Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10

S. Y 2022-2023

Pangalan: ___________________________Baitang at Pangkat:__________________________


Panuto: Hanapin ang angkop na sagot ng mga sumusunod na pahayag sa pagpipiliang letra.
_____1. Isa sa mga kayarian ng salita na binubuo ng dalawang salitang pinagsasama para makabuo ng iisang salita.
a. Payak b. Inuulit c. Tambalan d. Maylapi
_____2. Ang tawag sa isang akdang pampanitikang nagtuturo ng kinkilalang pamantayang moral na karaniwang batayan
ng mga kuwento ay nasa Banal na Kasulatan.
a. Banghay b. Kuwento c. Parabula d. Tula
_____3. Ipinaliliwanag ang natural na mga pangyayari, pinagmulan ng buhay sa daigdig, pag-uugali ng tao, mga
paniniwalang panrelihiyon at katangian at kahinaan ng tauhan.
a. Tauhan b. Tema c. Tono d. Banghay
______4. Diyos ng liwanag, araw, propesiya, musika, panulaan at panggagamot. Anak nina Jupiter at Latona. Kakambal
na lalaki ni Diana. Simbolo niya ang lyre at sisne.
a. Artemis (Greek) Diana (Roman) c. Apollo (Greek) Apollo (Roman)
b. Aphrodite (Greek) Venus (Roman) d. Hermes (Greek) Mercury (Roman)
______5. Ang tawag sa estilo ng pagpapahayag na may layuning magkuwento o magpahayag sa sunod-sunod na mga
pangyayari.
a. Pagkukuwento b. Pagsasalaysay c. Paglalahad d. Pag-uunawa
______6. Ang tawag sa mga salitang nagpapakita ng relasyon ng dalawang yunit sa pangungusap, maaaring salita,
dalawang parirala o dalawang sugnay.
a. Paglalahad b. Pang-ugnay c. Pang-ukol d. Pangatnig
______ 7. Gumawa ng paraan si Cupid upang mailigtas si Psyche.
a. Layon b. Tagatanggap c. Tagaganap d. Kagamitan
______8. Mabuti bang taglayin ng tao ang katangian ng Diyos?
a. Oo, upang madaling magkaunawaan ng tao at Diyos
b. Oo, upang maunawaan ng Diyos ang kahinaan ng tao
c. Hindi, sapagkat banal ang Diyos at makasalanan ang tao
d. Hindi, dahil ang Diyos ay nasa langit samantalang ang tao ay nasa lupa
______9. Sa kuwentong Mensahe ng Butil ng Kape, Ano ang naging tugon ng anak sa kanyang ama…..
a. ako ay magiging carrots c. ako ay magiging saging
b. ako ay magiging itlog d. ako ay magiging butyl ng kape
______10. Alin sa sumusunod ang HINDI kaugnay sa pahayag ni Cupid na “Hindi mabubuhay ang pag-ibig kung walang
tiwala”.
a. walang pag-ibig kung walang tiwala c. hindi wagas ang pag-ibig na ipinagkakatiwala
b. titibay ang pag-ibig kung may pagtitiwala d. ang pag-ibig at tiwala ay hindi mapaghihiwalay

. PANUTO: Basahin ang mga pahayag. Bilugan ang titik ng tamang sagot. Para sa # 11-13

Lumipas na ang panahon ng pag-aaklas laban sa paninil ng mga mananakop ‘ginawa na ito nila Rizal at
Bonifacio, ng mga Katipunero at iba pang bayaning Pilipino. Ginawa nila ito dahil mulat silang walang ibang
magtatanggol sa ating karapatan; walang ibang magsusulong para sa kinabukasan ng ating bayan; walang ibang
magtutulak para sa ating ganap na kalayaan, kundi tayo ring mga Pilipino. Wala nang iba. Salamat sa kanila, isandaan
at labinlimang taon na nating ipinapahayag sa mundo na tayo’y isang bansang malaya.
Habang nagbabalik-tanaw at binibigyang-halaga natin ang ating kasarinlan,mulat ang pamahalaan sa tungkulin
nitong pangalagaan ang kalayaang ito. Kaya naman naninindigan tayo para sa ating mga karapatan bilang bansang
may sariling soberanya, bilang bayang nagbuwis na ng buhay para sa kalayaan, bilang Pilipinas na may sariling
bandila na kapantay ng lahat.
- Pang. Benigno C. Aquino III, pagdiriwang ng anibersaryo ng Araw ng Kalayaan

