Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 48

TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL 1

Republika ng Pilipinas
KAGAWARAN NG EDUKASYON
Rehiyon IV - A CALABARZON
DIBISYON NG BATANGAS
Distrito ng Tallisay
TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL

Pangunahing Salik sa Pagpili ng Karera: Proseso ng Pagdedesisyon


ng mga Mag-aaral ng HUMSS 11 class officers sa Talisay Senior High
School

Isang Pag-aaral na Inilahad sa Lupon ng mga


Guro sa Talisay Senior High School

Bilang Pagtupad sa isa sa mga Pangangailangan ng


Asignaturang Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang
Teksto tungo sa Pananaliksik

Inilahad nina:
Agliones, Mar Joseph G.
Celeste, Mark Florence
Hita, Lord Byrone
Labay, Vincent P.
Manongsong, MJ D.
Mendoza, Christian F.
Abello, Jazryll Alexa R.
Alcaraz, Hannah Kim
Algaba, Jocelyn
Malabanan, Ianna Joy A.
Olimpiada, Irish Tricia

Inilahad kay:

G. Niño M. Luna
Mayo, 2024
TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL 2

DAHON NG PAGPAPATIBAY

Ang pananaliksik na ito ay may pamagat na “Pangunahing Salik


sa Pagpili ng Karera: Proseso ng Pagdedesisyon ng mga Mag-aaral ng
HUMSS 11 class officers sa Talisay Senior High School”ay inihain sa
pagpapatibay at pagtanggap.

NIÑO M. LUNA
Tagapayo

Tinanggap ng mga Lupon sa Pagsusulit.

AGNES J. PARMA VANESSA P. VASQUEZ


Kasapi Kasapi
LARIEL M. MENDOZA
Kasapi

Inaprubahan bilang pagtupad sa pangangaialang sa asignaturang

Pagbasa at Pagsusuri ng Iba’t Ibang Teksto tungo sa Pananaliksik.

LANNY A. TOLENTINO
Punongguro II
TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL 3

PASASALAMAT

Ang mananaliksik ay lubos na nagpapasalamat sa mga

sumusunod na walang sawang sumuporta at nagbigay inspirasyon

upang matapos ang pananaliksik na ito:

G. Niño M. Luna, guro at tagapayo ng mananaliksik, sa kanyang

walang sawang pagsubaybay sa lahat ng mga hakbang at

pagmumungkahi ng mga bagay na makabubuti sa pananaliksik na ito;

Gng. Lanny A. Toelntino, sa pagbibigay ng pahintulot na

maisagawa ang pananaliksik.

Sa mga tagasagot, sa kanilang buong-pusong paglahok sa

pananaliksik na ito.

Sa pamilya ng mga mananaliksik, sa kanilang suportang

pinansyal at walang pag-iimbot na pagmamahal at walang sawang

pagtulong saanumang paraan;

Sa mga kaibigan ng mga mananaliksik, sa kanilang pagbibigay

ng tiwala sa iba’t ibang aspeto na humubog sa mananaliksik upang

magkaroon ng lakas ng loob na pagpursigehang matapos ang

pananaliksik na ito;

Higit sa lahat, sa Poong Maykapal, sa Kanyang labis-labis na

biyaya, pagmamahal at pagkalinga upang ang magkaroon ng lakas ng

loob na matapos ang pananaliksik na ito. Ang walang sawang

pasasalamat at panalangin ay inilalaan sa Kanya.


TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL 4

MGA MANANALIKSIK
TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL 5

PAGHAHANDOG

Ang pananaliksik na ito ay buong puso inihahandog ng mga

mananaliksik

sa kanilang mga pamilya, kaibigan, guro sa Filipino, mga tagasagot

at mga taong kasama nila sa kanilang mula umpisa

hanggang matapos ang pananaliksik na ito.

Higit sa lahat sa PANGINOON

Na patuloy nating sandigan,

gabay at lakas upang

maisagawa ang

pananaliksik

na ito.
TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL 6

ABSTRAK

Ang pag-aaral na ito ay naglalayong maunawaan at malaman ang

Pangunahing salik sa pagpili ng karera:Proseso ng pagdedesisyon ng HUMSS

11 Class Officers ng Talisay Senior High School sa taong panuruan 2023-2024.

Ang mga kalahok ng pag-aaral na ito ay binubuo ng sampung (10) piling

HUMSS 11 class officers na nagbigay ng kanilang mga sagot sa isinagawang

interbyu. Sa pangangalap ng mga datos, ang mananaliksik ay gumamit ng

pakikipanayam upang mas lalong maintindihan ang mga pangunahing salik sa

pagpili ng karera at ang proseso ng pagdedesisyon ng HUMSS 11 class officers.

Batay sa kinalabasan ng pag-aaral, mahalaga para sa mga mag-

aaral na sa pagpili ng karerang kanilang tatahakin mahalaga na ito ay

nakabase sa kanilang sariling kagustuhan, abilidad, at interes. Isa sa

suliranin ng mga kalahok sa pagdedesisyon sa pagpili ng karerang

kanilang tatahakin ay ang mga salik na kanilang nabanggit ay may

malaking epekto sa pagpili nila ng karerang kanilang tatahakin. Batid ng

mga mananaliksik at naunawaan ang konteksto na mahalaga ang

pagkakaroon ng sapat na kaalaman,batayan, at pagsasaalang alang ng

mga salik na maaaring makaapekto sa pagpili ng mga mag-aaral ng

karera tatakin upang maging matagumpay sila sa karerang kanilang

napili.
TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL 7

TALAAN NG NILALAMAN

Pahina

PAMAGAT NA PAHINA i

DAHON NG PAGPAPATIBAY ii

PASASALAMAT iii

PAGHAHANDOG v

ABSTRAK vi

TALAAN NG NILALAMAN vii

LISTAHAN NG MGA TALAHANAYAN viii

LISTAHAN NG MGA APENDIKS viii

KABANATA

I ANG SULIRANIN AT SANDIGAN NITO

Panimula 10

Kaligirang Pangkasaysayan 11

Balangkas Teoretikal 12

Paglalahad ng Suliranin 15

Kahalagahan ng Pag-aaral 16

Saklaw at Limitasyon ng Pag-aaral 17

Katuturan ng mga Katawagang Ginamit 18

II MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Mga Kaugnay na Literatura 19


TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL 8

Mga Kaugnay na Pag-aaral 24

Sintesis 30

III METODOLOHIYA NG PAG-AARAL

Disenyo ng Pananaliksik 33

Pagpili ng Kalahok 23

Instrumentong Ginamit 23

Pamamaraan ng Pangangalap ng Datos 24

Mga Kaugnay na Literatura 9

Mga Kaugnay na Pag-aaral 16

Sintesis

IV PAGLALAHAD, PAGSUSURI, 30

AT PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA DATOS

V LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Lagom 38

Konklusyon 39

Rekomendasyon 40

SANGGUNIAN

APENDIKS

CURRICULUM VITAE

LISTAHAN NG MGA FIGURA AT TALAHANAYAN

Figura Pamagat Pahina


TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL 9

1 Paradigma ng Pag-aaral 8

Talahanayan

1 Dami at Bahagdan ng Edad ng mga Tagasagot 36

2 Dami at Bahagdan ng Kasarian 37

3 Mga Kasagutan ng mga Tagasagot sa 38

Kahalagahan sa Pagtugon sa Pangangailangan

sa Paaralan

4 Mga Kasagutan ng mga Tagasagot sa Paglahok 39

ng Magulang sa mga Gawaing Pampaaralan

5 Mga Kasagutan ng mga Tagasagot sa 40

Naitutulong Paglahok ng Magulang sa Pag-aaral

6 Mga Kasagutan ng mga Tagasagot sa Pagtingin

ng mga Mag-aaral sa Pakikilahon ng Magulang

(Pagpantay-pantayin ang mga number)


TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL 10

KABANATA 1

ANG SULIRANIN AT KALIGIRANG PANGKASASAYSAN

Ang kabanatang ito ay naglalahad ng isyu na nais talakayin pati

na rin ang mga pangyayaring nag-udyok sa mga mananaliksik na

magsagawa ng imbestigasyon. Ito rin ay naglalaman ng paradigma ng

pag-aaral at ang balangkas teoretikal na susuporta sa pananaliksik.

