Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 7

MASUSING BANGHAY ARALIN SA PANITIKAN - VI

Gurong taga-pagturo: Marife A. Polpero Araw: June 21, 2024.


Grado: Grade-VI Oras: 10-11:00 AM
Gurong taga-puna: Ms. Analyn T. Raymonde

I- Layunin
Pagkatapos ng leksyon ang mga sumusunod ay inaasahang matutunan ng
mga bata..
a. Matutukoy ang aral ng pabula sa ating buhay.
b. Mapapahalagahan ang aral ng pabula sa ating buhay.
c. Masasabi ang mga aral ng pabula sa ating buhay.

II- Paksang Aralin


a. Paksa: Pabula
b. Sanggunian: www.youtube.com. Panitikan grade 6 module
c. Kagamitan: aklat at samart tv.
d. Aral: “huwag gawin sa iba ang ayaw mong gawin sa iyo”maging abuting
indibidwal sa ano mang oras.

III- Pamamaraan

Aktibidad ng guro Aktibidad ng mag-aaral


A. Panimula

Class tayo ay tumayo at hingin natin ang


presensya ng ating diyos.
Panginoon,Salamat po sa lahat ng biyaya
na aming natatanggap nawa’y inyo po
kaming gabayan sa araw-araw.hinihingi
po namin ito sa ngalan ni Jesus na aming
tagapagligtas.Amen.
Panginoon,Salamat po sa lahat ng biyaya
na aming natatanggap nawa’y inyo po
kaming gabayan sa araw-araw.hinihingi
po namin ito sa ngalan ni Jesus na aming
tagapagligtas.Amen.
Mga bata wala bang lumiban sa inyo sa
araw na ito? Lahat ba ay nandito?
Opo,teacher.
Magaling!

Kumusta naman kayo sa hapong ito?


Maayos naman po kami,teacher!
Magaling!

1. Kaayusan sa loob ng silid-aralan

Mga bata bago kayo umupo sa inyong


upuan nais kung pulutin ninyo o linisin
ang anumang kalat na inyong makikita sa
ilalim ng inyong upuan.
Meron po ba tayong takdang aralin?
Wala po.
B. Pagbabalik-aralin:
Mga bata mayroon ba kayong
natatandaan tungkol sa ating paksa
kahapon?

Maaari ba kayong magbigay ng


halimbawa?
Opo teacher. Tungkol po ito sa maliit na
kwento ni juan tamad na enuuna ang
pagtulog kaysa sundin ang utod ng
kanyang lola kaya kinappulutan po namin
ng aral ba dapat maging masyaga at
masipag lagi.
Magaling!

C. Pagganyak

Mga bata meron akong ipapakitang


larawan!
Gusto niyo ba itong makita?
Opo,teacher!
Narito ang larawan makikita niyo sa ating
smart tv. Ano ito?
Teacher,iyan po ay isang Hipon o Shrimp
sa wikang english.
Magaling!Tama,ang larawan ay isang uri
ng lamang dagat ito ay tinatawag natin na
hipon! Mayroon akong kwento tungkol sa
isang Pilyong hipon.Nais niyo bang
malaman ang nangyari sa Pilyong hipon?
Opo,teacher!
Magaling! Tumingin sa harapan at
tahimik na basahin ang kwentong
mababasa sa inyong smart tv.
( Tahimik na nagbasa ang maga bata sa
kwento.)
“ANG PILYONG HIPON” tinipon ni
Victoria Burgos.

“ANG PILYONG HIPON” tinipon ni


Victoria Burgos
(at nagsimula ng magbasa ang mga bata..)
(Pagkatapos manood ng mga bata)
Mga bata nasiyahan ba kayo sa inyong
napanood na kwento ng pilyong hipon?
Opo,teacher!
Magaling!

D. Paglalahad

Mga bata ang pag-aaralan natin ngayon


ay tungkol sa isang uri ng pantikan na
“PABULA” at kung paanong ang pabula
ay makakatulong sa ating buhay at
makapagbibigay ng aral at ating
Matutukoy ang aral ng pabula sa ating
buhay.
Mapapahalagahan ang aral ng pabula sa
ating buhay.
Masasabi ang mga aral ng pabula sa ating
buhay.

