ANG LAHAT AY MAY HANGGANAN

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

Juan 11:32-36/Isaiah 40:6-7

ANG LAHAT AY MAY HANGGANAN

Kung mayroon mang isa sa pinakamahalagang MENSAHE na dapat marinig ng mga tao ngayon, ito ay
ang mensahe na nagbibigay ng BABALA katulad ng pinagawa ng Panginoon kay Ezekiel na siyay maging isang
bantay ng Israel sa pamamagitan ng pagbibigay ng babala sa mga taga Israel.

Nagbibigay ng babala ang Panginoon pag ang isang tao o bayan ay sukdulan o abot langit na ang
kanyang kasamaan. Bago parusahan ng Diyos ang isang bayan, lugar o tao dahil sa sukdulan na ang kanilang
kasamaan ay nagbibigay muna siya ng babala.
Sa panahon ni Noe, daang taon siyang nangaral ng mensahe ng pagsisisi bilang babala sa mga tao
bago dumating ang baha. Si Jonas, bago gunawin ng Diyos ang lungsod ng Ninive, pinapunta sya ng Diyos sa
bayang ito upang bigyan sila ng babala na silay paparusahan ng Diyos dahil sa sukdulan na ang kanilang
kasamaan. Si Ezekiel, Jeremiah, Nehemiah, at marami pang ibang man of God sa b ibliya ay mensahe na
nagbibigay ng babala rin ang ipinagawa sa kanya ng Diyos upang bigyan pa ng pagkakataong magsisi sa
kasalanan at makapagbagong buhay ang mga tao at upang magkaroon sila ng buhay na wsalang hanggan.
Ang babala ay isang biyaya, habag at pag-asang muling magbalik loob sa Diyos. Bagamat itoy
masakit tanggapin at mahirap paniwalaan ay kailangan pa rin itong tanggapin at paniwalaan upang
tayo’y maligtas!
Ang babala ay patunay na maging ang Diyos ay nagbibigay ng hangganan o palugit sa isang
taong masama, ayaw kumilala sa Diyos, pinatitigas ang puso, mapaghimagsik sa Diyos at ayaw magsisi
sa kanyang mga kasalanan. Hindi habang panahon ay pagpapasensyahan ng Diyos ang Tao. Mayroong
nakatakdang oras ang pagpaparusa mga kapatid!

Bakit kailangan pang bigyan ng Diyos ng BABALA ang mga tao?


1. Dahil mahal ng Diyos ang mga tao at hindi natutuwa ang Diyos pag ang isang tao’y mamatay na
masama.
2. Dahil pag ang tao’y mamatay na masama, ang kanyang KALULUWA’Y PUPUNTA SA IMPIYERNO, ang
walang hanggang kamatayan.
3. Dahil ang lahat ay may hangganan. Ang lahat ay mamamatay!

Isang katotohanan na ating mapag-aaralan sa umagang ito ay matatagpuan natin sa mga aklat ng:

Juan 11:32-35 “Pagdating ni Maria sa kinaroroonan ni Jesus, nagpatirapa siya sa paanan nito at
nagsabi, “Panginoon, kung narito po lamang kayo, hindi sana namatay ang aking kapatid.” “Nahabag
si Jesus at nabagbag (napahimutok/nagalit) ang kanyang kalooban nang makita niyang umiiyak si
Maria, pati ang mga Judiong kasama nito. “Saan ninyo siya inilibing?” tanong ni Jesus. Sumagot sila,
“Panginoon, halikayo at tingnan ninyo.” Tumangis si Jesus.

Isaiah 40:6-7 “Magpahayag ka!” ang sabi ng tinig.“Ano ang ipahahayag ko?” tanong ko. Sumagot siya,
“Ipahayag mong ang lahat ng tao ay tulad ng damo, ang kanyang buhay ay tulad lamang ng bulaklak
sa parang. Natutuyo ang damo, kumukupas ang mga bulaklak, kapag sila'y mahipan ng hanging mula
kay Yahweh. Tunay ngang ang tao ay tulad ng damo.

