga

suliranin na pinagdadaanan ng isang estudyante, mas maunawaan pa natin ang pagsusuri ng

smart-shaming o laban intelektwalismo sa kung ano ang magiging epekto nito sa mga mag-aaral.

Bahagi ng pananaliksik na maipaliwanag nang mas maayos at detalyado ang kontekstong

laban-intelektwalismo sa mga mag-aaral ng Colegio de Calumpit, Inc.

Kaligiran ng Pag-aaral

Sa Pilipinas, ipinagdiriwang nila ang edukasyon, ngunit may posibilidad ang mga

mamamayang magpigil dahil natatakot silang maging masyadong matalino, o dahil ang

katalinuhan ay maaring lumalabas na negatibong katangian. Ayon kay Asimov (1980), noon pa

man ay may kulto ng kamangmangan sa Estados Unidos; ang smart-shaming ay patuloy na

dumadaan sa buhay pampulitika at kultura, pinalaki ng maling akala na ang demokrasya ay

nangangahulugan na ang kamangmangan ay kasing ganda ng kaalaman. Sa Pilipinas, maraming

tao ang manghihila sa baba upang hindi sila malamangan at ito ay nagiging normal sa lipunan.

Sa pisikal at mental, maaari itong makaapekto sa iyong kakayahang ipahayag ang iyong opinyon,

ang tiwala sa sarili. Malaking kadahilanan ito sa pag-pigil sa sarili, sa pagsagot o paglahok sa

mga gawaing pampaaralan. Ang pananaliksik na matutunghayan ay ukol sa Anti-Intelektwalismo

o kilala sa tawag na smart-shaming sa ingles. Inilathala ng mga mananaliksik ang kanilang

pag-aaral at pagsisiyasat sa mga naging epekto ng smart-shaming sa loob ng paaralan.

Kaugnay na Pag-aaral at Literatura

Crab Mentality. Ayon sa pananaliksik ni Asuncion (2018), tinagurian na ang “crab

mentality” o utak talangka ay isang negatibong pamamaraan ng mga Pilipino upang makaahon sa

pamamagitan nang pang-aabuso at paghila sa kapwa. Hindi na ito bago sa pandinig bagama’t ang

katagang ito ay patuloy na nagbibigay hugis sa katauhan ng isang tao batay sa kanilang

3
pakikipag salamuha sa iba. Matagal na panahon na itong pag-uugali ng mga Pilipino kaya naman

hindi nakapagtataka kung likas sa mga Pilipino ang mainggit at gumawa nang hindi mabuti sa

kapwa para lamang malamangan ito. Karagdagan pa sa pananaliksik ni Asuncion (2018), meron

din tinatawag na “king crab mentality” na kung saan ang king crab na umaabot na sa itaas ay

pumipitik pa ang mas maliit na alimango pabalik upang mapigilan ang mga ito na makaabot sa

itaas. Karaniwan makikita ito sa mga kumpanya na nais mapanatili ang mataas na posisyon.

Kaya naman kung ihahalintulad ito sa anti-intellectualism, ang king crab mentality ay ang

paghila sa mga oportunidad ng ibang tao para lang hindi malamangan.

Batay sa pananaliksik ni Nguyen (2021), ang crab mentality ay may epekto sa mental health

ng mga estudyante. Sa tuwing sila ay minamaliit dahil sa kanilang taglay na talino at kagalingan

ng kanilang mga kaklase, may pagkakataon na maramdaman nila ang takot, pangamba at

pag-aalinlangan na magtiwala sa kanilang sarili at sa ibang tao dahil sa mga natanggap nilang

panghihila ng mga may utak na talangka.

Sa mahabang panahon, ang mga Pilipino ay sabik sa kalayaan at kaginhawaan. Kung kaya’t

handang manghila pababa ng kapwa para lamang matamasa ang tagumpay kahit sa hindi

mabuting paraan. Ang inggit ay pangunahing rason bakit nagkakaroon ng “crab mentality” sa

kaugaliang Pilipino. Maaari rin itong makita sa mga paaralan halimbawa, ang mga estudyante ay

patuloy na naglalamangan sa bawat isa na kung saan naging kompetensya na ang lahat ng bawat

kilos o galaw sa loob ng paaralan. Sa halip na magsilbi itong inspirasyon para mas pagbutihin pa

lalo ang pag-aaral, mas pinipili pa nilang manira at manghila pababa nang dahil sa inggit (Young,

2014).

Karagdagan pa, batay sa pananaliksik ni Caoile (2019), malaki rin ang epekto ng crab

mentality sa buhay ng mga Pilipino. Nakasaad na naapektuhan na rin ang progreso sa ating bansa

4
dahil sa kakulangan ng mga eksperto. Hindi uunlad ang bansa kapag hindi mahikayat nang

maayos ang mga Pilipino upang mapanatili ang kanilang kagalingan. Sa halip, patuloy nilang

minamaliit kaya naman hindi nabibigyan ng boses ang mga mahuhusay.

Educational Crisis. Isa pa sa maaaring madiskubre na suliranin ay ang pagkakaroon ng

educational crisis sa Pilipinas. Dahil dito, hindi sapat na natututukan ang bawat estudyante sa

paraan na dapat silang matuto. Maraming katangian ang educational crisis sa Pilipinas tulad ng

kahirapan, kakulangan sa mga silid-aralan at kagamitan, kakulangan sa suporta ng mga

administrasyon, at kulang sa mga estratehiya sa paglalahad ng kaalaman at kamalayan sa mga

mag-aaral. May mga mahihirap na kabataang matatalino at mahuhusay na kung saan ay dapat

nabibigyan ng oportunidad upang mas mahasa ang kanilang taglay na talino (Chanco,2022).

Kaya naman upang mas mabigyan ng pantay-pantay na kahusayan ang bawat estudyante sa

kanilang galing, mas mabuti kung sila ay napapakinggan din.

Nakakalungkot din isipan na maraming kabataan ang hindi nais mag-aaral nang mabuti dahil

sa iba’t-ibang klaseng sanhi ng educational crisis sa buhay ng isang estudyante. Isa na sa mga

sanhi ay ang kakulangan sa mga imprastraktura at materyales, mga patong-patong na gawain at

hindi epektibong sistema para sa lahat. Madalas ay nararanasan nilang mapahiya kaya hindi na

sila muling sumusubok dahil kahit tama ang nasa isipan, hindi na sila muling nakikilahok dahil

sa takot na mapahiya muli (Palatino, 2023).

Smart-Shaming. Ayon sa artikulo ni Del Valle (2021), na pinamagatang “Smart-Shaming:

A Disease That Kills Meaningful Conversations”, ang smart-shaming ay makikita kahit saan,

ang pagiging ignorante ay nakadikit na sa kanila at kinikilala nila ang kaalaman bilang isang

banta. Pinakahulugan niya ang smart-shaming bilang poot sa mga bagay na nangangailangan ng

kaalaman, tinitingnan nila ang mga intelektwal bilang mayabang at elitista. Ito naman ang

5
dahilan upang akalain nilang ang mga intelektwal ay hindi nabibilang sa mga “karaniwang” tao.

“Ito ay hindi patas, nakakalason, at isang tahasang sakit sa lipunan.” (Del Valle, 2021).

