585759732-PALATUNTUNANG-PAGTATAPOS-2021

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

PALATUNTUNANG PAGTATAPOS 2021-2022

PAGBIBIGAY HUDYAT SA PAGSISIMULA NG PALATUNTUNAN

REGINE: Ang Palatuntunang Pagtatapos at pag- aangat ng BANTULINAO I


Integrated School ay magsisimula na.

PANIMULA

REGINE: Isang mapagpalang hapon po sa ating lahat. Ang araw ng pagtatapos


ay sadya nga namang araw para magsaya sa kadahilanang ito ang hudyat para
sa pagsasara ng naturang pag-aaral sa nasabing antas. Ang pagtatapos ay
patunay na nakamit niyo na ang lahat ng sakripisyo at paghihirap sa pakikibaka
sa larangan ng akademya.

Ngayong araw, isa nanamang kasaysayan ang unti-unting mabubuksan


kasabay ng pagsasara ng taunang pampaaralang 2023-2024.

PROSESYONAL AT PAGPASOK NG MGA KULAY

BENJ: At sa puntong ito, malugod ko pong ipinapakilala ang mga hanay ng


magsisipagtapos papunta sa kanilang mga puwesto.

Mga Ginoo at Binibini, ang pagpasok ng mga kulay....

I. PAGPASOK NG MGA MAGSISIPAGTAPOS AT MGA MAGULANG

April: Ito na, bigyang pagpupugay ang mga magsisipagtapos kasama ng kanilang
mga mahal na magulang para sa Taunang Pampaaralan 2022-2023 na
pinangungunahan ng kanilang butihing gurong tagapayo ____________
PAGPASOK NG MGA OPISYALES NG PAARALAN, PANAUHING PANDANGAL AT
IBANG HANAY NG KAGAWARAN/OPISYALES

REGINE: Bigyan naman po natin ng pagpupugay ang pagpasok ng mga


dekalibreng miyembro ng edukasyon sa pangunguna ng namumukod tanging
Ulong-guro Isa Ginoong Joel lim Gerolia ,____________________at ang mga
gurong bumubuo sa kalidad ng edukasyon sa institusyong itosa elementarya at
sekondarya

BENJ: Pagpupugay din sa pagpasok ng ating masiglang panauhing pandangal


ngayong araw, sa mga opisyales ng barangay, sa mga opisyales at kinatawan ng
PTA, mga magulang, bisita at kaibigan.

PAGTAWAG NG PANSIN, LUPANG HINIRANG, PANALANGIN AT MGA AWIT

BENJ: Ang Palatuntunang Pagtatapos ng Bantulinao Integrated Senio School ay


maayos at handang handa na. Tunay ngang ang ugat ng edukasyon ay mapait
ngunit ang bunga nito ay pagkatamis- tamis...sa araw na ito... ay ating
matitikman ang mga matamis at hitik na bunga ng apat at anim na taong
pinahinog sa panahon na pagsisikap at pagsisikhay.

regine: Isang kaaya- aya at pinagpalang araw po sa ating lahat. Sa araw pong ito ay ating
masasaksihan ang ika-7 na pagtatapos ng Elementarya at Sekondarya sa Bantulinao
Integrated School taong panuruan dalwang libo- dalawamput tatlo- dalawang libo-
dalawamput apat.(2023-2024)

REGINE: Bilang pagbubukas ng programa, inaanyayahan po namin ang lahat na


magsitayo bilang pagbibigay pugay sa pag-pasok ng sagisag ng watawat ng
Pilipinas at bandila ng paaralan na gagampanan ng mga piling mag-aaral sa ika
labing-isang baitang. Na susundan ng pag- Pambansang Awit na pangungunahan
Ni Rey Ann M. Malana/grade 12 GAS /MAY KARANGALAN