_____11. Sa unang pangungusap, nais ipahayag ng pangulo ang _______.


a. pagtuligsa sa mga mananakop c. pagpapahalaga sa pagtanggol sa bayan
b. paghikayat sa madlang magkaisa d. pagbibigay-pugay sa mga bayaning Pilipino
_____12. Sinasabi ng pangulo sa ikalawang talata na _______.
a. pahalagahan ang ating kalayaan
b. magbuwis ng buhay para sa kalayaan
c. tungkulin ng estado na pangangalagaan ang kalayaan
d. maninidigan sa mga karapatan bilang bansang malaya
______13. Layunin ng talumpating ito na bigyan ng pagpapahalaga ang/ang mga _______.
a. bayani b. kalayaan c. bandila d. bansa

“Kaibigan, pinarurusahan ako ng mga dakilang diyos at mamamatay akong kahiya-hiya. Hindi ako mamamatay tulad ng
ibang namatay sa labanan; natatakot akong mamatay, ngunit maligaya ang taong namatay sa pakikipaglaban, kaysa sa
katulad kong nakahihiya ang pagkamatay.”
_____14. Ano ang damdaming nangingibabaw sa binasang pahayag na ito?
a. nagsisisi b. nalulungkot c. nahihiya d. natatakot
_____15. May taglay siyang alindogna hindi nababagay sa kasalukuyan niyang kalagayan kaya’t ipinaghihinagpis niya
ang karukhaan ng kaniyang lumang tahanan.Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugan na
_______.
a. Kakinisan b. kayamanan c. kagandahan d. Karupukan
_____16. May nagsumbong sa isang taong mayaman na nilulustay ng kaniyang katiwala ang kaniyang ari-arian _______
ipinatawag niya ang katiwala at tinanong.
a. at b. kaya c. saka d. datapwat
_____17. __________ tinawag ng katiwala ang may utang na isandaang tapayang langis.
a. Pagkatapos b. Una c. At d. Dahil
_____18. __________ pinaupo at pinapalitan ng limampu ang kasulatan.
a. Saka b. Pati c. Sapagkat d. At
_____19. _______ ang ginawa sa isa pa. Ginawang walampung kabang trigo mula sa isandaang trigo.
a. Gayon din b. dahil sa c. at d. tapos
_____20. ________ katalinuhan ng katiwala, pinuri ng amo ang tusong katiwala.
a. Dahil sa b. upang c. kaya d.saka
_____21. ______ nangyari iyon upang matauhan ang mga nagtutulog-tulugan. Alin ang tamang isulat na ekspresiyon na
nagpapahiwatig ng pagbabago o pag-iiba ng paksa?
a. Sa kabilang dako b. Sa aking palagay c. Sa ganang akin d. Sa paniniwala
_____22.Nang araw na iyon, iniluklok si Quasimodo sa trono at ipinarada palibot sa ilang lugar sa Paris sa pamamagitan
ng pangungutya ng mga taong naroroon na nakikibahagi sa kasiyahan. Anong katotohanan sa buhay ng tao ang
ipinakita sa pangyayari?
a. Pagsaboy ng kahihiyan sa kapwa c. Pagdiriwang ng kapistahan
b. Pagpapasaya sa sambayanan d. Pagbabayad ng utang
_____23. Matapos ang ilang taon, natagpuan ng isang lalaking naghuhukay ng puntod ang libingan ni La Esmeralda at
nasilayan ang kalansay ng kuba na nakayakap sa katawan ng dalaga. Anong katotohanan sa
pangyayaring ito ang maiuugnay natin sa totoong buhay?
a. Ang tunay na pagkakaibigan ay laging nagdadamayan.
b. Ang wagas na pagmamahal ay hanggang kamatayan.
c. Ang pagdamay sa kapwa ay isang gawaing marangal.
d. Ang pagmamahal sa kaibigan ay pagsama kahit saan.
_____24. Nagmamakaawa si Claude Frollo na mahalin din siya at magpakita man lang ng kaunting awa sa kanya ang
dalaga. Alin sa sumusunod ang larawang maiuugnay natin sa tunay na buhay?
a. Isang lalaking sugatan ang damdamin dahil sa kabiguan
b. Isang amang pinagkaitan ng pagmamahal ng isang anak
c. Isang manliligaw na hindi ginusto ng nililigawan
d. Isang lalaking sumuko na sa kabiguan
_____25. Nang makita ni Quasimodo si La Esmeralda na nakaputing bestida at wala nang buhay ay naramdaman niya
ang di maipaliwanag na damdamin kaya niyakap niya ito nang mahigpit. Alin sa mga sumusunod ang
kasalukuyang pangyayari na maihahalintulad dito?
a. Isang lalaking nagpakasal sa bangkay ng kasintahan
b. Isang lalaking di matanggap ang sinapit ng asawang OFW
c. Isang lalaking hinukay ang libingan ng asawa
d. Isang lalaking nagkamali sa pagpili ng asawa.