Kasama rin dito ang paglalahad ng suliranin, mga teorya, saklaw at

limitasyon, at katuturan ng mga salitang ginamit.

Panimula

Ang pagpili ng tamang larangan ng mga mag-aaral ay isang

kritikal na hakbang sa kanilang paglalakbay tungo sa hinaharap. Ito ang

panahon kung saan sila ay hinahamon na magpasya sa mga direksyon

na kanilang tatahakin sa kanilang karera at propesyon. Mahalaga na

magkaroon sila ng sapat na kaalaman at gabay kung paano magkaroon

ng tamang desisyon patungkol sa direksyon ng mga larangan na

kanilang tatahakin.

Sa pangkalahatan, ang proseso ng pagdedesisyon ng mga mag-

aaral ay isang malalim at kumplikadong proseso na maaaring

maimpluwensyahan ng iba't ibang salik. Ang mga salik na ito ay

maaaring kinabibilangan ng personal na interes at hilig, kaalaman at


TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL 11

kasanayan, impluwensya ng pamilya at mga guro, mga oportunidad sa

trabaho, at iba pa.

Sa lokal na konteksto ng Talisay Senior High School, mahalaga na

maunawaan ang mga salik na nakakaapekto sa pagpili ng larangan ng

mga mag-aaral ng HUMSS 11 class officers. Sa pamamagitan ng

pagsasagawa ng pananaliksik na ito, magkakaroon tayo ng mga

impormasyon at datos na tutugon sa lokal na pangangailangan ng

paaralan at magbibigay-daan sa pagpapalakas ng proseso ng

pagdedesisyon ng mga mag-aaral.

Sa pamamagitan ng pananaliksik na ito ay magbibigay-daan sa

pagbuo ng mga rekomendasyon at hakbang upang masuportahan ang

mga mag-aaral, partikular na ang mga class officers, sa kanilang

pagdedesisyon sa larangan. Sa pamamagitan ng pagbibigay ng sapat na

gabay at suporta, maaaring makamit ng mga mag-aaral ang kanilang

mga layunin at ambisyon, at maging handa sa mga hamon na kanilang

haharapin sa hinaharap.

Kaligirang Pangkasaysayan

Sa pagdaan ng panahon, patuloy na nagbabago ang larangan ng

edukasyon, na may mas malaking pagtutuon sa mga pangangailangan

ng bawat indibidwal na mag-aaral at mga landas sa karera. Ang pagpili

ng larangan ay isang kritikal na desisyon para sa mga kabataan, na

nagtataglay ng malaking epekto sa kanilang kinabukasan na landas ng


TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL 12

karera at kabuuang kasiyahan sa buhay. Gayunpaman, ang proseso ng

pagdedesisyon na ito ay maaaring magulo at maimpluwensyahan ng iba't

ibang salik, na nagdudulot ng kalituhan, kawalan ng katiyakan, at kahit

panghihinayang.

Ang pagpili o pagdedesisyon patungkol sa mga larangan na nais

nating kabilangan ay isa sa pinakamahirap na desisyon na ating

gagawin bilang isang mag-aaral. Sa panahon ngayon hindi na alintana

ng mga mag-aaral kung tama pa ba ang mga desisyon na ginagawa nila

patungkol sa ganitong bagay o di kaya ay hindi sila sigurado sa karerang

kanilang tatahakin na nagreresulta ng maling larangan na napili. Ang

isyung ito ay hindi lamang sa bansa natin nangyayari, ito ay patuloy na

lumawak at nagpapahirap sa atin.

Kaya naman, ang pagkakaroon ng kamalayan sa pagdedesisyon

sa larangang gusto nating kabilangan ay may maganda at mabuting

maidudulot sa mga mag-aaral. Mahalaga na ang bawat mag-aaral ay

mayroong malawak na kamalayan sa pagpili at pagdedesisyon tungkol sa

larangan na gusto niya sapagkat ito ang magdadala sa kanya sa

tagumpay na inaasam niya.

Balangkas Teoritikal

Ang naging pangunahing sandigan ng paga-aaral na ito ay ang

teoryang “Hollands Theory” ni John Hollands (2017). Binibigyang lawak

ng teoryang ito ang konteksto ng patungkol sa desisyon ng mga mag-


TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL 13

aaral tungkol sa kanilang mga piling larangan. Ang teorya ni John

Holland ay naniniwala na sa pagpili natin ng karera, mas gusto ng mga

tao ang mga trabaho kung saan sila ay makakasama ng ibang tao na

katulad nila. Ang teoryang ito ay naghahanap ng mga kapaligiran na

magpapahintulot sa kanila na magamit ang kanilang mga kasanayan at

kakayahan at maipahayag ang kanilang mga saloobin at halaga habang

kinakaharap ang mga problema at tungkulin. Ang pag-uugali naman ay

tinutukoy ng isang pakikipag-ugnayan sa pagitan ng personalidad at

kapaligiran (Holland, 2017). Ang teorya ni Holland ay nakatuon sa ideya

na karamihan sa mga tao ay nagkakatugma sa isa sa anim na uri ng

personalidad: Realistic, Investigative, Artistic, Social, Enterprising, at

Conventional. Ang Realistic ay nagugustuhan ang pangunahing

pagtatrabaho sa pamamagitan ng paggamit ng mga kamay, paggawa,

pagkumpuni, pagsasama o pagtatayo ng mga bagay, paggamit at

pagpapatakbo ng kagamitan, kasangkapan o mga makina. Ang

Investigative ay nagugustuhan ang pagtuklas at pananaliksik ng mga

ideya, pagmamasid, pagsisiyasat at pagsusuri, pagtatanong ng tanong at

paglutas ng suliranin. Ang Artistic ay mga personalidad na

nagugustuhan ang paggamit ng mga salita, sining, musika o drama

upang makipagkomunikasyon, magperform o magpahayag ng kanilang

sarili, lumikha o magdisenyo ng mga bagay. Ang Social ay ang mga taong

nagugustuhan ang pagtatrabaho kasama ang ibang tao upang magturo,


TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL 14

mag-ensayo o magbigay impormasyon, tumulong, maglingkod at bumati,

at nag-aalala para sa kapakanan at kagalingan ng iba. Ang Enterprising

ay nagugustuhan ang makasalumuha ng mga tao, pakikipag-usap at

impluwensya sa iba, pag-udyok sa iba, at pagtatrabaho sa negosyo. Ang

Conventional ay nagugustuhan ang paggawa ng mga gawain sa loob at

mga gawain na nauugnay sa pagsasaayos at pagiging maayos , pagsunod

sa mga pamamaraan, pagtatrabaho sa mga datos o bilang, pagpaplano

ng trabaho at mga kaganapan.

Ang teoryang ito ay nagsasabing magiging madali ang pag-ayos

kung kasama mo ang taong may parehong personalidad. Ito ay tulad ng

pagpili ng strand sa pag-enroll. Madali namang matutunan ng mga mag-

aaral sa isang kapaligiran kung sila ay magkakasundo, may parehong

interes, at parehong personalidad. Sa paglalakbay sa tunay na mundo ng

pagpili, napakahalaga na makita ng mga mag-aaral ang tamang larangan

para sa kanila. Ito ang simula ng kanilang karera.


TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL 15

Paragdigma ng Pag-aaral

Input Proseso Awtput


Pangunahing Ang mga
Salik sa Pagpili ng mananaliksik ay
Karera: Proseso ng magsasagawa ng
Pagdedesisyon ng panayam para
mga Mag-aaral ng makuha ang mga
HUMSS 11 class datos.
officers sa Talisay Pagsasamasamahi
Senior High n at bibigyang
School pansin ang
nakalap na
impormasyon.

Figyur 1. Paradigma ng Pag-aaral

Ang figyur 1 na ito ay naglalaman ng input kung saan

matatagpuan ang paksa, respondent at lugar kung saan nag-aaral ang

respondent ng pananaliksik. Naglalaman din ito ng proseso kung paano

isasagawa ang pananaliksik pati ang instrentong gagamitn sa

pananaliksik. At ang huli naman ay naglalaman ng layunin ng

pananaliksik na kung saan ay nagumungkahi ng programa ang mag

mananaliksik.