E. Paghahawan ng balakid

Ang isang mabuting indibidwal ay


nagtataglay ng mga positibong katangian
at pag-uugali na nagpapakita ng kanilang
integridad,kabutihan,at kahusayan sa
iba’t-ibang larangan ng buhay.
Mga ilang katangian ng isang mabuting
indibidwal:
 Integridad- bilang isang bata paano
mo mapapakita ang iyong pagiging
mabuting indibidwal?
Ito po iyong may pagmamahal sa bansa at
sa kumonidad na ating kinabibilangan.
 Empathy- paano ka magpapakita ng
pang-unawa sa iyong kapwa sa iyong
kapwa?
Sa pamamagitan ng pagbibibgay ng
malawak na pagintinde at pagunawa.
Teacher,sa pamamagitan po ng hindi
 Respeto- paano kayo magpapakita ng
inyong respeto sa kapwa?
pakikipag-away o pambabastos ng
kapwa.
 Responsibilidad-bilang isang mag-
aaral ano ang responsibilidad mo
bilang bata?
Mag-aral po ng mabuti at magpursige
upang makatapus sa pag-aaral
 Kahusayan- mga bata paano kayo
magpapakita ng kahusaya?
Teacher,ang kahusayan po iyong
pagpapakita ng positibong pananaw sa
buhay.
 Mapagkumbaba- sa paanong
pamamaraan ninyo maipapakita ang
pagiging mapagkumbaba?
Teacher,maging palakaibibigan po at
iwasan ang pagiging hambog.
 Pagiging mapagbigay- bakit
kailangan nating maging
mapagbigay?
Dahil po sa pagiging mapagbigay
nakkuha natin ang pakikisama o
pakikipagkapwa-tao.
Tama lahat ang inyong mga sagot mga
bata!
Magaling!

F. Pagtatalakay

Mga bata ako ay natutuwa at nasiyahan


kayo sa inyong napanood na kwento ng
isang pilyong hipon.

Ngayon naman ating pag-aaralan kung


ano ang pabula.

Ang pabula ay isang uri ng panitikang


ang layunin ay magbigay aral o moral na
mensahe sa pamamagitan ng mga tauhan
na nagpapakatawan sa mga
hayop,bagay,o mga hindi- tao.
Karaniwang may taglay itong moral
lesson na makikita sa pag-uugali ng mga
tauhan sa kwento.
Mga katangian ng pabula:
1. May mga tauhang nagpapakatawan sa
mga hayop,bagay,o hindi-tao.
2. Mayroong moral lesson o aral na
matututunan mula sa kwento.
3. Karaniwang madaling maintindihan at
may patalastas na layunin.
Halimbawa ng mga pabula:
“Ang leon at ang daga”
“Ang alamat ng palay”

Katulad na lamang ng inyong napanood


na kwento ng pilyong hipon kanina,na si
Mon.Ssiya ay isang pilyong hipon na ang
ang kanyang ginagawa ay ang maging
maluko at pinaglalaruan niya o
pinagkakatuwaan ang kanyang mga
kalaro kaya naman ang mga ito ay
umiiwas na sa kanya at ayaw ng
makipaglaro ulit dahil sila ay
napapahamak lamang.Akala ni Mon ang
kanyang ginagawa ay tama at hindi
nakakasakit sa kanyang mga kalaro peru
noong nakipaglaro na sa kanya si dekya
at sinabing sila ay maglaro ng duyan sa
loob ng lambat at iniwan siya nito doon at
iyon yong nahuli na si mon ng mga tao
siya ay takot na takot dahil lulutuin daw
siya ng mga nakahuli sakanya iyon ang
kanyang narinig buti na lamang at maliit
pa siya kay ibinalik siya sa dagat.
Kayo kayo mga bata huwag kayong
gumawa ng mga bagay na ikapapahamak
ninyo at ng inyong kapwa.

