Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 30

7

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 2
Sinaunang Kabihasnan ng Asya:
Sumer,Indus,Shang
Araling Panlipunan - Baitang 7
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 2: Sinaunang Kabihasnan ng Asya:
Sumer,Indus,Shang
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Regional Director: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Assistant Regional Director: Dr. Victor G. De Gracia Jr, CESO V

Development Team of the Module


Author/s: Eden Grace A. Paluca
Reviewers: Edwin V. Beloy, HT-I, Felino Y. Techo, MT- I
Illustrator and Layout Artist: Eden Grace A. Paluca, Keren Danielle B. Avelino

Management Team
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director

Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V


Asst. Regional Director

Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI


Schools Division Superintendent

Myra P. Mebato,PhD, CESE


Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD

Members Neil A. Improgo, EPS-LRMS


Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Samuel C. Silacan, EdD, CID Chief
Eleazer L. Tamparong, EPS - Araling Panlipunan
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS
Berlyn Ann Q. Fermo, EdD, PSDS
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II
7
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 2
Sinaunang Kabihasnan ng Asya:
Sumer,Indus,Shang
Paunang Salita
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul 2 ukol sa Sinaunang Kabihasnan ng Asya: Sumer, Indus, Shang!
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga


dapat mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano


na ang kaalaman mo sa aralin ng modyul.
Kung nakuha mo ang lahat ng tamang sagot
(100%), maaari mong laktawan ang bahaging
ito ng modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa


malayang pagsasanay upang mapagtibay ang
iyong pang-unawa at mga kasanayan sa
paksa. Maaari mong iwasto ang mga sagot
mo sa pagsasanay gamit ang susi sa
pagwawasto sa huling bahagi ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o


pupunan ang patlang ng pangungusap o talata
upang maproseso kung anong natutuhan mo
mula sa aralin.
Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong
sa iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad
ng buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o


masukat ang antas ng pagkatuto sa pagkamit
ng natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:

Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa


Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.

Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:


1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi
ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!
Talaan ng Nilalaman

Alamin ---------------- 1
Subukin ---------------- 2

Aralin 1:
Kabihasnang Shang ---------------- 3
Balikan ---------------- 3
Tuklasin ---------------- 4
Suriin ---------------- 5
Pagyamanin ---------------- 7

Aralin 2:
Kabihasnang Indus ---------------- 8
Tuklasin ---------------- 8
Suriin ---------------- 9
Pagyamanin ---------------- 11

Aralin 3:
Kabihasnang Shang ---------------- 12
Tuklasin ---------------- 12
Suriin ---------------- 13
Pagyamanin ---------------- 15

Isaisip ---------------- 16
Isagawa ---------------- 17
Tayahin ---------------- 18
Karagdagang Gawain ---------------- 21
Susi sa Pagwawasto ---------------- 22
Sanggunian ---------------- 23
Alamin

Nais mo bang malaman ang pagsibol at pag-unlad ng sinaunang


kabihasnan sa Asya? Sa bahaging ito ng aralin, magsasagawa ng mga
kasanayan para sa pagtuklas ng mga kaalaman na may kaugnayan sa pag-
usbong ng kabihasnan sa Asya. Marahil ay handa ka na para sa pagtupad at
pagsasagawa ng mga gawain. Simulan mo na!

Ang modyul na ito ay nahahati sa tatlo, ito ay:

 Aralin 1 – Kabihasnang Sumer


 Aralin 2 – Kabihasnang Indus
 Aralin 3 – Kabihasnang Shang

Pagkatapos ng araling ito inaasahan na ang mga mag-aaral ay:

1. masusuri ang mga katangian ng Kabihasnang Sumer, Indus at Shang


2. mapahahalagahan ang mga kontribusyon ng sinaunang kabihasnan sa
kasalukuyan.
3. makagagawa ng isang collage na nagpapakita ng kagamitang
pangkultura ng mga sinaunag kabihasnan.

