Professional Documents
Culture Documents
Filipino
Filipino
Filipino
Uring Pangungusap
A. Pangungusap na walang paksa
1. Eksistensyal - nagpapahayag ng pagka-mayroon
Hal. Mayroong handaan doon
2. Pahanga - nagsasaad ng damdaming paghanga
Hal. Kayganda ng babaeng iyon!
3. Sambitlang - tumutukoy sa mga iisahin o dadalawahing pantig. na nagpapahayag ng
matinding damdamin
4. Pamanahon - nagsasabi .ng oras o uri ng panahon
Hal. Maaga pa.
5. Pormularyong panlipunan - mga nakagawiang pagbati, pagbibigay-galang atbp.
Hal. Magandang gabi
Uri ng Panauhan
Unang Panauhan - tumutukoy sa tagapagsalita.
Ikalawang Panauhan - tumutukoy sa kinakausap.
Ikatlong Panauhan- tumutukoy sa pinag-uusapan
PANG-URI (Adjective)
Ang Pang-uri ay mga salitang naglalarawan. Inilalarawan nito ang katangian ng mga
pangngalan at panghalip.
May mga pang-uri ring kaugnay ng pandama. May ma bagay na nauuri natin ang
katangian sa pamamagitan ng pandama tulad ng; matalas at matulis;, makinis o
magaspang, palamig o, mainit, makati at mahapdi
Kayarian/Kaanyuan ng Pang-Uri
1. Payak Ito ay kapag ang anyo ng pang-uri ay salitang.ugat,
2. Maylapi Ito ay pang-uring likas na may panlaping. Ma, maka, at iba pa
3. Inuulit Ito ay ang pang-uri ay inuulit bilang pagbigay diin
4. Tambalan Ito ay binubuo ng dalawang salita.
Kaantasan ng Pang-Uri
1. Lantay Ito ay kung tinutukoy ang katangiang sarili ng pangngalan o panghalip
na tinuturingan.
2. Pahambing Ito ay para sa pagtutulad ng dalawang tao, bagay o pangyayari.
3. Pasukdol ito ay ginagamit upang ipakita ang kahigitan ng isang bagay kaysa sa
karamihan o sa lahat. Gamitin ang sumusunod na paraan:
Pag-uulit ng pang-uri na inuugnay ng, na at nang.
Paggamit ng salitang gaya ng: masyado, lubha, talaga, at tunay.
PANG-URING PAMILANG
Pamilang- to ay nagsasaad ng bilang ng pangngalan o panghalip
1.Patakaran o Kardinal Ito ay gamit sa bilang o dami
2. Panunuran o Ordinal Ito ay nagpapahayag ng pagkakasunod-sunod. ng bilang
3. Pamahagi Ito ay pamilang na bahagi ng isang buo o mahigit sa isang buo.
4. Pahalaga Ito ay injuukol sa dalawa o higit pang tao o bagay.
5. Palansak Ito ay nagsasaad ng bukod na pagsasama-sama ng mga tao o bagay.
PANG-UGNAY - (CONJUNCTION)
Ang mga pang-ugnay ay mga salitang nag-uugnay ng mga pangngungusap at iba pang
mga salita. Ito ay nahahati sa tatlo; mga pangatnig, mga pang-ukol, at mga pang-
angkop
Mga Pangatnig, - ay mga kataga o salitang nag-uugnay sa dalawang salita, parirala sa
kapwa parirala at sugnay sa kapwa sugnay. Ito ay nahahati sa dalawang pangkat
1. Pangatnig na nag-uugnay sa magkatimbang na yunit.
2. Pangatnig na nag-uugnay sa di-magkatimbang na yunit.
Mga uri ng Pangatnig
1. Pamukod. - ginagamit sa pagbukod o pagtatangi, gaya ng: o, ni, maging, at man.
2. Panubali - nagsasabi ito ng pag-aaliniangan, gaya ng: kung, kapag, pag,baka,
kapagka, sakali, disin sana
3. Paninsay - kapag sinasalungat ng unang bahagi ng pangungusap ang ikalawang
bahagi nito. Gaya ng: ngunit, datapwat, habang, subalit, bagaman, samantala, kahiman,
kahit.
4. Pananhi - nagbibigay ito ng dahilan o katuwiran para sa pagkaganap ng kilos. Ang
mga ito ay dahil sa, sanhi sa, sapagkat, palibhasa, Kasi, kundangan, mangyari.
5. Panapos - nagsasabi ito ng nalalapit na katapusan ng pagsasalita, gaya ng upang,
& sa lahat ng ito, sa di-kawasa, sa wakas, at sa bagay na ito.
