Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PANALANGIN PARA SA MGA BATA

Panginoong Hesus, batid naming iniibig mo ng lubos ang mga


bata. Dalangin namin sa Iyo na ang mga bata sa aming
paligid ay lumaking mabait, masunurin, at higit sa lahat ay
lumaki ng may takot at pagmamahal sa Iyo. Ingatan mo po
sila at ilayo sa anumang sakuna at kasalanan, at patuloy na
pagkalooban ng malusog na pangangatawan upang sila ay
patuloy na makapagbigay ngiti sa aming mga labi at pumawi
ng aming mga napapagal na katawan. Dinadalangin din po
namin sa iyo ang lahat ng mga bata na dumaranas ng
matinding sakit ng katawan at may mga kapansanan, nawa'y
Ikaw ay masumpungan nila at madama ang Iyong walang
hanggang awa, habag at pagkalinga. Ito ay aming hinihiling
sa iyo sa tulong at gabay ng aming mahal na patron San
Isidro Labrador, at ng Mahal na Birheng Maria, sa
pamamagitan ng Iyong anak, ang Santo Niño, kasama ng
Espiritu Santo, iisang Diyos magpasawalang hanggan.
AMEN!

You might also like