Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

Republic of the Philippines

Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN

MASUSING BANGHAY ARALIN sa Araling Panlipunan


Grade 8: KASAYSAYAN NG DAIGDIG

Paaralan: ROXAS NATIONAL Baitang/Antas: Grade 8


GRADES K1-12 COMPREHENSIVE HIGH SCHOOL Asignatura: Ang Kasaysayan ng Daigdig
Guro: Jephunneh Mia Pacurza Markahan: Ikatlong Markahan
Petsa: April 03, 2023
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Naipamamalas ng mga mag-aaral ang pag-unawa sa mga naging transpormasyon tungo sa
Nilalaman makabagong panahon ng mga bansa at rehiyon sa daigdig bunsod ng paglaganap ng mga
kaisipan sa agham, politika, at ekonomiya.

B. Pamantayan sa Kritikal na nakapagsusuri sa naging implikasyon sa kaniyang bansa, komunidad, at sarili ng mga
Pagganap pangyayari sa panahon ng transpormasyon tungo sa makabagong panahon.

C.Pamantayan sa Nasusuri ang mga dahilan, pangyayari at epekto ng Ikalawang Yugto ng kolonyalismo
Pagkatuto (Imperyalismo).

D. Kasanayan sa Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:


Pagkatuto Mga tiyak 1. Naiisa-isa ang mga sanhi sa paglulunsad sa ikalawang yugto ng kolonyalismo at
na layunin imperyalismo;
2. Naipapaliwanag sa pamamagitan ng iba’t-ibang presentasyon ang mga sanhi sa
paglulunsad ng ikalawang yugto ng kolonyalismo at imperyalismo;
3. Nabibigyang halaga ang mga sanhi sa paglulunsad ng ikalawang yugto ng kolonyalismo
at imperyalismo.
II. NILALAMAN A. Paksa: Mga Sanhi sa Paglulunsad ng Ikalawang Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo

B. Kagamitan: LED TV, power point presentations, mga larawan, Laptop, kartolina, pentel pen at
iba pang pantulong na biswal
C. Sanggunian:1. Araling Panlipunan 8: (LM)

Kagamitang Panturo
A. Sangunian Araling Panlipunan 8:Ang Kasaysayan ng Daigdig
1. Mga pahina sa TG, pahina
gabay ng guro
2.Mga pahina sa LM, pahina 7
kagamitang pang-
mag-aaral
3. Mga pahina sa
teksbuk
4.Karagdagang
kagamitanmulasa
portal
learningresource
GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL
III. PAMAMARAAN

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN
Pang araw-araw na Panalangin
gawain Tumayo ang lahat para sa ating panalangin.
(Tatayo ang lahat at mananalangin)
Maaari mo bang pangunahan ang ating
panalangin, Anaclito?
(Susunod ang mag-aaral)
Pagbati
Magandang umaga sa inyong lahat!

Pagpuna sa paligid Magandang umaga din po!


Bago kayo maupo ay pulutin muna ninyo ang
mga kalat sa paligid ng inyong upuan at
ayusin ang pagkakahanay ng inyong mga
upuan. (Pupulutin ng mga mag-aaral ang mga
makikitang kalat at aayusin ang hanay ng mga
upuan)

Wala na bang nakikitang kalat klas? Wala na po.

Maaari na kayong umupo. (susunod ang mga mag-aaral)

Pagtala ng mga liban


Rose, sino ang liban sa klase ngayong araw? Wala po.

Wow! Ako ay natutuwa naman dahil walang


lumiban ngayong araw. Palakpakan ninyo ang
inyong mga sarili (papalakpakan ng mga mag-aaral ang kanilang
mga sarili.
Pagkuha ng takdang aralin
Mayroon ba akong ibinigay na takdang aralin
klas? (Sasagot ang mga mag-aaral)

Okay klas, sa palagay ninyo mahalaga pa


bang magsuot ng facemask? Opo ma’am

Tama! kaya panatilihin nating isuot ang ating


mga facemask dahil mayroon pa ring covid
hanggang nagyon. Nauunawaan ba? Opo!

