Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 18

Republic of the Philippines

Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN

MASUSING BANGHAY ARALIN sa Araling Panlipunan


Grade 8: KASAYSAYAN NG DAIGDIG

Paaralan: ROXAS NAT’L COMPREHENSIVE Baitang/Antas: Grade 8


GRADES K1- HS Asignatura: AP- KASAYSAYAN NG DAIGDIG
12 Guro: CRIZZLL HANNAH M. PABILLORE Markahan: Ikatlong Markahan
Petsa: February 28, 2023
I. LAYUNIN
A. Pamantayang Ang mag-aaral ay naipamamalas ng mag-aaral ang pagunawa sa naging transpormasyon tungo
Nilalaman sa makabagong panahon ng mga bansa at rehiyon sa daigdig bunsod ng paglaganap ng mga
kaisipan tungo sa pagbuo ng pandaigdigan kamalayan.

B. Pamantayan sa Ang mag-aaral ay kritikal nanakapagsusuri sa naging implikasyon sakaniyang bansa,


Pagganap komunidad, at sarili ng mga pangyayari sapanahon ngtranspormasyon tungo sa makabagong
panahon.

C. Pamantayan sa Nasusuri ang dahilan, pangyayariat epektong unang Yugto n gKolonyalismo.


Pagkatuto
D. Kasanayan sa Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay inaasahang:
Pagkatuto/ Mga tiyak
na layunin 1. Naiisa-isa ang mga dahilan ng unang yugto ng kolonyalismo;
2. Naipapaliwanag ang mga dahilan ng unang yugto ng kolonyalismo sa pamamagitan ng
iba’t ibang presentasyon;
3. Nakapagpapahayag ng sariling saloobin ukol sa dahilan ng unang yugto ng
kolonyalismo.

II. NILALAMAN A. Paksa: Mga Dahilan ng Unang Yugto ng Kolonyalismo

B. Kagamitan: LED TV, powerpoint presentations, Laptop, bidyu, pentel pens at iba pang
pantulong na Biswal.

C. Sanggunian:1. Araling Panlipunan 8: Kasaysayan ng Daigdig (LM) p ah


2. Araling Panlipunan 8: Kasaysayan ng Daigdig (TM)
Kagamitang Panturo
A. Sangunian Araling Panlipunan 8: Kasaysayan ng Daigdig
1. Mga pahina sa
gabay ng guro
2.Mga pahina sa LM, pahina 5-6
kagamitang pang-
mag-aaral
3. Mga pahina sa
teksbuk
4.Karagdagang
kagamitan mula sa
portal learning
resource
GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL
III. PAMAMARAAN
Pang araw-araw na Panalangin
gawain Bago tayo magsimula ay inaanyayahan ko
ang lahat na tumayo para sa ating
(2 minutes) panalangin.

Angel pangunahan mo ang ating panalangin.


(Tatayo ang lahat at mananalangin)

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN
Pagbati Magandang umaga din po!
Magandang umaga sa inyong lahat!

Pagpuna sa Paligid
Bago maupo ang lahat, tinggnan kung may
kalat sa ilalim o paligid ng inyong upuan,
pulutin at itapon ito sa wastong basurahan.
(Susunod ang mga mag-aaral)

Maaari na kayong maupo.

Pagtala ng liban sa klase


May liban ba sa ating klase ngyong araw? Wala po.
Kung ganon ako’y nagagalak sapagkat
walang lumiban sa inyo sa araw na ito.

Pagkuha ng Takdang Aralin


May iniwan ba akong gawain sa inyo tungkol
sa ating huling tinalakay? Wala po

Kung ganoon, ihanda ninyo ang inyong mga


sarili para sa ating gawain at talakayan
ngayong araw.
A. Balik-aral sa Gawain 1: Balik-Aralin
nakaraang aralin
Bago tayo dumako sa ating bagong paksang
(5 minutes) tatalakayin, patungkol saan ang ating huling
paksang tinalakay?
Ma’am patungkol po sa motibo ng
Tama! Ano-ano naman ang tatlong motibo kolonyalismo.
ng kolonyalismo?

Ma’am ang tatlong motibo po ay ang


paghahanap ng kayamanan o Gold,
pagpapalaganap ng Kristiyanismo o God at
paghahangad ng katanyagan at karangalan o
Malinaw at naunawaan na ba klas ang Glory.
tatlong motibo ng kolonyalismo?

