4th Quarterly Assessment MAPEH 3

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Republic of the Philippines Department of

Education
REGION III
SCHOOLS DIVISION OF BULACAN
PATUBIG ELEMENTARY SCHOOL
Pangalan: _________________________________________________________________Iskor:______
Baitang at Pangkat: __________________________________
IKAAPAT NA PANAHUNANG PAGSUSULIT
MAPEH
I.Panuto: Basahin at unawain ang bawat tanong. Piliin at isulat ang letra ng wastong sagot
MUSIC

1. Alin sa sumusunod na hayop ang may mabilis na paggalaw?


A. bulate B. duso C. kabayo D. pagong

2. Alin sa sumusunod ang mabilis na tempo?


A. Allegro B. Andante C. Moderato D. Presto

3. Anong tempo mayroon ang awiting “Sa Ugoy ng Duyan” ?


A. katamtaman B. mabilis C. mabagal D. mabagal na mabagal

4. Ang ________ ay isa sa mahalagang elemento ng musika. Ito ay ginagamit upang mailarawan ang kabuuang uri ng
tunog.
A. Unison B. Tekstura C. Partner Song D. Wala sa nabanggit

5. Manipis ang tunog kung ang awit ay mayroong ___________.


A. Triple Melodic Line C. Double Melodic Line
B. Single Melodic Line D. Multiple Melodic Line

6. Basahin at unawain ang mga sumusunod na pangungusap. Alin sa mga pangungusap ang may tamang pahayag.

A. Ang Bahay Kubo ay inaawit nang may mabagal na tempo.


B. Inaantok tayo kapag nakaririnig ng mga awiting may mabilis na tempo.
C. Ang kilos ng kabayo ay maihahalintulad sa awit na may mabagal na tempo.
D. Ang mga awiting may mabibilis na tempo ay nakakapagpaindak.

7. Ang sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng tamang pahayag tungkol sa Tekstura, maliban sa isa.
A. Ang pag-awit nang solo ay nagpapakita ng kakapalan ng musika.
B. Ang tekstura ng musika ay tumutukoy sa kakapalan o kanipisan ng isang awit.
C. Si Daisy ay umaawit sa saliw ng tugtog ng piano. Ito ay nagpapakita ng kanipisan ng awit.
D. Ang pagtugtog nang sabay-sabay ng iba’t ibang instrument ay nagpapakita ng kakapalan ng isang awit.

ARTS
8. Alin sa sumusunod ang hindi mo magagamit sa paggawa ng papet?

A. Daliri B. Medyas C. Tali D. Tubig

9.Ang sumusunod ay mga kailangan sa maayos na paggawa ng Sock Papet, maliban sa isa.
A.Kumain nang madami.
B. Ihanda ang mga palamuti gaya ng butones at beads.
C. Umisip ng karakter na gagamiting inspirasyon sa iyong papel.
D. Gumamit nang malinis na medyas.

10. Alin sa sumusunod ang hindi naidudulot ng papet show sa isang tao?
A. Natututong mag-ehersisyo
B.Nagiging matiyaga at malikhain
C. Nailalabas ang kakayahan sa pag-arte.
D. Nagkakaroon ng karagdagang libangan.
11. Alin sa sumusunod ay hindi naidudulot ng isang kwento sa pagpapalabas ng papet?
A. Nauuhaw ang manonood.
B. Nagbibigay sigla sa mga tagapanood.
C.Nagkakaroon ng aral sa mga manonood
D. Nagiging malalim ang pang-unawa ng manonood.

12. Ang paggawa ng puppet show ay nagpapamalas ng ___________ ng mga puppeteers


A. pagkamainipin C. pagkamalikhain
B. pagkamainisin D. pagkamalinis

13. Ano ang tawag sa manika o tau-tauhan na ginagamit sa pagkukuwento at dula-dulaan?


A. islogan B. istensil C. logo D. papet

14.Ang taong humahawak at nagpapagalaw ng papet ay tinatawag na ______.