Kung gayun ay dalawang bagsak nga dyan. Plak! Plak!

Handa na ba ang lahat? Opo ma’am


a. Balik-aral sa Ngayon klas ay mayroon ako inihandang
nakaraang aralin gawain at tatawagin natin itong ________
YOUR ANSWER SOUNDS ANIMAL
Pakibasa nga ang ating panuto, Gerald! (Sumusnod ang mag-aaral)

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN
Naunawaan ba klas ang ating panuto? Opo ma’am
Handa naba ang lahat?
(Sumunod ang mga mag-aaral)
Bigyan nga ako ng limang bagsak klas!

Para sa unang bilang, ano ang inyong (Sumunod ang mga mag-aaral)
kasagutan?

(gagayahin ng mag-aaral ang huni ng aso)

(Sumunod ang mga mag-aaral)


Mahusay! Para naman sa ikalawang
bilang?

(gagayahin ng mag-aaral ang huni ng aso)

(Sumunod ang mga mag-aaral)


Okay, tama! Para sa ikatlong katanungan,
ano ang inyong sagot?

(gagayahin ng mag-aaral ang huni ng pusa)

(Sumunod ang mga mag-aaral)


Magaling! Para sa ikatlong katanungan,
ihuni no nga ang inyong sagot.

(gagayahin ng mag-aaral ang huni ng pusa)

Napakahusay ninyo klas! At dahil diyan (Susunod ang mga mag-aaral)


bigyan niyo ang inyong mga sarili ng
barangay klap!
Wala napo.
May mga katanungan pa ba kayo klas sa
ating nakaraang talakayan?

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN
Magaling! ako ay natutuwa sapagkat
pinatunayan niyo lamang na kayo ay
talagang nakinig at may natutunan .
B. Paghahabi sa Ngayon naman klas ay may bubuuhin tayong
layunin isang puzzle na pinamagatan
kong_____________
(3 minutes)

Papangkatin ko ang klase sa apat, sa


pamamagitan ng pagbibilang mula isa
hanggang apat. Pagkatapos ay magsama-
sama ang lahat ng magkakapareho ng
numero. Upang maunawaan ng lahat ang
ating gagawin ay narito ang ating panuto.
Pakibasa mo nga ito Shane.

Nauunawaan ba klas?
Opo ma’am
Okey, ang unang makakasulat sa pisara ay
may karagdagang sampung puntos.
(Unang nakasulat sa pisara ang ikalawang
pangkat)

Okay! Naunang natapos ang ikalawang


pangkat. Bigyan sila ng limang bagsak!
(Sumunod ang mga mag-aaral)
Sa inyong palagay base sa inyong ginawa,
ano kaya ang paksang tatalakayin natin
ngayong araw? Danny.
Ma’am ang ating paksang tatalakayin po
ngayong umaga ay patungkol sa sanhi ng
ikalawang yugto ng imperyalismo at
kolonyalismo

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN
Mahusay! Ang ating paksang tatalakayin
ngayong araw aysanhi sa paglulunsad ng
ikalawang yugto ng kolonyalismo at
imperyalismo. Basahin nga ng sabay-sabay
klas.
(Sumunod ang mga mag-aaral)

Ngayon naman klas ay narito ang ating


layunin na kailangan nating maisatuparan
bago matapos ang ating talakayan. Sino ang
nais bumasa ng ating layunin? Mealyn.

Salamat Merelyn! Nalaman niyo na ang ating


layunin klas. Mayroon ba kayong mga
katanungan klas o nais malaman tungkol sa
ating paksa?
Ma’am ano po ang sanhi ng paglulunsad ng
ikalawang yugto ng imperyalismo at
kolonyalismo?
Magandang katanungan! Mayroon pa bang
ibang katanungan klas?
Ma’am ano po ang kolonyalismo at
imperyalismo?
Magaling ang iyong katanungan! Mayroon pa
bang tanong klas?
Wala na po
Kung wala na sa ating pagpapatuloy ay
masasagot ang inyong mga tanong. Kung
kayo ay mayroong katanungan ako ay
mayroon ding inihandang mahalagang
katanungan.
Pakibasa mo nga ito Alora. MAHALAGANG KATANUNGAN
Bakit mahalagang pag-aralan ang
sanhi ng paglunsad ng ikalawang yugto ng
kolonyalismo at imperyalismo?

