Karunungan Ng Puso_mga Paalala at Mensahe Wcd2024

You might also like

Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 3

12 May 2024

Solemnity of the Ascension of the Lord


57th World Communications Day

TO: Parish Priests, Parish Administrators and Shrine Rectors;


DCSC Execom, Vicarial Chairmen and Coordinators,
Parish SOCCOM Ministers;
AD MISSIO Media Partners and Benefactors
RE: Mga Paalala at Pagninilay kaugnay ng 58th World Day of Social Communications

MGA PAALALA

1. Itinatakda sa DCSC Organizational Manual ang Ascension Sunday bilang ARAW


NG PAGTATALAGA SA MGA BAGONG KASAPI AT PAGSASARIWA NG
TUNGKULIN ng mga naglilingkod sa Parish Commission on Social
Communications o SOCCOM Ministers. Kaugnay nito:
a. Ang rito na may pahintulot ng Commission on Liturgy
at ng Ating Obispo ay matatagpuan din sa appendix ng
organizational manual na maaaring ma-access sa website
ng ating Diyosesis.
Link and QR : https://bit.ly/DCSCOrgManual2023
b. Ipinapaalala rin na ang mga maaari lamang italaga
bilang mga bagong kasapi ay iyon lamang mga sumailalim na sa mga
kinakailangang paghubog na itinakda ng DCSC o ng Kura Paroko ng
Parokyang kinabibilangan. (tingnan din sa DCSC Organizational Manual)

2. Ipinapaalala na mayroong SECOND COLLECTION na inilalaan para sa mga


gawain ng Episcopal Commission on Social Communications at DCSC. Sana po,
mahikayat natin ang mga nagsisimba na mag-ambag para sa mga gawaing ito na
sadyang tumutugon sa misyon ng makabagong ebanghelisasyon sa ating
panahon.

Sa ating Diyosesis, mayroon po tayong mga quarterly programs na kailangang


tustusan. Buong taon din po nating tinutustusan ang content creation, management
at maintenance ng ating mga Social Media and internet platforms.

3. Kaugnay ng ating pagdiriwang ngayong Linggo, kalakip nito ang isang


pagninilay at mensahe na maaari po ninyong maisaalang-alang ng mga pari sa
homiliya. Ang pangunahing batayan po nito ay ang Mensahe ni Papa Francisco
para sa 58th World Day of Social Communications na may temang “Artificial
Intelligence and the Wisdom of the Heart: Towards a Fully Human Communication”

FR. JOSEPH FRANZ T. DIZON


Chairman
Commission on Social Communications
PAGNINILAY AT MENSAHE

Karunungan ng Puso: Tungo sa Makataong Pakikipag-ugnayan

May kasabihan tayo sa Filipino: “Madaling maging tao, mahirap


magpakatao.” Alam natin na saklaw ng salitang “pagpapakatao” ang
katotohanan tungkol sa ating mga sarili. Hindi lang tayo umiiral sa mundo
bilang isang nilalang na may katawan at kaluluwa kundi mayroon ding
talino, kakayanan at kalayaan. Nakapaloob din sa ating pagkatao ang ating
pakikipag-ugnayan sa Diyos at sa kapwa, ang ating mga karanasan at
natutunan. Kaya nga sinasabi ni Papa Francisco na may angking
karunungan ang puso. Sa puso, nagkakaroon ng saysay ang lahat ng bagay
sa ating buhay. Kaya mula sa pusong ito, nahahayag din ang karunungan
na maaaring maibahagi sa kapwa para sa pag unlad ng kanilang pagkatao o
“pagpapakatao.”

