Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 11

Republic of the Philippines

Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
PATUBIG ELEMENTARY SCHOOL

FILIPINO 3
IKAAPAT NA MARKAHAN
WRITTEN WORK NO.1

I. Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot
sa sagutang papel.

1. Ito ay salitang may pantig na binubuo ng magkatabing katinig. Ito ay maaaring matagpuan
sa unahan, gitna o hulihan ng salita.
A. Klaster B. Diptonggo C. Teksto D. Talata

2. Ang salitang may pantig na binubuo ng magkatabing patinig na a, e, i, o, u at malapatinig


na letrang w at y.
A. Klaster B. Diptonggo C. Teksto D. Talata

3. Ang ______ay ang kaalaman ng isang tao na nakukuha sa pamamagitan ng paggawa ng


isang bagay o gawain.
A. Talata B. Teksto C. Karanasan D. Pangungusap

4. Ito ay lipon ng mga pangungusap na nagpapahayag ng isang kaisipan o buong diwa.


A. Talata B. Teksto C. Parirala D. Pangungusap

5. Ang _______ pangungusap ay nakapasok at nagsisimula sa malaking letra.


A. una B. Gitna C. Huli D. wala sa nabanggit

Panuto: Isulat ang KL kung klaster ang salitang may salungguhit at D kung Diptonggo.

6. Magdala ka ng pamaypay sa simbahan.


7. Umapaw ang tubig sa timba.
8. Ang mga bata ay masayang naglalaro sa plasa.
9. Bago ang suot na blusa ni Risa.
10. Ang reyna ay nagpatahi ng bagong damit.

Panuto: Pagsunud-sunurin ang mga hakbang sa pagsasaing. Lagyan ng bilang 1-5.

11. _________Ilagay ang bigas sa kaldero. Ang dami ng bigas ay nakadepende sa dami ng
taong kakain.

12._________Kumuha ng bigas mula sa lalagyan.

13. _________ Muling maglagay ng tubig. Sa pagkakataong ito, sukatin ang tubig na kapantay
ng dami ng bigas na isasaing. Maaaring gamitin ang daliri bilang panukat.

14. _________Isalang ang kaldero sa kalan. Hintayin itong maluto at saka patayin ang apoy.

15. _________Hugasan ito gamit ang malinis na tubig. Gawin ang ganitong proseso nang
dalawang beses.

IKAAPAT NA MARKAHAN
FILIPINO
PERFORMANCE TASK No. 1
I. Gumupit o gumuhit ng mga larawan ng mga sumusunod at gawaan ito
ng pangungusap.

A. 5 Salitang Diptonggo
B. 5 Salitang Klaster o Kambal-katinig

Rubriks

Puntos Batayan
10 puntos Nakasulat ng pangungusap ng wasto at naisagawa ng
malinis.
8 puntos Nakasulat na pangungusap ng wasto at naisagawa
ngunit kulang.
6 puntos Nakasulat ng pangungusap ng wasto ngunit kulang
ang larawan.
4 puntos Naidikit ang larawan ngunit kulang ang pangungusap
na nagawa.
2 puntos Naidikit ang larawan at nakagawa ng pangungusap
ngunit di kompleto.
0 puntos Walang nagawa at ipasa.

Republic of the Philippines


Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
PATUBIG ELEMENTARY SCHOOL

FILIPINO 3
IKAAPAT NA MARKAHAN
WRITTEN WORK NO.2

I. Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot
sa sagutang papel.

1. Kapag walang pasok ___________ ng tubig si Anton sa balon.


A. umigib B. iigib C. nag-iigib D. mag-iigib

2. Mamaya ay ____________ kami sa ilog ni inay.


A. naligo B. naliligo C. maliligo D. ligo

3. Ako ang ___________ ng aming bakuran tuewing umaga.


A. nagwalis B. nagwawalis C. magwawalis D. magwalis

4. Kami ay ________ noong nakaraang Linggo ng aking pamilya.


A. simba B. magsisimba C. nagsisimba D. nagsimba

5. Masayang _________ ang mga bata sa palaruan.


A. naglaro B. naglalaro C. maglalaro D. laro

6. Tuwing umaga ______ ni Noli ang kanyang alagang baboy para mabilis lumaki.
A. nilalaro B. pinapaliguan C. pinapakain D. pinapasyal

7.______ ko ang halaman araw-araw upang mabilis itong mamulaklak.