Opo ma’am!
Ako ay natutuwa sapagkat inyo pang
natatandaan at naunawaan ang ating
nakaraang paksa.
B. Paghahabi sa Gawain 2: Fix the Puzzle
layunin
Handa na ba kayo sa ating mga gagawin at
(5 minutes) panibagong paksa ngayong araw?
Opo ma’am
Kung gayon magkakaroon tayo ng isang
gawain na tatawagin nating ____.
Fix the Puzzle!
Para ating panuto pakibasa nga Angel.
Panuto: Buuhin ang puzzle upang magkaroon
ng ideya sa paksang tatalakayin.
Salamat Angel! Ngayon papangkatin ko ang
klase sa apat na grupo. Magbilang ng isa

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN
hanggang apat hanggang dulo upang mabuo
ang apat ng grupo. Bawat pangkat ay
bubuuhin ang picture puzzle upang mabuo
ang salita. Naunawaan ba ang panuto klas?

Ngayon magbilang ng isa hanggang apat Opo ma’am!


hanggang matapos ang lahat.
(magsisimula ng magbilang ang mga ag-aaral)
Ngayon para sa unang pangkat ito ang
larawan na kailangan niyong buuhin,
pangalawa, at ito ang sa ikatlong pangkat.
Unang Pangkat

Ikalawang Pangkat

OIkatlong Pangkat

Mayroon lamang kayong dalawang minuto


para gawin yan at pagnabuo na ay idikit dito
sa pisara. Maari na kayong magsimula.

(Natapos ng buuhin at naidikit na sa pisara ng


mga mag-aaral ang larawan.)
Maupo na ang lahat, tingnan natin kung
nabuo nyo ba ng wasto ang mga larawan.
Para sa unang pangkat tama ba ang
pagkakabuo nila ng larawan?

Opo ma’am!
Tama palakakan natin ang unang pangkat.

Batay dito sa larawang kanilang nabuo ano (papalakpak ang mga mag-aaral)
naman ang salitang nakapaloob sa larawan?

Ma’am dahilan po!

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN
Tama ito ay dahilan, ngayon sa ikalawang
pangkat tama ba ang pagkakabuo nila sa
larawan?

Palakpakan naman natin ang unag pangkat.


Tama po ma’am
Ano naman ang salitang makikita natin sa
larawan? (papalakpak ang mga mag-aaral)

Ito ay unang yugto, para naman sa ikatlong


pangkat tama din ba? Unang yugto po ma’am

Bigyan din natin ng palakpak ang ikatlong


pangkat. Opo ma’am!

Ano naman ang salitang ang nakapaloob sa


larawang kanilang nabuo? (papalakpak ang mga mag-aaral)

Ngayon batay dito sa mga larawan at salitang


inyong nalaman sa palagay nyo, patungkol Kolonyalismo po ma’am
saan kaya ang ating magiging paksa ngayong
araw? Kyle?

Maraming slamat, tama ngunit ibigay mo nga Ma’am sa palagay ko ang paksa po natin ay
ng kompleto Aubrey? patungkol po sa kolonyalismo.

Ma’am ang paksang ating tatalakayin ngayong


Tumpak! Ang ating magiging paksa ay araw ay patungkol po sa mga dahiln ng unang
pakibasa nga ng lahat unang yugto ng kolonyalismo.

(babasahin ng mga mag-aaral)


MGA DAHILAN NG UNANG YUGTO NG
Ngunit bago tayo magpatuloy sa ating KOLONYALISMO
talakayan, narito ang mga layunin na dapat
nating maisakatuparan pagkatapos ng aralin,
pakibasa mo nga Jewell

Pagkatapos ng aralin, ang mga mag-aaral ay


inaasahang:

a.) Naiisa-isa ang mgadahilan ng unang yugto


ng Kolonyalismo;
b.) Naipapaliwanag ang mga dahilan ng unang
yugto ng Kolonyalismo sa pamamagitan ng
iba’t ibang presentasyon;
c.) Nakapagpapahayag ng sariling saloobin
ukol sa dahilan ng unang yugto ng
Kolonyalismo.
Maraming salamat, ngayon batay dito sa ating
mga layunin, nais ko na bumuo kayo ng mga
katanungan na nais niyong malaman at
matutunan bago matapos ang ating aralin.
Maari itong magsimula sa tanong na ano,
paano, bakit at iba pa.

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN
Bigyan mo nga ako ng tanong na nagsisimula
ano Franz?

