Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

KASUNDUAN

Ang kasunduan ito ay ginawa nina:

IRENEO FERRER, nasa hustong gulang, Pilipino, may asawa at nakatira sa


26 Northampton st. Birmingham Place San Isidro, Cainta at dito ay kinikilala bilang si
“IRENEO”.

-at-

REYNALDO MARCELINO ZONIO, nasa hustong gulang, Pilipino, may asawa


at nakatira sa FVR road Sitio Binayoyo barangay Calawis, Antipolo at dito ay kinikilala bilang
si “REYNALDO”.

PAGLALAHAD

Ang dalawang panig ay nag kasundo na si IRENEO ay maglalagak ng pondo sa


lupang pag-aari ni REYNALDO. Sa katunayan ay gumastos na ng kabuuang halagang LIMANG
MILYON at kasalukuyan pa ding pinopondohan ang lupa ni REYNALDO;

Layunin ng dalawang panig na pagyamanin at magtayo ng straktura sa lup ni


REYNALDO na pagtatayuan ng Negosyo na kung saan ay hahatin ng dalawang panig ang
kikitain;

Si IRENEO ay kinikilala ni REYNALDO bilang katuwang sa itatayong Negosyo n


magbibigay ng puhunan sa pagpapalago ng lupa ni REYNALDO. Magiging kapitalista si
IRENEO at kahati din sa magiging kita ng nasabing negosyong itatayo sa lupa ni REYNADO;

Mananatili ang kasunduang ito sa loob ng DALAWAMPUT LIMANG TAON (25) na


kinikilala at pinag titibay din ng asawa ni REYNALDO at ang mga suaunod pang henerasyon ,
ganon din sa panig ni IRENEO;

Ayon kay REYNALDO ay may permiso na ibinigay sa kanya ang KAGAWARAN NG


KAPALIGIRAN AT ANG MGA LIKAS NG KAYAMANAN (DENR) upang magamit ang
kanyang lupa sa itatayong Negosyo ng dalawang panig.
Ang pamamahala at pangangasiwa ng lupa ni REYNALDO ay ipinauubaya niya ay
IRENEO. Ito ay paunang kasunduan ng dalawang panig at maaari pang mabigyan ng karagdagan
sa hinaharap.

NILAGDAAN AT SINUMPAAN NAMING DALAWA ang kasunduan ito ngayong


ika_____ ng_______ sa____________.

_______________________
_______________________
IRENEO DELPRADO FERRER REYNALDO MARCELINO
ZONIO

You might also like