Ayon pa rito, ang iba ay ikukumpara na mas mainam ang pisikal na kalakasan o pagiging

mapamaraan kaysa maging matalino. Ang iba naman ay sasabihin pa na ang kaalaman ay walang

saysay, basta’t mayroon siyang bukal na kalooban, ang iba naman ay isasantabi ang mga nagawa

at natagumpayan upang sabihing hindi niya ito magagamit sa tunay na mundo. “Ang tanging

paraan upang maiwasan ang pagiging anti-intelektwal ay buksan mo ang iyong pag-iisip” (Del

Valle, 2021), hayaan niya ang sarili na humanga sa mga matatalinong tao at hindi ito hilahin

pababa. Kilalaning hindi niya alam ang lahat ng bagay. Maging bukas sa bagong kaalaman at sa

pagbibigay ng kaalaman, dito nanggagaling ang makabuluhang pag-uusap.

Ayon naman sa pananaliksik ni Delle (2016), ang smart shaming ay humihinto sa mga tao na

magpatuloy. Kahit na ang mga tao ngayon ay makakakuha ng impormasyon sa pamamagitan

lamang ng pag pindot sa mga pindutan sa isang computer, ang pag-aaral ay mahalaga. Kapag ang

isang bata ay nakakaranas ng smart shaming, siya ay may posibilidad na huminto sa pag-unlad sa

intelektwal dahil natatakot silang mapahiya kapag ibinahagi nila ang kanilang kaalaman. Ang

mga mag-aaral na pagbabahagi ng kanilang mga saloobin sa teoryang panlipunan at pampulitika

ay naglalarawan bilang may pribilehiyo dahil ang kanilang layunin ay iparamdam sa iba ang

pagiging maliit, na nagiging sanhi ng kanilang paghinto sa pagbabahagi dahil ang paggamit ng

malaking salita ay nagpaparamdam sa mga tao na maliit. Kawalang-galang sa mga taong may

hindi gaanong pormal na edukasyon ang gumamit ng mga salita upang ipahayag ang mga

saloobin.

Iniulat ni Del Villar (2021), na mas lalong lumakas ang smart-shaming sa mga mag-aaral ng

STEM o Science, Technology, Engineering and Mathematics, nang magsimula ang pandemya.

6
Aniya ito ay nagmula sa paniniwalang lahat ng estudyante o propesyonal sa larangan ng STEM

ay matatalino, bagama’t maganda itong pakinggan ay dito din lumalabas ang pagiging

anti-intelektwal ng ating bansa.

Mas lalo itong pinalakas ng pandemyang COVID-19 dahil ito ay direktang konektado sa

pinag-aaralan ng mga nasa larangan ng STEM, ang agham. Magmula ng maglabas ng datos at

paalala ang mga propesyonal ay naging tungkulin na ng mga larang na STEM ang ipakalat ang

kaalamang ito upang mapigilang ang pagkalat ng sakit, ngunit mayroong porsyento ng

populasyon na hindi naniniwala sa mga propesyonal. Itinala din ni Del Villar (2021), ayon sa

Canadian Survey na nangyari taong 2020, mayroong ebidensya ng koneksyon ng smart-shaming

at COVID-19. Nagmula ito sa mga taong pinapahiya ang mga taong nagbabawal sa kanila sa

hindi pagsuot ng mask, pagpunta sa mga matataong lugar, at iba pa. Ang iba ay iniinsulto din

maging ang mga propesyonal sa kalusugan at agham.

Sa kabilang banda, hinikayat naman ni Del Villar (2021), na huwag matakot labanan ang

smart-shaming at anti-intelektwalismo. Patuloy na mangaral at buwagin ang mga maling

impormasyon, “At sa susunod na mayroong magsabi sa iyo ng ‘Edi ikaw na matalino!’, sagutin

mo ito ng: Oo, matalino ako, bakit ko ikakahiya ito?” (Del Villar, 2021)

Ayon sa pananaliksik ni Rodriguez (2017) sa kaniyang papel na pinamagatang “E, di Ikaw

na ang Matalino! Isang Pagsusuri sa Penomenon ng Smart-Shaming sa mga Pilipinong

Gumagamit ng Facebook”, unang lumabas sa social media app na twitter ang salitang

smart-shaming, mula sa isang post ni Magazine (2010) na naglalaman sa link ng isang blog na

isinulat ni Richter (2010) patungkol sa isang cartoon na pambata na nagpapakita ng

smart-shaming. Sumunod naman na lumabas ito sa isang post ni The Green Rat na ikinuwento

7
ang pag-iinsulto ng kanyang flatmate sa mga mathematician matapos hindi maintindihan ang

isang matematikal na konsepto.

Ayon naman sa isang artikulo ni Sta.Romana (2015), itinuturing na negatibo sa kulturang

Pilipino ang pagiging matalino dahil inihahambing sila sa mga elitista dahil sa kasaysayan ng

Pilipinas sa kolonyalismo at kakulangan ng edukasyon sa mga katutubo. Dahil sa mga panahon

ng mga Espanyol ay ang mga mayayaman lamang ang mayroong oportunidad na magkaroon ng

mataas na kalidad ng edukasyon, at talamak noon ang mga abusado at matapobreng mayayaman,

nagkaroon ng generalization na ang mga edukado ay elitista at arogante. Sinabi naman ni Sison

(2015) na sumasama ang loob ng mga Pilipino sa mga matatalino dahil pakiramdam nila ay

ipinagyayabang sa kanila ang kanilang kaalaman at ipinamumukha sa wala silang alam.

“Nakikita ng marami sa mga Pilipino ang paggamit ng wikang Ingles sa pananalita bilang

sagisag ng pagiging angat sa iba…ay para lamang sa mayayamang tao”(Sison 2015).

Ang resulta ng pag-aaral ni Rodriguez (2017) ay nagsasabing karamihan sa mga gumagawa

ng smart-shaming ay mga taong agresibo at hindi nagbibigay-halaga sa damdaming ng iba. Sila

din ang mga taong padalos-dalos sa kanilang kilos at madaling maimpluwensyahan ng kanilang

emosyon. Mayroon silang maikling pasensya. “Maihahambing din ang smart-shaming sa crab

mentality”(Raymundo, 2015), kung gagamiting batayan ang pananaw ng mga kalahok

naniniwala ang mga smart-shamer na nakakaangat ang mga matatalino kaya’t hihilahin nila ito

pababa.

Anti-Intelektwalismo. Ayon naman kay Triki et al. (2012), ang anti-intelektuwalismo ay

maaaring makaapekto sa pagganap ng mag-aaral sa akademikong edukasyon. Ang mga

mag-aaral na mataas sa anti-intelektwal na mga saloobin at ang mga may mababang

akademikong self-efficacy ay mas malamang na magkaroon ng hindi katapatan sa akademya, sila

8
rin ay may posibilidad na magpakita ng kawalan ng interes sa klase. Sila ang madalas na

nagpapakita ng kawalang-katapatan sa akademiko at patuloy na binababaan ang intelektwal.

Isinulat ni Moore (2017), sa kaniyang disertasyon na pinamagatang “Anti-Intellectualism

and Student Perceptions of Higher Education” na nagiging politikal na sandata ang

anti-intelektwalismo, ginamit ito sa pamamagitan ng paghamak sa sa mga intelektwal at

pagbabansag sa kanila bilang “egghead” at pagpapakita kung gaano kalayo ang loob ng

intelektwal sa mga normal na Amerikano. Nang dahil dito ay nakadugtong ang mga intelektwal

sa pagiging komunista, imoralidad, at hindi pagiging makabansa. Naapektuhan nito ang kanilang

edukasyon, lalo na ang mataas na edukasyon.