Maraming salamat Alora! Handa na ba ang


lahat para sa ating talakayan? Opo!

Kung handa na pag sinabi kong hep hep

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN
sabihin hooray hooray!
Hep hep? hooray hooray!
C. Pag-uugnay ng Ngayon naman klas ay mayroon akong mga
mga halimbawa sa larawan na inihanda na kung saan ibibigay
bagong aralin ninyo ang inyong mga ideya, obserbasyon o
gusto iparating ng larawang mga ito. Handa
(3 minutes) naba ang lahat?
Opo ma’am.
Narito ang mga larawan

Mahusay! Para naman sa larawang ito?


Ma’am ito po ay pagpunta tuwing flag
ceremony tuwing lunes sa mga paaralan

Ito po ay pagkakaroon ng mga pabrika o


pagawaan at magdami ng mga malalaking
tindahan.
Magaling! Para naman sa larawang ito? Ano
ang inyong masasabi?

Ma’am ito po ay kapitalismo. Makikita po sa


larawan ang mga hilaw na materyales na
kailangang ma proseso upang maging bagong
produkto at ibenta sa mamamayan.
Mahusay! Para naman sa larawang ito ano
ang inyong obserbasyon? Ma’am ang larawang ito po ay nagpapakita ng
pagtuturo ng mga puti sa mga itim na mag-
aaral

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN

Mahusay klas! Ako ay natutuwa sa inyong


mga kasagutan. Dahil diyan ay bigyan niyo
ang inyong mga sarili ng barangay klap!
(Sumunod ang mga mag-aaral)
D. Pagtalakay ng Ngayon naman klas ang ating gawain ay
bagongkonsepto at tatawagin nating_______
paglalahad ng
bagong kasanayan#1

(3 minutes)

Para naman sa panuto pakibasa mo nga


Gerald.

Salamat! Mayroon ako ditong mga salita, ang


gagawin niyo lamang ay piliin at ilipat ang
salita na sa palagay niyo ay kabilang sa mga
sanhi ng ikalawang yugto ng kolonyalismo.
Tatawag ako ng sasagot at maari ring itaas
niyo lamang ang inyong kamay kung nais
niyong sumagot. Naunawaan ba ang ating
panuto klas? Opo ma’am

Kung ganoon simulan na natin. Para sa


unang pipili ay si Kyle.
Sanhi ng Ikalawang Relihiyon
Yugto ng
Kolonyalismo Kaisipan
Industriyalisayon Kapitalismo
Nasyonalismo
Social darwinism

Sa palagay niyo klas tama ba na ang


industriyalismo ay kabilang sa sanhi ng

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN
ikalawang yugto ng kolonyalismo. Opo ma’am

Mahusay! Bigyan natin ng isang bagsak na


palakpak si Kyle. (papalakpak ang mga mag-aaral)

Ang industriyalismo ay kabilang sa sanhi ng


iklawang yugto ng kolonyalismo. Ngayon
naman para sa pangalawang pipili, itaas nga
ang kamay. Ang sasagot ay si Angel (tataas ng kamay ang mga mag-aaral)
(tatayo ang mag-aaral at pupunta sa harap)
Sanhi ng Ikalawang Relihiyon
Yugto ng
Kolonyalismo Kaisipan
Industriyalisayon
Kapitalismo Nasyonalismo
Social darwinism

Salamat! Kabilang din kaya ang kapitalismo


sa mga sanhi klas? Oo o hindi? Opo ma’am!

