Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 10

Mala-Masusing Banghay Aralin sa Pagtuturo ng Filipino IV

Name: Jessica A. Ronato Date:


Teacher: Analyn Tafalla time started/Ended:

I. LAYUNIN
Sa loob ng isang oras na talakayan, Ang mga mag-aaral ay inaasahang;
A. natutukoy ang kahulugan ng alamat sa papamagitan ng kwento.
B. naipaliliwanag ang mga magandang asal na napulot sa alamat; at,
C. nakagaganap ng maikling dula-dulaan na nagpapakita ng kahalagahan ng
natutunan sa akda.

II. PAKSANG ARALIN


PAKSA: ALAMAT (Alamat ng Pinya)
SANGGUNIAN: Rotero, G.A(2001) Ang Alamat ng Pinya, Adarna House
KAGAMITAN: Kartolina, mga larawan tulad ng pinya,mata at iba pang may kaugnayan
sa paksa,
ARAL: kahalagan ng pagsunod sa ating mga magulong o nakakatanda sa atin.
III.Pamamaraan
GAWAING GURO GAWAING MAG-AARAL
A. PANIMULANG GAWAIN

1. PANALANGIN
Magsitayo ang lahat at tayo ay
mananalangin.
( Nagsitayo ang mga bata at nanalangin)
2. PAGBATI
Magandang umaga mga bata!

Magandang umaga din po ma’am.


3. PAGTATALA NG LIBAN
May lumiban ba sa araw na ito?

Wala po ma’am.
Magaling!
4. PAGSASAAYOS NG UPUAN
Bago tayo magsimula ng ating
talakayan, ayusin niyo muna ang inyong
mga upuan, at pakipulot ng mga basura
at itapon ito sa tamang basurahan. Maari
bayon mga bata?

Opo ma’am.
B. BALIK ARAL
Mga bata ano ang napag aralin natin
kahapon?

Tungkol po sa Maikling kwento.

Magaling!

Ano nga ba ulit ang Maikling kwento?

Ang Maikling kwento ay isang maiksing


salaysay hinggil sa isang mahalagang
pangyayaring kinasasangkutan ng isa o
ilang tauhan at may iisang kakintalan o
impresyon lamang.
Tama!

C. PANGGANYAK
Ngayon, sino ang pupunta dito sa
unahan upang sagotan ang nasa pisara?

C. Paghawan ng sagabal (Word Hunt)


Panuto: Bilugan sa puzzle ang salitang
tinutukoy sa bawat numero.

1. Ito ay salitang kilos na ibigsabihin ay


pag-iyak o pagluha, maaring ang dahilan
ng
pagtangis niya ay kasiyahan o
kalungkutan. MGA SAGOT:
2. Ito’y nagsasaalang-alang sa pisikal at
kultural na katangian ng isang lugar na 1. NANGIS
kaiba sa iba pang lugar sa daigdig. 2. POOK
3. Ito ay isang uri ng kagamitang 3. SANDOK
pangkusina. 4. LAYAW
4. Kadalasang tumutukoy sa mga tao na 5. NAGLAHO
bata pa lamang ay bigay na lahat ng luho.
5. Ibig sabihin nito ay biglang hindi makita
o hindi mahanap.

H I A N P O O K L A
L D K T I A N P W S
S A P B C E F G L A
M A P B C E F G L N
I A T A N I G A E D
A L N Q W Z H T I O
N A G L A H 0 U R K
B A S I G N A N A N

D. PAGLALAHAD

“ LARAWANG PALAISIPAN”

Gabay na tanong:

“ Ano ang inyong napansin sa mga


larawan?

Ang unang larawan po ay pinya, ang


pangalawa ay batang pinagsasabihan, at
ang pangatlo po ay mga mata.
Magaling!

Ang inyong nabuo na larawan ay


maykinalaman sa ating tatalakaying
paksa na pinamagatang “Ang Alamat
ng Pinya” na akda ni Rotero G.
Arderolosen.

E. PANLINLANG NA GAWAIN
Meron akung babasahin o ikwekwento
tungkul sa Alamat ng Pinya, nais ko na
kayo ay makinig sa pagkat pagkatapos
kung basahin ito ay meron akung mga
itatanong sa inyo. Maari bayon mga bata?

Opo ma’am.
Alamat ng Pinya
kwento ni Rotero G. Arderolosen.

Noong unang panahon may nakatirang


mag-ina sa isang malayong pook. Ang ina ay
si Aling Rosa at ang anak ay si Pinang. Mahal
na mahal ni Aling Rosa angkanyang bugtong
na anak. Kaya lumaki si Pinang sa layaw.
Gusto ng ina na matuto si Pinang ng mga
gawaing bahay, ngunit laging ikinakatwiran ni
Pinang na alam naniyang gawin ang mga
itinuturo ng ina. Kaya't pinabayaan na lang
niya ang kanyang anak.