Paglalahad ng Suliranin
TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL 16

Ang layunin ng pananaliksik na ito ay upang maipamulat sa mga

mag-aaral ng ika-labingisang baiting ng HUMSS sa Talisay Senior High

School ang kahalagahan ng pagakakaroon ng malawak na kaalaman at

gabay upang magkaroon ng tamang desisyon para sa mga larangang

nais nilang kabilangan. Ang pag-aaral na ito ay naglalayong sagutin ang

mga sumusunod na katanungan:

1. Ano ang pangunahing salik sa pagpili ng larangan ng mga

magaaral?

2. Paano ang mga salik na ito ay nakaaapekto sa proseso ng proseso

ng pagdedesisyon sa pagpili ng mga mag-aaral ng karera?

3. Ano ang mga potensyal na programa na maaaring makatulong sa

mga mag-aaral na magkaroon ng mas magandang proseso ng

paggawa ng desisyon tungkol sa kanilang piniling karera?

Kahalagan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay magiging kapakipakinabang sa mga sumusunod:

Mga Mag-aaral. Ang mga resulta ng pag-aaral na ito ay makatutulong sa

mga mag-aaral na mas mahusay na pagproseso sa kanilang mga

desisyon tungkol sa kanilang piniling larangan.

Mga Guro. Makikinabang sila sa pag-aaral na ito dahil ito ang

magbibigay-daan sa kanila na maunawaan at suportahan ang mga mag-

aaral sa paggawa ng responsableng at tamang mga pagpili na maaaring


TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL 17

magdulot ng pagpapaunlad ng kanilang akademikong at personal na

pag-unlad.

Paaralan. Ang resulta ng pag-aaral na ito ay makatutulong sa paaralan

na magkaroon ng positibong kultura ng paaralan at mapabuti ang mga

resulta ng mga mag-aaral.

Mga Magulang. Makikinabang sila sa pag-aaral na ito dahil ito ang

magbibigay-daan sa kanila na maunawaan at maging gabay ng kanilang

mga anak sa pagpili ng larangan na nais nilang marating.

Komunidad. Ang mga resulta ng pag-aaral na ito ay makatutulong sa

komunidad na magkaroon ng mga aktibong mamamayan na nagbibigay

ng positibong kontribusyon sa lipunan.

Mga Mananaliksik. Makikinabang sila sa pag-aaral na ito dahil

nagbibigay ito ng mahahalagang kaalaman sa proseso ng paggawa ng

desisyon na maaaring magdulot ng pagusbong ng mga kasanayan sa

konteksto ng edukasyon.

Mga susunod na Mananaliksik. Makikinabang sila sa pag-aaral na ito

dahil ito ang magsisilbing pundasyon para sa patuloy na paglalakbay at

susuporta sa mga kasanayan ng mga mag-aaral sa paggawa ng desisyon

sa mga hinaharap na konteksto ng edukasyon.

Saklaw at Limitasyon

Ang saklaw ng pag-aaral na ito ay tututok sa pag-unawa ng mga

ng HUMSS 11 Class Officers sa Talisay Senior High School sa proseso sa


TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL 18

paggawa ng mga desisyon at pag-unawa sa kanilang piniling larangan

upang magkaroon ng mas malalim na kaalaman sa pagdedesisyon

patungkol sa larangan na gusto nilang kabilangan. Gagamit ng panayam

ang mga mananaliksik upang malaman ang pananaw ng mga mag-aaral.

Ang pag-aaral na ito ay isasagawa sa panahon ng taong pang-panuruan

2023-2024.

Katuturan ng mga Salitang Ginamit

Ang sumusunod na mga terminolohiya ay binigyang-kahulugan sa

operasyonal at kontekstwal na paraan.

Kamalayan. Tumukoy sa ideya ng mga mag-aaral.

Magmumungkahi. Tumukoy sa pagbibigay ng isang suhestiyon,

rekomendasyon, o ideya sa isang tao o grupo.

Panayam. Tumukoy sa isang pormal na proseso ng pakikipag-usap o

pagtatanong at pagsagot sa pagitan ng dalawang tao o isang

tagapagsalita at isang tagapakinig.

Pananaw. Tumutukoy sa perspektiba, opinyon, o punto de vista ng isang

tao tungkol sa isang partikular na isyu, sitwasyon, o pangyayari


TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL 19

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG-AARAL

Sa kabanatang ito, maingat na pinili at binigyang-pansin ang mga

piyesa ng literatura at pag-aaral batay sa kahalagahan at kapani-

paniwalang impormasyon na ibinahagi. Ang mga nabanggit na piyesa ng

literatura at pag-aaral ay tutulong sa mga mananaliksik na magbigay ng

suporta at patunay para sa kanilang pag-aaral.

Kaugnay na Literatura

Ayon kay Gati et al. (2019), ang pagpili ng isang karera ay

maaaring isa sa mga pinakamahirap na desisyon sa buhay. Madalas na

napapagod ang mga tao sa dami ng impormasyon na kailangang

matutuhan kapag pinag-iisipan nila ang iba't ibang landas ng karera na

maaaring kanilang tahakin. Ang pahayag na ito ay nagpapakita ng

malaking hamon sa pagpili ng landas ng karera, na nagbibigy-diin sa

pakiramdam ng pagkabahala ng mga indibidwal kapag pinag-iisipan ang

napakaraming impormasyong kailangang matutuhan upang maisaayos

ang mga posibleng pagpipilian. Sa pahayag na ito, maikli ngunit

mahusay na nahahawakan ang kumplikado at madalas na nakakatakot


TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL 20

na kalikasan ng paggawa ng desisyon sa karera, kung saan nahihirapan

ang mga indibidwal na pamahalaan ang malawak na impormasyong

kanilang natatanggap habang sinusuri ang iba't ibang mga posibleng

landas ng karera.

Ayon kay Xu at Tracey, 2014, sa kasalukuyan, kinakailangan ng

mga indibidwal na kritikal na suriin ang iba't ibang impormasyon

tungkol sa merkado ng trabaho at ang kanilang sariling mga katangian

kaugnay ng merkado ng trabaho halos sa patuloy na batayan. Ang

impormasyon na kailangang masuri ng mga indibidwal ay madalas na

napapalitan at lubhang magulo, na may bahagi, naputol, at salungat na

katangian

Batay kay Tang (2019), maraming mga nagtatapos sa unibersidad

ang gumagawa ng hindi epektibong mga desisyon sa karera, madalas

dahil sa dalawang pangunahing salik. Una, nahihirapan silang

ipaliwanag ang kanilang mga pagpipilian, na maaaring magpahiwatig ng

kakulangan sa malalimang pagsasaliksik sa kanilang sarili at

pagsasaayos sa kanilang mga lakas at interes. Pangalawa, sila ay may

kakulangan sa kumpiyansa, na nagdudulot ng pag-aalinlangan sa

kanilang mga kakayahan at pagkakasundo sa propesyonal na mundo.

Gayunpaman, binibigyang-diin ni Tang ang kahalagahan ng "tunay na

mapagbantay na pagpili" - isang landas ng karera na sinadyang pinili

batay sa kasalukuyang mga nais. Ang ganitong mapagbantay na pagpili


TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL 21

ay nakatutulong sa pagbuo ng matibay na propesyonal na

pagkakakilanlan. Sa pamamagitan ng pag-unawa sa kanilang lumalawak

na kasanayan, interes, at hilig, ang mga estudyante ay maaaring

gumawa ng matalinong mga desisyon sa karera na naglalatag sa kanila

sa landas ng tagumpay at propesyonal na kasiyahan.