1
Subukin

Panuto: Basahing mabuti ang mga pangugusap. Isulat ang TAMA kung tama
ang inilalahad ng pangungusap at MALI kung hindi wasto ang inilalahad ng
pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

_________1. Sumerian ang tawag sa mga sinaunang taong nagmula sa Tsina.


_________2. Ang Kabihasnang Indus ay kabihasnang umusbong sa lambak
malapit sa Ilog Indus.
_________3. Ang kabihasnang Shang ay umusbong sa Tsina.
_________4. Ang mga Sinaunang Kabihasnang Asyano ay may mahahalagang
ambag sa kasaysayan ng Asya at ng buong mundo.
_________5. Ang mga kabihasnan ay nagsimulang umusbong sa mga lugar na
malapit sa ilog.
_________6. Ang isang kabihasnan ay bumabagsak dahil sa kawalan ng
pagkakaisa ng mga tao.
_________7. Patuloy na namamayagpag ang Kabihasnang Sumer sa kabila ng
tunggalian ng mga lungsod-estado.
_________8. Ang Ziggurat ay matatagpuan sa kabihasnang Indus.
_________9. Sinasabing mahiwaga ang Kabihasnang Indus.
_________10. Ang hari ng kabihasnang Shang ay may tungkuling politikal
lamang.
_________11. Ang Cuneiform ay ang sistema ng pagsulat ng Kabihasnang
Shang.
_________12. Maraming nakitang artifact sa Kabihasnang Shang na
nagpapakita
na masayahin at malikhain ang mga tao sa kabihasnang ito.
_________13. Pictograph ay isang sistema ng pagsulat sa Kabihasnang Sumer.
_________14. Paring-hari ang tawag sa pinuno ng mga Sumerian.

2
_________15. Bumagsak ang kabihasnang Shang dahil walang pagkakaisa.

Aralin
Kabihasnang Sumer
1

Matapos mong matutuhan ang mga lugar na naging panirahan ng Unang


Asyano ay tuklasin mo naman ang naging kasaysayan at katayuan ng mga
kabihasnang itinatag o nabuo ng mga Unang Asyano. Pagkatapos, sagutin ang
mga katanungan na magbibigay sa iyo ng malawak na kaalaman.

Balikan

Bago natin pag-aralan ang tungkol sa Kabihasnang Sumer, Indus at


Shang, isulat mo sa bawat kahon ang mga salik sa pagbuo ng kabihasnan.
Gawing gabay ang halimbawa sa loob ng unang kahon.

Salik sa Pagbuo ng
Kabihasnan

Hal.
Sentralisadong
pamahalaan

3
Tuklasin

Gawain 1:

Panuto: Buuin ang salitang nakatago gamit ang mga gabay na larawan at salita.
1. Halimbawa:

go + long = GULONG

Zig + go + rat = ________

cue + knee + form =_________

me + saw + pooh + tamia =___________


_

\\

Clay + tablet =__________

Suriin

4
1. Bakit tinawag ang Mesopotamia na cradle of civilization?
2. Ano ang mga mahahalagang ambag ng Kabihasnang Sumer?
3. Bakit bumagsak ang Kabihasnang Sumer?

Ang Kabihasnang Sumer

Ang Mesopotamia ang kinilala


bilang “cradle of civilization’’ dahil dito
umusbong ang unang sibilisadong
lipunan ng tao. Matatagpuan ang
Mesopotamia sa Gitnang Silangan na
tinawag na Fertile Crescent, (Iraq) isang
arko ng matabang lupa na naging
Ilog Tigis at Euprates
tagpuan ng iba’t ibang grupo ng tao mula
sa Persian Gulf hanggang sa dalampasigan ng Mediterranean Sea. Sa lugar na
ito matatagpuan ang Ilog ng Tigris at Euprates kung saan umusbong ang
kabihasnan. Noong panahong Neolitiko natatag ang pamayanang Jericho sa
Israel at Catal Huyuk sa Anatolia at mga kalat-kalat na pamayanan sa Zagros.
Subalit hindi naglaon nangibabaw ang Sumer na naging sentro ng kabihasnang
Mesopotamia. Pagsasaka ang uri ng pamumuhay ng mga mamayan ng Sumer.
Nagtayo ng mga kanal at dike para sa sistema ng irigasyon. Nagtatag din sila ng
mga lungsod-estado sa tabi ng ilog at sa mga tributaryo at namuhay ng pangkat–
pangkat at magkakahiwalay.Tinatawag na Teokrasya (Theocracy) ang sistema
ng pamahalaan na kung saan ang hari ay ang pari (patesi) ng bawat lungsod-
estado at walang iisang pinuno. Nakapangkat sa mga malayang lungsod–estado.
Madalas ang alitan dahil sa hangganan ng nasasakupan at pinunong sinusunod
ng bawat estado. Ang mga mahahalagang lungsod ng Sumer ay ang Ur, Uruk,
Eridu, Lagash, Nippur at Kish. Sa katunayan, isang pinakamahalagang gusali
ang itinayo sa Ur na tinawag na Ziggurat bilang pagbibigay karangalan sa
kanilang mga diyos na nagsisilbing panirahan nito. Nagkaroon sila ng sistema ng

