Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 2

Sa isang payak na pamayanan, naninirahan ang mag-anak ni Mang Domeng na isang pilay dulot ng

aksidenteng bumago ng kaniyang buhay. Dito, tanging saklay na gawa lamang sa pinagtagpi-tagping
kahoy ang tangan upang makalakad. Naging bunga rin nito ang pagbabago ng pakikitungo niya sa
kaniyang mag-ina na si Aling Selia at Utoy, 9 na taong gulang.

Laging kinagagalitan si Utoy ng kaniyang ama at kung minsan nga ay umaabot pa sa puntong nasasaktan
na ang kaniyang anak. Labis itong dinaramdam ni Utoy sapagkat sa mura nitong edad ay naging biktima
siya magpapalupit ng amang tunay niyang minamahal

Isang araw, umuwi si Utoy nang naghahabol-hininga at banaag sa pananamit ang pagkabasa sa pawis
mula sa nangangayat na pangangatawan ng musmus. Naging maingat ito sa paghakbang papasok ng
bahay at baka siya’y mapansin ng amang humihithit ng tabako sa gilid ng kanilang maliit na dampa. Sa
kaluskos ng yapak ni Utoy ay napukaw nito ang atensyon ng amang ika-ikang lumapit at walang pag-
aatubiling winasiwas ang mga himbla ng walis-tingting na hiniram pa sa kapitbahay sa buto’t-balat
nitong katawan.

Bumulahaw sa kanilang baryo ang sigaw ni Utoy na namimilipit sa sakit ng latay na kaniyang sinapit mula
sa amang nagngangalit.

‘’Wala kang sillbing bata ka! Iniiwan mo lang ako nang basta-basta ni wala pa akong makain dito!” wika
ng amang pagiwang-giwang na tumitindig habang hawak ang gamit na pamalong walis na halos malagas
sa pagkakabugkis nito.

“Itay, patawad po! Huwag na ho kayong magalit, Itay!” pagmamakaawa ng musmos na pilit isinisiksik
ang sarili sa makipot na sulok ng kanilang dampa upang makailag sa hagupit ng ama.

Sa akmang ito, dumating si Aling Selia dala ang mga pinamili buhat sa bayan at dali-daling nilapitan si
Utoy na nanginginig sa takot.

“Ano na naman ba ang pumasok sa utak mo at nagawa mong saktan na naman ang anak natin? Hindi ka
na ba naawa? – ang liit ng katawan ng bata! Anong laban niya sa’yo? Wika ni Aling Selia habang
hinahagod ang sugat ng humalinghing anak.

“Pagsabihan mo ‘yang anak mo! Biro mo naman ay nilayasan ako ng bahay nang hindi man lang ako
pinapakain!” sumbat ni Mang Domeng nahalos matumba na mula sa kinatatayuan.

Dahil sa kanilang sitwasyon ay napagdesisyunan ni Aling Selia na tumigil muna sa pag-aaral si Utoy.
Tanging Kinder lang ang natapos ni Utoy mula nang maaksidente ang ama mula sa pinagtatrabahuang
koprahan. Simula noon ay nagbago nang tuluyan ang kanilang pamumuhay. Mula sa isang masayang
pamilya, binalot ng dilim ang kanilang tahanan nang magsimulang magbisyo si Mang Domeng na walang
inatupag kundi uminom. Naiwang nagtatrabaho bilang labandera si Aling Selia sa bayan at naiwang
bantay si Utoy sa kaniyang ama.

Sa kabila ng sitwasyon ay lumaking matalino si Utoy. Nakapagbabasa at nakapagsusulat ito. Mahilig


sumulat si Utoy. Isang gabi ay naabutan ni Aling Selia ang anak na nagsusulat sa ilalim ng mapanglaw na
gaserang ilaw nito.

“Ano ‘yang sinusulat mo anak?” pagtataka ng ina sa anak. Dito, dali-dali nitong itinago sa kaniyang maliit
na kwaderno.
“Wala ho inay, nagsasanay lang.”

“Gano’n ba anak? O siya, matutulog na tayo kasi bukas may pupuntahan tayo!” masayang pagbabalita sa
anak.

“Saan ho?” pananabik na katanungan ang ginanti ng anak sa kaniyang ina.

“Sige, sasabihin ko pero, matutulog na muna tayo at gabing-gabi na.” Agad na hinipan ni Aling Selia ang
gaserang ilaw at bumalot ang karimlan sa kanilang dampa.

Isang bagong umaga at wala na naman sa paningin ni Mang Domen si Utoy. Subalit, nakita nitong may
nakahain ng pagkain sa hapag at kapeng mainit-init pa.

Nagmasid siya sa paligid at wala

You might also like