Ma’am ano po yung mga dahilan ng unang


Magandang katanungan, sa tanong naman na yugto ng kolonyalismo?
nagsisimula sa paano?

Ma’am paano po nangyari ang unang yugto ng


Magandang ring katanungan, Chyle? kolonyalismo?

Ma’am bakit po nagkaroon ng unang yugto ng


Salamat sa inyong mga tanong, ngayon ako kolonyalismo?
naman ang mayroong mahalagang tanong na
inihanda para sa inyo na kailangan niyo
masagot sa pagtatapos ng ating talakayan.

Mahalagang tanong
Bakit mahalagang matutunan ang mga dahilan
ng unang yugto ngkolonyalismo?
Ang inyong mga katanungan at ang ating
mahalagang tanong ay masasagot sa
ppagpapatuloy ng ating talakayan.

Handa na ba ang lahat.

Opo!
C. Pag-uugnay ng Gawain 3: Buo-Larawan!
mga halimbawa sa
bagong aralin Kung gayon ay magkakaroon tayo ng
panibagong gawain na tatawagin nating
(5 minutes) pakibasa nga ng lahat _____.
Buo-Larawan!

Para naman sa panuto pakibasa Raffa


Panuto: Buuin ang larawan na nakaatang sa
bawat pangkat.

Maraming salamat, ngayon papangkatin ko


naman ang klase sa limang pangkat. Ang
bahaging ito ang unang pangkat, ikalawang
pangkat, ikatlong pangkat, dito ay ang ikaapat
na pangkat at dito naman ang ikalimang
pangkat. At ito ang mga larawan na kailagang
mabuo ng bawat pangkat. Paunahang mabuo
ang larawann at idkit dito sa pisara. Isulat din
ang pangalan ng bawat miyembro ng bawat
pangkat. Unang pangkat Pangalawangf pangkat

Pangatlong pangkat Pang-apat ng pangkat

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN

Panglimang pangkat

Naunawaan ba ang panuto klas? Opo ma’am!

Kung ganoon simulan na ang gawain. (natapos ng mabuo ng bawat pangkat larawan)

Tingnan nga natin kung lahat ng pangkat ay


nnabuo ng wasto ang mga larawan. Para sa
unang pangkat tama ba ang pagkakabuo nila
sa larawan? Opo ma’am!

Okey tama! Bigyan ng isang bagsak ng


palakpak ang unang pangkat. (papalakpak ang mga mag-aaral)

Ano ang napapansin nyo sa larawang nabuo


ng unang pangkat? Chlye? Ma’am base po sa larawan nagkaroon po ng
paglalakbay si Marco Polo.

Salamat! Ngayon sa ikalawang pangkat


naman din ba ang pagkakabuo nila? Tama din po ma’am!

Mahusay! Isang bagsak din na palakpak ang


ibigay natin sa ikalawang pangkat (papalakpak ang mga mag-aaral)

Ano naman ang napapansin nyo sa larawang


ito? Ric? Ma’am isa po ito sa mga pinta na ginawa sa
panahon ng Renaissance kung saan po
patungkol ito sa huling hapunan.

Ngayon sa ikatlong pangkat naman tama ba? Opo ma’am tama

Magaling din ang ikatlong pangkat! Bigyan


sila ng isang bagsak na palakpak (papalakpak ang mga mag-aaral)

Ano naman ang napapansin niyo sa larawang


ito? Ma’am mayroon pong krus, sa palagay ko po
ito ay ang pangyayari ng krusada.

Salamat! Sa ikaapat na pangkat naman ang


kanilang pagkakabuo ay tama din? Opo ma’am!

Okey tama, bigyan sila ng isang bagsak na


palakpak (papalakpak ang mga mag-aaral)

Ano naman ang napapansin niyo sa larawang


naabuo ng ikatlong pangkat? Ma’am napansin ko po na may tao po sa gitna
na syang nasusunod o may kontrol po sa mga
pagbebenta.

At sa ikalimang pangkat ang pagkakabuo nila


ay? Tama rin po ma’am!

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN

Tumpak! Isang bagsak ulit na palakpak para


ikalimang pangkat (papalakpak ang mga mag-aaral)

Ano naman ang napapnsin no sa ikalimang


laarawan? Rhoda? Ma’am mayroon pong mgaraming kumpol ng
tao kung saan po parang may kaguluhang
nagagnap.