Isinisi nila ang pagiging intelektwal sa aktibismo, lalo’t ang mga mismong intelektwal na

nagtuturo sa kanila tulad ng mga propesor ay nabibilang sa isang politikal na grupo. Nagkaroon

din ng diskurso kung ano ang dapat na mas bigyang-pansin sa mataas na edukasyon, mayroong

isang hati na siyang sinasabi na dapat ay mas tuunan ng pansin ang pagtuturo tungkol sa

katarungang panlipunan kaysa iba pang kaalaman. Ang ideolohikal na pananaw na ito ay

sinasabing masyadong maliit at hindi naaakma para sa lahat.

“Marahil ang mas malaki, mas mahalagang hindi pagkakaunawaan ay ang pagtukoy ng

papel ng mas mataas na edukasyon sa Amerika at pagtukoy kung may panahon sa kulturang

Amerikano na ang mas mataas ang edukasyon ay hindi salungat sa pangunahing kultura.”

(Moore, 2017). Pilit nilang tinutukoy kung kailan sa kasaysayan ng Estados Unidos na hindi

sumalungat ang edukasyon at intelektwalismo sa pangunahin at kasalukuyang kultura. Ayon pa

kay Moore (2017), magiging kapaki-pakinabang lamang ang intelektwalismo kung alam ng mga

mamamayan ang paggagamitan nito, sa pamamagitan ng pagtuturo sa kanila ng praktikal na

kasanayan.

9
Batayang Teoretikal

Upang mas mapatibay ang pag-aaral na ito, ang mga mag-aaral ay gumamit ng ilang mga

teorya upang maging basehan at instrumento tungo sa pag-interpret ng mga nakalap na

impormasyon.

Social Identity Theory: Ang teorya ni Henry Tajfel sa sosyolohiya ay naglalarawan kung

paano ang pagkakakilanlan ng isang estudyante sa isang grupo ay maaaring magdulot ng positibo

o negatibong emosyon at aksyon sa kapwa nila estudyante. Sa konteksto ng smart shaming, ang

mga estudyanteng may limitadong edukasyon o kaalaman ay maaaring magkaroon ng isang

negatibong pagkakakilanlan sa kanilang sariling grupo. Sa gayon, sila ay maaaring magdulot ng

galit at pagpapahiya o smart shaming sa mga taong may mas mataas na antas ng edukasyon o

kaalaman kaysa sa kanila upang mas mapalakas ang kanilang sariling pagkakakilanlan sa

kanilang grupo. Sa gayon, ang teorya ng social identity ay maaaring magbigay ng tulong kung

bakit ang mga tao ay kayang magpahiya sa mga taong may mas mataas na antas ng edukasyon o

kaalaman sa kanila at kung paano ito nauugnay sa smart-shaming.

Batayang Konseptwal

Figura 1: paradaym ng Pag-aaral

10
Ang mga mananaliksik ay gumamit ng istilong I-P-O para sa batayang konseptwal. Ang

input ay naglalaman ng pagkalap ng datos sa pamamagitan ng kaugnay na teorya, pag-aaral at

literatura, maging ang pananaw at kasagutan ng mga tagatugon. Ang proseso ay naglalaman ng

sarbey sa pamamagitan ng pasanaysay o open-ended questions na kwestyoneyr.

Kahalagahan ng Pag – aaral

Ang pananaliksik na ito ay tungkol sa epekto ng smart-shaming ay inaasahang

makakatulong sa mga sumusunod:

Sa mga mag - aaral: Ang pananaliksik na ito ay makakatulong upang mapalawak ang

kanilang kaalaman sa salitang smart-shaming. Makakatulong ito upang hindi mag-isip ang mga

mag-aaral kung bida bida ba ang pag sagot sa tanong ng guro. Inaasahan sa pag-aaral na ito ay

makakatulong nang malaki para sa epektibong pamamaraan ng pag-aaral at malaman kung tama

ba ang pagkontra sa mga sumasagot na mag-aaral.

Sa mga mananaliksik: Inaasahang sa pag-aaral ng smart-shaming ay mas lalong palawakin

ang kaalaman ng mga mananaliksik. Makapagbibigay kaalaman ito sa sikolohiya ng salitang

bida-bida at kung maaari ay ipakalat ang kaalamang hindi ito normal sa isang bansang lumalago

pa lamang. Inaasahang sa pananaliksik na ito ay magbigay linaw sa mga negatibong epekto ng

smart-shaming sa mga kapwa mag-aaral.

Sa mga guro: Magkakaroon sila ng kaalaman sa mga dapat gawin sa mga estudyante na

mahilig mag 'smart-shaming' sa kapwa nila mag-aaral. Nang sa gayon ay makapag bigay ng

gabay at matulungan ang mga mag-aaral sa tamang pamamaraan ng pag-uugali.

11
Sa mga magulang: Ang mga magulang bilang unang guro ng kanilang mga anak,

makakapag-isip ng mga bagay na maituturo kung paano ang tamang pag-uugali sa kanilang anak,

kasabay ng pag gabay tungo sa maayos na pag-aaral.

Layunin ng Pag-aaral

Ang pangunahing layunin ng pag-aaral na ito ay mabatid ang epekto ng smart-shaming sa

mga mag-aaral ng Colegio de Calumpit, Inc.

Layunin din ng pag-aaral na ito ang mga sumusunod:

1. Maitala ang epekto ng smart-shaming sa mga mag-aaral sa iba’t-ibang aspeto tulad ng:

1.1 Pananaw sa sarili

1.2 Pagganap sa paaralan

1.3 Mental na kalusugan

2. Matukoy kung saan o kani-kanino nagmumula ang smart-shaming.

3. Maitala kung paano nilabanan ng mga mag-aaral ang smart-shaming.

Saklaw at Limitasyon

Ang pagkalap ng datos sa pag-aaral na ito ay ginanap sa loob ng institusyon ng Colegio de

Calumpit, Inc., kung saan ang mga kalahok ay ang mga ikalabing-isang baitang (grade 11) na

mga mag-aaral sa loob ng kursong STEM o Science, Technology, Engineering and Mathematics.

Nangyari ang initial na pagkalap ng datos sa Mayo, taong 2023. Isandaan at dalawampu (120)

ang mga kalahok sa unang sarbey na siyang paliliitin pa ayon sa kanilang sagot sa kwestyoneyr.

12
Kumuha ang mga mananaliksik sa espesipikong criteria kung saan ang mga tagatugon ay yaong

mga nakaranas ng smart-shaming lamang.

Kahulugan at Katawagan:

Ang mga sumusunod na salita at katawagan ay binigyang kahulugan ayon sa konteksto ng

pananaliksik na ito.

● Anti-Intellectualism - isang taong tutol o laban sa mga intelektwal.

● Crab Mentality- mentalidad kung saan naghihilahan pababa upang umangat, tulad ng

talangka sa isang batya.

● Elitista- ang saloobin o pag-uugali ng isang tao o grupo na itinuturing ang kanilang sarili

bilang kabilang sa mas mataas na mga tao

● Smart-Shaming- isang negatibong pagpuna sa mga nangangaral o nagbibigay kaalaman.

● Verbal Bullying- isang uri ng sikolohikal na abuso na ginagamit ang oral, kilos, at sulat

laban sa biktima.

● Generalization- paglalagay ng isang tao o grupo sa isang stereotype.

