Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

Danielle Raye Artajo

Camille Jane Brua

Grade 12-OPAL

Ipinasa kay: Gng. Airen Amisola

Layunin: Para sa pagiging may-akda ng librong Physics.

Bionote ni Albert Einstein

Si Albert Einstein ay isa sa mga kilalang siyentipiko sa larangan ng agham. Siya ay nakapagtapos ng
Bachelor’s degree mula sa Swiss Federal Polytechnic noong 1900; at PhD mula sa University of Zurich
noong 1905. Siya ay naging direktor ng Kaiser Wilhelm Institute for Physics sa taong 1914. Siya rin ay
namasukan bilang propesor ng Theoretical Physics noong 1911 sa Princeton, New Jersey. Si Einstein ay
binigyang pugay ng Royal Swedish Academy of Sciences sa 1921 Nobel Prize dahil sa kanyang
katalinuhan at serbisyo sa larangan ng Pisika at Matematika.

Iilan sa mga karangalang natamo niya ay ang Golden Medal of Royal Astronomical Society, Nobel
Prize in Physics, at Matteuci Medal. Naki-isa rin siya sa Fifth Solvay International de Physique noong
1927 kasama si Neil Bohr, upang talakayin ang mga pundasyon ng bagong nabuong quantum theory.

Si Albert Einstein ay tanyag sa pagbuo ng kanyang teorya ng relativity, na nagpabago sa ating pag-
unawa sa space, time, gravity, at universe. Ang mga pananaliksik ni Einstein ay ang Special Theory of
Relativity (1905), Investigations on Theory of Brownian Movement (1926), at The Evolution of Physics
(1938). Nakapagsulat din siya ng mga libro kagaya ng “About Zionism” (1930), at “My Philosophy” (1934).

You might also like