Manatili po tayong nakatayo para sa panalangin na pangungunahan


ni_______________

BENJl: Manatili po tayong nakatayo para sa pag-awit ng lalawigan ng QUEZON at


HIMNO NG calabarzon,

PABATID

BENJ: Sa mga hanay ng magsisipagtapos at completers ngayong araw, kapita-


pitagang mga bisita, sa mga opisyales ng PTA, sa mga guro, mag-aaral, pamilya
at mga kaibigan. Ako po si Regine Andal-Albos (at ako naman po si Benjie
______, ang inyong mga tagapagdaloy ng palatuntunan. Unang una sa lahat,
kami po ay nagpapasalamat sa mga magulang na naglaan ng sobra sobra nilang
oras sa pagpaplano para sa araw na ito at sa mga iba pang mahahalagang tao
na tumulong at mag organisa para sa napakahalagang okasyon na ito. Sa inyo
po mga maams at sirs, maraming salamat po.
BATING PAGTANGGAP

BENJ:Sa puntong ito, Atin pong tinatawagan mula sa ika-6 na batang may mataas na
Karangalan FATIMA CLAIRE R . ESTRAVO para sa kanyang pambungad na
pananalita at pagbati.

-Ngayon naman po ay ang mensahi sa magsisipagtapos mula sa kalihim ng


edukasyon.________________

PAGPAPAKILALA NG MGA MAGSISIPAGTAPOS AT PAGPAPATUNAY

REGINE: At ngayon, ang pinaka hihintay na pagkakataon para sa kaganapan


ngayong araw na ito ay mabubuksan na at mabibigyan na ng pagpapatibay at
pagpapatunay. Saksihan po natin ang pagpapakilala ng mga kabataang
MAGSISIPAGTAPOS mula sa ELEMENTARYA AT SEKONDARYA.
na susundan ng pagpapatibay ng pagtatapos na isasagawa ng atingang ating
ulong guro, G. JOEL LIM GEROLIA
AWARDING OF DIPLOMAS, CERTIFICATES AND MEDALS TO THE GRADUATES

regine: Ang Sertipiko ng Pagtatapos ay isa sa mga nahahawakang patunay na ikaw


ay nagtapos na sa nasabing antas ng edukasyon. Ito na ang araw na ang lahat
ng pinagpaguran niyo ay makukuha niyo na.

April: Akin pong tinatawagan ang ating Ulong guro, G. joel lim gerolia at ang
ibang bisita kasama na rin po ang mga gurong tagapayo ng dalawang pangkat
ng Baitang 6 at Baitang 12 na tumayo sa entablado para sa paggawad ng
katibayan.

CJ: Para sa pagagawad ng katibayan tinatawagan po namin ang mga gurong tagapatnubay ng
baitang anim pangkat______________________ at pangkat __________________________

April: Para sa pagagawad ng katibayan para sa mga nagsipagtapos, tinatawagan po namin ang
gurong tagapatnubay ng baitang 12-GAS HESTIA MAAM, ROSE MHAY , GAS 12-URANIA MAAM
JERMAINE R. NOVES, AT TVL 12 MAAM. LYRA S. PENAFLOR

Umpisahan natin kay ( tawagin ang pangalan ng mga bata sa listahan )

CJ: At ngayon, ang pinakahihintay ng mga magulang at nagsipagtapos, dumako


na po tayo sa paggawad ng mga medalya at sertipiko sa mga may karangalan at
mga piling magsisipagtapos.

April: Mga kabataang nagkamit ng karangalan mula sa baitang sampu pangkat


Diamond A. Tinatawagan po ng pansin ang gurong tagapatnubay na si Gng. Leni
May N. Luistro at mga panauhin upang igawad ang mga medalya.

CJ: Mga kabataang nagkamit ng karangalan mula sa baitang sampu pangkat


Diamond B. Tinatawagan po ng pansin ang gurong tagapatnubay na si G. Jay G.
Cudiamat.

April: Mga kabataang nagkamit ng karangalan mula sa baitang labindalawa


pangkatAristotle. Tinatawagan po ng pansin ang gurong tagapatnubay na si Gng.
Arlene E. Samarita.

PANANALITANG PAGBATI NG BATANG MAY KARANGALAN

CJ: Sa puntong ito ay ating pakinggan ang pananalitang pagbati ng mga batang
nagkamit ng karangalan mula sa baitang 10 – Alexa Marasigan at ang nagkamit
ng mataas na karangalan mula sa baitang 12- Jamaica R. Bico.

April: Maraming Salamat mga anak, tunay na napakahusay ng inyong ipinamalas


sa mga taong inyong inilagi sa ating mahal na paaralan.

