Idoc.pub Filipino Detailed Lesson Plan

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

MASUSING BANGHAY ARALIN SA FILIPINO

(PARA SA IKA-APAT NA BAITANG)


I. Mga Layunin
 Natutukoy ang angkop na panghalip na pakuol o paari ayon sa kailanan at panauhan nito
 Nasasabi ang kahalagahan ng pagtukoy ng kailanan ng panghalip panao at paari ayon sa kalianan at
panauhan nito sa paikipagtalastasan
 Nagagawa ng sanaysay gamit ng mga pangalip panao at paari ayon sa kailanan at panauhan nito

Pagpapahalaga: Paggamit ng wastong panghalip tungo sa maayos na pakikipagtalastasan sa kapwa.

II. Paksang - Aralin


Paksa: Kailanan at Panauhan ng Panghalip Panao at Paari
Sanggunian: Guryon : Pagsulong sa Komunikasyon 4 (pahina 184 - 185)
Mga Kagamitan: PowerPoint Presentation (Kailanan ng Panghalip Panao at Paari), Kartolina at Manila
Paper, White Board Marker at Quiz Sheets
Methodolohiyang Panturo: Methodolohiyang Deduktibo

III. Mga Pamamaraan


Gawaing Guro Gawain ng mga Mag-Aaral
A. Panimulang Gawain
1. Panalangin
- “Lahat tayo ay tumayo para sa ating panalangin.” - Sasabayan nito ang kanilang guro sa panalangin.

2. Pagbati
- “Magandang umaga, mga mag-aaral!” - “ Magandang umaga din po guro.”
3. Pagtukoy sa mga lumiban
- “Sino ang lumiban sa araw na ito?” - Ang kalihim ng klase ang syang magsasabi kung
4. Balik - Aral sino ang lumiban sa kanlang klase.
- “Bago natin simulan an gating aralin ngayong - “Opo, guro”
umaga, natandaan nyo ba ang natutunan niyo sa - “Panghalip Panao po guro.”
Panghalip Panao at Paari?”
- “Anong panghalip na naghahalili sa ngalan ng - “Panghalip Paari po guro.”
tao?”
- “Tama! Anong panghalip na tumutukoy sa
anumang bagay na pagmamayari ng tao?”
- “Tama! Bigyan natin ng Ang Galing, Galing! - “Ang mga bata ay gagawin ang Ang Galing,
Palakpak sa mga sumagot.” Galing! na Palakpak”
5. Pagganyak
- “Mga bata, mayroon akong isang video na nais - “Opo, Guro.”
ong panoorin at ipapaanta ko sa inyo patungkol sa
komunidad. Pagkatapos, mayrong mga katanungan
na iyng sasagutin mamaya. Handa na ba kayo mga
bata? ”
- Ang guro ay ipapalabas ang video clip patungkol - Ang mga mag-aaral ay papanoorin at ikakanta
sa komunidad. ang kanta na nasa video.
- “Nagustuhan niyo ba ang video na iyong - “Opo, Guro.”
pinanood?”
- “Anu-ano ang mga panghaip ang nabangit sa - “Ako, Ikaw at tayo ang mga panghali na
video?” nabangit po guro.”

- “Tama! Anong uri panghalp ang ako, ikaw at tayo - “Panghaip na Panao po guro”
na nabanggit sa video?”
- “Tama! Bigyan natin ang mga sumagot ng isang - “Ang mga bata ay gagawin ang Ang Galing,
Ang Galing! Gaing! na palakpak” Galing! na Palakpak”