● Social Dominance Theory- Ang mga proseso sa iba't ibang antas ng panlipunang

organisasyon, mula sa mga ideolohiyang pangkultura at diskriminasyon sa institusyon

hanggang sa mga tungkulin ng kasarian at sikolohiya ng pagtatangi, ay nagtutulungan

upang makagawa ng matatag na hindi pagkakapantay-pantay na batay sa grupo.

● Social Media- isang kolektibong termino para sa mga website at application na nakatuon

sa komunikasyon, input na nakabatay sa komunidad, pakikipag-ugnayan, pagbabahagi ng

nilalaman at pakikipagtulungan

13
● STEM- ang agham, teknolohiya, inhinyero, at matematika ay isang terminong ginamit

upang pagsama-samahin ang mga natatanging ngunit magkakaugnay na mga teknikal na

disiplina ng agham, teknolohiya, inhinyero, at matematika.

14
KABANATA II:

Pamamaraang Ginamit sa Pag-aaral

Ang kabanatang ito ay tumatalakay sa ginamit na pamamaraan sa pananaliksik, paraan ng

pagpili ng mga tagatugon at lokasyon ng pag-aaral, instrumentong ginamit sa pananaliksik, at

mga hakbang sa pagkalap ng datos.

Uri ng Pananaliksik

Ang paraang ginamit ng mga mananaliksik sa pag-aaral na ito ay ang kwaliteytib. Hindi

ito ginagamitan ng numero bagkus, ito ay nakatuon sa pag-aaral sa sikolohiya at penomena na

siyang umiikot sa indibidwal na tao. Minabuti itong gamitin ng mananaliksik upang mas

pagtuunan ng pansin ang karanasan at pananaw ng mga makakapanayam o tagatugon. Ang

kwaliteytib na pananaliksik ay nagkakalap ng mga impormasyong tulad ng karanasan,

pananaw, at pag-uugali ng mga respondente o kalahok. Sa halip na ilan o gaano ay sinasagot

nito ang katanungang paano at bakit (Tenny, 2022). Sa ganitong paraan, sa tulong ng

partisipasyon ng mga mag-aaral mula sa strand na STEM o Science, Technology, Engineering,

and Mathematics, ay magagawang maanalisa ng mga mananaliksik ang kanilang layon at

solusyon sa kanilang suliranin.

Ang Kalahok at Lokasyon ng Pag-aaral

Ang pagkalap ng datos ay ginanap sa loob ng institusyong ng Colegio de Calumpit, Inc.

Sa kadahilanang layon ng mga mananaliksik na mapunan ang mga tanong at suliranin ng

smart-shaming sa loob ng paaralang nabanggit. Gagamitin ng mga mananaliksik ang purposive

sampling method. Ang Purposive Sampling ay isang paraan ng pagkalap ng datos sa

kwaliteytib na pananaliksik kung saan gumagamit ng criteria ang mga mananaliksik kung sino

15
lamang ang kukuhanan ng datos o kung sino lamang ang maaaring maging kalahok sa kanilang

pananaliksik (Moran, 2021). Ang mga respondente ay kukunin lamang Ang mga kalahok ay

magsisimula sa isandaan at dalawampung tao (120), na siyang susukatin kung sino ang mga

nakaranas ng smart-shaming, matapos nito ay pipili ng humigit-kumulang apatnapu (40) na

respondente na bibigyan ng mas detalyadong kwestyoneyr.

Instrumentong Ginamit sa Pananaliksik

Sa kadahilanang kwaliteytib ang piniling uri ng pananaliksik ng mga mananaliksik ay

minabuti nilang kumalap ng datos sa pamamagitan ng pasanaysay na kwestyoneyr. Ang isang

kwestyoneyr ay grupo ng mga tanong na iisa ang pamantayan, nangongolekta ito ng indibidwal

na datos tungkol sa isa o higit pang partikular na paksa (Lavrakas, 2008).

Maglalabas ng dalawang (2) magkasunod na sarbey kwestyoneyr upang magkaroon ng sapat

at tumpak na datos. Ang unang kwestyoneyr ay sasagutan ng humigit-kumulang (125) na

tagatugon. Sa palatanungang ito ay hihingin ang kanilang buong pangalan, pangkat, at antas. Sa

palatanungang ito din itatanong kung sila ba ay nakaranas ng smart-shaming o mga senyales ng

anti-intellectualism. Pakakahulugan din ang paksa upang mas-maunawaan ng kalahok. Ang

sunod na sarbey kwestyoneyr ay para sa mga nagsabing nakaranas sila ng negatibong pagpuna

ayon sa unang sarbey. Sila ang siyang bibigyan ng detalyadong palatanungan na siyang pupuna

sa ilang mga katanungan sa pananaliksik na ito.

Hakbang sa Pagkuha ng Datos

Ang mga tagatugon sa pag-aaral na ito ay ang mga ikalabing-isang baitang (grade 11) na

mag-aaral ng Colegio de Calumpit, Inc., nagmula ito sa lahat ng pangkat sa loob ng kursong

STEM. Dalawang (2) magkasunod na sarbey ang ilalabas ng mga mananaliksik, ang unang

16
kwestyoneyr ay naglalaman ng profayl ng mag-aaral tulad ng kaniyang ngalan, edad, pangkat, at

general weighted average sa nakaraang bigayan ng report card. Itinanong din kung nasabihan na

sila ng mga katagang “Edi Wow!”, “Edi ikaw na matalino”, “Bida-bida”, at iba pang salitang

pareho ang kahulugan. Pagkakahulugan ang anti-intelektwalismo upang mas magkaroon sila ng

ideya dito. Matapos ipasa ang unang sarbey ay sunod na naglabas ng kwestyoneyr na ipapasagot

sa mga tagatugon na nagbigay ng “Oo” sa naunang sarbey. Dito sila binigyan ng detalyadong

katanungan sa kanilang pinagdaanan. Pasasagutan ang mga tagatugon sa isang google form

upang mas mapadali ang pagkalap. Sinikap ng mga mananaliksik na magiging kumpidensyal ang

lahat ng kasagutan at pagkakakilanlan ng mga tagatugon. Matapos nito ay masusing pinag-aralan

ng mga mananaliksik ang mga kasagutan upang makabuo ng konklusyon.

17
KABANATA III:
Paglalahad, Pagsusuri at Interpretasyon ng mga Datos

Anti-intelektwalismo at mga Mag-aaral

Bilang mga mag-aaral ang siyang tagatugon ng pananaliksik, ang kanilang tugon ang siyang

pupuna sa mga patlang ng pag-aaral na ito. Upang masunod ang Purposive Sampling Method,

nagbigay ang mga mananaliksik ng unang sarbey na kung saan tseklist lamang ang kailangan

nilang sagutan, at naitala ang mga naranasan ng mga mag-aaral na nagsasabing naranasan na nila

ang smart-shaming. Matapos nito ay natukoy ng mga mananaliksik kung sinu-sino ang nararapat

bigyan ng katanungang ayon sa layunin. Dalawampu (20) na katao ang nagsagot sa pangalawang

sarbey, kung saan tig-apat ang tagatugon sa bawat pangkat ng kursong STEM sa ikalabing-isang

baitang. Matapos ang masusing pagsusuri at pagbuo ng koda ay nakuha ng mga mananaliksik

ang tema na siyang itinala sa talahanayan 1.

