Mga Pagbasa

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 5

KAPISTAHAN NG KAMAHAL-MAHALANG DUGO NG ATING

PANGINOONG HESUKRISTO

Unang Pagbasa Heb 9:11-15

Minsan lamang pumasok si Kristo sa Dakong kabanal-banalan,


dala ang kanyang sariling dugo.

Ang Salita ng Diyos mula sa Sulat sa mga Hebreo

Dumating na si Kristo, ang Dakilang Saserdote ng bagong tipan.


Siya’y naglilingkod doon sa sambahang lalong dakila at walang katulad,
hindi ginawa ng tao, alalaong baga’y wala sa sanlibutang ito.
Minsan lamang pumasok si Kristo sa Dakong Kabanal-banalan, at iyo’y sapat na.
Hindi dugo ng mga kambing at bisirong baka ang kanyang dalang andog,
kundi ang sariling dugo, sa ikapagpapatawad ng mga kasalanan natin.
Ang dugo ng mga kambing at mga toro at ang abo ng dumalagang baka
ay iwiniwisik sa mga taong itinuturing na marumi.
Sa gayun, sila’y nagiging malinis ayon sa Kautusan.
Ngunit higit na di-hamak ang magagawa ng dugo ni Kristo.
Sa pamamagitan ng walang hanggang Espiritu ay inialay niya sa Diyos
ang kanyang sariling kapintasan.
Ang kanyang dugo ang lumilinis sa ating puso’t isip upang talikdan natin ang
gawang walang kabuluhan at paglingkuran ang Diyos na buhay.
Si Kristo ang tagapamagitan ng bagong tipan sapagkat sa pamamagitan ng kanyang
kamatayan, ipinatawad ang paglabag ng mga tao
noong sila’y nasa ilalim pa ng tipan.
Dahil ditto, kakamtan ng mga tinawag ng Diyos ang walang hanggang pagpapala
na kanyang ipinangako.

Ang Salita ng Diyos.


Salmong Tugunan Ps 103:1-2,3-4,6-7,8 at 11

Dugo Mo Poo’y ibinuhos sa tanang Iyong tinubos.

Panginoo’y papurihan, purihin mo kaluluwa,


ang pangalan niyang banal purihin mo sa tuwina.
Ikaw, aking kaluluwa, ang Diyos ay papurihan,
at huwag mong lilimutin yaong kanyang kabutihan.

Ang lahat kong kasalana’y siya ang nagpapatawad,


at anumang aking sakit, ginagamot niyang lahat.
Sa bingit ng kamatayan ako ay inililigtas,
at pinagpapala ako sa pag-ibig niya’t habag.

Panginoo’y humahatol, ang gawad ay katarungan;


natatamo ng inapi ang kanilang Karapatan.
Ang balangkas niya’t utos kay Moises ibinilin;
ang kahanga-hangang gawa’y nasaksihan ng Israel.

Kay ganda ng kalooban, mahabagin itong Diyos,


kung magalit ay banayad, kung umibig nama’y lubos.
Ang agwat ng lupa’t langit, sukatin ma’y hindi kaya,
gayun ang pag-ibig ng Diyos, sa may takot sa kanya.

Mabuting Balita

Aleluya! Aleluya!
Manunubos naming lahat,
Ikaw ang dapat magbukas
Ng iyong banal na aklat.
Aleluya! Aleluya!
Mabuting Balita Marcos 14:12-16, 22-26

Ito ang aking katawan. Ito ang aking dugo.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon ayon kay San Marcos