I. Panuto: Basahin ang sanaysay /pahayag at sagutin ang nakatakdang mga tanong.
Mayroong mga taong kahit kailan hindi mawawala sayo. Sila yung mga taong alam ang kahinaan mo pero hindi nila
gagawin ito para lang makalamang sayo. Ang tunay na kaibigan yung mga taong kahit hindi ka laging kinakausap dahil
sa mayroon din silang kani-kanilang buhay, mararamdaman mo sila sa oras na kailangan mo sila. Nakakatuwa yung
mga kaibigan na biglang nagpaparamdam tila bang ang saya kasi hindi mo inaasahan na magiging ganun sila. Ang
tunay na kaibigan ang mga taong masasandalan mo, mga taong masasabihan mo ng problema kapag may problema ka.
Sila ang payong na sasalo sa ulan ng problema. Ang bangka na masasakyan mo sa agos ng problema. Intindihin mo sila,
para intindihin ka rin nila.
- Akda ni Rhadson Mendoza galing sa MatabangUtak.net

_____26. Ano ang pinapaksa sa sanaysay na inilahad ?


a. kasintahan b. tunay na kaibigan c. tunay kasangga d. pamilya
_____27. Ang tunay na kaibigan ayon sa sanaysay ay ang mga taong _______.
a. kasama sa anumang handaan c. mauutangan mo kung wala kang pera
b. masasabihan mo ng mga jokes d. masasandalan mo at masasabihan mo ng mga problema
_____28. Ang panghuling talata ng sanaysay ay napabilang sa bahaging______
a. panimula b. gitna c. wakas d.paksa
_____29. Ano ang tono ng sanaysay na iyong nabasa?
a. nagagalit b. naninindigan c. nag-aalala d. natatakot
_____30. Ano ang angkop na pamagat sa sanaysay?
a. Kaibigan b. Tunay na Kaibigan c.Kasiyahan d. Tunay na Buhay
_____31. Sa bahaging ito madalas inilalahad ang pangunahing kaisipan o pananaw ng may-akda at kung bakit mahalaga
ang paksang tinatalakay.
a. tema b. panimula c. kaisipan d. sanaysay
_____32. Ang __________ ng sanaysay ay isang mahalagang sangkap sapagkat nakaaapekto ito sa pagkaunawa ng mga
mambabasa.
a. tema b. kaisipan c. anyo at estruktura d. himig
_____33. Ito ay elemento ng sanaysay na nagpapahiwatig ng kulay o kalikasan ng damdamin.
a. kaisipan b. tema c. himig d.damdamin
_____34. Ang pangunahing katangian ng sanaysay ay ang ___________ mismo ng may-akda sa akda.
a. Pag-iisip b. ideya c. pagsasalita d. opinyon
_____35. Ito ay tumutukoy kung ano ang mahalaga at kung anong aral ang makukuha sa isang kwento, at kung ano ang
naintindihan mo sa kwento.
a. pantulong na ideya b. pangunahing paksa c. pamagat d. tema