Samantala, ayon kay Kulcsár et al. (2020), ang pagpili ng karera ay

isang komplikadong at patuloy na proseso. Ito ay hindi lamang tungkol

sa pagpili ng isang solong trabaho at ang kaugnay nitong edukasyon. Ito

ay kinabibilangan ng isang serye ng mga desisyon sa buong iyong buhay

sa pagtatrabaho. Kasama na rito ang pagpili ng isang partikular na

trabaho sa iyong piniling larangan, at pagpasya kung mananatili ka sa

ganoong papel, maaaring lumipat sa iba pang trabaho, at kung ano pang

karagdagang pagsasanay (pormal o di-pormal) ang maaaring

kinakailangan para sa pag-unlad ng karera. Sa kasamaang palad,

maraming mga indibidwal ang nahihirapang malutas ang mga

pagpipilian na ito.

Ang mga kahirapan na ayon kay Gu et al. (2020), ang matagumpay

na paggawa ng mga desisyon sa karera ay nangangailangan ng maingat

na pag-iisip sa personal na karanasan at karanasan ng iba. Ang

dalawang perspektibong ito ay mahalaga. Sa pamamagitan ng

pagmumuni-muni sa iyong sariling nakaraang mga karanasan, positibo

man o negatibo, maaari kang makakuha ng mahahalagang kaalaman


TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL 22

tungkol sa iyong mga lakas, kahinaan, interes, at mga halaga. Ang

kaalaman sa sarili na ito ay nagbibigay-daan sa iyo na makakita ng

potensyal na mga landas ng karera na tugma sa iyong natatanging mga

kagustuhan at mga pangarap. Bukod dito, ang pag-aaral mula sa mga

karanasan ng iba, maging sa pamamagitan ng mga mentor, kasamahan,

o maging mga indibidwal na naitala, ay nagbibigay ng mas malawak na

pang-unawa sa iba't ibang mga landas ng karera at ang kasamang mga

katotohanan, hamon, at mga gantimpala. Sa pamamagitan ng pag-

uugnay ng dalawang perspektibong ito, maaari kang gumawa ng mga

matalinong desisyon na hindi lamang batay sa personal na mga nais

kundi nakabatay rin sa isang makatotohanang pagkaunawa sa

propesyonal na paligid at potensyal na mga landas ng karera.

Ayon sa Indeed Editorial Team (2022), ang mga indibidwal na may

malalakas na kasanayan sa persuasive communication ay bihasa sa pag-

epekto sa opinyon ng iba at pagtataguyod ng pagkakasunduan. Sa

kabilang banda, kapag gumagawa sila ng mga desisyon, binibigyang-

prioridad nila ang pagkakaroon ng konsensus sa pangkat, na

pinahahalagahan ang kolektibong perspektibo kaysa sa indibidwal na

mga pananaw. Ang ganitong paraan ng pagtutulungan ay nagtitiyak na

ang napiling mga hakbang ay maipapahayag at susuportahan ng buong

pangkat, na maaaring magbawas ng alitan at magpalakas ng mas

matatag na mga relasyon.


TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL 23

Pinatatag ni Spoelma (2021) na ang mga indibidwal na tinuturing

na mga desisyonista na may behavioral-style ay may partikular na mga

tendensiya. Sila ay mahilig na bigyang-prioridad ang mga opinyon at

payo ng iba sa isang antas na maaaring masapawan ang kanilang

paghuhusga. Ang ganitong kalakaran ay maaaring magresulta sa kanila

na ituring bilang "people pleasers," dahil madalas nilang sinusubukan

na makakuha ng pag-ayon at maiwasan ang pagkadismaya ng iba.

Bukod dito, malaking hamon sa kanila ang pamamahala ng alitan.

Upang maiwasan ang anumang potensyal na alitan o hindi

pagkakaunawaan, maaaring mag-assume sila ng sobrang

responsibilidad at stress. Ang ganitong kalakaran ay nagpapakita ng

posibleng mga negatibong epekto ng pagbibigay-prioridad sa panlabas na

pagpapatunay kaysa sa tiwala sa sariling desisyon.

Relatibo naman, ayon kina Koech at kanyang mga kasamahan

(2016), ang mga sosyal na interaksyon ng mga estudyante sa mga

mahahalagang indibidwal sa kanilang buhay, kabilang ang mga guro,

magulang, at mga kaibigan, ay naglalaro ng mahalagang papel sa

paghubog ng kanilang mga pagpili sa karera. Ito ay nagpapahiwatig na

ang payo, pagsuporta, at pangkalahatang impluwensya ng mga

indibidwal na ito ay maaaring malaki ang epekto sa direksyon na pipiliin

ng mga estudyante para sa kanilang mga kinabukasang karera.


TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL 24

Ayon sa MasterClass (2022), ang mga desisyonista na gumagamit

ng direktibong paraan ay magaling sa kanilang kakayahan na mabilis at

desididong ipatupad ang mga desisyon. Ang kahusayan na ito ay

nagmumula sa kanilang diretsahang paraan at tiwala sa sariling

paghuhusga. Bukod dito, bihasa sila sa pagbibigay ng malinaw at

maikling mga tagubilin sa kanilang mga tauhan, na nagtitiyak na

nauunawaan ng lahat ang kanilang mga papel at inaasahan sa napiling

hakbang. Ang ganitong kalinawan ay maaaring magpabilis sa proseso ng

paggawa ng desisyon at magpapadali sa maayos na pagpapatupad ng

napiling landas. Ang epektibong pangangasiwa sa karera ay mahalaga

para sa mga estudyante, kahit na mayroon silang mga maling kuru-kuro

tungkol dito.

Sinabi noon ni Cabanias (2021) na maraming mga estudyante ang

nagkakamali sa paniniwalang ang kanilang pagpili ng vocational track o

programa sa sekondarya ay hindi nakaaapekto sa kanilang mga

kinabukasan sa karera. Ito ay nagpapakita ng kahalagahan ng gabay sa

karera at pagsasarili para sa mga estudyante. Sa pamamagitan ng

aktibong pamamahala ng kanilang pag-unlad sa karera, maaaring

makakahanap ng mga mahahalagang kaalaman ang mga estudyante

tungkol sa kanilang mga kakayahan, interes, at mga pangarap. Ang

pagiging may kamalayan sa sarili na ito ay nagbibigay ng kapangyarihan

sa kanila upang gumawa ng pinag-isipang mga desisyon tungkol sa


TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL 25

kanilang mga edukasyonal na landas at kinabukasang espesyalisasyon

sa karera, kahit pa ito ay magbabago sa paglipas ng panahon.

Kaugnay na Pag-aaral

Batay sa pag-aaral ni Aguado at ng kanyang mga kasamahan

(2015) ang nagpapakita na may dalawang pangunahing salik na

nakaaapekto sa interes ng mga estudyante na pagsulong ng isang

programa sa personal na pagpili at suporta ng mga magulang. Ito ay

nangangahulugang ang mga estudyanteng nagpapakita ng tunay na

personal na interes sa larangan ng pagiging mandragat at

nakakatanggap ng pampalakas-loob at suporta mula sa kanilang mga

magulang ay mas malamang na ma-motivate na tuparin ang

edukasyonal na landas na ito.

Ayon sa pagsusuri nina Okiror at Otabong (2015) ang mga

motibasyon ng mga estudyanteng kumuha ng kurso sa Agrikultura sa

isang unibersidad sa Africa. Ang mga natuklasan ay nagpakita ng iba't

ibang mga salik na nakaaapekto sa kanilang mga desisyon. Ang

pinakamalaking grupo, na 30%, ay nagmumula sa personal na interes sa

agrikultura, na nagpapahiwatig ng pagkamalikhain sa larangan.

Humigit-kumulang sa 20% ang na-motivate ng mga oportunidad at

benepisyo na kaakibat ng isang degree sa agrikultura, na nagpapakita

ng isang pang-karera na pag-approach. Bukod dito, 15% ang nagmula sa

mga pamilyang nasa larangan ng pagsasaka, na maaaring


TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL 26

nagpapahiwatig ng pagnanais na ipagpatuloy ang tradisyon ng pamilya.

Ang isa pang 15% ay na-influence ng payo ng mga magulang, na

nagpapakita ng papel ng pamilya sa paghubog ng mga pagpili sa karera.

Sa huli, 10% ang nagpapahalaga sa programa ng gabay sa karera sa

kanilang sekondaryong paaralan sa kanilang desisyon, na

nagpapahalaga sa kahalagahan ng mga ganitong programa sa pagbibigay

impormasyon sa mga kinabukasang landas sa karera.