B. Panlinang na Gawain
1. Palalahad
- “Mayroon akong isang dialog na iyong babasahin.
Mamaya, mayroon akong itatanong patungkol sa - “Opo, Guro”
mga nasabig dialog. Naintindihan niyo ba ang ating
gagawin mga bata?”
- “Ang mga babae ay gagapmpanan ang pahayag ni
May at ang mga lalake ay gagamanan ang pahayag
- “Opo, Guro”
ni Sam. Handa na ba kayo mga bata?”
May: Sam, sa akin ba ang kwaderno na ito?
Sam: Oo, May. Nakita ko lang sa upuan mo.
Magkakroon ba tayo ng maikling pagsusulit sa
Filipino ngayon?
May: Oo naman kaya magreview ka para
makakuha ka ng mataas na iskor sa Filipino.
Sam: Oo, sige. Sana makakuha tayo ng mataas na
iskor mamaya.
- “Mula sa dialog na nasa pisara, bilugan ang mga
panghalip na nabangit. Sinong makapagtukoy ng
panghalip sa unang pangungusap (hanggang sa ika-
apat na pangungusap)?” - Ang mga natawag na mag-aaral ay pupunta sa
pisara at tukuyin ang mga pangahalip mula sa
dialog na binasa.
MGA KASAGUTAN:
May: Sam, sa akin ba ang kwaderno na ito?
Sam: Oo, May. Nakita ko lang sa upuan mo.
Magkakroon ba tayo ng maikling pagsusulit sa
Filipino ngayon?
- “Batay sa dialog, sino ang kausap ni May?” May: Oo naman kaya magreview ka para
- “Tama! Sino kaya ang tinutukoy ng panghalip na makakuha ka ng mataas na iskor sa Filipino.
tayo?” Sam: Oo, sige. Sana makakuha tayo ng mataas na
- “Tama! Bigyan natin ang mga sumagot ng isang iskor mamaya.
Ang Galing! Gaing! na palakpak” - “Si Sam po guro.”
2. Pagtalakay - “Sina May at Sam po guro.”
- “Mga bata, naniniwala ba kayo na may mga iba’t-
ibang gamit ang mga panghalip batay sa kinakausap - Ang mga bata ay gagawin ang Ang Galing,
at sa dami ng iyong kinakausap?” Galing! na Palakpak.
- “Tama!” Ang guro ay tatalakayin ang kahulugan
ng mga salitang Panauhan at Kailanan sa panghalip. - “Opo, Guro”
- “Narito ang isang tsart ng mga panghalip ayon sa
panauhan at kalian nito.” Tatalakayin ng guro ang
mga iba’t-ibang panghalip ayon sa panauhan at
kailanan nito.
PANGHALIP NA PANAO
PANAUHAN
KAILANAN
Una Ikalawa Ikatlo
Isahan ako, ko ikaw, ka, siya
mo
Dalawahan kami, tayo kayo sila
Maramihan kami, tayo kayo sila
- “Magbigay ng halimbawa ng isang pangungusap
sa unang panauhan kahit sa anong kalian ito
kabilang.”
- “Tama! Ngayon, magbigay ng halimbawa ng
isang pangungusap sa ikalawang panauhan kahit sa
anong kalianan ito kabilang.”
- “Tama! Ngayon, magbigay ng halimbawa ng
isang pangungusap sa ikatlong panauhan kahit sa
anong kalian ito kabilang.” - “Kami ay pupunta sa Skyranch.”
- “Tama! Bigyan natin ang mga sumagot ng isang
Ang Galing! Gaing! na palakpak”
PANGHALIP NA PAARI
KAILANAN PANAUHAN - “Kayo ay maglilinis mamaya sa klase”
Una Ikalawa Ikatlo
Isahan akin iyo kanya
Dalawahan atin inyo kanila - “Siya ay kasali sa Mini Orchestra sa paaralan.”
Maramihan atin, amin inyo kanila

- “Magbigay ng halimbawa ng isang pangungusap


- Ang mga bata ay gagawin ang Ang Galing,
sa unang panauhan kahit sa anong kalianan ito
Galing! na Palakpak.
kabilang.”
- “Tama! Ngayon, magbigay ng halimbawa ng
isang pangungusap sa ikalawang panauhan kahit sa
anong kalian ito kabilang.”
- “Tama! Ngayon, magbigay ng halimbawa ng
isang pangungusap sa ikatlong panauhan kahit sa
anong kalian ito kabilang.”
- “Tama! Bigyan natin ang mga sumagot ng isang
Ang Galing! Gaing! na palakpak”
- “Sa atin ang pagkaing binigay ni Bb. Daisy.”
C. Pangwakas na Gawain
1. Paglalahat
- “Ano ang natutunan niyo sa ating aralin ngayong - “Ang inyong mga aklat ay ibigay kina John at
araw?” Peter pagkatapos ng klase.”
- “Tama! Anong mga kailanan ng panghalip?”
- “Tama! Anong naman ang mga panauhan ng
- “Sa kanya ang cell phone na hawak mo kaninang
panghalip?”
- “Tama! Bigyan natin ang mga sumagot ng isang umaga.”
Ang Galing! Gaing! na palakpak”
2. Paglalapat - Ang mga bata ay gagawin ang Ang Galing,
- “Narito ang limang pangungusap sa pisara. Galing! na Palakpak.
Ngayon, tukuyin ang kailanan at panauhan ng
panghalip na naasalungguhit sa mga sumusunod na
pangungusap.”
1. “Sa amin ba ang mga prutas na nakasilid sa - “Ang mga Kailanan at Panauhan ng mga
basket?” sabi ni Rosa kasama ang kanyang mga
Panghalip na Panao at Paari po.”
kaibigan.
2. “Sabihin mo kung sino ang nagtapon ng kanilang - “Isahan, Dalawahan at Maramihan po.”
mga kalat sa hindi tamang tapunan.” sabi ng G. - “Una, Ikalawa at Ikatlong panauhan po.”
Fernandez kay Rudy.
3. “Tayo ang nagwagi sa patimpalak ng sabayang - Ang mga bata ay gagawin ang Ang Galing,
pagbigkas.” sabi ni Bb. Amelia sa kanyang mga Galing! na Palakpak.
mag-aaral.
4. Ako ang nagsauli ng pitaka kay Alice.
5. Sumama sina George at Anna sa pagsasanay ng
kanilang coach sa volleyball. MGA KASAGUTAN:
- “Tama! Bigyan natin ang mga sumagot ng isang
1. Unang panauhan, Maramihan
Ang Galing! Gaing! na palakpak”
3. Pagpapahalaga 2. Ikalawang panauhan, Isahan
- “Bakit kaya natin kinakailangang alamin ang 3. Ikatlong panauhan, Dalawahan/Maramihan
panauhan at kailanan ng panghalip?” 4. Unang panauhan, Isahan
5. Ikatlong panauhan, Dalawahan/Maramihan

