Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

“PANALANGIN PARA SA NAKATATANDA

AT MGA LOLO AT LOLA”


Ama naming mapagmahal, bukal ka ng buhay at lahat ng biyaya. Buong
pagkalinga mo kaming itinataguyod sa bawat yugto ng aming buhay at
binibigyan mo ito ng kaganapan kay Hesus na iyong anak at aming kapatid.
Nagpapasalamat kami sa pagbibigay mo ng aming mga lolo at lola at mga
nakatatanda upang maging aming gabay sa pagbabahagi nila ng kanilang
mayamang karanasan at karunungang natamo sa pagdaraan ng mga taon.
Pinasasalamatan ka namin sa kanilang patotoo ng iyong pananatili at pagkalinga
sa bawat kaganapan at pagbabago sa aming buhay. Basbasan mo sila ng tuwa at
kapanatagan, ng kasiyahan sa mga bunga ng kanilang pagpapagal, at ng tapat na
pagmamahal ng kanilang pamilya.
Patatagin mo sila sa pagtitiwala sa iyong mapagpagaling na awa sa harap ng mga
pagkakamali at kasalanan ng panahong nagdaan. Maging maligaya nawa sila sa
piling ng kanilang mga mahal sa buhay at mga kaibigan.
Ipag-adya mo sila sa lahat ng panganib at kasamaan na magkukubli sa walang
hanggang kapayapaaan at galak sa iyong kaharian. Pagkalooban mo sila ng
tiyaga at katatagan na pasanin ang krus ng sakit at kahinaan ng katawan.
Tulungan mo silang tingnan ang kanilang mga hirap at pagtitiis bilang pakikiisa
sa Misteryo Paskwal ni Kristo. Ipagkaloob mo sa amin na kanilang mag-anak at
mga kaibigan ang matatag na paninindigan at pananalig sa halaga at karangalan
ng bawat tao na nilikha na iyong kalarawan at tinubos ng sakrispisyo ng iyong
Anak sa krus.
Makatulong nawa ito na lagi namin silang alalayan, igalang, at mahalin.
Hinihiling namin ito sa pamamagitan ni Hesukristo Kasama ng Espiritu Santo
magpasawalang hanggan. Amen!

San Joaquin, Lolo ng Panginoon, Ipanalangin mo kami.


Santa Ana, Lola ni Hesukristo, Ipanalangin mo kami.

You might also like