Ayon kay Sharif (2017), na nagsagawa ng isang pag-aaral sa 399

estudyante sa Kenya na nagpapakita ng isang ugnayan sa pagitan ng

mga uri ng personalidad at pagpili ng karera. Karamihan sa mga

estudyante ay nasisiyahan sa kurso na kanilang pinili bago pumasok sa

unibersidad, na nagpapahiwatig na ang angkop na mga pagpili sa karera

para sa mga estudyante ay magpapabuti sa kasiyahan at tagumpay sa

kanilang kurso ng pag-aaral at kinabukasang trabaho. Ngunit sa

kabilang banda, kapag nagbabago ang mga estudyante sa kanilang

pagpili ng kurso, nagpapahiwatig ito na hindi tugma ang mga pagpili ng

mga asignaturang kanilang pinili sa kanilang mga pangarap sa karera sa

hinaharap. Bilang resulta, lumilikha ito ng posibilidad ng kalagayan ng

ugnayan sa pagitan ng mga uri ng personalidad at pagpili ng karera sa

mga undergraduate na estudyante sa Kenya. Ipinaliwanag ng pag-aaral

na mayroong malaking ugnayan sa pagitan ng mga uri ng personalidad

at pagpili ng karera sa mga undergraduate na estudyante. Ang likas na


TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL 27

interes ng mga estudyante sa isang larangan ay itinuturing na

pinakamahalagang salik kapag pumipili ng landas sa karera o major.

Sinabi ni Giustinelli (2016) na mahalaga ang pagbibigay-prioridad

sa mga nais at interes ng isang tao sa prosesong paggawa ng desisyon na

ito. Ito ay nagpapahiwatig na kapag hinahabol ng mga indibidwal ang

pag-aaral o karera na nauugnay sa kanilang mga pagnanasa, mas

malamang na magkaroon sila ng masmalalim na antas ng motibasyon,

pakikilahok, at sa huli ay tagumpay.

Ayon kay Umar (2014) malaki ang impluwensiya ng mga

magulang sa mga desisyon sa karera ng kanilang mga anak.

Gayunpaman, hindi ito ang tanging salik na gumagana. May iba pang

mga panlabas na salik tulad ng kapaligiran sa pamilya, mga kasamahan

(mga kaklase), mga pag-asa sa trabahong merkado, mga guro, at

mensahe mula sa media, ay lahat nag-aambag sa paghubog ng mga

pangarap sa karera ng isang bata. Mahalaga ang pag-unawa sa mga iba't

ibang impluwensya na ito upang makabuo ng suportadong at

komprehensibong paraan sa paggabay sa mga kabataang indibidwal

tungo sa kanilang kinabukasang landas sa karera.

Batay pag-aaral nina Braza at Guillo (2015), sinasabi sa Labor

Force Survey noong Enero 2012, isang malaking bahagi ng lakas-

paggawa sa Pilipinas, humigit-kumulang 7.1 milyong Pilipino, ay

underemployed, na nagpapakita ng isang porsyento na 19.4%. Ang mga


TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL 28

bilang na ito ay nagpapakita ng mga epekto ng siksik na sistema ng

batayang edukasyon at hindi sapat na gabay sa mga estudyante tungo

sa kanilang mga karera. Upang solusyunan ang problemang ito,

pinapayuhan ng mga awtor na palakasin ang sistema ng edukasyon

upang matugunan ang mga pangangailangan ng mga estudyante sa mga

kasanayan at kaalaman, kasabay ng pagpapalakas ng mga aktibidad sa

gabay sa mga karera. Sa pamamagitan nito, magkakaroon ng kakayahan

ang mga estudyante na gumawa ng mga matalinong pagpili ng karera

base sa kanilang mga interes, kakayahan, at pangangailangan ng

merkado, na sa huli ay magdudulot ng mas magandang mga

oportunidad sa trabaho at magiging kontribusyon sa isang mas

produktibong lakas-paggawa.

Ayon pagsusuri ni Pascual (2014) ang potensyal na kaugnayan sa

pagitan ng antas ng kawalan ng trabaho sa Pilipinas at hindi

pagkakatugma ng mga kasanayan ng mga graduate at pangangailangan

ng lakas-paggawa. Ang pag-aaral na ito ay nagmungkahi na maraming

mga estudyante sa mataas na paaralan ang gumagawa ng mga hindi

angkop na pagpili ng kurso, na nagdudulot ng kawalan ng trabaho o

underemployment pagkatapos ng pagtatapos. Ang pananaliksik ni

Pascual ay naglalayong matukoy ang mga salik na nakakaapekto sa mga

pagpili ng karera partikular sa mga estudyante ng ika-apat na taon sa

mataas na paaralan sa Laboratory School ng University of Rizal System


TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL 29

sa Morong, Rizal. Sa pamamagitan ng pag-unawa sa mga salik na ito,

umaasa ang pag-aaral na makapag-aambag ito sa mas mahusay na

gabay sa mga karera at pagbawas sa bilang ng mga graduate na may

mga kasanayan na hindi tugma sa mga pangangailangan ng merkado ng

trabaho.

Maraming mga kabataan sa Pilipinas ang nahihirapang gumawa

ng mga independiyenteng desisyon dahil sa kanilang pagkakaroon ng

kadalasang humahanap ng payo mula sa iba't ibang pinagmumulan,

kabilang ang mga magulang, guro, mga kaibigan, at kakilala. Ang

pagtitiwala sa mga panlabas na impormasyon na ito ay naglalagay ng

kontribusyon sa kawalang-katiyakan, lalo na pagdating sa mga pagpili

ng karera.

Ayon kay Manapsal (2018) na ang hindi sapat na gabay sa pagpili

ng mga asignatura base sa mga indibidwal na interes at kakayahan ay

nagpapalala pa sa isyung ito. Ang kombinasyon ng mga salik na ito ay

nagdudulot sa huli ng maraming mga graduate ng mataas na paaralan

na gumawa ng maling mga pagpili ng kurso, na maaaring magdulot ng

kawalan ng trabaho at underemployment sa Pilipinas. Maraming mga

estudyante ang nagmamaliit sa kahalagahan ng pagpaplano ng karera sa

kanilang maagang yugto ng edukasyon.

Ayon sa pag-aaral ni Cabanias (2021), madalas na mali ang

paniniwala ng mga ito na ang vocational track o programa na kanilang


TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL 30

pinili sa sekondarya ay hindi nakaaapekto sa kanilang hinaharap na

espesyalisasyon sa karera. Ang maling pagkaunawa na ito ay

nagpapakita ng kahalagahan ng gabay sa mga karera at mga inisyatiba

sa pagsasagawa ng sariling pagtuklas upang bigyan ang mga estudyante

ng kinakailangang kaalaman at mga kagamitan upang makapagdesisyon

nang may kaalaman tungkol sa kanilang mga edukasyonal at

propesyonal na landas. Ayon kay Staunton (na binanggit ni Rafanan &

De Guzman, 2020), ang pagtugma ng personalidad ng isang estudyante

sa kanilang napiling landas ng karera o programa ng edukasyon ay

maaaring magdulot ng mas magandang kasiyahan sa karera, mas

mataas na kasiyahan sa trabaho, mas magandang pagganap sa

akademiko, at maagang pagtatapos. Ito ay nagpapakita ng potensyal na

mga benepisyo ng pag-aalalang-bahala sa mga katangian ng

personalidad kapag nagbibigay ng payo sa mga estudyante ng junior

high school tungkol sa pagpili ng kanilang senior high school na landas.

Sintesis

Ang mga dayuhang at lokal na literatura at pag-aaral ni Gati et al.,

2019; Xu & Tracey, 2014 ay nagbibigyang-diin sa kumplikasyon at mga

hamon na kinakaharap ng mga indibidwal sa paggawa ng mga desisyon

sa karera. Upang makapagpasya nang may sapat na kaalaman,

kinakailangan ng mga indibidwal na maglayag sa napakaraming

impormasyon tungkol sa kanilang sarili at sa merkado ng trabaho. Ang


TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL 31

impormasyong ito ay patuloy na nagbabago at maaaring magdulot ng

kawalan ng kalinawan, na nagpapahirap sa proseso ng pagdedesisyon.