- “Tama! Bigyan natin ang mga sumagot ng isang


Ang Galing! Gaing! na palakpak”

- Ang mga bata ay gagawin ang Ang Galing,


Galing! na Palakpak.

- “Dahil po magiging tama at mainaw ang ating


sinasabi kapag may kausap o tayo.”
- “Dahil po mas maganda kung alam natin gamitin
ang mga angkop na panghalip depende sa
panauhan at kailanan nito para mas malinaw ang
nais natin iparating na mensahe o kapag may
kausap po tayo.”
- Ang mga bata ay gagawin ang Ang Galing,
Galing! na Palakpak.
IV. Pagtataya
Panuto: Ikahon ang panghalip sa mga sumusunod na pangungusap. Isulat sa unang patlang ang kailanan ng
panghalip at isulat sa ikalawang patlang ang panauhan ng panghalip na nakakahon.

KAILANAN PANAUHAN
1. Siya ang pangulo sa klase.
2. “Sa inyo ba ang mga gamit pantahi?” sabi ni Clarissa
3. “Ako lang ang nagaos ng mga upuan kanina.” sabi ni Jed.
4. “Sana ikaw ang Top 1 sa ating klase.” sabi ni Liza kay Gina.
5. Tayong lahat ay nagtutulungan para sa ikakabuti ng lahat
6. Kayo lamang ang bukod tanging may kusang loob na gawin
ang lahat ng gawain sa klase.
7. “Sila lang ba ang sasama ng Field Trip sa Maynila?” tanong ng
guro.
8. Sa kanila an lahat ng mga papel na ating ginamit sa pagsulat ng
sanaysay.
9. “Ako lang ba ang hindi tapos sa gawain?” tanong ni Ford sa
klase.
10. “Sabihin mo sa magulang mo na kailangan nilang pumunta sa
ating pagpupulong sa darating na Lunes.” bilin ni Gng. Lara kay Jun.
V. Takdang-Aralin

Sa isang buong papel, sumulat ng isang maikling sanaysay tungkol sa pagsasama ng inyong pamilya.
Sundin ang mga panuntunan na dapat sundin sa paggawa ng maikling sanaysay:

 Ang sanaysay ay may tatlong talata lamang at sundin ang mga panuntunan sa paggawa ng
maikling sanaysay.
 Hindi lalampas sa 100 na salita at hindi kukulang sa 50 na salita ang kabuuang sanaysay.
 Ang kabuuang sulat kamay ng sanaysay ay cursive.
 Gamitin ang mga panghalip na panao at paari batay sa kailanan at panauhan nito.
 Ipasa ang nagawang sanaysay bukas, sa oras ng ating klase.

BATAYAN SA PAGBIGAY NG ISKOR:

MGA BATAYAN PUNTOS

 Organisasyon ng mga ideya 15


 Pagkagawa sa Kabuuang Sanaysay 10
 Kalinisan at Kaayusan sa Pagsulat 10
 Tamang Paggamit ng mga Panghalip 10
 Pagsumite ng Sanaysay sa Itinakdang Araw at Oras 5
________________
KABUUANG PUNTOS 50

You might also like