At sa pamamagitan ng pabula,ang mga


mambabasa ay maaaring matuto ng
mahahalagang aral sa pamamagitan ng
mga kwentong may kakaibang tauhan na
nagpapakatawan sa mga karakteristikang
tao.Dito ay kapupulutan ng aral na
huhubog sa iyo bilang isang mabuting
indibidwal na may respito at
pagmamalasakit sa kapwa.

G. Paglalapat
Mga bata bakit nga po ulit mahalaga ang
pabula o ang mga kwento ng pabula na
napagkukunan natin ng aral?
Teacher,dahil po sa pabula mas lubos
nating mauunawaan na dapat tayo ay
maging mabuting tao sa anumang oras ng
ating buhay.

Teacher ang mga kwento po na mayroon


sa pabula ay nangyayari sa araw-araw ng
ating buhay na dapat tayo ay gumawa ng
tama at walang inaapakan na tao.
Magaling mga bata!

H. Paglalahat

Mga bata ano nga po ulit ang mga paraan


upang ang isang bata o ang isang tao ay
maging isang mabuting indibidwal .
Teacher dapat po ay magpapakita tayo ng
respito,pagmamalasakit,simpatya at
pagmamahal sa ating kapwa.
Teacher,dapat po hindi tayo gagawa ng
anumang ikapapahamak ng ating kapwa.
Magaling mga bata!

I. Pagtataya

Kumuha ng ika-apat na bahagi ng iyong


papel at sagutin ang mga katanungan na
inyong makikita sa smart tv. Basahin ng
mabuti at piliin ang tamang sagot.
1. Si chelsea ay nagtapus bilang top
honor sa kanilang klase ngunit
nanatili siyang palakaibigan sa
lahat.Siya ay nagpapakita ng?
a. Mapagpakumbaba
b. Respeto
c. Responsibilidad

2. Paborito ni mon ang pagkain ng


banana,ang balatnito ay tinatapon
niya sa tamang lagayan ng basura
dahil ayaw niyang matapakat ito ng
tao at madulas.si Mon ay
nagpapakita ng?
a. Kahusayan
b. Pagiging mapagbigay
c. Responsibilidad

3. Nawawala ang ballpen ng iyong


kaklase at hinahanap niya ito ngunit
hindi niya makita kaya’t nalungkot
siya at lumapit ka at sinabihan siyang
tutulungan mo siya sa
paghahanap.ikaw ay nagpapakita ng,
a. Integridad
b. Empathy
c. Kahusayan

4. Nasunugan ng bahay ang iyong


kaklase na si Dina at walang natira sa
kanilang mga damit.Bilang ikaw ang
isa sa kanyang kaibigan nagbigay ka
ng inyong mga lumang damit at
gamit sa bahay.Ikaw ay nagpapakita
ng,
a. Respito
b. Kahusayan
c. Pagiging mapagbigay
5. Nahihirapan sa klase si Jenny at
hindi siya makasagot ng tama imbis
na pagtawanan ay tinuruan mo siya
kung paano sumagot ng tama sa
leksyon ng inyong guro,ikaw ay
nagpapakita ng,
a. Respito
b. Kahusayan
c. Pagiging mapagbigay

Tapus na ba mga bata ipasa ang papel sa


harapan.

Mga sagot:
1) A
2) C
3) B
4) C
5) A
Mga posibleng sagot:
1) A
2) C
3) B
4) C
5) A

J. Takdang aralin

Sa inyong bahay maghanap ng libro


tungkol sa pabula at basahin ito at
pagpasok niyo bukas ay isa-isa kayong
magkwento sa inyong nabasang pabula at
ipapaliwanag niyo ang mga aral na
inyong nakuha sa inyong nabasang
kwento. At kung kayo ba ay nagawa niyo
ito sa inyong kapwa at sainyong
komunidad.Naintindihan po ba?
Opo,teacher!
Paalam mga bata!
Paalam po teacher!

You might also like