Tulad ng sinabi at natuklasan nina Gu et al., 2020; Kulcsár et al.,

2020, maraming salik ang nakaaapekto sa mga pagpili sa karera,

kasama na ang mga katangian ng indibidwal, mga panlabas na

impluwensya, at personal na karanasan. Ipinapakita ng mga pag-aaral

ang kahalagahan ng pagiging kaalisto sa sarili, kabilang ang pag-unawa

sa mga lakas, interes, mga halaga, at mga nakaraang karanasan.

Bukod dito, ang mga panlabas na impluwensya tulad ng pamilya,

mga kaibigan, at mga inaasahang pamantayan ng lipunan ay maaaring

malaki ang epekto sa mga desisyon sa karera ayon kay Koech et al.,

2016; Sharif, 2017; Umar, 2014. Sinabi rin ni Gu et al., 2020 na ang

pag-aaral sa mga karanasan ng iba, sa pamamagitan ng mga mentor o

mga kaso ng pag-aaral, ay maaari ring magbigay ng mahahalagang

kaalaman tungkol sa iba't ibang landas sa karera

Ang mga pag-aaral nina Cabanias, 2021; Braza & Guillo, 2015; at

Manapsal, 2018 ay nagbibigyang-diin rin sa kahalagahan ng epektibong

gabay sa karera at pagsasaliksik sa sarili, lalo na para sa kasiyahan ng

mga mag-aaral. Ayon kay Pascual, 2014; Staunton na binanggit ni

Rafanan & De Guzman, 2020, ang pagbibigay ng mga mag-aaral ng

kinakailangang kaalaman at kagamitan ay nagbibigay-daan sa kanila na

makapagpasya nang may sapat na kaalaman tungkol sa kanilang landas


TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL 32

sa edukasyon at propesyon, na sa huli ay nagdudulot ng mas

magandang mga resulta sa pagtatrabaho at karera.

Ang pagkakaiba ng pag-aaral na ito sa mga nakaraang literatura at

pag-aaral ay ang mga respondente ng pag-aaral na ito, sapagkat sa mga

naunang ginawang pananaliksik, ay normal na mga mag-aaral ang

kanilang kinapanayam, ngunit sa aming pag-aaral, nais naming

malaman ang mga pananaw ng mga HUMSS 11 Class Officers tungkol sa

proseso ng pagdedesisyon sa kanilang piniling larangan.

Sa pangkalahatan, ang mga kaugnay na literatura at pag-aaral ay

nagpapahiwatig na ang paggawa ng mga desisyon sa karera ay isang

proseso na may maraming aspeto na naaapektuhan ng iba't ibang salik.

Ang tagumpay na proseso ng pagdedesisyon ay nangangailangan na

isaalang-alang ng mga indibidwal ang kanilang sariling natatanging

katangian, mga panlabas na impluwensya, at personal na karanasan,

habang hinahanap din ang gabay at suporta mula sa iba't ibang

pinagmumulan.
TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL 33

KABANATA III

METODOLOHIYA NG PAG-AARAL

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga pamamaraang ginamit

sa pagsasaliksik ng may akda mula sa disenyo ng pananaliksik,

pagtatakda ng mga pinagkukunan ng mga datos, paglalarawan ng mga

kalahok, instrumento ng pananaliksik hanggang sa pamamaraan ng

pangangalap ng datos upag mas lalong mapatunayan ang pag-aaral.

Disenyo ng Pananaliksik

Ang isinagawang pananaliksik ay gumamit ng penomenolohikal na

pag-aaral na tumutukoy sa kamalayan ng isang tao o grupo ng tao sa

mga nangyayari sa kanyang kapaligiran. Ang mga mananaliksik ay

gumamit ng pakikipanayam (interview) para makalikom ng datos at

impormasyon. Naniniwala ang mananaliksik na angkop sa mismong

kalahok ay mahusay at kapani-paniwala pamamaraan sa pangangalap

ng datos mula sa piling kalahok limitado lamang ang bilang ng mga taga

sagot sa mga pakikinayam ngunit ang uri ng disenyong ito ay hindi


TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL 34

lamang nakadepende sa dami ng isasagot ng mga kalahok sapagkat

kung may mga maikling kasagutan man ang tagasagot ang mahalaga ay

ang kanyang kasagutan ay akma at kapaki-pakinabang para sa pag-

aaral. Maaari ring gumamit ang mga mananaliksik ng obserbasyon sa

pagkalap ng mas matibay na datos o impormasyon. Ang paggamit ng

penomenolohikal na pag-aaral ay ang nakita ng mananaliksik na

magiging mabisa sa pag-aaral na ito upang mas makakalap ng

impormasyon na magiging epektibo sa pananaliksik.

Pinagkukuhanan ng Datos

Para sa mga layunin ng pananaliksik na nakatuon sa

“Pangunahing Salik sa Pagpili ng Karera: Proseso ng Pagdedesisyon ng

mga Mag-aaral ng HUMSS 11 class officers sa Talisay Senior High

School”. Nag tala ang mga mananaliksik ng sampung (10) HUMSS 11

Class Officer ng Talisay Senior High School sa taong panuruan 2023-

2024 bilang tagapag-sagot o re responde sa pagsusuri. Gumamit ng

Purposive sampling ang mga mananaliksik kung saan pinili lamang ang

mga kalahok sa pagsagot batay sa katangiang kinakailangan sa

pananaliksik.

Intrumental ng Pananaliksik

Ang pangunahing instrumento o kagamitan sa pag-aaral ay ang

panayam na gagawin ng mga mananaliksik upang mangalap ng sapat na

datos at impormasyon sa pamumuno sa pag aaral na nakatuon sa


TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL 35

“Pangunahing Salik sa Pagpili ng Karera: Proseso ng Pagdedesisyon ng

mga Mag-aaral ng HUMSS 11 class officers sa Talisay Senior High

School”. Ang unang bahagi ay hinggil sa mga datos na may kinalaman o

kaugnayan sa mga taga-sagot. Ang ikalawang bahagi ng naglalaman ng

mga katanungan na may kinalaman sa pananaw ng mga mag-aaral

hinggil sa impluwensya ng stigma ng karamihan sa mga kalalakihang

mag aaral sa Talisay Senior High School.

Pamamaraan ng Pangangalap ng Datos

Upang magkaroon ng malinaw at maayos na pangangalap ng mga

datos at impormasyon, Ang mga mananaliksik ay nagsagawa ng isang

interbyu bilang paraan para sa pagtitipon ng impormasyon at upang

mangolekta ng mas kongkreto at mas personal na mga sagot mula sa

sampung (10) respondante. Nakabatay sa sumusunod ang pamamaraan

ng mga mananaliksik sa pagkuha ng datos. Una, ang mga mananaliksik

ay nakakolekta at nakakuha ng mga kaugnay na pag-aaral, mga

literatura tulad ng mga aklat, artikulo. atbp. mula sa mga internet

library, at iba pang mga pinagkukunan. Pangalawa, pinili ng mga

mananaliksik ang pinakamahalagang impormasyon sa mga

pinagkukunan, binasa at naintindihan nito at ginamit ito para sa pag-

aaral na isinagawa. Panghuli, ginamit ng mga mananaliksik ang mga

mapagkukunan na itinatag niya upang maging gabay niya sa paglikha


TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL 36

ng isang palatanungan na angkop para sa kanyang pagpapahayag ng

suliranin.

KABANATA IV

PAGLALAHAD, PAGSUSURI, AT PAGPAPAKAHULUGAN NG MGA

DATOS

Ang kabanatang ito ay naglalaman ng mga naging resulta sa

isinagawang pananaliksik. Dito ay inilahad ang naging pagsusuri maging

ang interpretasyon ng mga datos at impormasyon na nakalap.

Pangunahing salik sa pagpili ng karera ng mga magaaral

Talahanayan 1: Kasagutan ng mga tagapagsagot sa ano ang

personal na batayan sa pagpili ng karera.