Unang araw ng Pista ng Tinapay na Walang Lebadura,


araw ng pagpatay ng kordero para sa Pasakuwa.
Tinanong si Hesus ng kanyang mga alagad,
“Saan po ninyo ibig na ipaghanda namin kayo ng
Hapunang Pampaskuwa?”
Inutusan niya ang dalawa sa kanyang mga alagad,
“Pumunta kayo sa bayan. May masasalubong kayong isang lalaki na may
dalang isang bangang tubig. Sundan ninyo siya sa bahay na kanyang
papasukan at sabihin ninyo sa may-ari, ‘Ipinagtatanong po ng Guro
kung saang silid siya maaaring kumain ng Hapunang Pampaskuwa,
kasalo ng kanyang mga alagad.’ At ituturo niya sa inyo ang isang
malaking silid sa itaas na mayroon nang kagamitan. Doon kayo
maghanda para sa atin.”
Nagtungo sa bayan ang mga alagad at natagpuan
nga nila roon ang lahat, gaya ng sinabi niya sa kanila.
At inihanda nila ang Hapunang Pampaskuwa.
Samantalang sila’y kumakain, hinawakan ni Hesus
ang tinapay, at matapos magpasalamat sa Diyos
ay kanyang pinaghati-hati at ibinigay sa mga alagad.
“Kunin ninyo; ito ang aking katawan,” wika niya.
Hinawakan niya ang kalis, at matapos magpasalamat
ay ibinigay sa kanila; at uminom silang lahat.
Sinabi niya,
“Ito ang aking dugo ng tipan, ang dugong mabubuhos
dahil sa lahat. Sinasabi ko sa inyo hindi na ako iinom ng alak
na mula sa ubas hanggang sa araw na inumin ko
ang bagong alak sa kaharian ng Diyos.”
Umawit sila ng isang imno at pagkatapos nagtungo
sa Bundok ng mga Olibo.

Ang Mabuting Balita ng Panginoon.


Panalanging Pangkalahatan

Pari: Taglay ang buong tiwala sa Dugo ni Kristo, ating sambitin:


Luwalhati sa Dugo ni Kristo, ngayon at magpakailanman.

Ama na walang hanggan, iniaalay po namin sa inyo ang Kabanal-banalang Dugo ni


Hesus na ibinuhos sa Krus at iniaalay araw araw sa altar para sa ikaluluwalhati ng
iyong ngalan, sa paghahari mo sa amin at sa kaligtasan ng sansinukob.

Ama na walang hanggan, iniaalay po namin sa inyo ang Kabanal-banalang Dugo ni


Hesus na ibinuhos sa Krus at iniaalay araw araw sa altar para sa ikalalaganap ng
Santa Iglesia, para kay Francisco na aming Papa, para sa lahat ng mga obispo at
pari, relihiyoso at relihiyosa, at sa ikababanal ng tanang Bayan ng Diyos.

Ama na walang hanggan, iniaalay po namin sa inyo ang Kabanal-banalang Dugo ni


Hesus na ibinuhos sa Krus at iniaalay araw araw sa altar para sa pagbabalik-loob
ng mga makasalanan, sa mairuging pagtalima sa Iyong kalooban at sa
ikapagkakaisa ng lahat ng Kristiyano.

Ama na walang hanggan, iniaalay po namin sa inyo ang Kabanal-banalang Dugo ni


Hesus na ibinuhos sa Krus at iniaalay araw araw sa altar
Para sa mga umiigit sa pamahalaan, sa ikapagtatag ng moralidad ng ating lipunan,
at para sa kapayapaan at katarungan sa lahat ng bansa.

Ama na walang hanggan, iniaalay po namin sa inyo ang Kabanal-banalang Dugo ni


Hesus na ibinuhos sa Krus at iniaalay araw araw sa altar
Para sa ikababanal ng lahat ng aming gawain at tiisin, para sa mga naghihirap at
nangagdadalamhati, maysakit at para sa lahat ng umaasa sa ating mga panalangin.

Ama na walang hanggan, iniaalay po namin sa inyo ang Kabanal-banalang Dugo ni


Hesus na ibinuhos sa Krus at iniaalay araw araw sa altar
Para sa lahat ng aming pansariling pangangailangan, espiritwal at temporal, para sa
aming kamag-anakan, tagapagtangkilik, at pati na rin sa aming mga kaaway.

Ama na walang hanggan, iniaalay po namin sa inyo ang Kabanal-banalang Dugo ni


Hesus na ibinuhos sa Krus at iniaalay araw araw sa altar
Para sa lahat ng yayao sa araw na ito, sa mga kaluluwa sa purgatoryo at sa aming
pakikipag isa kay Kristo sa kaluwalhatiang walang hanggan.

Pari: Ama, sa pamamagitan ng Dugo ng iyong anak ay pinalaya mo ang tao at


iniligtas sa imbing kamatayan. Ipagpatuloy mo nawa ang pag-ibig sa aming
patuloy na nagdiriwang ng misteryo ng aming kaligtasan, at makarating
nawa sa walang hanggang buhay na pangako mo sa amin. Hinihiling namin
ito sa pamamagitan ni Hesukristong anak mo, nabubugay at naghaharing
kasama mo at ng Espiritu Santo Diyos magpasawalang hanggan.

Amen.

You might also like