Salamat! Mamaya sa pagpapatuloy ng ating


talakayan ay malalaman kung ttumpak o may
kaugnayan ang inyong mga ideya.
D. Pagtalakay ng Gawain 4: Fing the Missing Letter!
bagong konsepto at
paglalahad ng Ngayon para sa susunod natin na gawain
bagong kasanayan pakibasa nga ng lahat Find the Missing Letter!
#1

(6 minutes) At para sa panuto pakibasa mo kyle Panuto; Hanapin ang nawawalang letra gamit
ang numero.
Unang pangkat

Ikalawang pangkat

Ikatlong pangkat

Ikaapat na pangkat

Ikalimang pangkat

Salamat! Batay dito sa larawang inyong


nabuo punan niyo ang mga salita na kulang
upang malaman ang mga naging dahilan ng
unang yugto ng kolonyalismo. Bawat pangkat
ay sasagot, kapag nabuo na ang salita ay
idikit kung saang larawan ito nakapabilang,
kapag tama ang pakakabuo ng salita at
paglalapat kung saang larawan ito kabilang
ay magkakaroon ng sampong puntos na
karagdagan ang inyong pangkat. Naunawaan Opo ma’am
ba ang ating panuto klas?

Para sa unang pangkat, ano salita na inyong Ma’am Paglalakbay ni Marco Polo po ma’am
nabuo?

Tama! Ngayon idikit niyo kung saang larawan


ang may kaugnayan sa paglalakbay ni Marco (ididkit ng mag-aaral)
Polo

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN

Tama ba klas na sa larawang ito may Tama po ma’am!


kaugnayan ang paglalakbay ni Marco Polo?

Bigyan natin ng tatlong bagsak ng palakpak (papalakpak ang mga mag-aaral)


ang unang pangkat.

Ngayon para sa ikalawang pangkat ang Ma’am Renaissance po


salitang nabuo niyo?
(ididikit ng mag-aral)
Tumpak! Ngayon sa mga larawan saan kaya
ang may kaugnayan sa Renaissance?

Tama ba na ang renaissance ay kabilang sa Opo ma’am!


larawan na ito?

Okey tama! Bigyan ng tatlong bagsak na (papalakpak ang mga mag-aaral)


palakpak ang unang pangkat.

Ngayon para sa ikatlong pangkat ang salitang Krusada po ma’am!


mabubuo niyo dito ay?

Mahusay! Ngayon sa mga larawan saan kaya (ididikit ng mag-aaral)


ang may kaugnayan sa krusada?

Opo ma’am!
Tama ba klas sa palagay niyo?

Magaling! Bigyan ng tatlong bagsak na (papalakpak ang mga mag-aaral)


palakpak.

Ngayon para sa ikaapat na pangkat ang Ma’am monopolyo po!


salitang mabubuo niyo ay?

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN
Magaling at saang larawan naman ang (ididikit ng mag-aaral)
tinutkoy dito ng monopolyo?

Ngayon naman sa ikalimang pangkat anong


dahilan ng unang yugto ng kolonyalismo ang
Ma’am sa palagay po namin ay ang pagbagsak
nabuo niyo?
ng constantinople.

Okey, magaling at pakidikit nga kung saang


larawan ang tinutukoy nito.

Okey tama! Bigyan ng tatlong bagsak na (papalakpak ang mga mag-aaral)


palakpak ang ikalimang pangkat.

Ito klas ang mga naging dahilan ng unang


yugto ng kolonyalismo. Pakibasa nga ng (babasahin ng mga mag-aaral)
lahat.

Tandaan niyong mabuti ang mga dahilan na Opo ma’am!


ito sapagkat dito iikot ang ating talakayan.
Naunawaan ba kla? (gagawi ng mga mag-aaral)

Isang bagsak nga na palakpak


E. Pagtalakay ng Gawain 5: Talent Mo, Show Mo!
bagong konsepto at
paglalahad ng Ngayon ay dumako na tayo sa ating susunod
bagong kasanayan na gawain, kanina ay pinangkat ko na ang
#2 klase sa limang na pangkat kayo na din ang
magkaka-grupo sa ating pangkatang gawain
(15 minutes) ngayon, gagawa kayo ng isang presentasyon
na nagpapaliwanag sa mga dahilan ng unang
yugto ng kolonyalismo. Para panuto pakibasa
mo nga Nathan.
Panuto: Ang bawat pangkat ay magbabahagi
ng presentasyon na pagpapaliwanag sa mga
dahilan ng unang yugto ng Kolonyalismo.
Unang pangkat- Tula- Marco Polo
Ikalawang pangkat- News Reporting
(Pagbabalita)- Renaissance
Ikatlong pangkat- Awit- Krusada

