ANG DIYOS NA HINDI NAGBABAGO

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 3

ANG DIYOS NA HINDI NAGBABAGO!

Gawa 12:1-19

Sa panahon ng matinding pagkilos ng Diyos lalu na sa kaligtasan ng maraming tao ay ganoon


din katindi ang pagkilos ni Satanas upang pigilin at harangan ang pagkilos ng Diyos sa mga tao.
Sa aklat ng mga gawa, Nakita natin ang matinding buhos ng Espiritu Santo na naging dahilan
ng malawakang pagkilos at pagbuhos ng kapangyarihan ng Diyos at marami ang naligtas… halos
araw-araw ay libo-libo ang naliligtas. Ngunit ang poot ni Satanas sa pamamagitan ng mga matitinding
pag-uusig sa mga mananampalataya noon ay hindi naging hadlang dahil sila’y puspos ng Espiritu
Santo, lalu pa silang nagpahayag ng Salita ng kaligtasan sa mga tao at lalu pang nakikita at
nararanasan ng mga tao ang kapangyarihan ng Diyos!
Asahan natin na hindi tayo iibigin ng mga taong nakapaligid sa atin kung totoo nating iibigin
ang panginoong Diyos sa buhay natin. Asahan nating mamumuhi sila sa atin. Asahan nating hindi
lahat sa atin ay kanilang magugustuhan. Asahan nating maiinis sila sa atin. Juan 15:18 Yamang
ang sangkatauhan ay napopoot sa inyo, alam ninyo na ako muna ang kinapootan nito bago
kayo. 19 Ngunit kung kayo ay sa sanlibutan, iibigin ng sangkatauhan ang sariling kaniya.
Subalit hindi kayo sa sanlibutan.Hinirang ko kayo mula sa sanlibutan. Dahil nga dito,
kinapopootan kayo ng sankatauhan.

Sa pangyayaring ito sa aklat ng mga gawa, mayroong ipinaintindi sa akin ang Panginoon na
siyang magpapalakas sa ating pananampalataya at magagamit natin ito araw-araw sa ating buhay
bilang isang totoong tagasunod ni Kristo. Bagamat ang mga pangyayaring ito’y naganap na, ibig
sabihin ay tapos na….Ang Diyos na kanilang sinamba noon ay siya pa ring Diyos natin na
pinaglilingkuran hanggang ngayon. Pahayag 22:13 “Ako ang Alpha at Omega, ang simula at ang
wakas, ang una at ang huli.”
Siya’y si Hesu Kristo na namatay sa krus ng kalbaryo dahil sa ating mga kasalanan upang
tayo’y tubusin at iligtas sa kamatayang walang hanggan sa apoy ng impiyerno at pagkaraan ng
tatlong araw ay muli siyang nabuhay. Siya’y hindi maliit na Diyos, hindi rin siya tao lamang kundi siya
ang TUNAY NA DIYOS na ating sinanasambat pinaglilingkuran, ang ating Panginoon at
Tagapagligtas!