A. Pinuputol B. Tinatanim C. Dinidiligan D. binubungkal

8.Pagkatapos kumain, agad na _______ ni Amy ang kanilang plato.


A. pinupunasan B. hinuhugasan C. tinatabi D. pinamimigay

9. Laging tinutulungan ni Celso sa ____ ng pagkain ang kanyang ina.


A. pagluluto B. pagtatapon C. pagtatago D. pagkakalat

10.________ si Nena bago matulog upang magpasalamat sa mga biyayang natanggap.


A. Naglalaro B. Nagbabasa C. Nagdarasal D. Nagkokomputer

II. Punan ng angkop na salitang hiram na nasa loob ng kahon ang bawat pangungusap
upang mabuo ang diwa o kaisipan.

11. Madalas sumasakay kami sa ______ kapag umaakyat sa mataas na gusali.

12. Si Mang Tony ay isang tsuper , nagmamaneho siya ng ____ araw-araw.

13. Bumili si Karen ng bagong _______ para gamitin sa kanyang online class.

14. Sa ________ kami umaakyat upang makatawid sa kabilang kalsada.

15. Mahalagang maghugas ng kamay o maligo upang makaiwas sa pagkahawa


ng sakit na dala ng ____
IKAAPAT NA MARKAHAN
FILIPINO
PERFORMANCE TASK No. 2

I. Tukuyin ang mga nasa larawan. Isulat ang salitang hiram at gamitin ito sa pangungusap.

Republic of the Philippines


Department of Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
PATUBIG ELEMENTARY SCHOOL

IKAAPAT NA MARKAHAN
LAGUMANG PAGSUSULIT BILANG 3 SA FILIPINO 3

I. Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot
sa sagutang papel.
1. Hiling ng mga mamamayan ang bakuna na __________ upang makaiwas sa COVID-19.
A. abot-bulsa B. abot-kaya C. abot-pitaka

2. Naghihintay ng relief goods ang ilan sa mga _____________ upang sila ay makakain dahil
ang kanilang buong barangay ay naka-lockdown.
A. kapus-buhay B. kapus-hininga C. kapus-palad

3. Madalas ay ______________ ang binabaon ni Tatay sa tuwing lalabas ng bahay upang bumili
ng pangunahing pangangailangan ng aming pamilya.
A. lakas-loob B. lakas-laman C. lakas-lalamunan

4. Hindi maaaring abutan ng ____________ sa daan ang lahat ng mga taong may quarantine pass.
A. hating-umaga B. hating-tanghali C. hatinggabi

5. Nang minsang may sumobra sa sahod ni tatay ay nagpamigay kami ng mga ulam at kanin na ____________ para sa
mga frontliners.
A. bagong buhay B. bagong luto C. bagong katay

6. Itinapon ni Ana ang balat ng saging sa hagdan.


A.Hayaan at huwag pansinin ang ginawa ni Ana.
B. Sabihin kay Ana na itapon sa basurahan ang balat ng saging.
C. Pulutin at itapon ang basura ni Ana.

7. Pinutol ang mga puno sa bundok.


A. Magtanim ng panibagong puno.
B. Gawin na kasangkapan ang mga pinutol na puno.
C. Mas marami ang maipapatayong gusali.

8. Bibili ka ng meryenda sa tindahan ngunit kulang ang iyong perang pambili nito.
A. Uuwi at hihingi ng pandagdag na pambili sa magulang.
B. Bibili ng meryendang sasapat sa perang dala mo.
C. Uutangin na lang ang meryendang gusto.

9. Nasira mo ang laruang bola ng iyong kapatid.


A. Bibili ng bagong bola kapalit nito.
B. Hihingi ng tawad sa iyong kapatid para sa nasirang laruang bola.
C. Sasabihing hindi ikaw ang nakasira.