5
pagsulat na tinawag na cuneiform na binubuo ng 500 pictograph at mga
simbolong sinusulat sa tabletang luwad (clay tablet) gamit ang stylus. Kasunod
nito ang pagkakaroon ng mga scribe na tagatala o tagasulat ng mga pangyayari
sa pamamagitan ng pag ukit sa mga clay tablet na naging basehan ng mga
historyador ng eksaktong petsa kung kailan naganap ang isang pangyayari. Sa
pag-unlad ng sining natala ang mga ito gaya ng mahahalagang tradisyon,epiko
na naging katibayan ng kanilang kabihasnan. Isang patunay nito ang Epiko ng
Gilgamesh.
Ilan sa mga ambag at kontribusyon ng Sinaunang Sumer ay ang pagkalikha ng
unang sistema ng pagsulat na tinawag na cuneiform, pagkaimbento ng gulong,
sentralisadong pamahalaan ng mga lungsod-estado, paggamit ng
Kalendaryong lunar, paggamit ng mga kasangkapan na gawa sa bronze.
Umunlad ang mga pamayanan at naging lungsod- estado na malaya at
nagsasarili, subalit hindi naglaon nagkaroon ng mga pag-aaway na siyang
dahilan ng walang pagkakaisa ng mga mamayan. Sinamantala ng ibang lungsod
tulad ng Akkadian ang mga pangyayaring ito at tuluyang nasakop ang mga ito.
Bumagsak ang Kabihasnang Sumer dahil sa kawalan ng pagkakaisa, walang
natural na depensa sa mga mananakop, mahinang pamahalaan dahil sa nag-
aalitang mga pinuno at mga tagasunod.

Mga kasangkapang
Ziggurat Cuneiform Clay tablet gulong gawa sa alloy bronze

Pagyamanin

Gawain 2: Krusigama ng Kabihasnang Sumer

6
Panuto: Buuin ang krusigama tungkol sa Kabihasnang Sumer. Gamiting gabay
ang mga pahayag na nasa ibaba na angkop sa bawat bilang.

Pahalang Pababa
5. tawag sa tagatala ng mga pangyayari 1. tawag sa pinakamataas na uri ng
tao sa lipunan
8. templo ng Kabihasnang 2. sistema ng pagsulat
10. sistema ng pamahalaan 3. epiko na nalikha sa kabihasnan
11. ginagamit sa karwahe 4. gumagamit ng mga kasangkapang
yari sa metal
12. tinawag na cradle of civilization 6. Tabletang luwad
7. ang kabihasnang umusbong sa
mga ilog ng Tigris at Euphrates
8. hanapbuhay ng mga mamamayan

Aralin
Kabihasnang Indus
2

7
Maliban sa Kanlurang Asya, naging sentro din ang Timog Asya ng isa sa
mga sinaunang kabihasnan sa daigdig. Ito ang Harappa at Mohenjo-Daro na
matatagpuan sa kasalukuyang India at Pakistan. Halika at alamin natin ang mga
kabihasnang umusbong dito.

Tuklasin

Gawain 3: Itugma Mo!


Panuto: Itugma ang mga salita sa Hanay A sa Hanay B batay sa kahulugan nito.
Hanay A Hanay B
1. Dravidian A. mataas na moog
2. Citadel B. pangkat ng tao na bumuo sa
kabihasnang Indus
3. Pictograph C. isang sistema ng pagsulat
4. Indus River at Ganges D. daluyan ng sibilisasyong Indus
5. Indus E. Kabihasnang umusbong sa
India

Suriin

8
1. Bakit itinuring na mahiwaga ang kabihasnang umusbong sa Indus? Paano
ito naglaho?
2. Ano ang mga mahahalagang ambag ng kabihasnang Indus?