Katulad ng mga damo, natutuyo, mga bulaklak ay kumukupas at katulad ni Lazaro, bagama’t siya’y
mahal na mahal ng Diyos, siya’y namatay..lahat sila’y may naging HANGGANAN…maging mga pagkain, may
expiration yan..may hangganan, maging mga gamit, nasisira dahil may hangganan….ito ang hindi natin
maikakailang katotohanan na ANG LAHAT AY MAY HANGGANAN at ito ang tinatawag nating KAMATAYAN na
kinatatakutan ng lahat ngunit hindi pinapahalagahan. Pagkatapos ng mamatay ng ating katawang lupa ay ang
tinatawag nating FINAL DESTINATION naman ng ating kaluluwa….either sa IMPIYERNO o sa LANGIT.

Kung mayroon mang nagpapaiyak, nagpapalungkot at nagpapagalit sa puso’t kalooban ng Diyos, ito ay
ang kamatayan na bunga ng kasalanan (hindi kasi ito ang orihinal na plano sa atin ng Diyos!) Ito ang
hangganan na ayaw ng Panginoon na datnan tayong hindi pa Born-again o walang tunay na pananampalataya.
(Juan 11:33-35) hindi natutuwa ang Diyos sa kamatayan ng masama (Ezekiel 18:23) Hindi ko ikinasisiya ang
kamatayan ng masama,” sabi pa ni Yahweh. “Ang ibig ko nga, siya'y magsisi at magbagong-buhay.
Lagi nating tandaan, lahat tayo’y mayroong kaluluwa na dapat nating bigyan ng halaga dahil ito ang
totoong tayo na mabubuhay ng walang hanggan sa langit o mamamatay ng walang hanggang sa impiyerno
magpakailanman.
Lahat tayo’y mamamatay physically, walang makaliligtas, walang makakatakas. Lahat tayo’y maaagnas,
papangit at babalik sa pagiging alabok kung saan tayo nagmula.
Lahat din tayo’y itinuring ng Diyos na patay spiritually dahil sa ating mga kasalanan! Ang sabi sa Efeso
2:1 Noong una'y patay kayo dahil sa inyong mga pagsuway at mga kasalanan. Ito ang kamatayang
pinakamatindi sa lahat…ANG KAMATAYANG SPIRITUAL NA KAYA TAYONG IBULID SA IMPIYERNO
DAHIL SA KASALANAN.
Mateo 10:28 “Huwag kayong matakot sa mga gustong pumatay sa inyo. Ang katawan lang
ninyo ang kaya nilang patayin, pero hindi ang inyong kaluluwa. Sa halip, matakot kayo sa Dios, na
siyang may kakayahang puksain ang katawan at kaluluwa ninyo sa impyerno.”

Huwag nating katakutan ang kamatayang pisikal kung tayo’y totoong naBorn-again. Matakot
tayo kung abutan tayo ng kamatayan na hindi naBorn-again o walang tunay na pananampalataya at
nananatiling sanggol sa pananampalataya!

Ang kamatayan ay parang isang kabuting sumusulpot na lang bigla kung saan-saan, parang isang
magnanakaw, hindi mo alam kung kailan ka nanakawan. Buti sana kung alam natin kung kailan tayo
mamamatay, para alam sana natin kung kailan tayo magsisisi sa ating mga kasalanan at kung hanggang kailan
tayo magpapakasaya sa ating makamundong pamumuhay… ngunit walang nakaaalam kung kailan at kung
anong oras siya mamamatay eh even ang mga anghel na kasama ng Diyos ay hindi alam kung kailan
mamamatay ang isang tao…ang Diyos lang.
Ngunit, base sa history sa bibliya at sa ating pag-aaral sa bibliya, bago ang kamatayan ng isang
masama, nagbibigay muna ang Diyos ng babala bilang tanda na malapit ng mamatay ang isang tao o
bigyan pa ng mas mahabang buhay ang isang tao. Nais pa ng Diyos ng bigyan ang tao ng pagkakataong
makapagsisi sa kanyang mga kasalanan bago siya mamatay o d kaya’y gamitin pa siya ng Diyos ng mahabang
panahon sa kanyang kapurihan.