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang bawat pangungusap pagkatapos tukuyin ang kapareho o kaugnay na
kahulugan ng mga salitang sinalungguhitan upang mabuo ang pangungusap. Isulat sa sagutang papel ang iyong sagot.
_____36. Ang aming kaklase ay maiingay kaya minsan napapagalitan kami ng aming guro.
a. malulungkutin b. magugulo c. matatalino d. masasayahin
_____37. Dahil sa bagyong Rolly ang aming paaralan ay lunod na sa baha.
a. lubog b. maputik c. marumi d. mabaho
_____38. Itinuturing naanak-pawis ang anak ng magsasaka dahil walang wala sila sa buhay.
a. maitim b. mabansot c.maawain d. mahirap
_____39. Hindi nilisan ng ibang taga-Marikina ang kanilang bahay dahil sa mayroon naman silang ikatlong palapag.
a.sinukuan b. pinayagan c. iniwan d. tinantanan
_____40. Minsan ang mga babae ay sala sa init sala sa lamig kaya hindi sila mauunawaan ng kalalakihan
a. mainit ang ulo b. iyakin c. emosyunal d.pabago bago ang emosyon
_____41. Sa pagsusuri sa mga kaisipan o ideyang taglay ng akda, alin sa sumusunod ang tanong na dapat gawing
patnubay? a. Ito ba ay gasgas na o lumang pangyayari?
b. Magkakaugnay ba ang mga pangyayari mula sa simula hanggang sa wakas?
c. May nakikita ka bang uri ng pamumuhay, paniniwala, o kaugaliang nangingibabaw sa akda?
d. Ang katotohanan ba ng kaisipang ito ay unibersal, likas sa tao at lipunan, at bahagi ng sistema sa buhay?
_____42. Sa pagsusuri ng estilo ng pagkakasulat sa akda, alin sa mga sumusunod ang tamang gabay?
a. Ang pagkakabuo ba ng akda ay angkop sa antas ng pang-unawa ng mga mambabasa?
b. Ang mga tauhan ba sa akda ay anyo ng mga taong likha ng lipunang kanilang ginagalawan?
c. Magkakaugnay ba ang mga pangyayari mula sa simula hanggang sa wakas?
d. Ito ba ay gasgas na o lumang pangyayari o may bagong anyo at bihis?

_____43. Alin sa sumusunod ang dapat na tandaan kapag sumusulalat ng buod?


a. Kailangang kumpleto sa detalye c. sulat lamang ang mahahalagang detalye
b. Isulat ang buong kuwento d. Banggitin lahat ng tauhan
_____44. Sa mga pagpipilian, alin ang kahulugan ng suring-basa?
a. maikling kuwento b. maikling paglalarawan c.maikling pagsasalaysay d. maikling pagsusuri
_____45. Alin ang naglalahad ng layunin ng suring-basa?
A. mailahad ang kaisipan ng akda C.maisalaysay muli ang akda
B. masuri ang gramatika ng akda D. mapahalagahan ang akda
Panuto: Magsalaysay ng pangyayari sa buhay mo na may kaugnayan sa naging kalagayan ng mga tauhansabinasang
parabula. Magtala ng natutuhang mensahe sa pangyayari sa buhay. Gamitin ang kasunodnagrapikong presentasyon sa
pagsasalaysay ng mga pangyayari. (5puntos)

RUBRIKS:
Paglalahad ng Kaangkupan ng Ideya Lubhang mabisa ang inilahad na mensahe at angkop na angkop sa paksa 3
Kalinisan Napakalinis ng pagkakasulat. 2

UNANG MARKAHANG PAGSUSULIT SA FILIPINO 10


S. Y 2022-2023
SUSI NG MGA SAGOT.
1. C 26. B
2. C 27. D
3. D 28. C
4. C 29. B
5. B 30. B
6. B 31. D
7. B 32. C
8. C 33. B
9. D 34. B
10. C 35. B
11. D 36. B
12. C 37. A
13. A 38. D
14. C 39. C
15. C 40. D
16. A 41. B
17. A 42. A
18. A 43. C
19. A 44. D
20. A 45. A
21. B 45-50 Malikhaing Pagsulat- Nasa guro ang pagmamarka
22. A
23. B
24. C
25. A

You might also like