Tama! bigyan ng isang bagsak na palakpak si (papalakpak ang mga mag-aaral)


Angel.
(tatayo ang mag-aaral at pupunta sa harap)
Para sa susunod ay si John Sanhi ng Ikalawang Relihiyon
Yugto ng
Kolonyalismo Kaisipan
Industriyalisayon
Kapitalismo
Nasyonalismo Social Darwinism

Nasyonalismo ang pinili ni John na isa sa


kabilang sa sanhi, sa palagay nyo klas tama Tama po ma’am!
ba ang pinili nya?

Tumpak! Isang bagsak din na palakpak para (papalakpak ang mga mag-aaral)
kay John.
(tatayo ang mag-aaral at pupunta sa harap)
Para sa ikahuling sanhi ikaw nag pipili Mark
Sanhi ng Ikalawang Relihiyon
Yugto ng
Kolonyalismo
Industriyalisayon Kaisipan
Kapitalismo
Nasyonalismo
Social Darwinism

Ang kaniya namang pinili ay Social


Darwinism, sang-ayon ba kayo na ito ay isa Tama po ma’am
sa mga sanhi?

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN
Ito tama at kabilang sa sanhi ng ikalawang
yugto ng kolonyalismo, isang bagsak din
palakpak ang ibigay natin kay Mark
(papalakpak ang mga mag-aaral)

Ano nga ulit ang mga sanhi ng ikalawang


yugto ng kolonyalismo klas? Ma’am industriyalismo, kapitalismo,
nasyonalismo at social darwinismo po!
Okey, tandaan na ito ay mga sanhi ng
ikalawang yugto ng kolonyalismo.
Naunawaan ba klas?
Opo ma’am!
E. Pagtalakay ng Ngayon naman ay bibigyan ko kayo ng
bagong konsepto at pagkakataong ipakita ang inyong mga
paglalahad ng itinatagong talento ito ay tatawagin nating
bagong kasanayan ________
#2

(15 minutes)

Ang grupo ninyo kanina ay siya pa ding grupo


niyo ngayon, maaari lamang na mayroong
isang miyembro na lumapit upang bumunot
ng gagawain ng grupo.
(Susunod ang mga mag-aaral)
Naunawaan na ba ang gagawin klas?
Opo ma’am
Bibigyan ko lamang kayo ng limang minuto sa
paghahanda at tatlong minuto para sa
pagpapakitang gilas. Ngunit bago ang lahat
ay narito muna ang ating pamantayan sa
pagmamarka ng inyong presentasyon.
Pakibasa nga ito ng sabay-sabay.

Salamat! Nauwaan ba ang ating pamantayan


klas?
Opo
Okey maaari na kayong magsimula.
(Natapos na ang itinakdang oras)
Bumalik na ang lahat sa sariling mga upuan,
at tunghayan na natin ang unang pangkat.

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN

UNANG PANGKAT:
Gumawa ng dula-dulaan na nagpapakita ng
nasyonalismo o pagmamahal sa bayan.

(Isasagawa ng mga mag-aaral)


Magaling! Bigyan natin sila ng limang bagsak.
(Susunod ang mga mag-aaral)
Ngayon naman ay dumako na tayo sa
ikalawang pangkat.
IKALAWANG PANGKAT:
Magdebate patungkol sa kapitalismo. Pabor ba
kayo na malaya ang pamumunuhan at
pagnenegosyo lalo na ang ibang bansa o
kailangan na makialam ang pamahalaan sa
kanila. Hatiin niyo ang inyong grupo sa dalawa,
ang isa ay pabor at ang kabilang grupo ay hindi
pabor.
(Isasagawa ng mga mag-aaral)
Mahusay! Bigyan din natin sila ng limang
bagsak.
(Susunod ang mga mag-aaral)
Para naman sa ikatlong pangkat, tunghayan
natin sila.
IKATLONG PANGKAT:
Magpakita ng Pantomime patungkol sa Social
Darwinism. Ang Social Darwinism ay ang
paniniwala ng mga europeo na mas angat sila
kaysa sa Africa, Asya at katutubong
Amerikano.
Magagaling! Bigyan din natin sila ng limang (Isasagawa ng mga mag-aaral)
bagsak.