PAGBIBIGAY MENSAHE.

CJ: Sa puntong ito, atin po namang pakinggan ang mga mensaheng nais
ipabatid sa atin ng mga taong walang sawang tumutulong at sumusuporta sa
ating paaralan.
Tatawagin ang mga magmemensahe...

PAGPAPAKILALA SA PANAUHING TAGAPAGSALITA

April: Ang pagtatapos ngayong araw na ito ay dinaluhan ng isang espesyal na


tao na sa ilang sandali lamang ay ibibigay na ang kanyang mensahe tungkol sa
ating mga completers , sa mga nagsipagtapos at sa mga mahal na mga magulang
na rin. Para tuluyan nating malaman ang kanyang pinagmulan, tinatawatagan po
natin sa entablado ang masigasig at masipag na gurong tagapayo ng baitang
labing isa Gng. Essie S. Garcia upang ipakilala ang ating Panauhing
Tagapagsalita.

(Mensahe ng panauhing pandangal)

CJ: Akin pong tinatawagan ang ating Pampurok Tagamasid, Dr. Ellienor D. Pena,
ang ating Ulong guro, G. Antonino S. Palaganas at ang ibang bisita kasama na
rin po ang mga gurong tagapayo ng dalawang pangkat ng Baitang 10 at baitang
12 na pumunta sa entablado para ibigay ang sertipiko ng pagkilala sa ating
panauhing pandangal at tagapagsalita.

April: Maraming salamat po sir. Tunay po na masasabi naming isa kayong


malaking inspirasyon hindi lang sa ating mga mag-aaral pati na rin sa lahat ng
mga naririto ngayon.

PANUNUMPA NG KATAPATAN

CJ: Sa linyang ito, tinatawagan ko po si Mark Gil C. Samarita - batang may


karangalan mula sa baitang 12 upang pangunahan ang Panunumpa ng
Nagsipagtapos.

AWIT NG PAGTATAPOS

April: Ang musika ay ekspresyon ng ating kaluluwa, pinapadaloy nito ang ating
mga emosyon at pinaparamdam nito ang bawat gawat ng oras. Sa pamamagitan
ng kanta, nagbibigay ito ng kalakasan para harapin ang bawat pagsubok sa
buhay, ngayon ating pakinggan ang kanilang awit ng p a g - a a n g a t
pagtatapos na pinamagatang Reach for the Stars at The Climb.
PASASALAMAT SA MGA MAGULANG

CJ: Ang kanilang inawit ay sadya nga namang maganda , ang mga himig nito ay
nakakaantig sa ating mga puso. Sa puntong ito, ang batch 2022 ay hindi
mararating ang kanilang mga adhikain at pangarap sa bukas kung wala ang mga
taong mahal nila sa buhay na umaaalalay sa likod nila. Ang mga nagsipagtapos
ay gusting kunin ang pagkakataong ito para pasalamatan ang kanilang mga
magulang.

Kasabay din nito ay ang pagpupugay sa mga natatangi nating bisita ngayong
araw.

MENSAHE NG PASASALAMAT/ PANGWAKAS NA PANANALITA

April: Ang salitang Maraming salamat ay sadya nga namang napakasarap


pakinggan . Sa pagkakataong ito, tinatawagan ko po sa entablado
si Gng . Sharmaine J. De Guzman para sa pangwakas na pananalita.

Mahalagang Anunsyo………………..

RESESYONAL

CJ: Ang nasabing pagtatapos ay dumating na. Bukas panibagong pagsubok at


oportunidad ang naghihintay sa inyo mga magsisipagtapos na susubukin kayo
para maging isa kayong metatag at mahusay na indibidwal.

April: Kasabay ng pagpapatuloy ng kanilang paglalakbay, sana naman makabalik


sila sa paaralang ito na may dalang karangalan.

CJ at April: Muli , sa mga mahal nating panauhin ngayon, dito nagtatapos ang
Palatuntunang Pagtatapos at Pag- aangat sa Paaralang Angeles Luistro Integrated
Senior High School. Ito po si Christine Joyce P. Andal at April R. Diamyuga.
Maraming salamat po at maligayang pagtatapos. Ang resesyunal.

( Ang pagtatapos)……….

You might also like