Kabihasnang Indus
Ang Kabihasnang Indus ay
umusbong sa lambak ilog ng Indus River,
pati na rin sa Ganges River. Ang
dalawang ilog na ito ay matatagpuan sa
Timog Asya. Ito ay binabantayan ng
matatayog na kabundukan sa Hilaga. Ang
kabundukan ng Himalayas at ng Hindu
Kush ay may ilang landas sa ilang
Ilog Indus at Ilog Ganges na daluyan ng kabihasnang kabundukan nito, tulad ng Khyber Pass.
Indus
Ang lupain ng Indus ay di hamak na mas malawak kaysa sa sinaunang Egypt at
Mesopotamia. Sakop nito ang malaking
bahagi ng Hilagang Kanluran ng dating
India at ang lupain kung saan matatagpuan
ang Pakistan sa kasalukuyan. Ang tubig ng
ilog Indus ay nagmumula sa malayelong
kabundukan ng Himalayas sa Katimugang
Citadel at mababang moog
Tibet. Masasabing sedentaryo at
agrikultural ang pamumuhay ng tao dito batay sa mga nahukay na ebidensya.
May dalawang importanteng lungsod ang umusbong dito, ang Harrapa at
Mohenjo-Daro. Planado at organisadong lungsod mayroon ang kabihasnang
Indus. Bahagi ng lungsod ang (1) Citadel o mataas na moog na nasa bandang
Kanluran at nakapatong sa platform na brick na may 12 metro ang taas at
napapalibutan ng pader, may malaking imbakan ng mga butil, malaking
bulwagan at pampublikong paliguan. (2) Mababang bayan naman ay may mga
grid-patterned na lansangan at pare-pareho ang sukat na bloke ng kabahayan.
Ang mga bahay ay gawa sa mga brick na pinatuyo sa pugon. Flat o pantayang

9
bubong ng bahay at karaniwang nakatalikod sa pangunahing kalsada. May ilang
bahay na umaabot sa 2 o 3 palapag at may balkonahe na gawa sa kahoy, may
banyo na konektado sa imburnal.
Pinalagay na ang mga Dravidian ang bumuo ng kabihasnang Indus. Salat
sa likas na yaman ang Indus tulad ng metal at kahoy kaya't pagsasaka ang
naging pangunahing gawain dito. Tulad ng Sumerian natuto rin silang
makipagkalakalan sa mga baybayin ng Arabian Sea at Persian Gulf. Dahil sa
istruktura ng bahay dito na may isa o higit pang banyo o palikuran na konektado
sa sentralisadong sistema ng tubo at imburnal
sa ilalim ng lupa ay masasabing planado at
organisado at sentralisadong pamahalaan ang
mga Dravidian. Mahiwaga ang kabihasnang
Indus dahil maraming katanungan ang hindi
masagot ng mga arkeologo tulad na lamang ng
hindi maipaliwanag na kahulugan ng mga
Pictogram
simbolo ng pagsulat ng mga Indus na
pictograph na unang ginamit bilang sistema ng pagsulat.

Pagyamanin

Gawain 4: Hanapin at Kulayan Mo!

Panuto: Kopyahin ang puzzle at ilagay sa isang buong papel o maari din itong
iphotocopy. Sagutan ang mga katanungan sa ibaba sa pamamagitan ng
pagkulay sa tamang sagot mula sa puzzle.

10
C D H O L A V I R A T O T R A

I M U D B R I C K S A T I S R

T A L A M A N A T H A Y O P T

L U P A N G S A K A H A N N I

D P I C T O G R A P H E L L F

E A T N I S E V E R D E E N A

L L A N K W A T E R C R A F C

I N D U S A T G A N G E S S T

E R T W D R A V I D I A N W E

1.Ano ang tawag sa mga bagay na nahukay mula sa Kabihasnang Indus? (pula)
2.Ano ang pangalan ng ilog na siyang pinagmulan ng Kabihasnang Indus?
(dilaw)
3.Ano ang tawag sa mataas na moog ng Kabihasnang Indus? (berde)
4.Ano ang tawag sa kanilang sistema ng pagsulat? (kayumangi)
5. Anong pangkat ang bumuo sa Kabihasnang Indus? (asul)

Aralin
Kabihasnang Shang
3

11
Tuklasin

Gawain 5: Alamin mo!