Mahusay! Ngayon naman syempre di (Susunod ang mga mag-aaral)


magpapahuli ang ikaapat na pangkat.

IKAAPAT NA PANGKAT:
Ipakita ang naging magandang dulot ng
pagdami ng pabrika at imbensyon sa
pagpapabilis ng produksyon sa pamamagitan
ng pagbabalita.
Mahusay bigyan natin sila ng limang bagsak! (Isasagawa ng mga mag-aaral)

Ngayon ay dadako naman tayo sa (Susunod ang mga mag-aaral)


pagmamarka. Ngayon klas kayo ang
magbibigay ng marka sa inyong mga kaklase
base sa ating pamantayan.

Ikalawang Pangkat ilan ang inyong ibibigay


na puntos sa unang pangkat?

Okey,maraming salamat. Pero bago tayo Ma’am 29 po

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN
dumako sa susunod na grupo bakit 29 puntos
ang inyong ibinigay?

Salamat! Para naman sa puntos ng ikalawang Ma’am dahil po maganda at tugma ang paksa
pangkat ilan ang puntos na inyong ibibigay ng kanilang ipinakita.
ikaapat na pangkat?

Wow perfect! Salamat ikatlong pangkat ilan


naman ang puntos na ibibigay ninyo sa Ma’am 30 po
ikaapat na pangkat?

Salamat! At para naman sa puntos ng


ikatlong pangkat, ilan ang inyong ibibigay? Ma’am 29 din po

Bigyan nyo ng barangay clap ang inyong mga


sarili Ma’am 29 po

Okey, klas meron pa ba kayong katanungan


tungkol sa ating nakalipas na gawain? (Isasagawa ng mga mag-aaral)

Kung wala na, tayo ay magpatuloy upang


mas bigyan natin ng mas malalim na Wala na po
pagkakaintindi sa mga sanhi ng ikalawang
yugto ng kolonyalismo at imperyalismo.

Hep hep?

Para sa karagdagang kaalaman ng lahat


narito ang mga sanhi ng ikalawang yugto ng Hooraaaaay
kolonyalismo at imperyalismo, pakibasa nga
unang sanhi Rodman

Okey salamat! Halimbawa nalang sa inyong


bahay, sino sa inyo ang may mga ate at
kuya?

Okey diba ang mga ate at kuya nyo sila yung


nasusunod kapag wala ang mga magulang
niyo sa bahay nyo dahil naniniwala sila na
mas nakakataas sila kaysa sa inyo at
obligasyon din nila na gabayan kayo sa
inyong mga ginagawa. Naunawaan ba klas?

Para sa ikalawang sanhi pakibasa nga Franz


Opo ma’am!

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN

Salamat! Kayo ba may damdamin ding


nasyonalismo o pagmamahal sa bayan?
Opo ma’am mayroon po!
Mabuti kung gnoon, para sa ikatlong sanhi
pakibasa nga Frenchesh

Maraming salamat! Dahil sa pagkakaroon ng Opo!


mga makinarya dumami at naging mabilis ang
nagagawang mga produkto kaya dumating sa
punto na naubusan na ng mga hilaw na
materyales na ginagawang mga produkto
kaya sila nagnais na ipagpatuloy ang
pananakop ng mga bansa lalo na sa Africa at
Asya!

Naunawaan ba klas?

Ngayon naman para sa pang-apat na sanhi,


pakibasa mo Kyle

(magtatas ng kamay ang mga mag-aaral)

Opo ma’am!

Maraming salamat Kyle, ang kapitalismo (sasagot ang mga mag-aaral)


nakatuon sa malayang daloy ng ekonomiya at
ang pagpaparami ng salapi o pera, dahil sa Hooray!

