Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

“PANALANGIN PARA SA MGA NAGLALAYAG

SA KARAGATAN”

Panginoon at Maawaing Ama,


Bigyan Mo ng lakas ng loob ang mga
NAGHAHANAP-BUHAY NA NAGLALAYAG SA
KARAGATAN
Na magtiis sa pangungulila sa kani-kanilang pamilya.
Ama, ang Banal na Pamilya din sa Nazareth
Ay nakaranas ng pangingibang-bayan
Nang Sila ay tumakas mula sa Ehipto.
Itulot Mong Sila ang maging gabay
Ng mga dayuhang manggagawa
sa pakikibagay at pakikitungo sa ibang mga lahi.
Manatili nawa ang katapatan nila sa kanilang pamilya.
Pag-alabin Mo ang pakikipag-ugnayan nila sa Iyo,
Upang hindi sila maligaw ng landas.
Magkaroon nawa sila ng masidhing pagnanais
Na tumanggap ng mga sakramento
Tulad din ng paghahangad nilang kumita
Para sa ikauunlad ng buhay.
Sa kanilang maka-Kristiyanong pamumuhay,
Maakit nawa nila ang mga walang pananampalataya.
Nawa ay manatili ang pagkakaisa at pagmamahalan
Ng kanilang pamilya tungo sa matuwid na pamumuhay.
AMEN.

You might also like