Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

IKAAPAT NA MARKAHANG PAGSUSULIT SA MAPEH 3

S.Y. 2023-2024

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat tanong. Piliin ang letra ng tamang
sagot at isulat sa patlang.
MUSIC
_____1. Ano ang tawag sa bagal at bilis ng daloy ng isang awitin?
A. tekstura C. tempo
B. ritmo D. melodiya
_____2. Alin sa mga sumusunod na awitin ang mayroong mabilis na tempo?
A. Lupang Hinirang C. Bahay Kubo
B. Maliliit na Gagamba D. Leron Leron Sinta
_____3. Ang awiting “Ako ay May Lobo” ay nagtataglay ng __________ na tempo.
A. Mabils C.katamtamang bilis
B. Mabagal D. Mabilis na mabilis
_____4. Alin sa mga sumusunod na mga sasakyan ang maihahalintulad ang kilos sa
mabilis na tugtog?
A. kalesa C. traysikel
B. bisikleta D. tren
_____5. Sa anong kilos o galaw ng tempo nabibilang ang awiting “Silent Night”?
A. mabagal C. mabilis
B. mas mabilis D. katamtamang bilis
_____6. Bakit sa tuwing makarinig tayo ng mga masayang awitin ay mapapasayaw
tayo?
A. Dahil may taglay itong mabilis na tempo
B. Dahil may taglay itong mabagal na tempo
C. Dahil may taglay itong sumpa
D. Wala sa nabanggit
_____7. Kapag ang tao ay malungkot, ang kinakanta niyang mga awitin ay ________.
A. Katamtamang tempo C. Mabagal na tempo
B. Mabilis na tempo D. Wala sa nabanggit
_____8. Anong awit ang may itinalagang katamtamang tempo?
A. Bahay Kubo C. Sampung mga Daliri
B. Leron, Leron Sinta D. Tong Tong Pakitongkitong
_____9. Ito ay isang paraan ng pag-awit ng dalawang magkaibang awitin nang
sabay ngunit magkapareho ang sukat at modo sa pag-awit.
A. tempo C. tekstura
B. unison D. partner song
_____10. Ilang kanta ang inaawit sa partner songs?
A. tatlo B. dalawa C. lima D. apat
ARTS

_____11. Ang ____________ ay isang bagay na karaniwang kahawig ng isang tao,


hayop, at iba pang pigura na minamanipula ng tao.
A. manika C. Likhang sining
B. slogan D. puppet
_____12. Ang uri ng puppet na ito ay ginaganap mula sa likod ng isang puting tela
na may liwanag sa likod ng mga puppet.
A. Finger Puppet C. Shadow Puppet
B. String Puppet D. Stick Puppet
_____13. Ang mga sumusunod ay mga kagamitan sa paggawa ng hand puppet o
papet sa kamay, MALIBAN sa isa.
A. Papel na bag C. Posporo
B. Pandikit D. Krayola
_____14. Pagsunod-sunurin ang mga hakbang sa paglikha ng hand puppet.
I. Lagyan ng palamuti sa itaas na bahagi ng bag upang mas magandang
tingnan.
II. Ihanda ang mga kagamitan tulad ng gunting, glue, butones, papel o
cardboard at iba pang recyclable o mga patapong bagay.
III. Dagdagan ng palamuti ang kamay na papet na bag upang maging
maganda at kakaiba.
IV. Ayusin ang itaas na bahagi ng bag upang makagawa ng tamang tupi.
V. Lagyan ang papet ng magandang ekspresyon, tulad ng:
❖ masayahing mukha
❖ nasorpresang mukha
A. IV-II-I-V-III B. IV-III-V-I-II C. II-IV-V-I-III D. II-IV-I-V-III
_____15. Gumawa si Carla ng sock puppet gamit ang mga patapong bagay na
makikita sa kanilang paligid. Anong katangian ang kanyang ipinapakita sa
paggawa ng isang sining?
A. malikhain C. masipag
B. matiyaga D. masinop
_____16. Ang sumusunod ay mga patapong bagay na maaaring gamitin sa
paglikha ng medyas na papet maliban sa isa. Ano ito?
A. yarn C. malinis na medyas
B. tubig D. karayom
_____17. Ito ay isang uri ng simpleng papet na maaaring may iba’t ibang disenyo sa
tulong ng patpat at iba pang patapong bagay.
A. Stick Puppet C. Finger Puppet
B. Shadow Puppet D. String Puppet
_____18. Ang mga _____ ang nagbibigay ng buhay sa mga papet sa pamamagitan
ng pagpapagalaw sa gamit ang kamay at daliri.
A. Puppet C. Puppetry
B. Puppet Show D. Puppeteer
_____19. Alin sa mga sumusunod na larawan ang halimbawa ng headdress?