10. Nakita mong lanta ang mga halaman sa inyong hardin dahil nakalimutan itong diligan.
A. Sasabihin mo sa iyong kapatid na diligan ang mga ito.
B. Bubunutin ang mga halaman at magtanim ng bago.
C. Kukuha ng pandilig at diligan mo ang mga ito

B. Iguhit sa inyong sagutang papel ang bilog ( ) kung ito ay suliranin at tatsulok ( )
naman kung ito ay solusyon.

11. Magtanim ng puno at halaman.


12. Nagkalat ang basura sa daan.
13. Nagkaroon ng malawakang pagbaha dahil sa bagyo.
14. Naubos ang puno sa kagubatan.
15. Sumali sa programang pangkalinisan sa iyong lugar.

IKAAPAT NA MARKAHAN
FILIPINO
PERFORMANCE TASK No. 3

I. Hanapin ang salita ayon sa bilang na nasa BINGO ng talasalitaan upang mabuo ang tambalang salita at gamitin ito sa
makabuluhang pangungusap.
1. 4_____________+57 _______________=________________

2. 29____________+40_______________=_________________

3. 8_____________+65_______________=_________________

4. 28____________+63_______________=_________________

5. 15____________+62_______________=_________________

II. Piliin sa kahon ang tamang solusyon sa mga suliranin sa bawat bilang. Isulat sa sagutang papel ang letra ng tamang
sagot.

6. Nakakalbo ang mga kagubatan dahil sa pagputol ng mga punong kahoy.

7. Mababa ang nakuhang marka ni Roy sa pagsusulit.

8. Maraming nagkakasakit ng dengue sa nayon.

9. Nagkalat ang mga basura sa ilog.

10. Kulang sa nutrisyon si May kaya lagi siyang nagkakasakit.

I. Basahin ang sitwasyon at sagutin ang bawat tanong.

Madalas mamasyal ang magkakaibigang Mayumi, Ligaya at Rosa sa ilog tuwing araw
ng Linggo. Masaya silang naglalaro at naliligo sa ilog. Isang araw nang bumalik sila rito upang
maligo at maglaro nadatnan nilang marumi ang pampang. Agad nilang nilinis ito at bumalik
ang ilog sa dati nitong ganda.

1. Sino-sino ang magkakaibigan? ____________________________________________________________

2. Saan sila madalas maligo at maglaro?


_____________________________________________________________________________________________
3. Anong suliranin ang ipinakita sa sitwasyon?
_____________________________________________________________ __________________________

4. Paano sinolusyunan ng magkakaibigan ang suliraning ito?


_____________________________________________________________ _____________________________

5. Ano ang aral na natutuhan mo sa sitwasyon?


_____________________________________________________________ ________________________________

FILIPINO 3
IKAAPAT NA MARKAHAN
WRITTEN WORK NO.4

I. Basahin at unawain ang bawat pangungusap. Piliin at isulat ang letra ng tamang sagot
sa sagutang papel.

1. Ito ang pangunahing tema o ideya na tinatalakay sa kuwento o sanaysay.


A. Pangsuportang pangungusap C. pantulong na detalye
B. paksa

2. Sa pagbibigay ng paksa, isinusulat lahat ng napakinggang kuwento o sanaysay.


A. tama B. maaari C. hindi

3. Ang kuwento ay tungkol kay Lina na naulila. Siya ay kinupkop ng Department of Social Welfare and Development o
DSWD ngunit hindi siya nagtagal dito dahil siya ay inampon ng mag-asawang G. at Gng. Santos. Itinuring siyang isang
tunay na anak. Ano ang paksa sa kuwento?
A. Si Lina ay ulila.
B. Si Lina ay inampon ng mag-asawang Santos.
C. Karapatan ng bata na mabuhay at maalagaan.