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN
kapitalismo mas naging malaya ang
pagnenegosyo at kalakalan lalo na sa pagitan
ng mga Europeo at mga Asyano at
nakinabang lalo ang mga Europeo o mga
kanluranin, marami silang naipon na salapi at
mas nagnais sila na kumita kaya ginamit nila
ng kanilang naipon sa pagnenegosyo sa
pananim at minahan ng mga bansang
kanilang sinakop. Okey, sino gusto maging
nesgosyante dito balang araw? Magkaroon
sarili nilang negosyo?

Naunawaan ba ang kapitalismo kung bakit


naging dahilan ng pagkakaroon ng ikalawang
yugto ng kolonyalismo at imperyalismo?

Okey, anong ang mga sanhi o dahilan kung


bakit nagkaroon ng ikalawang yugto ng
kolonyalismo at imperyalismo?

Hephep

F. Paglinang sa Gawain 6: Ask me!


kabihasaan (Tungo Okey klas tinggnan nga natin kung talagang
sa Formative naunawaan nyo ang mga sanhi, sagutin nga
Assessment) natin ang mga pamprosesong tanong na
aking inihanda, bakit kaya naging sanhi ng
(8 minutes) ikalawang yugto ng kolonyalismo ang Social
Darwinism? Ally? Ma’am kasi po mataas po ang tingin ng mga
Europeo sa kanilang sarili kaya malakas po ang
loob nila na manakop ng mahihinang bansa.
Tama! Mayroon pa bang nais linawin ukol sa
social Darwinism?
Wala na po ma’am!
Ngayon naman klas bakit nga naging sanhi
rin ang nasyonalismo? Hazel?
(magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)
Ma’am dahil po sa pagmamahal nila sa bayan
nila gusto po nila itong bigyan ng karangalan o
kapangyarihan sa pamamagitan ng
pagpapalawak ng teritoryo.
Magaling! Ngayon bakit naman naging sanhi
ang rebolusyong industriyal? Kate?
Ma’am kasi po dahil sa industriyalisasyon
nangailangan po sila ng maraming hilaw na
materyales at mapagtatayuan ng pabrika kaya
Mahusay! Bakit naman kaya naging sanhi ng kinailangan din po nila manakop ng mga bansa.
ikalawang yugto ng kolonyalismo ang
kapitalismo? Angie?
Ma’am dahil po sa pagnanais ng mga
kanluranin na dumami po ang pera nila o yung
Salamat! Ngayon naunawaan naba ng lahat kita po nila.
ang bawat sanhi sa paglunsad ng ikalawang

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN
Yugto ng Kolonyalismo at Imperyalismo?

Mahusay! May mga katanungan pa ba kayo


o nais na linawin? Opo ma’am

Okey, limang bagsak nga diyan Wala na po!

Plak! Plak! Plak! Plak! Plak!


G. Paglalapat ng Okay ngayon naman klas, sino sa inyo ang
aralin sa pang-araw- uma attend ng flag ceremony tuwing lunes?
araw na Gawain. (Magtataas ng kamay ang mga mag-aaral)
Okay, sa tingin ninyo klas dapat ba o
(3 minutes) mahalaga ba na umattend tayo ng flag
ceremony? Opo ma’am

Bakit kaya? Ano kaya sa tingin ninyo ang


ipinakita natin kapag inilalagay natin ang ating
kanang kamay sa ating dibdib at umaawit ng
lupang hinirang? Ma’am pagbibigay galang at pagpapakita po ng
pagmamahal sa bayan.

Tumpak! Ito ay pagpapakita ng nasyonalismo.


Mayroon tayong apat na sanhi ng ikalawang
yugto ng imperyalismo pero bigyan nating
atensyon ang nasyonalismo. Bilang isang
mag-aaral paano ninyo naipapakita ang
nasyonalismo? Brielle? Ma’am sa pamamagitan po ng pagbili ng sarili
nating produkto.

Magaling! ano pa? Alex? Ma’am paghinto po kapag narinig na inaawit


ang lupang hinirang.

Magaling! Ang inyong mga kasagutan ay


nagpapakita ng pagmamahal sa bayan.