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN
Ikaapat na pangkat- Picture Action-
Monopolyo
Ikalimang pangkat- Dula-dulaan- Pagbasak
ng Constantinople

Salamat, para unang pangkat ang gagawin


niyo ay tula patungkol sa paglalakbay ni
Marco Polo, ikalawang pangkat ay news
reporting o pagbabalita patungkol sa
Renaissance, ikatlong pangkat ay awit
patungkol sa krusada, ikaapat na pangkat ay
picture action patungkol sa monoployo sa
kalakalan at ang ikalimang pangkat naman at
dula-dulaan patungkol sa pagbagsak ng
Constantinople. Para pamantayan sa
pagbibigay ng puntos, pakibasa mo Jude. PAMANTAYAN SA PAGBIBIGAY PUNTOS
Kaugnayan sa paksa 10
Koopersayon 5
Maayos na 5
presentasyon
Natapos sa 5
itinakdang oras
Kabuuang Puntos 25

Maraming salamat! Naunawaan na ba klas


ang ating panuto at pamantayan sa
pagbibigay ng puntos? Opo ma’am!
Kung gayon bibigyan ko lamang kayo ng
limang minuto upang paghandaan ang inyong
presentasyon, tapos o hindi tapos ay
kailangan niyong i-presenta dito sa harap.
Maari na kayong magsimula.

(magsisimula na sa paghahanda ang bawat


pangkat)

(natapos na ang itinakdang oras)

Ngayon tunghayan na natin ang presentasyon


ng unang pangkat. (pagpapakita ng presentasyon)

Bigyan natin ng Congratulations klap ang


unang pangkat. (isasagawa ng mga mag-aaral ang palakpak)

Patungkol saan nga ang presentasyon ng


unang pangkat? Ma’am ito po ay patungkol sa paglalakbay ni
Marco Polo.

Julia sa tula na ginawa nila paano nyo nasabi


na ito ay patnugkol sa paglalakbay ni Marco Ma’am dahil po sa nabanggit po nila na
Polo? maraming po napuntahang lugar o bansa si
Marco Polo.

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN
Salamat, ngayon naman klas atin namang
tunghayan ang presentasyon ng ikalawang
pangkat.
(magpapakita ng presentasyon)
Bigyan naman natin ng Gusto ko siya klap
ang ikalawang pangkat. Alam niyo ba yun?
(isasagawa ng mga mag-aaral ang palakpak)
Carla patungkol saan naman ang naging
presentasyon ng ikalawang pangkat?
Tungkol po sa Renaissance ma’am
Tama! Ito ay patungkol sa Renaissance. Kyle,
bakit ito naging Renaissance?
Dahil nandoon po ma’am sa ipinakita nila sa
presentasyon nila ang The Last Supper na
syang isa sa mga gawang sining noong
panahon ng Renaissance.
Tama! Ngayon naman tunghayan naman
natin ang presentasyon ng ikatlong pangkat
(magpapakita ng presentasyon)
Bigyan naman natin ng Darna klap ang
ikatlong pangkat
(isasagawa ang palakpak)
Anong dahilan naman ang ipinakitang
presentasyon ng ikatlong pangkat, Gerald?
Ma’am gumawa po sila ng awit patungkol sa
krusada.
Tama! Ngayon ikaapat na pangkat ipakita
niyo ang inyong inihandang presentasyon.
(magpapakita ng presentasyon)
Bigyan natin ng Amazing klap ang ikaapat na
pangkat
(isasagawa ang palakpak)
Ano naman ang presentasyon na ipinakita ng
ikaapat na pangkat, Jessie?
Ma’am monopolyo po!
Mahusay! At atin ding tunghayan ang
presentasyon ng ikalimang pangkat.
(magpapakita ng presentasyon)
Bigyan ng Ang galing galing klap ang
ikalimang pangkat.
(isasagawa ang palakpak)
Ngayon patungkol saan naman ang naging
presentasyon ng ikalimang pangkat?
Ito po ay patungkol sa pagbagsak ng
constantinople.
Okey, mahusay! At para sa karagdagang
kaalaman ng lahat, Gemma pakibasa mo nga

(babasahin ng mag-aaral)

Maraming Salamat, tandaan klas na isa sa

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN
dahilan kung bakit nagkaroon ng unang yugto
ng pananakop ay dahil sa krusada kung saan
naghangad na mabawi ang banal na lugar ng
Jerusalem. Para naman sa susunod pakibasa
Ric

Salamat, pakibasa ang kasunod Angel.