6. Panlinaw - ginagamit ito upang jpaliwanag ang bahagi o kabuuan ng isang banggit.
Ang ginagamit ay gayunman, alalaon baga, baga, alalaon sana, kung gayon,
gayunman.
7. Panimbang - ginagamit sa paghahayag ng karagdagang isipan, gaya ng: at - saka,
pati, kaya, anupa't.
8. Pamanggit - gumagaya o nagsasabi lamang ng iba, tulad ng: daw, raw, sa ganang
akin/iyo, di umano.
9. Panulad - tumutulad ng mga pangyayari o gawa, tulad ng: kung sino-siyang, kung
ano-siya in, kung gaano-siya rin.
Pang-ukol ay bahaging pananalitang nag-uugnay sa panangalan. panghaljp, pandiwa at
pang-abay na pinag-uukulan ng kilos, gawa, balak, ari o layon, Ito bahagi ng
pananalitang nagsasabi kung saang pook o bagay ang pinag-uukulan ng kilos, gawa,
balak, ari o layon. Ito' y bahagi ng pananalita na mayroong pinag-uukulan
Ang mga karaniwang pang-ukol ay: ng, laban sa/kay, sa, hinggil sa/kay, para sa/kay,
labag sa, ukol sa/kay, tungo sa, ayon sa/kay, mula sa, alinsunod sa/kay, nang may,
tungkol sa/kay, nang wala
Mga Gamit ng Pang-ukol
1. Nagpapakita ng kinalalagyan o patutunguhan ng isang bagay.
Hal: Ang pera ay nasa loob ng bulsa ni Elizabeth.
Pang-angkop
Ang Pang-angkop (Ligatures sa wikang Ingles) ay ang salitang nag-uugnay sa
panuring at salitang tinuturingan (na, ng, g).
Halimbawa: Maayos na pamumuhay ang hangad nina John. / Masayang naglalaro si
Daniel
Mga salitang inuugnay ng pang-angkop
1. Pang-uri at Pangngalan
Halimbawa: Masama sa may diabetes ang matatamis na pagkain.
2. Pang-abay at Pang-abay
Halimbawa: Sadyang mabilis lumangoy ang isda.
3. Pang-abay at Pang-uri
Halimbawa: Likas na maputi si Marianne
4. Pang-abay at Pandiwa
Halimbawa: Si Tomas ay biglang nagalit nang asarin siya.
PANDIWA- VERB
Bahagi ng pananalitang nagsasaad ng kilos o galaw.
Ito ang nagbibigay diwa sa sang pangungusap.
Ito' y binubuo ng salitang-ugat at panlaping makadiwa tulad ng mga, um, in, hin,
an, han, mak, maki, ma, magsi
MGA URI NG PANDIWA (ayon sa kaukulan)
1. PANDIANG PALIPAT
Sa mga pangungusap sa Pangkat A ay mapapansin ang pandiwa at ang parirala. Ang
mga parirala ang mga tuwirang layon at pinangungunahan ng pang-ukol na ng, sa at
kay. Kapag ang pandiwa ay may tuwirang layon, ito ay pandiwang palipat
2. PANDWANG KATAWANIN
Kung ang pandiwa' y hindi na kailangan ng tuwirang layon at nagtataglay ng
kahulugang buo sa ganang sarili kaya 't hindi na kailangan ang tagatanggap ng kilos, ito
ay tintawag na pandiwang katawanin.
ASPEKTO NG PANDIWA
Ang pandiwa ay nagbabanghay sa tatlong aspekto na tumutukoy sa panahong
ikinagaganap, ikagaganap, o ikinaganap ng kilos
1. Aspektong PERPEKTIBO o naganap - nagsasaad ng kilos na nasimulan na o ng
kalagayang nangyari na. Halimbawa: Napanood ko ang pagsayaw ni Ann kanina.
KIBO at IMIK
Pagkilos ang tinutukoy ng kibo; pangungusap ang tinutukoy ng imik
DAHIL at DAHILAN
Pangatnig ang dahil, pangngalan ang dahilan; pang-ukol naman ang dahil sa o dahil kay,
HABANG at SAMANTALANG
Habang ang isang kalagayang walang tiyak na hangganan, o "mahaba"
Samantalang- ang isang kalagayang may taning, "pansamantala"
IBAYAD at IPAGBAYAD
Ibayad- pagbibigay ng bagay bilang kabayaran
Ipagbayad-pagbabayad para sa ibang tao.
MAY at MAYROON -Iisa ang kahulugan ng mga salitang ito; naayon ang gamit sa uri ng
salitang sumusunod
Gamitin ang may kapag susundan ng pangngalan (mapaisahan o maramihan), pandiwa, pang-uri
o pang-abay.
Gamitin ang mayroon kapag susundan ng kataga, panghalip na panao o pamatlig o pang-abay na
panlunan.