A. B. C. D.

_____20. Ito ay paraan ng paghahanda ng puppet show.


A. Paggamit ng kahon.
B. Pagtatanghal sa bintana.
C. Pagtatakip ng mesa gamit ang telang itim.
D. Lahat ng nabanggit

PHYSICAL EDUCATION

_____21. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng kilos lokomotor?


A. Pagdarasal C. paglalaro ng komputer
B. Pagbabasa D. Pakikipaghabulan
_____22. Alin sa mga sumusunod ang nagpapakita ng di kilos lokomotor?
A. Paglalaro ng tumbang preso C. Pagjogging sa plaza
B. Paglalakad sa hardin D. Pagkain sa hapag-kainan
_____23. Mga kilos o gawain na kinakailangang umaalis sa puwesto at
nangangailangan lamang ng malawak na espasyo.
A. pagkain C. kilos lokomotor
B. pagtakbo D. kilos di lokomotor
_____24. Ang mga sumusunod ay mga gawain o aktibidad na maaaring hindi
gamitan ng bagay, MALIBAN sa isa.
A. tumbang preso C. luksong tinik
B. luksong baka D. patintero
_____25. Ito ay karaniwang gawa sa satin na ginagamit sa pang-isahang sayaw.
A. hula hoop C. bola
B. laso o ribbon D. straw
_____26. Ito ay kagamitan ng isang gymnast na dapat magkasya sa kanyang
kamay.
A. bola C. hula hoop
B. laso o ribbon D. stick
_____27. Ano ang magiging kilos o galaw ng isang taong sumasayaw kung ang
musikang pinapakinggan ay mabagal?
A. mabilis C. mas mabilis
B. mabagal D, katamtamang kilos o galaw
_____28. Ang mga gawaing pisikal na sinasabayan ng saliw ng musika o tunog ay
______________.
A. nakapagpapaunlad ng isipan C. nakapagpapatibay ng kalamnan
B. nakapagpapalakas ng katawan D. Lahat ng nabanggit
_____29. Ito ay isang katutubo at kilalang laro ng mga Pilipino na nilalaro ng tatlo o
higit pang manlalaro gamit ang mga paa at kamay bilang tinik.
A. Luksong Baka C. Luksong Tinik
B. Patintero D. Sipa
_____30. Ayusin ang mga hakbang sa paglalaro ng luksong baka.
I. Sa paglukso, kailangang makatawid sa katawan ng baka (taya) na hindi ito
matutumba.
II. Kung hindi nagawa ng katunggali ang tamang paglukso at hindi
nakaalpas, siya ang papalit na magiging taya.
III. Isa sa inyo ng kapareha mo ay magiging taya o tatawaging “baka” na
luluksuhan ng kapareha. Maaaring mag-“Jack En Poy.” Ang talo ang siyang
magiging taya.
IV. Kapag nakaalpas ka sa unang paglukso, ang taya ay mag-iiba ng posisyon
na mas mataas sa unang posisyon.
A. I-IV-III-II B. III-I-IV-II C. I-III-IV-II D. III-IV-I-II

HEALTH

_____31. Gamitin ang __________ sa pagtawid sa kalsada.


A. Tamang kalsada C. Tulay
B. Tamang daan D. Tamang tawiran
_____31. Alin sa sumusunod ang dapat gawin at tandaan upang makaiwas sa
sakuna?
A. mag headset sa tuwing lalabas sa kalsada upang makaiwas sa ingay ng
mga sasakyan
B. makipagsabayan sa mabilis na mga sasakyan habang tumatawid
C. gumamit ng bangketa, sumakay at bumaba sa tamang tawiran
D. huwag hintayin na huminto ang sasakyan bago sumakay upang hindi
maiwanan ng byahe.

_____32. Alin sa mga sumusunod ang dapat mong gawin bilang pasahero upang
makaiwas sa aksidente?
A. Huwag ilabas ang anumang bahagi ng katawan habang umaandar ang
sasakyan.
B. Huwag hintayin na huminto ang sasakyan bago sumakay.
C. Lumipat-lipat ng upuan habang umaandar ang sasakyan.
D. Lahat ng binanggit
_____33. Alin sa sumusunod ang iyong susundin sa pagpili ng ligtas na upuan sa
loob ng bus?
A. Umupo malapit sa pintuan C. Umupo sa likod ng drayber
B. Umupo malapit sa bintana D. Lahat ng binanggit
_____34. Anong babala ang ipinapakita ng larawan sa
ibaba?

A. Tamang tawiran
B. Bawal sumakay at magbaba
C. Bawal Lumiko
D. Bawal Tumawid

_____35. Ang mga sumusunod ay mga dahilan ng mapanganib na sitwasyon sa


kalsada na nakapagdudulot ng sakuna, MALIBAN sa isa.
A. Bukas na mga kanal
B. Kalsadang madulas dahil sa ulan at tubig
C. Kalsadang mayroong poste at ilaw
D. May inaayos o ginagawang kalsada
_____36. Habang ikaw ay papunta sa inyong paaralan, nakita mong naglalaro sa
kalsada ang iyong mga kaklase. Ano ang iyong gagawin?
A. Sasali ka sa laro ng iyong mga kaklase.
B. Pabayaan mo na lamang silang maglaro sa kalsada.
C. Panuorin mo na lamang sila sa kanilang ginagawa.
D. Pagsasabihan mo sila na delikado ang paglalaro sa kalsada.
_____37. Ang mga sumusunod ay mga kalamidad na nararanasan natin sa
Pilipinas, MALIBAN sa isa.
A. Pagputok ng bulkan C. Bagyo
B. Pagguho ng yelo D. Pagguho ng lupa
_____39. Ano ang dapat gawin upang makaiwas sa aksidente?
A. Ugaliing magsuot ng seatbelt o gumamit ng helmet.
B. Maglaro ng habulan sa kalsada.
C. Hahabulin ang mga dumaraang sasakyan.
D. Dumaan sa mga basang bahagi ng kalsada.
_____40. Paano maiiwasan ang malaking pinsalang dulot ng kalamidad?
A. Magtapon ng mga basura sa ilog.
B. Maglaro ng posporo.
C. Magputol ng mga kahoy sa kabundukan.
D. Maghanda ng emergency bag bago ang kalamidad.

You might also like