Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PANALANGIN PARA SA PAMILYA

Panginoong Diyos
Kami po ay taos-pusong nagpapasalamat
at nagpupuri sa iyong kabutihan.
Nagpapasalamat din kami
sa mga biyayang ipinagkakaloob Ninyo,
sa patuloy na pagpapala
sa bawat pamilya
sa aming sambayanan
at sa aming buong parokya
sa araw-araw.
Ang panalangin namin
ngayong araw,
sana’y ilayo mo po
ang lahat ng miyembro ng
aming pamilya sa anumang
kapahamakan,
bantayan sa aming mga gawain
at gabayan sa aming mga
responsibilidad.
Tulungan at kaawan mo po
ang bawat pamilya
upang sila ay maging
isang pamilyang nagpupuri at sumasamba,
Lumuluwalhati at dumadakila
Sa iyong walang hanggang kapangyarihan.
Kami po ay nananalig at sumasampalataya
na Iyo pong diringgin ang aming mga panalangin.
Dasal namin ito sa iyong harapan at sa harapan din ng Iyong Anak na si
Hesus at sa Espiritu Santo magpasawalang hanggan.
Amen.

You might also like