Tagapagsagot Kasagutan Tema

1 Batay sa aking hilig at abilidad. Hilig at abilidad

2 Ang aking personal na batayan Passion at Interest


sa pagpili ng aking karera ay ang
Passion ko at yong Interest ko.
TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL 37

3 Bumatay ako sa aking Kakayahan at


kakayahan o kung ano Ang kaya limitasyon
ko pagkat kung alam ko naman
na hindi ko kaya ay Hindi ko
iyon pipiliin.
4 Ang aking personal na batayan Kakayahan
sa pagpili ng aking karera ay ang
aking kakayahan.
5 Ang sarili ko, dahil pangarap ko Pangarap at
talaga ito at meron akong mas personal na dahilan
personal na dahilan.
6 Sinusunod ko yung gusto ko at Sariling Gusto at
gusto ng loob ko. Binabatay ko Komportable na
kung saan ako komportable at Pakiramdam
buo ang loob ko para rito.
7 Interes, lakas ng loob at Interes, Lakas ng
determinasyon sa aking pipiliin.Loob, at
Determinasyon
8 Ang aking batayan sa pagpili ng Ninanais mula
karera ay ang aking ninanais Pagkabata.
mula pagkabata.
9 Kung saan ako ay magogrow at Paglago at Pagiging
alam ko na fit ako sa career na Bagay sa Karera.
yon at sa gusto ko gawin.
10 Ang aking kakayahan at ang Kakayahan at
karerang pinapangarap ko mula Pangarap mula
noon. Noon.

Batay sa nailahad ng mga kalahok sa talahanayan 1, makikita na

karamihan sa mga kalahok ay pansariling kagustuhan o interest ang

naging batayan sa pagpili ng karerang kanilang tatahakin. Sa kabilang

banda ay naging batayan din ng iba ang kanilang kakayahan at abilidad.

Gayunpaman, naniniwala ang mga piling mag-aaral na ito na sa pagpili

ng kanilang karerang tatahakin ay mahalaga na may batayan sila sa

pagpili nang sa ganon ay tamang karera ang kanilang tatahakin.


TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL 38

Napatunayan ito ng pag-aaral ni Giustinelli (2016) na

mahalaga ang pagbibigay-prioridad sa mga nais at interes ng isang tao

sa prosesong paggawa ng desisyon. Ito ay nagpapahiwatig na kapag

hinahabol ng mga indibidwal ang pag-aaral o karera na nauugnay sa

kanilang mga ninanais, mas lamang na magkaroon sila ng masmalalim

na antas ng motibasyon, pakikilahok, at sa huli ay tagumpay.

Talahanayan 2: Kasagutan ng mga tagapagsagot sa ano ang

mga isinaalang alang mo kapag pumipili ka ng karera.

Tagapagsagot Kasagutan Tema

1 Kung ito ba ay angkop sa akin at Pagtuklas ng


kaya ko ang mga pag-aaralan sa Angkop na Kurso at
kukunin kong kurso. tugma sa Aking
Kakayahan at
Interes

2 Yong mga skill na tinataglay ko Pagpili ng Karera:


at ang financial at ang Kakayahan,
environment. Pinansyal, at
Kapaligiran
3 Isinalang alang ko Ang akong Pagkilala sa
kapasidad sa Isang bagay para Sariling
makapili ng aking karera na Kakayahan: Saligan
tatahakin sa Pagpili ng Karera

4 Isinaalang alang ko din ang Mga Salik sa


disisyon ng aking pamilya, Pagdedesisyon sa
maging ang mga hilig o gusto ko, Karera: Pamilya,
maging ang internet. Hilig, at
Impormasyon
TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL 39

5 Yung kapasidad ko bilang mag- Kapasidad at


aaral at yung kakayanang Kakayahang
pinansyal namin. pinansiyal:
Pagsusukat ng
Landas ng Karera
6 Sarili kong kagustuhan at Pagtupad sa
desisyon, sapagkat mahirap na Sariling
piliin ang karerang hindi ko Kagustuhan:
naman talaga gusto. Hamon sa
Pagdedesisyon sa
Karera
7 Kakayahan, iniisip ko kung kaya Pag-aaral ng
ko ba o hindi. Kakayahan:
Tuklasin ang
Sariling Potensyal
sa Karera
8 Isinaalang-alang ko ang Pagtugon sa
kakayanan ng aking mga Pagsuporta ng
magulang upang ako'y pag- Magulang:
aralin. Kontribusyon ng
Pamilya sa Karera
9 Financial. Salapi bilang Salik
sa Karera: Sukat sa
Pag-unlad at
Tagumpay
10 Kakayahan ng aking magulang Pagtaya sa
na pag-aralin at desisyon ng Kakayahan ng
aking mga magulang. Magulang: Pamilya
at Desisyon sa
Karera

Batay sa nailahad ng mga kalahok sa talahanayan 2, makikita na

karamihan sa mga kalahok ay kakayahang pinansiyal o kakayahan ng

kanilang mga magulang na magpagaral sila ang isinasaalang alang nila

sa kapag pumipili sila ng karerang kanilang tatahakin. Ang iba nmn ay

nagsabi na kakayahan nila at sariling kagustuhan naman ang kanilang

isinasaalang alang kapag pumipili sila ng kanilang karera na tatahakin.


TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL 40

Ayon nga sa isang kalahok mahirap piliin ang karerang hindi naman

niya gusto. Gayunpaman, naniniwala ang mga piling mag-aaral na ito na

sa pagpili ng kanilang karerang tatahakin ay mahalaga na isipin ang

kakayahan ng kanilang mga magulang na mapag-aral sila.

Napatunayan ito ng pag-aaral ni Umar (2014) na malaki ang

impluwensiya ng mga magulang sa mga desisyon sa karera ng kanilang

mga anak. Ang kadahilanang ito ay madalas ay sa problemang

pinansiyal na siyang nagtutulak sa anak na isantabi ang pansariling

kagustuhan at humanap ng alternatibong karera na kung saan ay kaya

siyang mapag-aral ng kaniyang mga magulang.

Talahanayan 3: Paano ang mga salik na iyong binanggit ay

nakakaapekto sa iyong proseso ng pagdedesisyon?

Tagapagsagot Kasagutan Tema

1 Nakakaapekto ito dahil minsan Mismatch ng


hindi nagtutugma ang abilidad Abilidad at Hilig
at hilig ko sa kurso na dapat ay
pipiliin ko.
2 Syempre pag naka tugma ang Tugma ng Interes,
Interest, Passion and skill ko sa Pasyon, at
karera ko, magiging produktibo Kakayahan: Susi sa
ka at proaktibo ka. And also, Tagumpay sa
kailangan natin maging Karera
praktikal.
3 Nakakaapekto ito sa aking Pagtuklas ng
pagdedesisyon sa paraan na mas Sariling Gusto:
nalalaman ko kung ano ba Gabay sa Matibay
talaga ang gusto ko at magiging na Pagdedesisyon
batayan ko sa aking
pagdedesisyon.
4 Nabibigyan ako nito ng enough Kaalaman para sa
TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL 41

na knowledge sa pipiliin kong Tamang Karera:


karera, para malaman ko ang Lakas upang
mga qualifications para Makamit ang
makapasok sa karera na Mithiin
tatahakin ko.
5 Nakakaapekto ito dahil ito ang Batayan ng
magiging batayan ko sa Kakayahan:
pagtahak ko ng aking karera, Pagtingin sa
dito ko malalaman kung Sariling Potensyal
kakayanin ko ba o hindi. sa Karera
6 Minsan ay nagdadalawang isip Pag-aalinlangan sa
ako sa aking magiging desisyon Pagdedesisyon:
sapagkat minsan ay iba ang Pagtutugma ng
aking kagustuhan na nagiging Kagustuhan at
sanhi ng pagkalito. Kalituhan
7 Nahihirapan ako na Laban ng "Gusto" at
magdesisyon dahil naglalaban "Hindi Kaya":
ang “gusto ko at hindi ko kaya”. Hamon sa
Pagdedesisyon sa
Karera
8 Nakakaapekto ito sa aking Pagbibigay Linaw sa
pagdedesisyon sapamamagitan Karera: Ang Abot-
ng pagbibigay linaw saakin kung Tugma sa
ano ngaba talaga ang nababagay Personalidad at
na karera sa personalidad at Kakayahan
kakayanang mayron ako.
9 Mas natulungan ako na lumago Pag-unlad sa
sa career na tatahakin ko. Karera: Tagumpay
sa Landas na
Tinitingnan