Talahanayan 1: Lagom ng Tema mula sa Talatanungan

Tuon ng Tanong Bilang ng Tema


Tanong

Epekto ng smart-shaming 1 Lahat ng mga tagatugon ay nakaranas ng


smart-shaming.

2 Karamihan ng mga sagot ng mga tagatugon ay


nalungkot, nahiya at nainis.

Karamihan sa mga tagatugon ay nakaranas ng


3 pagkabawas ng kumpiyansa sa sarili, ngunit
mayroon ding iba na hindi naapektuhan at ang
ilan ay mas pinipili na itago na lamang sa sarili
ang kanilang kaalaman.

4 Ayon sa mga tagatugon, hindi nila ito


hinahayaang makaapekto sa kanilang pag-aaral
ngunit ang iba'y pinanghihinaan ng loob at
natatakot magbigay ng kaalaman. Nilimita din
nila ang pakikitungo sa kapwa mag-aaral dahil
dito.

18
5 Ayon sa mga tagatugon mula sa STEM
nagsasabi ang kadamihan na nakaramdam sila
nag pagkawalang tiwala sa sarili at nag-karoon
sila ng mga negatibong pag-iisip samantalang
ang iba naman ay nagsasabi walang epekto sa
kanila

Pinagmumulan ng smart-shaming 6 Karamihan sa sagot ng mga tagatugon, ang


kadalasang nagpapakalat ng smart-shaming ay
ang mga taong inggit, mga kaklase, at mga
kaibigan.

7 Sa mga sagot ng mga tagatugon ay karamihan


nakararanas sila ng smart-shaming sa loob ng
eskwelahan o paaralan.

Kaparaanan upang malabanan ang 8 Ayon sa mga tumugon, ang mga mag-aaral /
smart-shaming estudyante ay naniniwala sila sa kanilang
kakayahan. Hindi sila nakikinig sa sasabihin ng
iba dahil sila may may sariling kaalaman

Epekto ng Smart-Shaming

Mula sa mga kasagutan ng mga tagatugon sa talatanungan ay napag-alaman ng mga

mananaliksik na karamihan sa mga mag-aaral ay nakaranas na ng smart-shaming. Karamihan sa

mga tagatugon ay nakaranas nito tuwing nagsasagot sa klase, nagbibigay impormasyon, at

tuwing tinatama ang kaibigan. Ayon sa mga kasagutan, minsan ay pabiro itong sinasabi ng

kaibigan ngunit minsan ay hindi na ito nakakatuwa. Napatibay ang impormasyong ito gamit ang

tugon ni Tagatugon 11:

T11:”Oo, naranasan ko ng masabihan ng mga ganitong salita.


Kadalasan ay nasasabi ito sa akin dahil sa mga partipasyon ko sa loob
ng paaralan…Kung minsan ay sinasabi ito sa akin nang pabiro ngunit
may mga panahon din na alam kong hindi na iyon pabiro at totoong iyon
ang kanilang nahiging deskripsyon sa galaw o aksyon na naipakita ko.
Ilan sa mga halimbawa ng mga pangyayari na nasabihan ako ng
ganitong mga salita ay kapag nakikita akong nagsumite ng mga proyekto
na talaga namang pinaglaanan ko ng oras at effort upang maging
maganda at presentable ang proyektong iyon.”

19
Samantalang karamihan ang nagsabi nakaramdam sila ng inis sapagkat ginawa lamang nila

ito upang mapa-ayos ang mali nilang gawa at ginagawa lamang niya ang iniatas na

responsibilidad sa kanila. Isang tagatugon ay naging isang opisyal sa klase ang inatasang

maglista ng mga maingay, kung saan sinabihan ang tagatugon ng “bida-bida” nang ginawa ang

kaniyang tungkulin. Ang iba naman ay nakaramdam ng lungkot at pagkadismaya sapagkat hindi

binigyan halaga ang kanilang sinasabi. Samantalang ang iba ay nahiya nang mangaral bilang

resulta ng pagbaba ng kanilang kumpiyansa sa sarili. Ayon sa pananaliksik ni Rodriguez (2017),

karamihan sa kaniyang nakapanayam ay nagsasabing nakaramdam sila ng pagkabigo o

frustration, samantalang ang iba naman ay nakaranas ng kalungkutan.

Samakatuwid, karamihan ng mga nakaranas ng smart-shaming ang nagsasabing nangyari

ito habang sila ay nagbibigay-kaalaman o ginagawa ang kanilang tungkulin. Nagkaroon din ito

ng negatibong epekto sa iba't ibang aspeto ng kanilang buhay bilang mag-aaral.

Nagkaroon din ng epekto ang smart shaming sa iba’t-ibang aspeto tulad ng:

Pananaw sa Sarili

Ayon sa mga kasagutan ng mga tagatugon sa talatanungan ay isiniwalat na

karamihan ng mga mag-aaral ay nakaramdam ng pagkabawas ng kumpiyansa sa sarili,

samantalang dulot ng smart-shaming ay mas minabuti nilang itago na lamang ang

kanilang kaalaman upang hindi na sabihan pa ng mga di kaaya-ayang salita. Pinatibay ni

Tagatugon 20 ang analisasyong ito.

T20: “Sa pananaw ko sa aking sarili minsan may punto na


nakapangliliit talaga yung smart-shaming dahil minsan
mapapa-tanong ka nalang talaga sa sarili mo kung sapat ka ba
talaga, kung nagawa mo ba talaga yung best mo, o kung ano
bang mali sayo. Andun ka na sa puntong binigay mo lahat pero
negatibo parin yung paningin ng ibang tao sayo, iniisip nila na
nagbibida-bida kalang kahit ang hangad mo naman talaga'y
mag bigay kaalaman lamang.”

20
Sa isang artikulo ni Zafra (2023), na pinamagatang “Why smart shaming has to

stop”, sinabing ang mga estudyanteng nakaranas ng smart-shaming ay nakaramdam ng

kawalan ng kapanatagan, at kawalan ng karapatang magpahayag ng saloobin o ideya.

Samantalang sinasabi naman sa papel ni Mungcal (2023) na ang smart-shaming ay

nagkaroon ng negatibong epekto sa kanila, lalo’t nagsimula silang matakot sa pagsagot sa

recitation dahil sa pangamba na ma-smart-shame muli. Samantalang ang ibang tagatugon

naman ay nagsabing hindi nila ito hinayaang maka-apekto sa kanila. Ayon muli sa

pananaliksik ni Mungcal (2023), ang mga mag-aaral ay hindi na pinansin ang mga

sinasabi sa kanila sapagkat sanay na sila dito at dahil doon ay hindi na pinansin at

hinayaabg maka-apekto sa kanilang sarili.

Sa madaling salita, ang mga mag-aaral ay nakaramdam ng pagkabawas ng

kumpiyansa sa sarili, ito naman ay naka-apekto sa pagsagot at pagbibigay ng kaalaman,

ang lahat ng ito ay nag-konekta sa paraang hinatak pababa ang mga estudyante.