Isang araw nagkasakit si Aling Rosa. Hindi


siya makabangon at makagawang gawaing
bahay. Inutusan niya si Pinang na magluto ng
lugaw. Isinalang ni Pinangang lugaw ngunit
napabayaan dahil sa kalalaro. Ang lugaw ay
dumikit sa palayok atnasunog. Nagpasensiya
na lang si Aling Rosa, napagsilbihan naman
siya kahit paano ng anak. Nagtagal ang sakit
ni Aling Rosa kaya't napilitang si Pinang ang
gumagawasa bahay. Isang araw, sa kanyang
pagluluto hindi niya makita ang
posporo.Tinanong ang kanyang ina kung
nasaan ito. Isang beses naman ay ang
sandok anghinahanap. Ganoon ng ganoon
ang nangyayari. Walang bagay na di makita
at agadtinatanong ang kanyang ina. Nayamot
si Aling Rosa sa katatanong ng anak kaya
´tnawika nito: " Naku! Pinang, sana'y
magkaroon ka ng maraming mata upang
makitamo ang lahat ng bagay at hindi ka na
tanong nang tanong sa akin. Dahil alam
niyang galit na ang kanyang ina ay di na
umimik si Pinang. Umalis siya upang hanapin
ang sandok na hinahanap. Kinagabihan, wala
si Pinang sabahay. Nabahala si Aling Rosa.
Tinatawag niya ang anak ngunit walang
sumasagot.
Napilitan siyang bumangon at naghanda ng
pagkain. Pagkaraan ng ilang araw ay
magaling-galing na si Aling Rosa. Hinanap
niyasi Pinang. Tinanong niya ang mga
kapitbahay kung nakita nila ang kanyang
anak. Ngunit naglahong parang bula si
Pinang. Hindi na nakita ni Aling Rosa si
Pinang.
Isang araw, may nakitang halaman si Aling
Rosa sa kanyang bakuran. Hindi niya alam
kung anong uri ang halamang iyon. Inalagaan
niyang mabuti hanggang saito'y magbunga.
Laking pagkamangha ni Aling Rosa ng makita
ang anyo ng bunga nito. Ito'y hugis-ulo ng tao
at napapalibutan ng mata. Biglang naalaala ni
Aling Rosa ang huli niyang sinabi kay Pina,
na sana'ymagkaroon ito ng maraming mata
para makita ang kanyang hinahanap. Tahimik
nananangis si Aling Rosa at laking pagsisisi
dahil tumalab ang kanyang sinabi sa
anak.Inalagaan niyang mabuti ang halaman
at tinawag itong Pinang, Sa palipat-lipat
sabibig ng mga tao ang pinang ay naging
pinya.

Nagustuhan niyo ba ang kwento?

Opo ma’am.

Kayo ba ay nakinig sa’akin?

Opo ma’am, kami po ay nakinig ng


mabuti.
Magaling! Sapagkat meron akung
hinandang katanungan at nais ko ay
sagutan niyo ito kung talagang nakinig
kayo kanina.
Mga gabay na tanong:

1. Sino ang may akda ng Alamat ng


Pinya?
2. Sino-sino ang pangunahing tauhan sa
kwento at kanilang ginagampanan?
3. Bakit naging laki sa layaw si Pinang?
4. Anong katwiran lagi ni Pinang tuwing MGA SAGOT:
inuutusan siy ngvkanyang ina?
5. Anong merong ugali si Pinang? Sa 1. Si Rotero G. Arderolosen.
tingin niyo mabuti ba itong asal? 2. Sina Aling Rosa at si Pinang
6. Bakit nasabi ni Aling Rosa n asana 3. Dahil siya ay tamad at lagging
magkaroon ng maraming mata ang nagdadahilan.
kanyang anak? 4. Alam na niya lahat ng itinuturo ng
7. Anong nangyari kay Pinang nang kaniynag ina kahit hindi naman talaga.
Makita siya ng kanyang ina? 5. siya ay tamad at puro paglalaro lang
8. Bilang isang anak, ikaw ba ay kagaya ang nasa isip, ito ay hindi mabuting asal.
ni Pinang o sumusunod ka tuwing 6. Para Makita ni pinang ang lahat ng
kailangan ka ng iyong mga magulang? bagay na inuutos sa kanya.
Bakit 7. Siya ay naging isang hugis ulo na
maraming mga mata, siya ay naging
isang pinya.
8. ako po ay sumusunod sa aking mga
magulang dahil gusto ko pong tulungan
sila at ayaw kung nakikita silang
nahihirapan dahil sila ay mahal ko at
mahalaga sila aking buhay.

Magaling! Lahat ng inyong mga sagot


ay tama.