Maraming salamat,pakibasa din ito Dea.

Salamat! Ang sunod na dahilan ay ang


paglalakbay ni Marco Polo kung saan dahil
doon nakalimbag sya ng aklat ng
pinamagatang “The Travels of Marco Polo” at
ipinaliwanag nya ang kayamanan na
matatagpuan sa Asya lalo na sa China at ito
ang nag-udyok sa mga Europeo na
maglakbay at manakop ng mga bansa.
Naunawaan ba klas?

Para sa susunod na dahilan ng pananakop Opo ma’am!


pakibasa Saad.

Salamat! Naging dahilan ito ng panankop


dahil nais ng mga Europe na makontrol ang
kalakalan kaya naghangad sila na manakop.
Naunawaan klas?

Gayon para sa huling dahilan ng panankop ay Opo, ma’am!


pakibasa Franz

Maraming salamat! Naging dahilan ito ng

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN
panankop dahil nung sinakop ngg mga
Turkong muslim ang Constantinople sila na
ang may kontrol sa kalakalan at dahil dito
naghanap ng panibagong rutang pangkalakan
ang mga Europeo at sa paghahanap nila ng
bagong ruta doon na sila nakatuklas ng ibang
mga bansa at naghangad na manakop.
Naunawaan klas?

Sa tingin nyio ba klas mayroon pa rin bang


pananakop na nagaganap sa kasalukuyan?

Tama! Meron halimbawa ay ang panankop at Opo, ma’am!


panghihimasok ng China sa West Philippine
sea na pag-aari ng Pilipinas. Isa itong isyu na
hanggang sa ngayon ay hindi pa rin
nabibgyan ngepektibong solusyon.

Ano na nga ulit ang mga dahilan sa uang Opo ma’am meron
yugto ng kolonyalismo o panankop?

Ma’am Renaissance, Monopolyo sa kalakalan,


paglalakbay ni Marco Polo, krusada at
Magaling! Isang bagsak nga na palakpak pagbagsak ng Constantinople.
dyan.
(gagawin ng mag-aaral ang palakpak)
F. Paglinang sa Gawain 6: Every Voice Matter!
kabihasaan (Tungo
sa Formative Kung ang unang yugto ng kolonyalismo ay
Assessment) mayroong mga dahilan, kayo bilang isang
mag-aaral ano ang dahilan nyo bakit kayo
(8 minutes) Pumapasok sa school?
Ma’am para po matuto ng mga bagong
kaalaman, makapagtapos po ng pag-aaral at
makahanap ng maayos na trabaho.
Tama, karagdagang dahilan, Ithan?
Upang mahubog po ang aming mga sarili at
maging isang mamayan nakakatulong sa ating
bansa.
Maraming salamat! Lahat ganoon din sa
kanila ang nais kaya kayo nag-aaral?
Opo ma’am!
Mabuti kung ganoon, sa tingin niyo ba ang
mga dahilan na ito ay may magandang
epekto? Bakit?
Meron po ma’am
Ano ang magandang epekto nito, Aubrey?
Ma’am magkakaroon kami ng mga kaalaman at
hindi magigng isang mangmang.
Tama! Isang bagsak na palakpak para kay
Aubrey, minasan klas kaya mabilis masako
ang bansa dati kasama ang Pilipinas ay dahil
sa kakulangan na kaalaman, madali silang
mauto. At edukasyon din ang ginamit ng ating
pambansang bayani ni Jose Rizal sa
pakikipaglaban sa kalayaan ng ating bansa
laban sa kamay ng mga kastila.

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN
Mayroon pang karagdagang sagot?
Wala na po ma’am
G. Paglalapat ng Gawain 7: BIDYU-OPINION!
aralin sa pang-araw-
araw na Gawain. Ngayon naman klas, may ipapanood akong
maikling bidyu sa inyo at nais kung malaman
(5 minutes) ang inyong opinyon at saloobin ukol dito. Ano
nga ulit ng gagawin kapag nanoond?
Ma’am wag pong maingay at isulat ang
mahahalagang impormasyon.
Okey, simulant na natin

(natapos na ang bidyu)


