Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 1

Katapusang Hibik ng Pilipinas

By Andres Bonifacio

Sumikat na Ina sa sinisilangan Ang lupa at buhay na tinatahanan,


ang araw ng poot ng Katagalugan, bukid at tubigang kalawak-lawakan,
tatlong daang taong aming iningatan at gayon din pati ng mga halaman,
sa dagat ng dusa ng karalitaan. sa paring Kastila ay binubuwisan.

Walang isinuhay kaming iyong anak Bukod pa sa rito'y ang mga iba pa,
sa bagyong masasal ng dalita't hirap; huwag nang saysayin, 0 Inang Espanya,
lisa ang puso nitong Pilipinas sunod kaming lahat hanggang may
at ikaw ay di na Ina naming lahat. hininga,
Tagalog di'y siyang minamasama pa.
Sa kapuwa Ina'y wala kang kaparis...
ang layaw ng anak: dalita't pasakit; Ikaw nga, 0 Inang pabaya't sukaban,
pag nagpatirapang sa yo'y humibik, kami'y di na iyo saan man humanggan,
lunas na gamot mo ay kasakit-sakit. ihanda mo, Ina, ang paglilibingan
sa mawawakawak na maraming bangkay.
Gapusing mahigpit ang mga Tagalog,
hinain sa sikad, kulata at suntok, Sa sangmaliwanag ngayon ay sasabog
makinahi't biting parang isang hayop; ang barila't kanyong katulad ay kulog,
ito baga, Ina, ang iyong pag-irog? ang sigwang masasal sa dugong aagos
ng kanilang bala na magpapamook.
Ipabilanggo mo't sa dagat itapon;
barilin, lasunin, nang kami'y malipol. Di na kailangan sa iyo ng awa
Sa aming Tagalog, ito baga'y hatol ng mga Tagalog, 0 Inang kuhila,
Inang mahabagin, sa lahat ng kampon? paraiso namin ang kami'y mapuksa,
langit mo naman ang kami'y madusta.
Aming tinitiis hanggang sa mamatay;
bangkay nang mistula'y ayaw pang tigilan, Paalam na Ina, itong Pilipinas,
kaya kung ihulog sa mga libingan, paalam na Ina, itong nasa hirap,
linsad na ang buto't lumuray ang laman. paalam, paalam, Inang walang habag, p
aalam na ngayon, katapusang tawag.
Wala nang namamana itong Pilipinas
na layaw sa Ina kundi pawang hirap;
tiis ay pasulong, patente'y nagkalat,
rekargo't impuwesto'y nagsala-salabat.

Sarisaring silo sa ami'y inisip,


kasabay ng utos na tuparing pilit,
may sa alumbrado-kaya kaming tikis,
kahit isang ilaw ay walang masilip.

You might also like