Mga kapatid, ANG LAHAT AY MAY HANGGANAN! isa itong babala ng Diyos sa atin na kailangan nating
seryosohin sa panahon natin ngayon dahil pahirapan na ang bumalik sa Diyos at magpakalalim sa Diyos dahil
sa tindi ng hatak ng kasamaan..tayo’y pasalungat sa agos ng mundo kaya’t damang dama natin ang hirap na
maging isang tunay na Kristiyano sa panahon ng matinding kasamaan.
Kung hindi tayo magseseryoso sa ating pananampalataya, baka tayo na mismo ang mapahamak. Kung
hindi tayo magseseryoso sa ating pananampalataya, paano pa tayo gagamitin ng Diyos sa ating pamilya,
kaibigan, kamag-anak, kapit-bahay at sa lahat ng mga taong nakakasalamuha natin.
Kailangan nating makinig sa Diyos, unawaing mabuti ang salita ng Diyos, seryosohin ang salita ng
Diyos, ang babala ng Diyos upang tayo’y maligtas at magligtas ng mga kaluluwa.

Magmadali na tayo ngayon habang may panahon pa sa pagliligtas ng mga kaluluwa dahil hindi
nagbibiro ang kamatayan. HINDI NA DAPAT TAYO ANG INI-IIYAK ng ating mga kapatiran sa iglesya upang
magpabalik-loob sa Diyos, bumalik ang apoy ng ating pananampalataya…siguro, sapat na yung panahong
ibinigay sa atin ng Diyos para sa ating pagiging baby Christian, we need to grow… …Ang isang sanggol, pag
baby pa lang, hindi pa natin makikita kung sino ba tlga ang kamukha nya…masasabi lang nating “confirm” na
kamukha sya ng kanyang ina o ama kung siyay Malaki na…gayundin sa atin mga kapatid bilang mga anak ng
Diyos… Nais ng Diyos na makita tayong lumalago sa ating pananampalataya, maging matured tayong
Kristiyano hanggang sa maging kawangis natin Siya/ si Kristo.. HINDI NA DAPAT TAYO ANG INIIIYAK ng ating
mga kapatiran dapat TAYONG LAHAT ANG UMIIYAK para sa kaligtasan ng ating mga mahal sa buhay!
Sino pa ang magmamalasakit sa ating pamilya kundi tayo! Sino ang magmamalasakit sa iyong pamilya
kung magpapakababaw ka sa iyong pananampalataya??? Oo, mayroong Pastor at Iglesya na pwedeng
manalangin para sa iyong pamilya, ngunit iba kung ikaw mismo ang nagdadala ng pasanin para sa kaligtasan
ng iyong pamilya…damang-dama mo ang bigat ng kalooban ng Diyos at paghahangad niyang maligtas ang
iyong pamilya…
Sino ang labis na nasaktan, nagdalamhati, nalungkot sa pagkawala ni Lazaro? Diba sina Marta at Maria?
Ang kanyang mga kapatid! Ang kanyang pamilya! Anong sinabi nila kay Hesus? “Panginoon, kung narito po
lamang kayo, hindi sana namatay ang aking kapatid.” Hindi ang mga kapit-bahay nila o mga kaibigan nila
ang nagsabi ng ganoon kay Hesus! Kundi ang kanyang pamilya….
Bilang miyembro ng ating pamilya na alam nating hindi pa lahat nakakilala sa ating Diyos, Kailan tayo
tatawag sa Diyos at sasabihin yung sinabi ni Maria….ito naman ang sa atin dahil buhay pa ang ating mga
pamilya “Panginoon, Makilala ka nawa ng aking pamilya upang silay magkaroon ng buhay na walang hanggan”
na maging laman ng ating panalangin…KLASE NG PANALANGING MAY PAGTANGIS, PAGDADALAMHATI,
PAGKALUNGKOT AT PAG-ASA SA DIYOS DAHIL ANG TOTOO PATAY SA SPIRITUAL ANG MGA TAONG
HINDI PA BORN-AGAIN.
Ang pagtawag o pananalangin kay Hesus, hindi lang po minsan….minsan God requires multiple times (it
takes days, weeks, months and years) sa pagtawag sa kanya upang tignan kung tayoy talagang totoo,
desperado at sincere sa ating hinihingi sa kanya… God is always ON TIME in ANSWERING OUR PRAYERS!
Ang ating Diyos ay sumasagot sa panalangin ng mga taong desperado katulad ng kwento ng babaeng balo sa
Lucas 18:7-8 7 Ngayon, ipagkakait kaya ng Diyos ang katarungan sa kanyang mga hinirang na
dumaraing sa kanya araw-gabi? Sila kaya'y paghihintayin niya nang matagal? 8 Sinasabi ko sa inyo,
agad niyang ibibigay sa kanila ang katarungan. Ngunit sa pagbabalik ng Anak ng Tao, may daratnan
pa kaya siyang mga taong may pananampalataya?”
Ang tanong? sa pagbabalik ng Anak ng Tao, may daratnan pa kaya siyang mga taong may
pananampalataya?” parang ganito ang sinasabi, may daratnan pa kaya siyang nananampalataya/naniniwala sa
Kanya na kaya niyang iligtas ang mga tao sa pamamagitan ng hindi natin pagsasawang hingin sa pamamagitan
ng panalangin ang kanilang kaligtasan???? Tulungan tayo ng Diyos!

