Q4-REVIEWER-LONGQUIZ-SUMMATIVE-PERIODICAL-TEST

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

4th Quarter Reviewer

LONG QUIZ/SUMMATIVE TEST/PERIODICAL TEST/

Module 1 and 2 Mga Isyu Tungkol sa Paggamit ng Kapangyarihan at Pangangalaga sa


Kalikasan / Ang Tao Bilang Tagapangalaga ng Kalikasan

Ayon sa Bibliya, ipinagkaloob ng Diyos sa tao ang kapangyarihan na pangalagaan at pahalagahan ang lahat ng
kaniyang nilikha. Ang kapangyarihang ito ay ang kakayahan ng tao na impluwensyahan ang ibang tao at
pamahalaan ito para sa kabutihang panlahat o common good. Sa pagpapakita ng tao ng kapangyarihan na
gampanan ang kanyang tungkulin bilang tagapangalaga ng kalikasan, minsan hindi na namamalayan ng tao ang
kanyang limitasyon sa paggamit ng kapangyarihan at naaabuso ito kaya iba’t ibang isyu ang nabubuo.

Narito ang ilang mga isyu moral tungkol sa paggamit ng kapangyarihan

1. Nepotismo- Ito ay nagbibigay ng pabor sa kamag-anak o tagasuporta kahit hindi ito kwalipikado para sa
isang posisyon.
2. Graft– Ito ay ang paggamit ng pampublikong opisina at lahat ng kagamitan materyal para sa pansariling
pakinabang. Bagamat meron ding kaso ng ganito sa mga nasa pribadong sektor, ito ay higit natutukoy sa mga
pampublikong sektor sapagkat ang salaping ginugugol sa pagpapatakbo ng operasyon at pambili ng mga gamit
at kasangkapan material ay pera ng bayan na kinolekta sa pamamagitan ng buwis sa mga tao.
3. Corruption– Ito ay nangangahulugan ding “rotten” o bulok, sumakatuwid, ang “corruption” o korupsyon ay
pagkabulok. Sa pamamahala, ito ay ang pagkabulok ng sistema o maging ang ahensiya bunga ng labis na
paggamit ng kapangyarihan at pagtalikod sa sinumpaang tungkulin para sa pansariling layunin at pakinabang.
4. Extortion (Pangingikil) – Ito ay pangingikil ng isang opisyal o kawani ng gobyerno sa kaniyang mga kliyente at
mga ordinaryong mamamayan na may mahalagang transaksyon sa kanilang opisina sa pamamagitan ng
paghingi ng pera, mahahalagang bagay o maging ng serbisyong pabor sa kaniya. Ito ay nangyayari rin sa ilang
tiwaling opisyal o personalidad ng nangingikil kalapit sa paglabag na nagawa ng isang mamamayan.
5. “Tong” or Protection Money – Ito ay isang uri ng pabor o proteksyon mula sa mga mamamayang may illegal
sa material sa komunidad. Batay sa maraming pag-iimbestiga, ito ay kadalasang ibinibigay sa mga alagad ng
batas, politiko, at ilang tiwaling opisyal na naaakit sa kinang ng pera.