Pagganap sa Paaralan

Mula sa isinagawang pagsusuri sa mga tagatugon ay napag-alaman na mula sa

pagganap sa paaralan ng mga tagatugon ay karamihan nakaranas ng smart-shaming mula

sa kanilang kapwa mag-aaral at sa loob ng paaralan. Ayon sa mga tagatugon, hindi nila

hinayaang makaapekto ito sa kanilang pag-aaral ngunit karamihan ay pinanghihinaan ng

loob at natatakot magbigay ng sariling opinyon. Mapapatibay ang impormasyong ito

gamit ang tugon ni Tagatugon 21:

T21: "Noong nasa JHS pako nakaaapekto talaga sya. sa pag-aaral ko,
yung puntong halos gustuhin ko nalang mag walang kibo sa isang sulok
kesa ipahayag ang aking sagot nang sagayon ay hindi na nila ako
mapagisipang bida-bida. Pero sa kasalukuyan, alam ko naman kung ano
yung kakayahan ko kaya't di na talaga 'ko naaapektuhan ng mga

21
negatibong salita na nag mumula sa ibang tao lalo na kung alam ko
namang Ito'y hindi totoo."

Sa naitalang mga karanasan ng mga tagatugon, natuklasan na halos lahat ay

nagaganap ang smart-shaming sa loob ng paaralan. Ayon kay Fortuno at Cuason (2017),

Ang pagkakaroon ng pag-uugaling anti-intellectual ay isa sa mga salik na maaaring

magdulot ng malaking epekto sa akademiko pagganap at maaaring maging salik din para

sa 'self-efficacy' ng mga mag-aaral. Ayon sa ang iba't ibang pananaliksik ay maaari ring

humantong sa mahinang pagganap sa akademiko at maaaring humantong sa akademiko

kawalan ng katapatan. Gayundin, Ayon sa ulat ni Santos (2016), nakakadismaya ang mga

taong nanunukso sa loob ng paaralan sa mga taong nagsisikap na matuto ng mga bagong

aralin at ideya.

Mental na Kalusugan

Maraming mag-aaral ang nakakaranas ng smart shaming, ayon sa mga tagatugon.

ang ibang mag-aaral ay hindi nagpapa-apekto dito ngunit ang marami sa mag-aaral na

naapektuhan ay nawalan ng tiwala sa kanilang sarili kahit pabiro lang ang mga

panunuyang natanggap. Nabigatan sa pakiramdam ang mga mag-aaral na nasabihan nito,

nag karoon sila ng negatibong pag-iisip sa pag smart shaming ng mga kaklase nila o

ibang tao. Napatibay ang impormasyong ito gamit ang tugon ni Tagatugon 17:

T17: “nakakalungkot, nakakahiya, nakakasira ng confidence, nakakainis, at


nakakagalit. palagi itong isipin at dina mawawala pa sa iyong alalahanin”

Ipinaliwanag ni Lim (2008) na may dalawang dahilan bakit may mga taong laban sa

intelektwalismo. Ito ay: (a) inaakala ng mga anti-intelektuwal ang intelektwalismo ay

nagpapakita ng isang elitista na pag-uugali, at (b) ang anti-intelektwalismo ay

22
nagpapahiwatig na ang pagsasalita ang wika ng mga tao ay nagpapataas ng

demokratikong partisipasyon.

Ayon sa pananaliksik ni Rodriguez (2017), ang mga biktima ng smart-shaming ay

nagkaroon ng negatibong damdamin at nakadama din ng kalungkutan. Nagbabago din

ang kanilang kilos upang hindi na maranasan muli ito. Dahil sa smart-shaming ay

nagbago ang pananaw ng mga mag-aaral sa kanilang paligid, lalo na sa pakikitungo sa

mga kaklase o kaibigang nagbabato ng mga masasakit na salitang ito. Upang hindi na

maranasan muli ang smart-shaming ay mas minabuti nilang iwasan na lamang ang

pagbibigay-kaalaman. Samantalang ayon naman sa papel ni Mungcal (2023), bilang

resulta ng kaniyang aral, mas matimbang ang nagsasabing hindi na lamang ito pinapansin

at tinitingnan na lamang sa positibong pananaw imbis na negatibo. Mas minabuti nilang

ipakita na sila ay tama kahit pa pilit silang minamali ng anti-intelektwal na pag-iisip.

Ang smart-shaming o pagpapakita ng anti-intelektwal na pag-iisip ay nagdadala ng

pangmatagalang epekto sa isang mag-aaral, marami ang binabawasan ang pagpapahayag

ng opinyon at kaalaman sa takot na makaranas muli nito ngunit ang iba naman ay pilit

itong nilalabanan at hindi pinapansin.

Pinagmulan ng Smart-shaming

Ang smart shaming, o pagbibintang sa mga taong matalino o may kahusayan sa pag-aaral,

ay maaaring magmula sa iba't ibang mga lugar o sitwasyon. Ngunit mula sa sagot ng mga

tagatugon, nadiskubre ng mga mananaliksik na smart-shaming ay kadalasang nagmumula sa loob

ng eskwelahan. Ang impormasyong ito ay mapagtitibay ni Tagatugon 20 gamit ang kaniyang

sagot.

T20: ‟Base sa aking karanasan, ito ay kadalasang nagaganap sa


loob ng paaralan. Sa klase, ang mga mag kakaklase ay sila-sila ring nag

23
sasabihan ng mga smart-shaming na salita. Dahil sa di naiiwasang mag
karoon ng inggitan at tunggalian ang mga mag-aaral, ang iba ay nag
sasalita ng mga di kaaya-ayang salita upang ilabas ang pagkainggit at
iba pang saloobin sa isa't isa.”

Kadalasan sa sagot ng mga tagatugon, nagmumula ang smart-shaming sa paaralan at sa

loob ng klase tuwing may sumasagot sa tanong ng mga guro. Ngunit sa kabilang banda, ayon sa

mga tagatugon, nagmumula rin ang smart-shaming sa mga estudyanteng nakakaramdam ng

inggit. Minsan, ang mga estudyante na mahusay sa klase o matalino ay maaaring pag-initan o

ituring na "nerd" ng kanilang mga kapwa estudyante. Ito ay maaaring bunga ng inggit o

pagkabahala ng iba na mababa ang kanilang mga sariling akademikong kakayahan.

Ayon sa isang pag-aaral ni Crouch at Smith (2009) inilimbag sa Journal of Social Issues,

ang smart-shaming ay maaaring resulta ng peer pressure at pangkalahatang mga daynamiko sa

mga paaralan at komunidad. Ang mga estudyante na nagtataglay ng kahusayan sa pag-aaral ay

maaaring maging target ng pang-aalipusta o pagsisikap na bawasan ang kanilang pagkakaiba

upang sila maging sanhi ng insecurities o kawalan ng kumpiyansa sa iba.

Kaparaanan upang labanan ang Smart-Shaming

Batay sa mga datos ng mga tagatugon, maraming kaparaanan ang kanilang ginagamit

upang labanan ang smart-shaming. Ilan sa mga ito ay ang hindi pagpapaapekto, pagtitiwala sa

sarili, at pagiging positibo. Ipagpapatibay ni Tagatugon 1 ang impormasyong nabanggit sa

parteng ito.

T1:"Hindi ko na lamang masyado pinapansin, dahil mas makakaapekto


pa ito sa aking emosyonal na damdamin kung papansinin ko ito
masyado."

Tama ang desisyong ito na hindi masyadong pansinin ang mga negatibong komento dahil

ito ay maaaring magdulot ng malalim na epekto sa kanyang emosyonal na kalagayan. Mahalaga

24
na panatilihing matatag ang pagkatao at itaguyod ang respeto sa sarili. Dagdag pa rito, sa

pagtalakay ni Gohu, (2022) sa kaniyang papel na “Ikaw na!”: What Smart Shaming Is And Why

We Shouldn’t, isinaad nya na ang pagpapahalaga sa sarili ay maaaring magpahiwatig ng

kakayahan na harapin ang mga pagkakamali nang hindi naaapektuhan.