Dapat makaramdam tayo ng pagmamadali sa pag-abot ng mga kaluluwa habang patuloy na


ipinaaalam ng Panginoon ang kalagayan ng mga taong mapaghimagsik sa Diyos!
Kailan natin mararamdaman ang pagmamadali para sa kaligtasan ng ating mga mahal sa buhay? Pag
patay na sila? Kung huli na ang lahat? Kailan tayo magpapakalalim sa ating pananampalataya? Kung 50-50 na
ang buhay ng ating mga mahal sa buhay? Kung hindi na sila makarinig? Kung lantang gulay na sila? Kung
dumating na tayo sa puntong hahayaan naa ng Diyos mismo ang mga tao sa kanilang mga kasamaan? Ay!
Lalong mahihirapan tayo mga kapatid na akayin sila sa kaligtasan!
HUWAG NATING IPAG-KAIT ANG PWEDE PA NILANG MAGAWA AT GAWIN PARA SA DIYOS HABANG
BUHAY PA ANG ATING MGA PAMILYA/MGA MAHAL SA BUHAY, HABANG BUHAY PA ANG ATING MGA
KAIBIGAN! Kung hindi tayo ang mamamatay any time, pwedeng SILA ang mamatay any moment! Time is Gold!
Tandaan natin, ang lahat ay may hangganan! Huwag ng ipagpabukas ang pwede nating gawin at
magawa ngayon na pagtulong. Biblical ho yan….Kawikaan 3:28.
Higit pa sa pera o mga material na mga bagay ang pwede nating maitulong sa ating kapwa, sa ating
mga mahal sa buhay mga kapatid….tulungan natin silang makilala nila si Hesus at maging panginoon ng
kanilang mga buhay! Ang kanilang kaluluwa ay mapunta sa langit!
HABANG MAY PANAHON PA! Malapit ng dumating si Hesus!

Hanggang kailan ba tayo MANANALANGIN sa Diyos for the salvation of the Lost???
Hanggang sa kanyang pagdating! Hanggang tayo’y buhay pa at buhay pa ang ating mga
ipinapanalangin mga kapatid! Huwag nating sukuan ang ating mga mahal sa buhay! Habang may buhay, may
pag-asa! Huwag tayong mapagod humingi sa Diyos! Huwag tayong mapagod kumatok sa Diyos! Huwag
tayong mapagod hanapin ang Diyos mga kapatid, dahil MAY MAPAPALA TAYO SA DIYOS kung tayo’y hindi
susuko! Dahil ang manatiling tapat hanggang wakas….MANATILI, kailangang manatili tayong umaasa,
nakakapit, nagtutiwala at nananampalataya sa Diyos hanggang sa kanyang pagbabalik! Kung hindi tayo
mananatili, baka tayo’y mabali sa puno ng buhay at itapon tayo sa apoy..