10 Nakakaapekto ito sapagkat dito Pagsusuri ng


ko malalaman kung ano ba Tamang Karera:
talagang karera ang dapat kong Gabay sa
tahakin. Tagumpay at
Pagkakakilanlan

Batay sa nailahad ng mga kalahok sa talahanayan 3, makikita na

karamihan sa mga kalahok ay nagsabi na ang mga salik na kanilang

binanggit ay nakakaapekto sa proseso ng pagdedesisyon. Karamihan sa


TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL 42

kanila ay nagsabi na ito ay nakatutulong upang malaman nila at

nagbibigay linaw kung anong karera ang dapat nilang tahakin. Ang ilan

naman ay nahihirapan at nalilito sapagkat nagdadalawang isip sa

karerang nais nilang tahakin, ayon nga sa isang tagapagsagot

nahihirapan siya na magdesisyon dahil baka hindi niya kaya ang

karerang gusto niya. Gayunpaman, naniniwala ang mga piling mag-aaral

na ito na may malaking epekto sa proseso ng kanilang pagdedesisyon

ang mga salik na kanilang binanggit sa pagpili ng karerang kanilang

tatahakin.

Napatunayan ito ng pag-aaral ni Aguado at ng kanyang mga

kasamahan (2015) na nagsasabing na may dalawang pangunahing salik

na nakaaapekto sap pagpili ng karera, ito ay interes ng mga estudyante

na pagsulong ng isang programa sa personal na pagpili at suporta ng

mga magulang.
TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL 43

KABANATA V

LAGOM, KONKLUSYON AT REKOMENDASYON

Inilahad sa kabanatang ito ang buod ng mga pagsusuri,

konklusyon at rekomendasyon na hinango mula sa mga datos na

nakalap sa mga mag-aaral na siyangg nagging kalahok ng pag-aaral na

ito.

Ang bahaging ito ang siyang katibayan na natamo na ng

mananaliksik ang kanyang layunin na matuklasan ang “Pangunahing

Salik sa Pagpili ng Karera: Proseso ng Pagdedesisyon ng mga Mag-aaral

ng HUMSS 11 class officers sa Talisay Senior High School”.

Lagom
TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL 44

Ang pananaliksik na isinagawa ng mga mananaliksik ay may

pamagat na “Pangunahing Salik sa Pagpili ng Karera: Proseso ng

Pagdedesisyon ng mga Mag-aaral ng HUMSS 11 class officers sa Talisay

Senior High School”. Binuo ito ng limang kabanatang may kani-kaniyang

naging mahalagang bahagi sa kabuuan ng pananaliksik na ito.

Nais ibahagi ng mga mananaliksik ang pag-aaral na ito sa mga

mag-aaral ng Talisay Senior High School upang malaman nila ang

pangunahing salik sa pagpili ng karera ng HUMSS 11 class officers sa

Talisay Senior High School, gayundin ay maibahagi sa mga susunod

pang henerasyon ang kanilang nakalap na impormasyon.

Ang HUMSS 11 class officers ng Talisay Senior high School ang

napili ng mga mananaliksik na maging kalahok sapagkat bilang mga

pinuno sa loob ng silid aralan ay may sapat silang kaalaman at

kakayahan na maibahagi ang kanilang karanasan sa pagdedesisyon

para sa karerang kanilang tatahakin na maaari nilang ibahagi sa

kanilang mga kamag-aral.

Para sa pangangalap ng datos at impormasyon na kailangan

upang maisakatuparan ang pananaliksik na ito. Para sa mga layunin ng

pananaliksik na nakatuon sa “Pangunahing Salik sa Pagpili ng Karera:

Proseso ng Pagdedesisyon ng mga Mag-aaral ng HUMSS 11 class officers

sa Talisay Senior High School”. Nag tala ang mga mananaliksik ng

sampung (10) HUMSS 11 class officers ng Talisay Senior High School sa


TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL 45

taong panuruan 2023-2024 bilang tagapag-sagot o re responde sa

pagsusuri. Gumamit ng Purposive sampling ang mga Mananaliksik kung

saan pinili lamang ang mga kalahok sa pagsagot batay sa katangiang

kinakailangan sa Pananaliksik.ang naging instrument ay ang panayam o

interview. Pumili lamang ng sampung mag-aaral na siyang naging

kalahok at kinapanayam. Mula sa mga nakalap na datos, inaral at

isinaayos naman ng mga mananaliksik ang resulta at ipinakita sa

pamamagitan ng talahanayan.

Matapos tipunin at pag-aralan ang mga datos, ang mga

sumusunod na kinalabasan ay naitala:

1.1 Naniniwala ang mga kalahok na sa pagpili ng karerang kanilang

tatahakin mahalaga na ito ay nakabase sa kanilang sariling

kagustuhan, abilidad, at interes.

1.2 Makikita sa sagot ng mga kalahok na ang kanilang pangunahing

isinasaalang alang kapag sila ay nagdedesisyon sa pagpili ng

karerang kanilang tatahakin ay kakayahang pinansiyal ng

kanilang mga magulang.

2.1 Isa sa suliranin ng mga kalahok sa pagdedesisyon sa pagpili

ng karerang kanilang tatahakin ay ang mga salik na

kanilang nabanggit ay may malaking epekto sa pagpili nila

ng karerang kanilang tatahakin.


TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL 46

2.2 Ang mga kalahok ay naniniwala na mahalaga sa proseso ng

pagdedesisyon sa pagpili ng karerang kanilang tatahakin ay

may sapat na batayan.

KONKLUSYON

Batay sa sapat na bilang ng mga datos at impormasyong

nakalap ng mga mananaliksik, kanilang nabuo ang mga

sumusunod na konklusyon:

 Mahalaga na sa pagpili ng karerang tatahakin ay

maisaalang-alang ang mga salik at batayan sa pagpili karera

sapagkat ito ang magbibigay sa kanila ng kasiyahan, pag-

unlad, at tagumpay sa hinaharap.

 Ang mga salik na nabanggit ay may malaking papel sa

proseso ng pagdedesisyon ng mga kalahok sa kanyang

karera. Ang mga ito ay nagbibigay ng mga patnubay at

batayan sa pagpili ng tamang landas.

 Ang pagkakaroon ng sapat na kaalaman sa tamang proseso

ng pagdedesisyon sa pagpili ng karerang tatahakin ay

makakatulong sa mga kalahok upang maging matagumpay

sa pagpili ng karerang tatahakin.

REKOMENDASYON
TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL 47

Kaugnay sa mga kinalabasan at konklusyon ay binuo ang mga

rekomendasyon tagubilin sa isinagawang pag-aaral.

Para sa mga Mag-aaral

Iminumungkahi sa mga mag-aaral ang pagkakaroon ng sapat na

batayan at tamang pagproseo ng kanilang desisyon sa pagpili ng

karerang kanilang tatahakin upang tamang karera ang kanilang

matahak.

Para sa mga Guro

Inirerekomenda sa mga guro na bigyang pansin o magsagawa ng

mga programang nagbibigay impormasyon upang maiwasan at

maunawaan ng mga mag-aaral ang tamang pagproseso ng

pagdedesisyon sa pagpili ng karerang kanilang tatahakin.

Para sa mga Magulang

Iminumungkahi sa mga magulang na magsilbing gabay ng

kanilang mga anak sa pagdedesisyon sa pagpili ng karerang tatahakin.

Para sa mga Sususnod na Mananaliksik

Inirerekomenda sa mga susunod na mananaliksik na unawain ang

kanilang pananaliksik upang lubos nilang malaman ang mga konsepto

ng kanilang pananaliksik. Gayon na rin ang maglalahad ng malinaw na

impormasyon para naman sa susunod na mga mananaliksik.


TALISAY SENIOR HIGH SCHOOL 48

You might also like