Sa pagtatapos, malinaw na ipinakita ng mga tagatugon na may iba't ibang kaparaanan sa

paglaban sa smart-shaming. Isa sa mga mahalagang kaparaanan na kanilang ginagamit ay ang

hindi pagpapaapekto sa mga negatibong komento at panunuya. Sa halip na bigyang pansin at

palakihin ang isyu, pinili ng mga tagatugon na panatilihin ang kanilang matatag na pagkatao at

itaguyod ang respeto sa sarili. Naniniwala sila na ang pagtugon sa smart-shaming ay maaaring

magdulot ng mas malalim na epekto sa kanilang emosyonal na kalagayan. Bukod dito, mahalaga

rin ang pagtitiwala sa sarili at pagiging positibo. Sa pamamagitan ng pagpapahalaga sa sarili at

pagtiyak na hindi maaapektuhan ng mga negatibong komento, nagiging matatag sila sa pagharap

sa mga pagsubok.

Sa kabuuan, ang smart-shaming na gawa ng anti-intelektwal na pag-iisip ay malaki ang

epekto sa mga mag-aaral ng ikalabing-isang baitang sa kursong STEM ng Colegio de Calumpit,

Inc,. Ang ganap na dalawampung (20) tagatugon ay nag-iwan ng konklusyon sa pag-aaral na ito.

Una ay nakakaapekto nang malaki ang smart-shaming sa kanilang pag-aaral, lalo at pinababa

nito ang kanilang kumpyansa sa sarili, sila ay nalungkot, nainis, at natakot nang magpahayag ng

opinyon at kaalaman matapos makaranas ng smart-shaming. Samantalang ang iba naman ay

tinatagan ang kalooban at hindi hinayaang tumagos ang masasakit na salita sa kanilang

damdamin at pigilan silang magpakita ng kaalaman. Ayon sa mga tagatugon, kadalasang

nangyayari ang smart-shaming sa paaralan at karaniwang nagmumula sa mga kaibigan. Minsan

ay pabiro ngunit nakakasakit padin ng damdamin. Ang kanila namang maipapayo bilang paraan

25
sa paglaban sa smart-shaming ay huwag magpaapekto, at magtiwala sa sarili. Ang

anti-intelektwalismo ay isang negatibong pag-iisip na siyang pumipigil sa paglago ng kaalaman

ng mga mag-aaral, ang dalawampung (20) tagatugon ang saksi sa penomenang ito. Tulad ng

ibang mga biktima nito, pilit din nilang nilalabanan at hinihigitan ang pananaw na ito, hindi

lamang para sa kanilang sarili kundi para na din sa nakapaligid sa kanila.

26
KABANATA 1V

Lagom, Konklusyon, at Rekomendasyon

Sa bahaging ito ng papel makikita ang buod ng isinagawang pag-aaral, ang konklusyon

at natamong kaalaman sa pananaliksik, at ang rekomendasyon upang higit na mapabuti ang

paksa.

Lagom

Ang smart-shaming ay isang hindi kanais-nais na patlang ng pang-aapi at diskriminasyon

na karaniwang nagaganap sa mga paaralan. Sa halip na itaguyod ang pagpapahalaga sa kaalaman

at pagiging matalino, ito ay naglilikha ng isang kultura ng pagkabahala at pagmamaliit sa mga

estudyante na nagtatangkang ipakita ang kanilang talino. Ang pangunahing layunin ng pag-aaral

na ito ay ang maunawaan ang epekto ng smart-shaming sa mga mag-aaral sa iba't ibang uri ng

aspeto: Pananaw sa Sarili, Pagganap sa Paaralan, at Mental na Kalusugan, maging ito man ay

positibo o negatibo. Sa layuning maunawaan ang implikasyon ng smart-shaming sa mga mag

aaral, nagsagawa ng sarbey ang mga mananaliksik. Matapos ang sarbey, sumailalim sila sa isang

pagsusuri upang maunawaan ang mga natatanging karanasan ng mga mag-aaral. Sa pamamagitan

ng masusing pag-aaral ng mga datos, karamihan ay nagsasabi na ang pagkabawas ng kumpiyansa

sa sarili at ang pagkawala ng tiwala sa sarili ang naging epekto nito sa kanila. Sa kabila nito, ilan

ay nagsasabing hindi sila naapektuhan. Sa pangkalahatan, ang smart-shaming ay isang patlang

ng pang-aapi at diskriminasyon na nagdudulot ng malawakang negatibong epekto sa mga

mag-aaral.

27
Konklusyon

Mula sa isinagawang pag-aaral nabatid ng pananaliksik na ito na ang "smart shaming" ay

tumutukoy sa akto ng pangmamaliit o panlilibak sa isang tao dahil sa pagiging matalino o may

kaalaman. Ito ay isang uri ng pang-aapi na maaaring magkaroon ng malubhang negatibong

epekto sa pagpapahalaga sa sarili at kalusugan ng isip ng biktima. Naging resulta sa pag-aaral na

karamihan ng mga biktima ng smart-shaming ay nag-iwan ng bakas sa kanilang mental na

aspeto, naapektuhan ang kanilang pag-aaral at maging ang kanilang kumpyansa sa sarili. Upang

malaban ito makakatulong ang pagiging positibo, pagkakaroon ng tiwala sa sarili at ang hindi

pagpansin sa mga negatibong komento ng kamag-aral, sa paggawa nito ay makakaiwas na mas

malalim ang maging epekto nito sa emosyon. Mahalagang kilalanin ang pinsalang dulot ng smart

shaming at isulong ang isang kulturang nagpapahalaga at nagdiriwang ng katalinuhan at

pagkatuto. Ang bawat isa ay may kanya-kanyang natatanging lakas at talento, at dapat nating

hikayatin at suportahan ang isa't isa na paunlarin at gamitin ang mga ito sa kanilang buong

potensyal, sa halip na sirain ang isa't isa. Sa pamamagitan ng pagpapaunlad ng kultura ng

paggalang at pagiging kasama, kung saan maaari itong lumikha ng mas positibo at

sumusuportang kapaligiran para sa lahat.

Rekomendasyon

Bilang resulta ng pag-aaral at nabuong konklusyon, minabuti ng mga mananaliksik na

imungkahi ang mga sumusunod sa gawain upang magbigay kaalaman sa epekto ng

Anti-intelektwalismo sa mga mag-aaral.

1. Bawasan ang pagsasabi ng mga nabanggit na katagang magbibigay-sakit damdamin sa

kamag-aral, kahit pa pabiro lamang ito.

28
2. Alamin at intindihin ang konsepto ng anti-intelektwalismo nang sa ganon ay maiwasan

itong mangyari.

3. Patuloy na alamin ang epekto ng anti-intelektwalismo upang mahanap ang iba pang

malalaking aspeto kung bakit ito nangyayari.

4. Ituri ang pananaliksik na ito bilang simula ng mas malawak na pagsusuri sa ideolohiya ng

smart-shaming at sikolohiya ng anti-intelektwalismo.

5. Inirerekomenda ng mga mananaliksik na itaguyod ang paggalang at

pagkakapantay-pantay ng bawat isa sa loob ng silid-aralan.