May mga katanungan pa ba kayo o nais


linawin? Wala na po ma’am

Kung wala na ako ay natutuwa sa inyong mga


kasagutan. Mahuhusay! Bigyan niyo ang
inyong mga sarili ng ang galing galing klap! (Susunod ang mga mag-aaral)
H. Paglalahat ng Okey, ngayon klas magkakaroon tayo ng
aralin paligsahan. Ang klase ay hahatiin ko sa
dalawang pangkat at ang bawat pangkat ay
(3 minutes) magtalaga ng apat na kinatawan na siyang
sasagot sa ating mga katanungan. Kayo ay
magpapaunahan sa pagsagot ng bawat
tanong. Kapag alam ninyo ang tamang sagot
ay sabihin lamang ang “Ay ay captain” Ang
maraming masasagot na tamang sagot ay
siyang may maraming puntos.

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN
Nauunawaan na ba ang gagawin klas?
Opo ma’am
Okey, para sa ating unang katanungan. Ito ay
ang paniniwala ng mga Europeo na sila ay
mas mataas kaysa sa mga asyano at
katutubong amerikano.
(magsasabi ang unang pangkat ng ay ay
captain)
Okey, unang pangkat ano ang inyong
kasagutan?
Ma’am ito po ay Social Darwinism
Magaling! mayroon na kayong limang puntos.
Para naman sa ating ikalawang katanungan.
Ito ay ang pagmamahal sa bayan na
magkaroon ng kapangyarihan sa
pamamagitan ng pagpapalawak ng teritoryo.
(magsasabi ang ikalawang pangkat ng ay ay
captain)
Okey, nauna ang ikalawang pangkat. Ano ang
inyong kasagutan?
Ma’am ito po ay nasyonalismo.
Tumpak! Mayroon na rin kayong limang
puntos.

Para naman sa ating ikatlong katanungan.


(magsasabi ang unang pangkat ng ay ay
captain)

Ma’am ito po ay rebolusyong industriyal.


Tama! dahil dito ay nangailangan ng
pagkukunan ng mga hilaw na materyal at
dahil din dito naghangad ang mga kanluranin
ng mga lupain na pwede nilang pagtayuan ng
bagong pabrika upang makagawa ng mas
maraming produkto. (magsasabi ang ikalawang pangkat ng ay ay
captain)

Para naman sa ating huling katanungan. Sa


pag-unlad ng kalakalan pagitan ng mag
Europeo at mga asyano, dumami ang
salaping naipon ng mga mangangalakal na
kanluranin. Ano ang inyong kasagutan?
Ma’am ito po ay kapitalismo
Tumpak! Mayroon na rin kayong sampung
puntos. Bumalik na ang lahat sa upuan.
(susunod ang mga mag-aaral)
Ako ay natutuwa sapagkat nasagutan ninyo
lahat ng ating mga tanong. Dahil dyan bigyan
ninyo ng limang bagsak ang inyong mga
sarili. Plak! Plak! Plak! Plak! Plak!

Naunawaan na ba klas ang ating paksang


tinalakay? Opo ma’am

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN
May mga katanungan pa ba kayo o nais
linawin?
Wala na po ma’am
Okey, dahil dyan narito muli ang ating
paksang tinalakay ngayong araw.

I. Pagtataya ng aralin Ngayon magkakaroon tayo ng maikling


pagtataya. Mar Vincent, pakibasa ang panuto
(4 minutes) para sa ating pagtataya.
Panuto: Basahin ng mabuti ang nasa bawat
bilang at isulat ang titik ng tamang sagot sa
sagutang papel.
Maaari na niyo ng sagutan ang inyong
pagsusulit.
1. Ang mga sumusunod ay mga sanhi ng
paglulunsad ng ikalawang yugto ng
Kolonyalismo at imperyalismo, MALIBAN sa?
A Kapitalismo B. Industriyalisasyon
C. Nasyonalismo D. Social contract

2. Dahil sa pagtaas ng produksyon nagkaroon


ng matinding pangangailangan ang mga
Europeo sa mga hilaw na materyales at isa sa
naging sanhi ng pagsisimula ng ikalawang
yugto ng Kolonyalismo at imperyalismo. Ang
pahayag na ito ay kabilang sa anong sanhi?