Patungkol saan ang bidyung inyong inanood?
Patungkol po sa pinag-aagawang teritoryo na
west Philippine Sea at ang mga pagbabanta o
pagpapalis ng China sa mga Pilipinong
mngingisda.
Ano ang masasabi, saloobin o opinyon nyo sa
inyong pinanood?
Ma’am nakakagigil at nakakainis po kasi
minamaliit po tayo ng China na porket mahirap
lang po ang bansa natin di na po nila
nererespeto ang karapatan natin. Sarili po
nating teritoryo pero iba po yung nakikinabang.
Salamat, karagdagan Charles?
Naiinis at nagagalit po ako sa China kasi po sa
atin po teritoryo pero tayo pa po yung kailangan
mag-adjust at pinagtatabuyan po yung mga
mangingisda natin dito na dapat tayo nga po
yung magpaalis sa kanila kasi sila yung
nanghihimasok sa teritoryo na sakop poo ng
ating bansa.
Sa palagay niyo ano ang kinalaman nito sa
ating paksa ngayon? Gaspar?
Ma’am isa rin po itong halimbawa ng
kolonyalismo o pananakop, pang-aakin ng
teritoryo na ngayon nararanasan natin sa
kasalukuyan gaya po ng ginagawa ng China sa
West Philippine Sea.
Tama, isa ito sa mga issue na matagal ng
hindi nasosolusyunan at hindi matapos-tapos.
Papayag ba kayo na tuluyan ng ma-angkin ng
China ang West Philippine Sea?
Hindi po ma’am
Siyempre di tayo papayag, at dapat ipaglaban
natin ang ating karapatan. Tama?
Tama po ma’am!
H. Paglalahat ng Gawain 8: GRADE 8 FREEDOM WALL!
aralin
Ngayon klas, matapos ang ating talakayan,
(3 minutes) naunawaan na ba ang ating paksa?
Opo!

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN
Kung ganoon ay tayong isa pang gawain na
tatawagiin nating pakibasa nga ng lahat
GRADE 8 FREEDOM WALL!
Para sa panuto pkibasa mo Angel
Panuto: Ibahagi ang iyong natutunan patungkol
sa ating aralis, idikit sa Freedom wall at ibahagi

Mayroon ako ditong inihandamg mga sticky


notes kung saan niyo isusulat ang inyong
mga natutunan, lagyan nyo ng pangalan at
idikit dito sa ating freedom wall pagkatapos ay
pipili ako sa mga nakadikit ng tatlo na
magbabahagi ng kanilang mga natutunan.
Naunawaan ba ang ating panuto klas?
Opo ma’am!

Kuha ng isang sticky notes at ipasa hanggang


sa likod.
(natapos ng magsulat at naidikit na ng mga
mag-aaral ang sticky notes)
Ngayon ay pipili ako ng magbabahagi ng
kanilang natutunan, una ay si Alexa
(pupunta sa harap ang mag-aaral)
Natutunan ko sa aralin ngayong araw ang mga
dahilan ng unang yugto ng kolonyalismo o
pananakop gaya na lamang ng pagbagsak ng
Constantinople, Renaissance, Monopolyo sa
kalakalan, Krusada at Paglalakbay ni Maarco
Polo. Ito ang pangunahing dahilan at nag-
udyok sa mga Europeo lalo na ang Sdapin at
Portugal na manakop na mga bansa.
Maraming salamat, palakpakan natin si Alexa.
Pangalawang magbabahagi ay si Ric
(pupunta sa harap ang mag-aaral)
Akin po natutnan sa ating aralin na dapat po
hindi po tayo dapat papayag na basta-basta na
lamang po masakop ang ating bansa, dapat
bilang isang mamamayan po ng bansang ating
kinabibilangan tayo po ang manguna na
protektahan at magtatanggol sa ating bansa
laban sa mga mananakop upang di na po
maulit na masakop tayo ng ibang bansa gaya
na lamang ng naransan natin sa Spain.
Salamat sa isang malaman na iyong
natutunan, palakpakan natin si Ric at ang
pangatlong magbabahagi ay si Mica.
(pupunta sa harap ang mag-aaral)
Natutunan ko po na ang kolonyalismo o
panankop po ng isang makapangyarihang
bansa sa isang bansa ay hindi lamang po
nangyayari noong unang panahon kundi po

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN
maging sa kasalukuyan gaya na lamang po ng
ginagawa ng China sa West Philippine Sea na
kung saan po pinapatayuan nila ang artificial
island ang teritoryo na bahagi po na ating
bansa aatt wala pong magawa ang ating bansa
dahil mas mayaman at mas malakas sila kaysa
sa atin.
Salamat sa iyong makabuluhang nntutunan.
Palakpakan natin si Mica.