6. Mainam din na turuan ang mga mag-aaral ng tamang paraan ng komunikasyon.

Mahalagang ipabatid sa kanila ang halaga ng pagiging magalang, mapagkumbaba, at

bukas sa pakikinig. Kinakailangang palawakin ang kanilang kaalaman sa emosyonal na

intelehiya at sa pag-unawa sa iba't ibang perspektibo.

7. Mahalagang maging mga huwaran din ng tamang pag-uugali at respeto ang mga

magulang. Sa pamamagitan ng pagpapakita ng mga magulang ng respeto at pag-unawa sa

iba't ibang kakayahan ng mga estudyante, masisiguro ang paghubog ng isang

mapagkumbabang kultura sa paaralan na hindi nagtataguyod ng "smart shaming" o

pagmamaliit sa talino ng iba.

8. Maituro kung ano ang dapat at hindi dapat gawin ng pangaral na nagmumula sa tahanan

upang tumatak sa mga mag-aaral na ang anti-intelektwalismo ay hindi lamang

pampaaralang kaalaman.

29
Sanggunian

Baygan, J. A. (2018). Making sense of Smart-Shaming in the Philippines. www.academia.edu.


https://www.academia.edu/34758374/Making_sense_of_Smart_Shaming_in_the_Philippines

Caoile, G. (2019, October 4). Why Filipinos need to get rid of CRAB MENTALITY in order to
be SUCCESSFUL - When In Manila. When In Manila.
https://www.wheninmanila.com/why-filipinos-need-to-get-rid-of-crab-mentality-in-order-to-be-s
uccessful/

Chanco, B. (2022, July 3). Crisis in education. Philstar.com.


https://www.philstar.com/business/2022/07/04/2192779/crisis-education

Cuason, S. U., & Fortuno. (2012). Development of Student’s Scale for Anti-intellectualism.
TheBedan Journal of Psychology, 81. https://www.sanbeda-alabang.edu.ph

Cusi, M. P. (2019). Isang Pagninilay sa Kultura ng Panghihiya sa Matatalino (A Reflection on


the Culture of Smart-Shaming). Up-diliman.
https://www.academia.edu/40980060/Isang_Pagninilay_sa_Kultura_ng_Panghihiya_sa_Matatali
no_A_Reflection_on_the_Culture_of_Smart_Shaming_

Del Valle, Z. (2022, January 5). Smart-Shaming: A Disease That Kills Meaningful
Conversations. Medium.
https://medium.com/@zyrondelvalle/smart-shaming-a-disease-that-kills-meaningful-conversatio
ns-41848a6899f5

30
Delle, C. (2016, August 11). Why Stop Smart-Shaming? - Vigorbuddy.com. Vigorbuddy.com.
https://www.vigorbuddy.com/stop-smart-shaming/?fbclid=IwAR3EKLI2FtiYCMumDYUZ2p5p
1jrSaVQx5J2ppo5aq-MJ_fD671DNMoAysok

Gohu, K. (2023). “Ikaw na!”: What Smart Shaming Is And Why We


Shouldn’t. Modern Parenting.
https://modernparenting-onemega.com/smart-shaming-what-is-it-and-why-it-should-stop/

Jones, J. (2020). Isaac Asimov Laments the “Cult of Ignorance” in the United States (1980).
Open Culture.
https://www.openculture.com/2016/10/isaac-asimov-laments-the-cult-of-ignorance-in-the-united-
states.html

(King) crab mentality | Philippine Competition Commission. (n.d.).


https://www.phcc.gov.ph/column8-bm-caca-king-crab-mentality/

Kmdyoung. (2014, December 2). Ang “Crab Mentality” Sa Ating Buhay. Kevin Young.
https://kmdyoung16.wordpress.com/2014/12/01/ang-crab-mentality-sa-aming-buhay/

Lavrakas, P. J. (2008). Encyclopedia of Survey Research Methods. SAGE Publications, Inc.


eBooks. https://doi.org/10.4135/9781412963947

Lim, J. (2008, June 1). An Empirical Investigation of Student Achievement and Satisfaction in
Different Learning Environments. Learning & Technology Library (LearnTechLib).
https://www.learntechlib.org/p/101473/

Mcleod, S., PhD. (2023). Social Identity Theory: Definition, History, Examples, & Facts.
Simply Psychology. https://www.simplypsychology.org/social-identity-theory.html

Moore, J. (2017). ANTI-INTELLECTUALISM AND STUDENT PERCEPTIONS OF HIGHER


EDUCATION [PHD Dissertation]. Mercer University.

Moran, M. (2021). Qualitative Sampling Techniques. Statistics Solutions.


https://www.statisticssolutions.com/qualitative-sampling-techniques/

31
Mungcal, F. I., & Gozum, E. J. (2019). Understanding Smart Shaming: A Basic Qualitative
Study. Dct.
https://www.academia.edu/49388282/Understanding_Smart_Shaming_A_Basic_Qualitative_Stu
dy

Nelson, S. (2022, March 10). Ask an Expert: I’m Jealous of My Friends’ Successes. How Do I
Cope? Harvard Business Review.
https://hbr.org/2022/02/ask-an-expert-im-jealous-of-my-friends-successes-how-do-i-cope

Nguyen, S. (2021). Crab Mentality — Project Lotus. Project Lotus.


https://www.theprojectlotus.org/blog/crab-mentality

Rodriguez, R. (2017). E, di Ikaw na ang Matalino! Isang Pagsusuri sa Penomenon ng


Smart-Shaming sa mga Pilipinong Gumagamit ng. . . ResearchGate.
https://www.researchgate.net/publication/328066432_E_di_Ikaw_na_ang_Matalino_Isang_Pags
usuri_sa_Penomenon_ng_Smart-Shaming_sa_mga_Pilipinong_Gumagamit_ng_Facebook

Romana, B. J. J. M. (1970, January 1). Smart-shaming and our Pinoy culture of


anti-intellectualism | SciTech |. GMA News Online.
https://www.gmanetwork.com/news/scitech/science/517026/smart-shaming-and-our-pinoy-cultur
e-of-anti-intellectualism/story/

Smart-Shaming. (n.d.). http://smartshaming.blogspot.com/

Smith, M. N. K., Wb, W., Adams, W., Wieman, C. E., Knight, J. K., Guild, N., & Su, T. T.
(2009). Why Peer Discussion Improves Student Performance on In-Class Concept Questions.
Science, 323(5910), 122–124. https://doi.org/10.1126/science.1165919

Society for Philosophy of Emotion - Hazel T. Biana Abstract. (n.d.).


https://www.philosophyofemotion.org/spe-events/apa-affiliated-group-sessions/archived-sessions
/2021-eastern-central-and-pacific-apa/hazel-t-biana-abstract

Tenny, S. (2022, September 18). Qualitative Study. StatPearls - NCBI Bookshelf.


https://www.ncbi.nlm.nih.gov/books/NBK470395/

32
The Diplomat. (2023, February 22). The Philippines’ Basic Education Crisis.
https://thediplomat.com/2023/02/the-philippines-basic-education-crisis/#:~:text=%E2%80%9CT
he%20lack%20of%20school%20infrastructure,104%2C536%20are%20in%20good%20conditio
n

Triki, A., Nicholls, S., Wegener, M., Bay, D., & Cook, G. L. (2012). Anti-Intellectualism,
Tolerance for Ambiguity and Locus of Control: Impact on Performance in Accounting
Education. In Emerald Group Publishing Limited eBooks (pp. 87–107).
https://doi.org/10.1108/s1085-4622(2012)0000013009

33

You might also like