4. Paano makikita ang paksa sa kuwento o sanaysay?


A. Sa pamamagitan ng pamagat.
B. Sa pamamagitan ng pangungusap na sumusuporta sa paksa o mga pamaksang
pangungusap.
C. Sa pamamagitan ng paghanap sa panimula ng kuwento

5. Maganang kumain si Lito. Gustong-gusto niyang kumain ng masustansyang pagkain,


wala siyang hilig sa kendi at sitsirya. Tama ang timbang niya ayon sa kanyang edad.
A. Sakitin si Lito.
B.Matamlay si Lito
C. Malusog si Lito dahil sa mga masusustansyang pagkain.

Sakit na Nakakahawa

Dalawang araw na may lagnat si Nellie. Hindi siya nakapasok. Hindi siya makakain at makatulog. Latang-lata siya.
Sa ikatlong araw, napansin ng nanay ang mapupulang butlig sa kanyang mukha, kamay, at paa. Tiningnan din ng nanay
ang kanyang likod.
“Puno ng butlig ang katawan mo Nellie,” wika ng nanay. “May tigdas ka.”
Nang umuwi sina Carlito at Nora mula sa paaralan, binalaan sila ng nanay na lumayo
muna kay Nellie. Dahil may tigdas ito at makahawa.

6. Bakit hindi nakapasok si Nellie?


A. May sakit siya. C. Nasugatan ang kanyang paa.
B. Masakit ang ngipin niya

7. Alin dito ang hindi magawa ni Nellie?


A. kumain B. magsalita C. makapasok

8. Ano ang nararamdaman ni Nellie?


A. Malakas siya. B. Masaya siya. C. Latang-lata siya.

9. Ano ang lumalabas sa kanyang katawan?


A. butlig B. dugo C. pawis

10. Ano ang sakit ni Nellie?


A. bulutong-tubig B. sipon C. tigdas

11. Nagluluto ng ______ ang aking Inay tuwing pasko.


A. leche flan B. prutas C. kanin

12. Dapat ugaliing magsuot ng _____ kapag lalabas ng bahay.


A. face mask B. sapatos C. salamin

13. May _______ ang kanyang silid kaya malamig ito.


A. ilaw B.kurtina C.air conditioner

14. Iwasang kumain ng mga _______ dahil masama ito sa kalusugan.


A. gulay B. prutas C. junk food

15. Bumili ng __________ si Mon dahil mahilig ito mag-alaga ng mga isda.
A.bangka B.motorsiklo C. aquarium
B. Isulat kung Tama o Mali ang isinasaad ng bawat pangungusap.

11. Ang lagom o buod ang pinakapayak na anyo ng paglalahad o diskurso.

12. Maikl,. hindi paligoy-ligoy at hindi hihigit sa isang talata.

13. Malaya. Nakatatayo nang mag-isa at taglay lamang ang pangunahing ideya o kaisipan
ng orihinal na teksto

14. Matapat na kaisipan. Malinaw na matutunghayan dito ang mga intensyon o hangarin ng awtor.

15. Ang pagtukoy sa mga mahalagang detalye ay isang mabisang paraan upang mabilis na
maunawaan ang isang paksa.
IKAAPAT NA MARKAHAN
FILIPINO
PERFORMANCE TASK No. 4

I. Basahin at unawain ang patalastas. Sagutin ang mga tanong gamit ang wastong pangungusap.

1. Ano: __________________________________________________

2. Sino: __________________________________________________

3. Saan: _________________________________________________

4. Kailan: ________________________________________________

B. Punan ang mga patlang ng mga mahahalgang detalye patungkol sa iyong sarili.

Ako ay si________________________________________________________________________,

Ipinanganak noong___________________________________________________________________,

nakatira sa ___________________________________________________. Ang aking mga magulang ay

sina _______________________________________________________________________________________

Pangarap kong maging isang ____________________ upang _____________________________________.

Upang makamit ko ito______________ ________________________________________________________.


IKAAPAT NA MARKAHAN
FILIPINO
PERFORMANCE TASK No. 4

Tingnan ang pagkakasunud-sunod ng larawan. Isulat ang paksang mabubuo mula sa mga larawan. Sumulat ng 5 o higit
pang pangungusap batay sa larawan.

_______________________________________________________________________________________________

You might also like