1. Anong bansa ang isinasaad ng larawan?

____ _____ _____ ______ ______

2. Ano ang iyong masasabi tungkol sa bansang ito?


__________________________________________________________________
__________________________________________________________________
_________________________________________________________________.

Suriin

12
1. Bakit napakahalaga ng ilog Huang Ho at Yangtze sa kabihasnang Shang?
2. Ano ang mahahalagang ambag ng kabihasnang Shang?
3. Paano nagwakas ang kabihasnang Shang?

Kabihasnang Shang

Ang Kabihasnang Shang ay


umusbong sa lambak sa pagitan ng
mga Ilog Huang Ho at Yangtze sa
Sinaunang Tsina.Nagsimula ito noong
1500 B.C. nang maitatag ang mga
Dinastiyang Shang at Zhou. Naging
tagpuan ng Kabihasnang Shang ang
Ilog Huang Ho na tinawag ding Yellow
River dahil pagkatapos ng pagbaha
ang tubig nito ay nag iiwan ng dilaw na
Ilog Huang Ho at Yangtze
lupa na nagsisilbing pataba sa lupaing
agrikultural na malapit dito. Ang taunang pagbaha sa ilog na ito na kumikitil ng
maraming buhay ay pinaghandaan ng mga tao dito sa pamamagitan ng
pagtatanim ng mga halaman na kokontrol sa tubig pati na ang paglalagay ng
mga dike. Pinamumunuan ng mga paring-hari na naging organisado sa pag-
aayos ng kanilang lungsod na napapalibutan ng mga matataas na pader na
naging pa ghahanda sa mga madalas na digmaan sa kanilang lupain.
Piyudalismo ang sistemang panlipunan at politika sa Kabihasnang Shang at
laganap ang sistema ng pang-aalipin. Nagtatamasa ang mga aristokrata ng
karangyaan samantalang namumuhay na parang aso ang mga alipin. Naniniwala
sa animism o naniniwalang lahat ng bagay sa kalikasan ay may kaluluwa,
mayroon silang mga oracle bone o bahay ng pawikan na sinusulatan ng

13
pakikipag-usap sa kanilang diyos at namatay na ninuno, sumasamba at nag-
aalay sa mga ninuno para magdala ng suwerte sa pamilya.
Ang pagsusulat ang naging importanteng bahagi ng kulturang Tsino.
Calligraphy ang sistema ng kanilang pagsulat na nagsilbing taga pag- isa sa
mga Tsino. Ginamit na simbolo ng pagsulat ang mga oracle bones. Ilan sa mga
ambag ng Kabihasnang Shang ay ang paggamit ng barya at chopsticks,
paghahabi at pagbuburda ng seda mula sa silkworm, paggamit ng bronze,
paggamit lunar calender, potters wheel, karwaheng pandigma at paglilimbag ng
unang aklat.
Dahil sa sunod sunod na pamumuno ng mga mahihinang hari ay
bumagsak ang Shang at dito nabuo ang paghahari ng mga dinastiya. Ipinalagay
ng mga Tsino na ang kanilang kabihasnang umusbong sa Huang Ho ang isa sa
mga sinaunang kabihasnan at pinakamatandang nabubuhay na kabihasnan sa
daigdig. Ang pananaw nilang ito ay nagpatuloy tungo sa pagtatatag ng mga

Paggamit ng harang laban sa mga mananakop

imperyo.

Oracle bones at potters wheel

14
Pagyamanin

Gawain 5: Punan mo!

Panuto: Punan ng titik ang bawat patlang upang mabuo ang tamang salita na
tinutukoy sa bawat pahayag.

C________ 1. Sistema ng pagsulat ng mga Shang.


_ h_ _g 2. Kabihasnang umusbong malapit sa Iambak sa
pagitan ng Ilog Huang.
_ra___b____ 3. Butong panghula at paraan ng pakikipag usap sa
kanilang diyos
_ u a _ _ _ o at _ ang_ _ _ 4. Ilog na kung saan umusbong ang kabihasnang
Shang.
_ _ _ _ dalis _ _ 5. Ang sistemang panlipunan at politika sa
Kabihasnang Shang

15
Isaisip

Gawain 6: Sisimulan Ko, Tatapusin Mo!


Panuto: Tapusin ang sinimulang parirala sa ibaba.