A. Artist B. Player C. Puppeteer D. Writer

15. Ang ________ ay isang uri ng libangan na ang mga gumaganap na tauhan o karakter ay papet.
A. Eksibit B. Teatro C. Puppet Show D. It’s Show Time

PHYSICAL EDUCATION

16. Ano ang tawag sa mga gawain na nakatutulong sa ating katawan upang madebelop ang balanse at koordinasyon?
A. Tennis B. Jogging C. Basketball D. Rhythmic Routine

17. Alin sa sumusunod na bagay ang hindi maaaring gamitin sa pagsasagawa ng mga ritmikong ehersisyo?
A. Lapis B. Patpat C. Marakas D. Drum Stick

18. Ito ay isang katutubong laro na nilalaro ng tatlo o higit pang manlalaro gamit ang mga paa at kamay bilang tinik.
A. Syato B. Ball Relay C. Luksong Tinik D. Chinese Garter

19. Alin sa sumusunod ang halimbawa ng simpleng Lead-Up Games?


A. Baseball B. Ball Relay C. Basketball D. Volleyball

20. Alin sa sumusunod ang maituturing na kakayahan na gumalaw ng mabilis sa paglalaro?


A. Bilis B. Lakas C. Liksi D. Puwersa

21. Ang sumusunod na pangungusap ay nagsasaad ng tamang pahayag tungkol sa panghalubilong sayaw, alin ang hindi?
A. Ang panghalubilong sayaw ay pang-isahang sayaw.
B. Maaaring makipagpalit ng kapareha sa panghalubilong sayaw.
C. Sa panghalubilong sayaw maaaring paikot, pakuwadrado ang pagsasayaw nang may kapareha.
D. Ang kaibigan ay isa sa mga panghalubilong sayaw na nakatutulong upang maipakita ang kakayahan sa pagsunod sa
direksyon.

22. Sa panghalubilong sayaw maaaring paikot, pakuwadrado ang pagsasayaw ng may kapareha. Alin ang hindi
kasama sa panghalubilong sayaw?
A. paikot B. panghalubilo C. pangkuwadrado D. patakbo

HEALTH

23. Si Melvin ay inutusan ng kaniyang ina na bumili ng mantika sa tindahan. Habang siya ay naglalakad, may isang
lalaking lumapit sa kaniya at nag-alok ng kendi. Ano ang dapat niyang gawin?
A. Sasabihin niya na hindi niya ito gusto.
B. Sasabihin niya na dagdagan pa ang kendi.
C. Tatanggapin ni Melvin ang kendi dahil gusto niya ito.
D. Tatanggi si Melvin sa nag-aalok sa kanya ng kendi dahil hindi naman niya ito kakilala.

24. Nagbigay na ng babala ang kapitan ninyo sa posibleng pagbaha sa inyong lugar dulot ng walang tigil na pag-ulan.
Ano angdapat ninyong gawin?
A. Manatili lamang sa loob ng inyong bahay.
B. Ipagwalang-bahala ang sinabi ng kapitan.
C. Lumikas sa mas mataas at ligtas na lugar.
D. Matulog nang mahimbing sa loob ng inyong bahay.

25. Nakita mong pinaglalaruan ng bunsong kapatid mo ang posporo at mga papel sa loob ng inyong bahay. Ano ang
gagawin mo?
A. Aawayin ko siya.
B. Sasali ako sa paglalaro niya.
C. Hahayaan ko lang siyang maglaro.
D. Sasawayin at pagsasabihan ko siya sa kaniyang ginagawa.

26. Alin ang road sign para sa bawal pumasok?

27. Ano ang ipinahihiwatig ng road sign na ito?


A. Bawal pumasok C. Bawal tumawid dito
B. Magbigay daan D.Tamang sakayan at babaan

28. May taong kumakatok sa pinto ng inyong bahay at hindi mo ito kilala. Wala kang ibang kasama maliban sa
nakababata mong kapatid. Ano ang marapat mong gawin?
A. Papapasukin ko siya at bibigyan ng maiinom.
B. Bubuksan ko ang pinto at kakausapin ko ang tao.
C. Iiyak sa silid kasama ang nakababatang kapatid.
D. Hindi ko siya pagbubuksan ng pinto at agad na sasabihin sa magulang ang nangyari.

29. May isinasagawang earthquake drill sa inyong paaralan. Ano ang dapat mong gawin?
A. Sumali sa gawain habang kumakain
B. Magtago sa palikuran upang hindi makita ng guro
C. Makilahok at isakatuparan ito nang makatotohanan
D. Magdahilan na masakit ang tiyan upang hindi makasali

30. May napansin kang kahina-hinalang tao na umiikot sa inyong lugar. Ano ang dapat mong gawin?
A. Lumabas at paalisin ang tao
B. Ipahabol ang tao sa inyong alagang aso
C. Huwag siyang pansinin at pabayaan na lamang
D. Agad na sabihin ito sa nakatatandang miyembro ng pamilya at magsumbong sa awtoridad
Provincial Capitol Compound, Brgy. Guinhawa, City of Malolos, Bulacan
website: https://bulacandeped.com email. bulacan@deped.gov.ph

You might also like