1. ANG DIYOS NA SUMAGOT SA TAIMTIM NA PANALANGIN NG MGA MANANAMPALATAYA


AY SIYA PA RING DIYOS SUMASAGOT SA TAIMTIM NA PANALANGIN NATIN HANGGANG
NGAYON!
Ang mga mananampalataya noon ay puspos ng Espiritu Santo kaya’t mayroon silang malinaw
na pagkaunawa sa kung ano ang magagawa at gagawin ng Diyos sa kanyang mga anak sa
pamamagitan ng panalangin. Ang una nilang naging tugon sa panahon ng pag-uusig o pagsubok ay
TAIMTIM NA PANANALANGIN….hindi ito ordinaryong panalangin lang kundi ito’y isang
DESPERADONG PANALANGIN sa isang DESPERADONG NANANALANGIN. Pag sinabing
Desperado ito ay nangangahulugang matinding pagnanasang makamit o makuha ang isang
bagay..
Bagamat malaki ang nagagawa ng panalangin ng isang taong matuwid, naniniwala naman
akong mas malaki ang magagawa ng isang Iglesyang matuwid na nagkakaisa sa pananalangin, ito’y
samama-samang pananalangin ng mga mananampalataya! Ang pagkakaisa ng mga
mananampalataya noon sa pananalangin ay nagpapakita ng nagkakaisang damdamain ng Iglesyang
maligtas si Pedro sa bilangguan!
Dahil sa kagustuhan nilang sagutin AGAD ng Diyos ang kanilang mga panalangin, sila’y hindi
na halos naghihiwalay, kundi lagi silang nagsasama-samang nananalangin sa Panginoon.
Kung ang Diyos nila noon ay Diyos pa rin natin hanggang ngayon, bakit parang mahirap nating
makita sa ngayon ang mabilisang pagtugon ng Diyos sa ating mga dalangin? Kailangan nating
makita at malaman kung ano ba ang mayroon sila noon na wala sa atin ngayon…. ITO AY ANG
KAPUSPUSAN NG ESPIRITU SANTO bilang isang Iglesya, MATINDING PAGNANASANG
MARANASAN ANG KAPANGYARIHAN NG DIYOS SA BUHAY NATIN. ANG DIYOS MISMO!!
Makikita natin sa uang mga chapter sa Gawa, hinangad nila ang Diyos kaya sila’y patuloy na
nanalangin araw-araw, hinintay nila ang pagdating ng Espiritu Santo. After that, ibinigay ng Diyos ang
kanyang pinangakong Espiritu Santo na ibubuhos sa kanila.. Silang lahat ay napuspos at naging
extra ordinary ang kanilang mga buhay. Sila’y patuloy na naghanap sa Diyos, patuloy na nagtiwala sa
Diyos, patuloy na naglingkod sa Diyos, patuloy na nanalangin sa Diyos at patuloy na naranasan ang
Diyos sa kanilang mga buhay!
Ang hinahangad na kasi ng mga tao ngayon kung bakit hindi na natin maranasan ang
mabilisang pagtugon ng Diyos sa ating mga dalangin, hindi na ang Diyos eh kundi kung ano ang
makukuha natin sa Diyos! Ang hangarin natin ang Diyos sa ating panalangin ng higit sa mga bagay
na gusto at hiling natin sa ay ang pinakamainam na laman ng ating panalangin.
Tandaan natin: Sa ating pagsamba sa Diyos, gaano man kadaming pangangaral,
pagtuturo, pag-aawitan o gawain sa church ay hindi magbubunga ng tunay na kapangyarihan
at presensya ng Espiritu Santo nang walang taimtim na pananalangin!
Ang Diyos ay hindi sinungaling. Siya ay Diyos natin hindi dahil sa siya ay sumasagot ng
Panalangin..Tandaan natin, Siya’y sumasagot na ng Panalangin noong mga panahong hindi pa natin
siya ginawang Diyos ng buhay natin. Huwag natin siyang gawing Diyos dahil may makukuha tayo sa
kanya kapag tayo’y nananalangin, what if hind inga nya tugunin ang mga panalangin natin? Di hindi
na natin siya magiging Diyos? Maraming mga Kristiyano ang nawawala ang kanilang
pananampalataya dahil una, hindi totoo ang kanilang pananampalataya dahil mali ang kanilang
pundasyon sa faith nila….pangalawa, hindi nila napapasunod ang Diyos sa gusto nila! Kinukwestion
nila ang Diyos kung bakit hindi nangyari at hindi sinagot ang kanilang mga panalangin! Sagutin man
ng Diyos o hndi ang ating mga panalangin, we don’t need to question God! Siyay Diyos pa rin at
mananatiling tunay na Diyos! Period!

2. ANG DIYOS NA NAGLIGTAS KAY PEDRO AY SIYA PA RING DIYOS NA NAGLILIGTAS


HANGGANG NGAYON!
Dahil sa desperadong panalangin ng Iglesya, iniligtas ng Diyos sa pamamagitan ng anghel si
Pedro. May layunin ang Diyos sa buhay ni Pedro kaya siya niligtas. Ito ay upang gamitin Siya ng
Diyos upang marami pang makakilala sa tunay na Diyos na si Kristo Hesus at maraming maborn
again, maligtas sa apoy ng impiyerno.
Gayundin, May magagawa ang panalangin natin sa kaligtasan ng mga tao. Naniniwala akong lahat
sa atin, majority, may nanalangin kaya tayo naligtas! Isa lang ang alam kong dakilang layunin ng
Panginoon sa atin kaya nya tayo iniligtas, ito ay ang GAMITIN NIYA ANG ATING BUHAY UPANG
MARAMI PANG MAABOT NA KALULUWA PARA MALIGTAS. We were saved to save others!
Sa kabilang banda, kaya tayong iligtas ng Panginoon sa lahat ng kapahamakan, sakuna, sakit
o karamdaman….walang duda doon…ngunit higit ang kaligtasang nais ng Panginoon sa atin, Ito’y
ang maligtas tayo sa SA APOY NG IMPIYERNO! Colosas 3:2 2 Ang mga bagay na panlangit ang
isaisip ninyo, hindi ang mga bagay na panlupa… Ang higit nating asamin at naisin ang kaligtasan
sa mundong ito ay hindi kalooban ng Diyos. Mateo 16:25 “Ang naghahangad na magligtas ng
kanyang buhay ay mawawalan nito; ngunit ang mawalan ng kanyang buhay alang-alang sa
akin ay magkakamit nito.”
Kaya kung maliwanag at talagang naintindihan natin ang pinakalayunin ng Diyos sa kaligtasan
ng mga tao, we will never question God kung mamatay man tayo sa sakit o disgrasya….ang
mahalaga, LIGTAS ang mga KALULUWA natin! HINDI TAYO MAPUNTA SA IMPIYERNO!
Isaiah 55:9 Kung paanong ang langit ay mas mataas kaysa lupa, ang aking kaparaanan
ay higit kaysa inyong kaparaanan, at ang aking kaisipan ay hindi maaabot ng inyong kaisipan.