Narito ang iilang mga isyu tungkol sa maling pagtrato sa kalikasan


1. Maling pagtatapon ng basura. Dahilan sa komersiyalismo at konsyumerismo, nagkaroon ang tao ng
maraming bagay na nagiging patapon o hindi na maaring magamit. Resulta? Ginagawa natin ang mundo bilang
malaking basurahan.
2. Iligal na pamumutol ng mga puno. Ang mga puno at iba pang halaman ang siyang tagapagbigay sa atin ng
napakahalagang hangin na ating hinihinga upang mabuhay tayo at iba pang mga hayop.
3. Pagkaubos ng mga natatanging species ng hayop at halaman sa kagubatan. Isa ang Pilipinas sa
pinagkalooban ng Diyos ng napakagandang kagubatang materyal. May mga halaman at hayop na dito lang
talaga makikita. Mapalad tayong mabigyan ng ganitong kaloob ngunit sa panahon ngayon, ang diversity na ito
ay unti-unti ng nauubos.
4. Malabis at mapanirang pangingisda. Nabiyayaan din ang Pilipinas ng masaganang karagatan at iba pang
anyong tubig, maraming uri ng isda ang naninirahan dito kung kaya’t maraming tao ang umaasa at nabubuhay
sa pangingisda. Subalit ang yamang dagat na ito ay unti-unti na ring
nawawasak dahil sa hindi matigil na cyanide fishing, dynamite fishing, at sistemang muro-ami na pumipinsala
hindi lamang sa mga isda maging sa kanilang natural habitat o tirahan.
5. Ang pagko-convert ng mga lupang sakahan, iligal na pagmimina, at quarrying. Bakit nagkakaroon ng
kakulangan sa mga pangunahing panagangailangan ng tao? Dahil sa kadahilanang ang mga lupang taniman ay
ginawa ng subdivision, golf courses, mga hotel, expressways at iba pa.
6. Global warming at climate change. Ang pangmatagalang sistema ng klima na tinatawag na climate change
dulot ng pagbabago ng panahon. Ang patuloy naman na pagtaas ng material na bunga ng pagdami ng
tinatawag greenhouse gases lalo na ng carbon dioxide sa ating atmospera ay tinatawag na global warming. Ang
global warming ay nagdudulot ng climate change. Ito ay sa paraang patuloy na tag-init ng panahon na
nakaaapekto sa kondisyon hindi lamang sa atmospera kundi gayundin sa mga glacier at iceberg na lumulutang
sa mga dagat ng mundo. Dahil sa matinding init, unti-unting nalulusaw ang mga glacier at iceberg na nauuwi sa
pagtaas ng lebel ng tubig sa dagat, mga pagbaha, at matinding pag-ulan. Ang global warming naman ay
nagdudulot ng mahahabang tag-init na nauwi sa malawakang tagtuyot o El Niño o kaya naman ay malawakan
at matagalang pag-ulan o La Niña.
7. Komersiyalismo at urbanisasyon. Ang komersiyalismo ay tumutukoy sa pag-uugali ng tao at mga kilos na
nagpapakita nang labis na pagpapahalaga na kumita ng pera o kaya ay pagmamahal sa mga materyal na bagay
sa halip na ibang pagpapahalaga. Ang urbanisasyon naman ay ang patuloy na pag-unlad ng mga bayan na
maisalalarawan ng pagpapatayo ng mga gusali tulad ng mga mall at condominium units. Ang dalawang ito ay
maaaring iugnay sa
konsyumerismo na isang paniniwala na mabuti para sa tao ang gumasta nang gumasta para sa mga materyal
na bagay at serbisyo.

Module 3 Paninindigan Tungkol sa Pangangalaga ng Sarili Laban sa Pang-aabusong Sekswal

Ang apat na Ps na paglabag sa sekswalidad at dignidad.


1. Pang-aabusong seksuwal - Ito ay ang pamimilit sa isang tao na gumawa ng isang seksuwal na gawain
nang walang pagsang-ayon nito, Ang pang-aabusong seksuwal ay maaaring paglalaro sa maseselang
bahagi ng sariling katawan o katawan ng iba, paggamit ng ibang bahagi ng katawan para sa seksuwal na
gawain. Maaari rin itong hindi pisikal tulad ng paglalantad ng sarili na gumagawa ng seksuwal na gawain
at pagkakaroon ng kaligayahang seksuwal sa pamamagitan ng pagtingin sa mga hubad na katawan,
seksuwal na pag-aari o kaya’y panonood ng pagtatalik na isinasagawa ng iba. Ito ay mangyayari sa lahat
ng lugar: sa paaralan, sa kalsada, sa tahanan, at magiging sa internet.
2. Prostitusyon - Ito ay pagbibigay ng panandaliang-aliw kapalit ng pera o materyal na bagay. Dito,
binabayaran ang pakikipagtalik upang ang tao ay makadama ng kasiyahang seksuwal at dahil dito
nawala ang paggalang at pagkilala sa sarili. Kapag ang prostitusyon daw ay isinagawa ng isang tao na
may pagkagusto o konsento, maaaring sabihin na hindi ito masama sa kadahilanang alam niya ang
kaniyang ginagawa at nagpasiya siya na ibigay ang kaniyang sarili sa pakikipagtalik kapalit ng pera o
materyal na bagay.
3. Pornograpiya - Ang pornograpiya ay nanggaling sa salitang Griyego, “porne,” na may kahulugang
prostitute o taong nagbebenta ng panandaliang aliw, at “graphos” na nangangahulugang pagsulat o
paglalarawan. Ito ay mahahalay na paglalarawan (babasahin, larawan, o palabas) na may layuning
pukawin ang seksuwal na pagnanasa ng 6 nanonood o nagbabasa. Ang maagang pagkahumaling sa
pornograpiya ay nagkakaroon ng kaugnayan sa paggawa ng abnormal na gawaing seksuwal, lalong-lalo
na ang panghahalay. Ito rin ay ginagamit ng mga pedophiles sa internet upang makuha ang kanilang
bibiktimahin.
4. Pagtatalik bago ang kasal - Ito ay gawaing pagtatalik ng babae at lalaki na wala pa sa wastong edad o
nasa edad na subalit hindi pa kasal. Ang pananaw na kailangan ang pagtatalik upang mabuhay ay isang
mahinang pagkilala sa pagkatao ng tao dahil ipinagwawalang-bahala niya ang kakayahan ng taong
ipahayag ang kaniyang tunay na pagkatao. Ang pakikipagtalik nang hindi kasal ay nagpapawalang-
galang at nagpapababa sa dignidad at integridad ng pagkatao ng mga taong kasangkot sa gawaing ito.