1. Ang mga pagkakatulad ng tatlong kabihasnan ay


________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
2. Ang mga pagkakaiba ng tatlong kabihasnan ay
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
3. Mahalaga ang pagkakaroon ng pagkakaisa ng bawat mamamayan sa isang
kabihasnan dahil sa
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________
________________________________________________________________

16
Isagawa

Gawain 7: Itala at Sagutan Mo!

Panuto: Punan mo ng sagot ang talahanayan.


1.
Ilog
Mga Lugar na Mga Ambag/ Dahilan ng
Kabihasnan Pinagmulan Katangian kontribusyon Pagbagsak

Sumer

Indus

Shang

2. Bakit mahalaga ang ilog sa pagkabuo ng kabihasnan?

Rubrics:
Organisasyon - 5
Kalinisan - 5
Nilalaman - 10
Kabuuan 20 puntos

17
Tayahin

Panuto: Sagutin ang mga katanungan sa ibaba. Titik lamang ang isulat. Isulat sa
sagutang papel.
______1. Itinuring ang kabihasnang Sumer bilang pinakamatanda at
pinakaunang kabihasnan sa daigdig dahil
A. nakapagtatag ito ng mga pamayanan at imperyo
B. sa nagkaroon ito ng matatag na sistemang politikal
C. sila ang nangibabaw na pamayanang nabuo sa lupain ng Fertile
Crescent
D. kinilala ang Sumer na unang sibilisadong lipunan ng tao na
nangibabaw bunga ng marami nitong kontribusyon sa daigdig.
______2. Anong kabihasnan ang nakapag-ambag ng sistema ng pagsulat na
tinawag na cuneiform?
A. Sumer B. Indus
C. Shang D. Lungshan
______3. Ano ang tawag sa templong dambana na itinatag ng mga Sumerian na
kinilala nila bilang dambana ng kanilang diyos o diyosa?
A. Great Wall of China B. Taj Mahal
C. Ziggurat D. Hanging Garden
______4. Ano ang cuneiform, pictograph, at calligraphy?
A. Sistema ng Pagsulat B. Sistemang Pampolitika
C. Sistemang Panlipunan D. Sistemang Relihiyon
______5. Ano ang kabihasnang umusbong malapit sa Iambak sa pagitan ng Ilog
Huang Ho at Yangtze?
A. Kabihasnang Shang B. Kabihasnang Indus
C. Kabihasnang Sumer D. Kabihasnang Pinoy
______6. Ang ziggurat ay templo sa anong kabihasnan?
A. Kabihasnang Shang B. Kabihasnang Indus

18
C. Kabihasnang Sumer D. Kabihasnang Pinoy

______7. Nawala ang mauunlad na kabihasnan ng Sinaunang Asya?


A. dahil sa mananakop.
B. kawalan ng mabuting pinuno
C. kawalan ng pagkakaisa ng mga mamamayan
D. lahat ng nabanggit
______8.Sa anong kabihasnan naimbento ang potter’s wheel at paggamit ng
kalendaryong lunar?
A. Kabihasnang Shang B. Kabihasnang Indus
C. Kabihasnang Sumer D. Kabihasnang Aryan
______9. Sa anong kabihasnan nahahati sa dalawang bahagi ang
lungsod−citadel at mababang bayan?
A. Kabihasnang Shang B. Kabihasnang Indus
B. Kabihasnang Sumer D. Kabihasnang Aryan
______10. Anong kabihasnan namumuno ang isang emperador na
pinaniniwalaang pinili ng langit?
A. Kabihasnang Shang B. Kabihasnang Indus
C. Kabihasnang Sumer D. Kabihasnang Aryan
______11. Bakit naiiba ang tungkulin ng hari sa kabihasnang Shang sa tungkulin
ng hari sa kabihasnang Indus at Sumer?
A. Ang hari ng Shang ang gumagawa ng sakripisyo para sa
kasaganaan ng lahat ng nasasakupan.
B. Ang gawain lamang ng hari ng kabihasnang Indus at Sumer ay
nakasentro sa tungkuling panrelihiyon
C. Ang hari sa Sumer at Indus ay nakatira sa mga templo samantalang
ang sa kabihasnang Shang ay malayo sa mga tao.
D. Ang hari ng kabihasnang Shang ay may tungkuling politikal hindi lang
panrelihiyon.