F. PAGTATALAKAY
Ngayon ay atin ng tatalakayin kung
ano ang ibig sabihin ng alamat at kung
saan nag mula ang mga bagay-bagay.

Pero bago ang lahat meron ba kayong


mga ideya kung anong ibig sabihin ng
Alamat?

- ito po ay kwento kung saan nag mula


ang mga bagay.

Magaling!

Ang alamat ay itinuturing na isang


kwentong bayan na nagpapaliwanag
kung saan nanggaling ang isang bagay.

Ang “Alamat ng Pinya” na halimbawa


ng maikling alamat ay nagpapakita
lamang na ang mga ito ay nagpasalin-
salin na sa bawat henerasyon. Dagdag
pa rito, ang alamat ay isang panitikan na
may kaugnayan sa ugali, tradisyon at
pamumuhay nating Pilipino. Malaki ang
naging ambag nito sa ating
pagkakakilanlan at pagpapanatili sa ating
kultura at tradisyon.

Naiintindihan niyo ba mga bata?

Opo ma’am.
G. PAGLALAHAT
Matapos natin talakayin an ating
aralin, ano ang inyong natutunan?

- Natutunan ko po kung ano ang ibig


sabihin ng alamat, at kung saan nag
mula ang mga bagay.

Magaling! Mahusay kung ganon.

Ano nga ngaba ulit ang ibig sabihin ng


Alamat?

- Ito ay itinuturing na isang kwentong


bayan na nagpapaliwanag kung saan
nanggaling ang isang bagay.
Tama magaling!

H. PAGLALAPAT

Ngayon ay hahatiin ko kayo sa apat na


pangkat/groupo, at ang gagawin niyo ay
gaganap o gagawa kayo ng maikling
dula-dulaan na hindi tatagal sa tatlong
minuto na nagpapakita ng
kahalagahan ng natutunan sa akda.

Kayo ay magtulong tulong upang mas


mapadali ang inyong gawain.

Maliwanag ba mga bata?

Maliwanag po ma’am.
Narito ang Rubrics para maging gabay
ninyo sa paggawa ng inyong Gawain.

RUBRICS

Iskala nga pag mamarka:


5- napakahusay
4- mahusay
3- katamtaman.
2- di-gaanong mahusay
1- di-lubhang mahusay

Pamantayan: 5 4 3 2 1
Pagkakaganap
ng mga
tauhan.
Pagbibigay ng
interpretasyon.
Ekspresyon ng
mukha.
Kooperasyon
ng bawat isa.

KABUUAN:

Ngayon ay bibigyan ko lamang kayo ng


tatlong minuto para gawin ito.

IV. PAGTATAYA

Kumuha ng isang buong papel at


sagotan ninyo ito.

Panuto: Tukuyin ang inilalarawan sa


bawat pangungusap.Isulat ang sagot
sa bawat
patlang.

___________________1. Isang
malikhaing akda na parte ng panitikan,
dito nalalaman kung saan nanggaling ang
mga bagay-bagay sa daigdig.
___________________2. Siya ang may
akda ng Alamat ng Pinya.
___________________3. Siya ay ina ni
Pinang na mapagmahal at MGA SAGOT:
mapagpasenya sa anak.
___________________4. Ito’y 1. Alamat
nagsasaalang-alang sa pisikal at kultural 2. Rotero G. Ardeson
na katangian 3. Aling Rosa
ng isang lugar na kaiba sa iba pang lugar 4.
sa daigdig. 5. Nangis
___________________5. Ito ay salitang 6. Pinang
kilos na ibigsabihin ay pag-iyak o 7. Layaw
pagluha, maaring ang dahilan ng 8. Pinya
pagtangis niya ay kasiyahan o 9. Naglaho
kalungkutan. 10. Sandok
___________________6. Siya ay isa sa
pangunahing tauhan na laki sa layaw.
___________________7. Kadalasang
tumutukoy sa mga tao na bata pa lamang
ay bigay na lahat ng luho.
___________________8. Halaman na
may bungang nakakamangha na nakita ni
Aling Rosa sa kanilang bakuran.
___________________9. Ibig sabihin nito
ay biglang hindi Makita o hindi mahanap.
___________________10. Ito ay isang
uri ng kagamitang pangkusina.

Tapos naba mga bata?

Opo ma’am.

Ipasa ang inyong papel sa unahan ng


walang nakatayo at walang ingay.

V. TAKDANG ARALIN
Magbasa ng iba pang halimbawa ng
alamat at sagotin ang mga sumusunod na
tanong. Isulat ang sagot sa malinis na
papel.

1. Ano ang pamagat na alamat na iyong


binasa?
2. Sino ang may akda?
3. Sino-sino ang mga tauhan?
4. Ilarawan ang mga tauhan.
5. Ano ang iyong natutunan sa kwento?

You might also like