A. Kapitalismo B. Nasyonalismo
C. Industriyalisasyon D. Siyentipiko
3. Bakit ang nasyonalismo ay isa sa mga
naging sanhi ng ikalawang yugto ng
Kolonyalismo at imperyalismo?

A. Dahil gusto nila maging kaisang bansa na


ang maraming bansa lalo na ang mga bansa sa
Africa at Asya.
B. Dahil sa nais nilang maging masigla ang
kanilang mga bansa kaya sila nanakop ng mga
maliliit ng mga bansa.
C. Dahil nais ng mga nasyon sa Europa na
maging makapangyarihan sa pamamagitan ng
pagpapalawak ng kanilang teritoryo upang
labanan ang kanilang mga karibal na bansa. D.
Dahil nais nilang makilala bilang malawak ng
bansa sa pamamagitan ng kanilang

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN
pananakop.
4. Alin sa mga sumusunod na sitwasyon ang
nagpapakita ng sanhi ng ikalawang yugto ng
kolonyalismo at imperyalismo?

A. Ang tatay ni Mario ang naghahatid ng mga


niyog sa isang pabrika upang gawing mantika.
B. Si Ana ay mahilig bumili ng mga produkto na
galing sa ibang bansa. C.
Si Larry ay hindi pumapasok ng maaga tuwing
lunes dahil ayaw niyang umattend ng flag
ceremony. D.
Gusto ni ng tatay ni Mia na Lumapad ang
kanilang lupain kaya bumili sila ng maraming
lupa malapit sa kanila
5. Isa sa mga sanhi ng ikalawang yugto ng
Kolonyalismo at imperyalismo ay ang
nasyonalismo. Bilang isang mag-aaral sa
paanong paraan mo maipapakita ang
nasyonalismo o iyong pagmamahal sa ating
bansa?

A. Paggalang at palaging dadalo sa seremonya


ng pambansang awit ng Pilipinas sa aming
paaralan.
B. Tangkilikin ang gawa ng ibang bansa
C. Paggunita sa araw ng mga puso.
D. Makisama sa ibang tao upang maiwasan
ang sigalot.

Natapos na ang itinakdang oras, makipagpalit


ng papel sa katabi at lagyan ng iniwasto ni __.
Narito ang inyong gabay sa pagwawasto.
Susi sa Pagwawasto
1. D
2. C
3. C
4. A
5. A
J. Karagdagang Okey, ipasa na ang inyong mga papel sa
Gawain para sa harap at pagkatapos ay kunin ang inyong
takdang aralin at kwaderno at isulat ang ating takdang aralin.
remediation
Takdang aralin:
(2 minutes) Magsulat ng limang
magandang epeko ng
ikalawang yugto ng
pananakop
(susunod sa
ang mga mag-aaral) ating
kasalukuyang panahon.

Tapos na ba sa pagsulat ang lahat?


Opo ma’am

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN
Kung gayun, tumayo na ang lahat. Paalam sa
inyong lahat!
Paalam din po ma’am.
IV. MGA TALA

V. PAGNINILAY
A. Bilang ng mag-
aaral na nakakuha ng
80% sapagtataya
B. Bilang ng mag-
aaral na
nangangailangan ng
iba Gawain para sa
remediation
C. Nakatulong baa
ng remedial? Bilang
ng mga mag-
aaralnanakaunawasa
aralin
D. Bilang ng mag-
aaral nanag
patuloysa
remediation
E. Alin sa mga
istratehiyang panturo
ang nakatulong ng
lubos? Paano ito
Nakatulong?

Inihanda ni:

JEPHUNNEH MIA PACURZA


BSEd IV, Tagapakitang Guro

Pinagtibay ni:

RUSSEL M. ABOG
Guro II, Araling Panlipunn

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com

You might also like