Wala na tayong ibang pwedeng maging sandata sa kaligtasan ng mga mahal natin sa buhay, kapit-bahay,
kaibigan sa lahat ng mga tao kundi ang paulit-ulit nating pinag-aaralan: PANANALANGIN AT PAGBABAHAGI
NG SALITA NG DIYOS!

SANA sa kasalukuyan bilang isang totoong Born-again, totoong nakakilala sa Diyos:


- Sana isa tayo sa mga nagdadalamhati, nababagabag, nasasaktan at nahihirapan sa kalagayan ng ating
mga mahal sa buhay na hindi pa born-again.
- Sana isa tayo mga kapatid sa nakakaramdam sa puso ng Diyos na “HINDI NATUTUWA SA KAMATAYAN
NG MASAMA” para sa mga ayaw kumilala sa kanya.
- Sana isa tayo mga kapatid sa nagtitiis sumunod sa Diyos alang-alang sa kaligtasan ng kaluluwa ng ating
mga mahal sa buhay gayundin sa ating mga kaluluwa.

This MESSAGE OF WARNING is for all….


Born-again at Hindi born-again! Kung born-again ka at hindi mo ginagawa ang tamang dapat gawin,
ikaw humihina na ang iyong pananampalataya at pinagwawalang bahala mo lang ito, ikaw ay patuloy na
ginagawa ang lahat ng uri ng kasamaan, ayaw mong makinig sa paalala at babala, ayaw mong magsisi,
naghihimagsik ka sa Diyos! tandaan natin…may palugit ang Diyos sa atin! Huwag nating akalain na sapat ng
tayo’y dumadalo lang…hindi lang yun ang utos ng Diyos mga kapatid na dapat nating gawin…marami pa! May
pagsusumikap pa bang nakikita ang Diyos sa atin na sumunod sa Diyos o mas pinili at kundisyon na ang isipan
natin na makontento na lang tayo sa kaunting oras na naibibigay natin sa Diyos “atleast nagchuchurch pa ako”,
ngunit ang totoo’y marami pa tlga tayong oras na pwedeng ibigay sa kanya..what if kunin ng Diyos ang kahit
isang oras sa atin, may magagawa pa kaya tayo? Kung hindi natin pakikinggan ang babalang ito, tayo’y
pupunta sa impiyerno!

Kung hindi ka pa born-again, walang pananampalataya sa Diyos, patuloy kang gumagawa ng lahat ng
uri ng kasamaan, ayaw mong pakinggan ang mensahe ng pagsisisi, ayaw mo itong paniwalaan, ayaw mong
magsisi sa iyong kasalanan, patuloy kang naghihimagsik sa Diyos!
Tandaan nyo, hindi nyo alam ang schedule ni kamatayan sa pintuan nyo, kung kailan sya kakatok at
papasok upang kunin ang buhay mo! Baka mamaya pagkagising mo, nasa impiyerno ka na.. Tandaan nating
lahat! MAY IMPIYERNO!
Naririnig na natin ngayon ang mga BABALA ng Diyos through his words, through our Pastors and
Leaders! Sige, magbingi-bingihan at magbulag-bulagan tayo upang pagdating ng araw sasabihin nmn ng
Diyos sa atin….HINDI KITA KILALA! Mas masakit yon mga kapatid! Wala ng pag-asa! Huli na ang lahat!

Tandaan natin, ang BABALA ay binigay ng Diyos upang hindi tayo masunog habang buhay sa
impiyerno! Hindi nagbibiro ang Diyos mga kapatid! ANG LAHAT AY MAY HANGGANAN!

Ang sabi sa Hebreo 3:15 “Ito nga ang sinasabi sa kasulatan, “Kapag narinig ninyo ngayon ang tinig ng
Diyos, huwag ninyong patigasin ang inyong mga puso, tulad noong kayo'y maghimagsik sa Diyos.”

You might also like