Ngayon sagutin muna natin ang mahalagang


tanong, bakit kaya mahalagang matutunanan
ang mga dahilan ng unang yugto ng
kolonyalismo?
Ma’am mahalaga po na matutunan namin ang
mga dahilan ng unang yugto ng kolonyalismo
upang mamulat po kami kung bakit po
nananakop ang mga makapangyarihang bansa
lalo na po ang mga mahihinang bansa po ang
kanilng karaniwang sinasakop.
Salamat tama, dapat lahat tayo bukas ang
isipin at alam natin kung bakit nagkarooon ng
pananakop noong unang panahon kung saan
isa ang Pilipinas sa naging biktima.

Karagdagan?
Wala na po!
Kung wala na mayroon pa ba kayong mga
katanungan at nais linawin sa ating paksang
tinalakay?
Wala na po!
Nasagot din ba ang inyong mga katanungan
sa ating talakayan?
Opo!
Nasagot din ba ang aking mahalagang
katanungan?
Opo!
Kung ganoon, ngayon ay magkakaroon tayo
ng isang maiksing pagtataya ukol sa ating
naging paksa.
I. Pagtataya ng aralin Panuto: Piliin ang titik ng tamang sagot at
isulat sa MALAKING LETRA A ang inyong
(4 minutes) sagot sa sagutang papel.

1. Ang mga sumusunod ay dahilan ng


unang yugto ng kolonyalismo, MALIBAN
sa?
A. Renaissance
B. Krusada
C. Eksplorasyon
D. Pagbagsak ng Constantinoplea Italya
g-aaral ang lahat.
2. Ito ay kilusang inilunsad ng simbahan at
mga Kristiyanong hari upang mabawi ang
banal na lugar ng Jerusalem sa Israel.
A. Constantinople
B. Monopolyo
C. Krusada

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN
D. Renaissance
3. Alin sa mga sumusunod na dahilan ng
Kolonyalismo ang nagbigay daan sa
paghahanap ng bagong rutang
pangkalakalan ang bansang england, France,
Spain at Portugal?
A. Krusada
B. Renaissance
C. Monopolyo sa kalakalan
D. Pagbagsak ng Constantinople
4. Siya ay italyananong mangangalakal na
taga Venice na may akda ng “ The Travels of
Marco Polo” kung saan inilarawan nito ang
kayamanan at karangyaan ng China?
A. Christopher Columbos
B. Harvey Hudson
C. Marco Polo
D. Vasco De Gama
5. Bilang isang mamayan ng bansang
Pilipinas, paano mo maipapakita na ikaw ay di
sumasangayon sa pananakop ng isang
makapangyarihang bansa?
A. Tatangkilikin ko ang mga modernong
gawa ng ibang bansa
B. Sasali sa mga rally upang
maipaparating sa kinauukulan ang
aking mensahe
C. Tatangkilikin at ipagmamalaki ang
mga gawang sariling atin kesa sa
mga gawang galing sa ibang bansa.
D. Sasali sa grupong makipagkalakalan
gamit ang malakas na kalibre ng
baril.
Susi sa Pagwwasto
1. C
2. C
3. C
4. C
5. C
J. Karagdagang Gawain 9: TAKDANG ARALIN
Gawain para sa Para ating takdang aralin, itala sa inyong mga
takdang aralin at kwaderno.
remediation
Panuto: Magbigay ng isa o dalawang
(2 minutes) pangyayari patungkol sa unang yugto ng
kolonyalismo. Isulat ito isang bahagi ng papel.

Tumayo ang lahat at tingnan ang paligid kung


may kalat, pulutan ito at itaon sa wastong
basurahan.
(Susunod ang mag-aaral)
Paalam na sa inyong lahat!

Paalam din po!

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com
Republic of the Philippines
Department of Education
SCHOOLS DIVISION OF PALAWAN

Inihanda ni:

CRIZZLL HANNAH M. PABILLORE


BSEd IV, Tagapakitang Guro

Pinagtibay ni:

RUSSEL M. ABOG
Guro II, Araling Panlipunn

Roxas National Comprehensive High School


Mahogany St. New Barbacan, Roxas, Palawan
Contact No.: 09468152272
Email Ad: 301731rnchs.palawan@gmail.com

You might also like