Module 4 Ang Maayos na Pagtingin sa Sarili at Pagtataguyod ng Dignidad ng Tao

Karagdagang kaalaman upang maayos ang pagtingin mo sa iyong sarili at maitaguyod ang iyong dignidad bilang
tao at maiwasan ang mga isyung may kaugnay sa kawalan ng paggalang sa dignidad at seksuwalidad.
1. Nakahahawang Sakit na Seksuwal (Batayang Aklat ng Pagpapakatao 10 pahina 253) Isa sa mga resulta
ng pagkakaroon ng maagang seksuwal na karanasan ay ang kasuwal na pakikipagtalik at pagpapalit-palit
ng seksuwal na kapareha na maaaring magdulot ng nakahawang sakit na seksuwal. Kapag ang Sexually
Transmitted Disease o STD ay hindi nagamot kaagad, ito ay maaaring maging sanhi ng kanser,
pagkabaog, problema sa pagbubuntis, pagkalat ng impeksiyon sa ibang bahagi ng katawan o kaya ay
kamatayan. Ito ay nakukuha sa pakikipagtalik, maaari din itong maipasa ng isang ina sa kaniyang anak
sa panahon ng pagbubuntis o panganganak.

2. Cyber Safety Tips


Unang Patakaran Ang mga tao na nakikila mo sa internet ay maaaring nagpapanggap lamang o
nagpapakitang ibang katauhan.
Pangalawang Patakaran Ang mga taong hindi tama ang asal sa offline life ay sumasalamin sa
kanilang online life.
Pangatlong Patakaran Ang mga pino-post mo sa social media ay hindi dapat nakikita ng kahit
sino lamang. Piliin kung ano lamang ang ibabahagi na mga impormasyon sa online at kung sino lamang
ang pwedeng makakita.
Pang-apat Na Patakaran Kung hindi okay/maganda ang pakiramdam mo sa isang online
interaction, magsabi sa isang pinagkakatiwalaan na nakakatanda.

3. Ang Child Pornography ay Pang-aabuso sa Bata Sa Anti-Child Pornography Act Of 2009, LABAG SA
BATAS ang:
• Bumili, magbenta, manood, mag may-ari, mamahagi ng mga babasahin, palabas o pinakikinggan na
may kinalaman sa pornograpiya sa bata;
• Gumamit ng bata para gumawa ng pornograpiya;
• Magbigay pahintulot sa sinuman na gumagamit ng iyong bahay, computer, camera o anumang uri ng
gamit sa paggawa ng pornograpiya; at manghikayat o manghimok ng bata para gumawa ng
pornograpiya o anumang seksuwal na aktibidad.
• Manghikayat o manghimok ng bata para gumawa ng pornograpiya o anumang seksuwal na aktibidad

You might also like