Nagagamit din ang mayroon bilang pangngalan.
PAHIRAN at PAHIRIN Pahiran- paglalagay pahirin pag-aalis
PINTO at PINTUAN Pinto- ang inilalapat sa puwang upang hindi ito mapagdaanan
Pintuan- ang puwang sa dinging o pader na pinagdaraanan
SUBUKAN at SUBUKIN Subukan-pagtingin nang palihim
Subukin- pagtikim at pagkilatis
TAGA- at TIGA Walang unlaping tiga-, Taga- ang dapat gamitin.
Gumagamit lamang ng gitling kapag sinusundan it ng pangngalang pantangi
AGAWIN at AGAWAN Agawin ang isang bagay sa isang tao/hayop
Agawan ng isang bagay ang isang tao/hayop
HINAGIS at INIHAGIS Hinagis ng isang bagay. Inihagis ang isang bagay
ABUTAN at ABUTIN abutin ang ang isang bagay. abutin ang ang isang bagay
BILHIN at BILHAN bilhin ang isang bagay. bilhin ng isang bagay
WALISAN at WALISIN walisin ang isang bagay na maaring tangayin ng walis
walisan ang ang pook o lugar
SUKLAYIN at SUKLAYAN suklayin ang buhok ng sarili o ng iba
Sukalyan ng buhok ang ibang tao
NAMATAY at NAPATAY napatay--may tiyak na tao o hayop na pumaslang ng
kusa/sinasadya
Namatay--kung ang isang tao ay binawian ng buhay sanhi sakit, katandaan o
anumang dahilang hindi sinasadya; ginagamit din sa patalinghagang paraan o
mga bagay nawalang buhay.
OPERAHAN at OPERAHIN operahin - tiyak na bahagi ng katawan na titistisin
Operahan - tumutukoy sa tao
NANG at NG
Nang -pangatnig na panghugnayan / tagapagpakilala ng pang-abay na pamaraan at
pamanahon/tagapag-ugnay ng salitang-ugat na inuulit at pandiwang inuulit
Ng pantukoy My pangngalang pambalana/- tagapagpakilala ng layon ng pandiwa at tagaganap
ng pandiwa / pang-ukol na kasingkahulugan ng “sa”.
KATA at KITA
kata - ikaw at ako kita - ikaw
Kila at Kina - Walang salitang kila. Ang Kina ay maramihan ng kay
DAW/ DIN AT RAWI RIN
Ginagamit ang daw/ din kapag ang salitang sinusundan ay nagtatapos sa katinig; at raw/rin
kapag nagtatapos sa patinig.
KUNG AT KONG Ginagamit ang kung bilang pangatnig na panubali. Katumbas to ng if sa
Ingles; ang kong ay panghalip na panao sa kaukulang paari
KUNG DI AT KUNDI
Ang kung di ay galing sa salitang "kung hindi" o if not sa Ingles; ang kundi naman ay except.
HAGDAN AT HAGDANAN
Ang hagdan (stairs) ay ang baytang na inaakyatan at binababaan
Samantalang ang hagdanan (stairways) ay ang kinalalagyan ng hagdan
IKIT AT IKOT
Ginagamit ang ikit para maipakita ang kilos na paggilid mula sa labas patungo sa loob. Ang ikot
naman ay mula sa loob patungo sa labas.
HATIIN AT HATIAN
Hatiin (to divide) o partihin; Hatian (to share) o ibahagi
NABASAG AT BINASAG
Ang salitang nabasag ay nangangahulugan ng kilos na di sinasadya o di ginusto;, ang salitang
binasag naman ay nagpapakita ng sariling pagkukusa.
BUMILI AT MAGBILI
Bumili- to buy; Magbili- to sell o magbenta
KUMUHA AT MANGUHA
Kumuha- to get; Manguha - to gather, to collect
Hal. Nanguha ng mga kabibe ang mga bata sa dalampasigan.
ANTAS NG WIKA
Ang wika ay nahahati sa iba't bang kategorya sa antas na ginagamit ng tao batay sa kanyang
pagkatao, sa lipunang kanyang ginagalawan, lugar na tinitirhan, panahon, katayuan at
okasyong dinadaluhan.
PATAYUTAY NA PANANALITA
Pagtutulad (Simile) - pagpapahayag na gumagamit ng paghahambing sa
dalawang magkaibang bagay at gumagamit ng pariralang tulad ng, animo, para
ng, gaya ng, gaya ng atbp.
Pagwawangis/ Metapora (Metaphor) - gaya ng pagtutulad ito ay tuwirang
paghahambing sa dalawang magkaibang bagay. Ngunit hindi gumagamit ng
pariralang tulad ng, gaya ng, animo ay, atbp.