19
______12. Anong mga pamamaraan o paghahanda ang ginawa ng mga
kabihasnang umusbong sa Asya upang hindi sila magapi ng hamon ng kalikasan
sa kanilang lugar tulad ng mga baha at kalamidad?
A. Nagtayo sila ng mga dike na haharang sa mga tubig na maaaring
sumira
sa kanilang lupain kapag panahon ng pag-ulan.
B. Nagtanim sila ng malalaking puno sa tabi ng ilog.
C. Nagtatago sila at bumabalik sa mga kweba kapag panahon na may
ulan.
D. Nagtayo sila ng mga dike at nagtanim ng mga malalaking puno at
inayos
ang mga daluyan ng tubig upang hindi pumasok sa kanilang pamayanan.
______13. Binubuo ito ng 500 na mga simbolo sa pagsulat.
A. Cuneiform B. Alibata
C. Calligraphy D. Dholavira
______14. Nabuo ang isang kabihasnan sa pagkakaroon ng ______________.
A. sentralisadong pamahalaan, relihiyon, uring panlipunan,
sining ,arkitektura at sistema ng pagsulat
B. pamahalaan, relihiyon, sining, arkitektura at sistema ng pagsulat
C. maayos ang pamumuhay at nabago ng kapaligiran
D. paglaki ng populasyon at napangkat ang tao ayon sa kakayahan
______15. Anong anyong tubig ang isa sa mga salik na nakakaapekto sa
pagkakabuo ng kabihasnan?
A. Ilog B. Dagat
C. Lawa D. Talon

20
Karagdagang Gawain

Gawain 9: Photo Collage!

Maghanap ng mga larawang pangkultura ng mga sinaunang kabihasnan


sa lumang magazine o newspaper at gawin itong collage. Ilagay ito sa isang
short bond paper.
Rubriks:
Pagkamalikhain - 10
Organisasyon - 15
Kalinisan - 5
Nilalaman - 10
Kabuuan 40 puntos

Binabati kita! Matagumpay mong nasagutan ang lahat ng gawain, sa


puntong ito ay nagtatapos na ang bahagi ng Paglinang.

21
Susi sa Pagwawasto

Pagyamanin 2 Pagyamanin 1 Subukin


1. Artifact 1. Haringpari 1. M 11. M
2. Indus 2. cuneiform 2. T 12.M
3. Citadel 3. Gilgamesh 3. T 13.M
4. Pictograph 4. bronze 4. T 14.T
5. Dravidian 5. scribe 5. T 15.M
6. claytablet 6. T
7. Sumer 7. M
8. ziggurat 8. T
9. pagsasaka 9. T
10. gulong 10. M
11. Teokrasya
12. Mesopotamia

Pagyamanin 3 Tayahin
1. calligraphy 1. D 9. B
2. Kabihasnang Shang 2. A 10. A
3. Oracle bones 3. C 11. D
4. Huang ho at Yangtze 4. D 12. D
5. piyudalismo 5. A 13. A
6. C 14. A
7. D 15. A
8. C

22
Sanggunian

Batayang Aklat

Rosemarie Blando,et al, Asya: Pagkakaisa sa Gitna ng Pagkakaiba. Araling


Panlipunan Modyul para sa mga Mag-aaral.

Gabay sa Pagtuturo ng Kurikulum ng Edukasyong Sekundarya ng 2010


( Araling Panlipunan II )

Grace Estela C. Mateo,C. Balonso,L. Agno,R.Tadena.Kagawaran ng


Edukasyon. Asya Pag-Usbong ng Kabihasnan ( Manwal ng Guro sa Araling
panlipunan,Ika lawang Taon)

Larawan

https://encryptedtbn0.gstatic.com/images?q=tbn
%3AANd9GcROc57aLXuK75d-
AQI8m2MpKsSmdTgSlyHGwsI8feQzu6rqER9Z&usqp=CAU.

https://encryptedtbn0.gstatic.com/images?q=tbn
%3AANd9GcQWAv6S1VEz-uDizO1Ftry5Z1uOTI46nE-
7fEkFL1NPDEPEoVfs&usqp=CAU.

https://encryptedtbn0.gstatic.com/images?q=tbn
%3AANd9GcRnpZ0lS638OvUPJc7WhXcej6fdvfp8RBRrh29h0q3k7mRV5P
Hp&usqp=CAU.

23

You might also like