Ang pag-unlad ng teknolohiya upang maging katuwang natin sa


pamumuhay ay isa sa mga bunga ang pagyabong ng pagkatao. Mula noon
hanggang ngayon, tumutuklas ang tao ng mga pamamaraan upang malutas
ang mga suliranin at mapadali ang buhay sa pamamagitan ng iba’t ibang
instrumento o gamit. Kaya naman sa mga nakalipas na panahon, nakita
nating kung paanong pinadali ng teknolohiya ang ating pakikipag-ugnayan
sa isa’t isa sa pamamagitan ng internet at social media. Kasama na dito ang
mas mahusay na data processing at mas madaling access sa mga
impormasyon. Lalo pa itong pinagbuti sa pamamagitan ng teknolohiya ng
Artificial Intelligence (AI). Gayon pa man, dapat na isaalang-alang na
katuwang lamang ng ating pagkatao ang teknolohiya, hindi kailanman
mapapalitan ng teknolohiya ang ating pagkatao. Kaya nga hinihimok tayo
ni Pope Francis na maging maingat din sa pag-unawa sa AI. Walang
maitiuturing na sariling karungunan ang AI sapagkat hindi naman talaga
ito “nag-iisip” o “nagninilay” kundi nag-iipon lamang at nagpoproseso ng
datos. Ang tao at ang karunungan ng kanyang puso pa rin ang siyang
maninimbang at magsisiyasat kung alin ang tunay na totoo, mabuti at
maganda. Sa makatuwid, Mainam na katuwang ang AI sa ating mga gawain
tungo sa pag-unald ng pagkatao at ng mundo subalit walang sariling puso
ang AI. Kaya dapat tiyakin na hindi mawala ang halaga ng tao sa mundo
dahil sa kanyang puso naroon ang tunay na karunungan.
Sa diwang ito, nais kong ipanawagan sa lahat ng mga mananampalataya,
lalo na sa mga naglilingkod sa pamamagitan ng pamamahayag o SOCCOM
Ministers, na gamitin ang AI bilang katuwang sa pagpapaunlad ng mga
personal na kakayanan at para sa lalong pagyabong at pamumunga ng ating
mga gampanin sa paglilingkod tulad ng pagsusulat, paggawa ng mga iba’t
ibang uri ng graphics at audio-visual materials, documentation, content creation,
at iba pa. Pero hindi naman dapat iasa lamang sa AI ang lahat ng bagay. Ito
ay katuwang lamang ng tao na unang nag-iisip at lumilikha, at sa bandang
huli ay nagpapasya at pumipili kung ano ang talagang mabuti. Huwag
sanang mahadlangan ng AI ang inyong pagiging malikhain. Bagkus, lalo
nawa itong magpaunlad ng inyong pagkatao, at sa pamamagitan ng
paninimbang at pagpapasya ng inyong puso, maitampok din sa anumang
gawain ang angking yaman ng pagkatao ng bawat isa. Kaya naman, pag-
ingatan nating huwag maabuso ang teknolohiyang ito. Hindi ito dapat
maging dahilan para maging tamad tayo. Hindi rin ito dapat gamitin sa
panlilinlang ng ibang tao. Anupa’t ang mga ito ay sadyang taliwas sa
totoong pagpapakatao.

Kaisa ng buong Simbahan, ipinagdiriwang natin ang 58th World Day of Social
Communications binabati namin kayong lahat na patuloy na nagsusumikap
na sundin ang atas ni Hesus na “ipangaral sa lahat ang Mabuting Balita” sa
anumang pamamaraang makatao at maka-Diyos. Ang AI ay biyaya kung
gagamitin sa kabutihan subalit ito’y sumpa kung gagamitin sa masama. Sabi
nga ni Hesus, “Ang mabuting tao ay naglalabas ng mabuti mula sa kanyang
pusong sagana sa kabutihan, samantalang ang masamang tao naman ay naglalabas
ng masama mula sa kanyang pusong puno ng kasamaan.” (Lukas 6:45)

Sa ating patuloy na pakikipag-ugnayan sa Diyos at sa kapwa, patuloy nawa


tayong umunlad sa pagpapakatao upang maparangalan natin ang Diyos
mas mahalin natin ang kapwa. Ito ang karunungan ng puso na kailanman
ay walang katumbas at hindi mapapalitan.

Kaisa at Kaugnay ninyo,

FR. JOSEPH FRANZ T. DIZON


Chairman
Commission on Social Communications

You might also like