3. ANG DIYOS NA NAGPALAYA KAY PEDRO AY SIYA PA RING DIYOS NAGPAPALAYA SA


MGA BILANGGO NI SATANAS HANGGANG NGAYON!
Nais ni Satanas na manatili tayong nakabilanggo upang hindi tayo makasunod sa Diyos,
bilanggo sa pagiging pagkamahiyan, matatakutin natin upang hindi tayo magamit ng Diyos, bilanggo
sa past natin kaya hindi tayo makaarangkada sa paglilingkod, bilanggo sa business natin kaya hindi
tayo makasunod.. Ayaw ng Diyos na tayo’y manatili sa bilangguan ni Satanas. Kagaya ni Pedro, kung
patuloy na magkakaisa ang Iglesya sa pananalangin, ang mga kapatirang pilit na ibinibilanggo ni
satanas ay makakalaya! Walang kapuspusang magaganap sa Espiritu Santo hanggat tayo’y bilanggo
pa ni Satanas sa pamamagitan ng mga kahinaan natin. Huwag nating hayaang talunin tayo ng
kahinaan natin, humungi tayo ng tulong sa Diyos, Kailangan nating isuko sa Diyos ang mga bagay-
bagay na pumipigil sa ating pagsunod sa kanya upang tayoy makasunod sa Diyos. Ang nakakaalam
ng tama ngunit hindi niya ginagawa ay nagkakasala!
Hindi lang tayo ang pwedeng makalaya kundi pati na rin ang mga taong bilanggo sa
kasalanan, bilanggo sa kasinungalingan, bilanggo sa mga maling katuruan….kaya silang iligtas ng
Panginoon!

Walang magic sa sinasabi kong panalangin ano po, hindi dahil sa nanalangin tayo ay kikilos
ang Panginoon, hindi po…Manalangin tayo o sa hindi, makakikilos pa rin ang Panginoon kung
gugustuhin niya, Ngunit kailangan nating malaman na hindi tayo nananalangin upang siyay kumilos
kundi ang pananalangin ay dapat tlaga nating gawin bilang mga anak ng Diyos at itoy ebidensyang
tayo nga ay pinananahanan ng Espiritu Santo at ito rin ay pagpapakita sa Panginoon ng kagustuhang
maranasan natin siya sa buhay natin at sa buhay ng mga taong hindi pa ligtas!

4. ANG DIYOS NA GUMAWA NG HIMALA SA BUHAY NI PEDRO AT SA MGA


MANANAMPALATAYA AY SIYA PA RING DIYOS NATIN NGAYON!
Amen! He is the same yesterday, today and forever! Patuloy nating idalangin sa Diyos na ang
kanyang Himala ay maranasan natin sa panahon natin ngayon. Ang himalang ito ay ang Revival na
kailangang kailangan natin sa kasalukuyan. Malibang magkaroon ng revival, hindi tayo makasasaksi
ng himala na galing sa Diyos! Revival – great move of God! Maniwala tayo, manalangin tayo ng
taimtim, maging desperado tayo sa paghingi ng revival sa Diyos, ng himala sa Diyos….at gaya ng
pagtugon agad ng Diyos sa panalangin ng mga mananampalataya sa gawa ay maranasan natin.
Hindi nagbabago ang Diyos natin. Tayo lang ang nagbago.

Ang bilis ng pagtugon ng Diyos sa panalangin natin ay nakadepende sa tindi ng ating


panalangin/ the momentum of God's response to our prayers depends on the intensity of our
prayers

You might also like