Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 27

7

Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan – Modyul 6
Kontribusyong Asyano
Araling Panlipunan - Baitang 7
Alternative Delivery Mode
Ikalawang Markahan – Modyul 6: Kontribusyong Asyano
Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring magkaroon ng
karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas. Gayonpaman, kailangan muna
ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay
pagkakakitaan. Kabilang sa mga maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang
pagtakda ng kaukulang bayad.

Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o brand name, tatak
o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa modyul na ito ay nagtataglay
ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang matunton ang mga ito upang makuha ang
pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda
ang karapatang-aring iyon. Ang anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng
pahintulot mula sa mga orihinal na may-akda ng mga ito.

Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag sa anomang
paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.

Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon


Regional Director: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Assistant Regional Director: Dr. Victor G. De Gracia Jr, CESO V

Development Team of the Module


Author/s: Keren Danielle B. Avelino
Reviewers: Edwin V. Beloy, HT-I, Felino Y. Techo, MT- I
Illustrator and Layout Artist: Eden Grace A. Paluca, Keren Danielle B. Avelino
Management Team
Chairperson: Dr. Arturo B. Bayocot, CESO III
Regional Director

Co-Chairpersons: Dr. Victor G. De Gracia Jr. CESO V


Asst. Regional Director

Edwin R. Maribojoc, EdD, CESO VI


Schools Division Superintendent

Myra P. Mebato,PhD, CESE


Assistant Schools Division Superintendent
Mala Epra B. Magnaong, Chief ES, CLMD

Members Neil A. Improgo, EPS-LRMS


Bienvenido U. Tagolimot, Jr., EPS-ADM
Samuel C. Silacan, EdD, CID Chief
Eleazer L. Tamparong, EPS - Araling Panlipunan
Rone Ray M. Portacion, EdD, EPS – LRMS
Berlyn Ann Q. Fermo, EdD, PSDS
Agnes P. Gonzales, PDO II
Vilma M. Inso, Librarian II
7
Araling Panlipunan
Ikalawang Markahan–Modyul 6
Ang Kontribusyong Asyano
Paunang Salita
Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Araling Panlipunan 7 ng Alternative Delivery Mode (ADM)
Modyul 6 ukol sa Ang Kontribusyong Asyano.
Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan. Layunin nitong
matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng silid-aralan. Hangad din
nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

Alamin Sa bahaging ito, malalaman mo ang mga dapat


mong matutuhan sa modyul.

Subukin Sa pagsusulit na ito, makikita natin kung ano na


ang kaalaman mo sa aralin ng modyul. Kung
nakuha mo ang lahat ng tamang sagot (100%),
maaari mong laktawan ang bahaging ito ng
modyul.

Balikan Ito ay maikling pagsasanay o balik-aral upang


matulungan kang maiugnay ang kasalukuyang
aralin sa naunang leksyon.

Tuklasin Sa bahaging ito, ang bagong aralin ay


ipakikilala sa iyo sa maraming paraan tulad ng
isang kuwento, awitin, tula, pambukas na
suliranin, gawain o isang sitwasyon.

Suriin Sa seksyong ito, bibigyan ka ng maikling


pagtalakay sa aralin. Layunin nitong
matulungan kang maunawaan ang bagong
konsepto at mga kasanayan.

Pagyamanin Binubuo ito ng mga gawaing para sa malayang


pagsasanay upang mapagtibay ang iyong pang-
unawa at mga kasanayan sa paksa. Maaari
mong iwasto ang mga sagot mo sa pagsasanay
gamit ang susi sa pagwawasto sa huling bahagi
ng modyul.

Isaisip Naglalaman ito ng mga katanungan o pupunan


ang patlang ng pangungusap o talata upang
maproseso kung anong natutuhan mo mula sa
aralin.

Isagawa Ito ay naglalaman ng gawaing makatutulong sa


iyo upang maisalin ang bagong kaalaman o
kasanayan sa tunay na sitwasyon o realidad ng
buhay.

Tayahin Ito ay gawain na naglalayong matasa o masukat


ang antas ng pagkatuto sa pagkamit ng
natutuhang kompetensi.

Karagdagang Gawain Sa bahaging ito, may ibibigay sa iyong


panibagong gawain upang pagyamanin ang
iyong kaalaman o kasanayan sa natutuhang
aralin.

Susi sa Pagwawasto Naglalaman ito ng mga tamang sagot sa lahat


ng mga gawain sa modyul.
Sa katapusan ng modyul na ito, makikita mo rin ang:
Ito ang talaan ng lahat ng pinagkuhanan sa
Sanggunian
paglikha o paglinang ng modyul na ito.
Ang sumusunod ay mahahalagang paalala sa paggamit ng modyul na ito:
1. Gamitin ang modyul nang may pag-iingat. Huwag lalagyan ng anumang marka o
sulat ang anumang bahagi ng modyul. Gumamit ng hiwalay na papel sa
pagsagot sa mga pagsasanay.
2. Huwag kalimutang sagutin ang Subukin bago lumipat sa iba pang gawaing
napapaloob sa modyul.
3. Basahing mabuti ang mga panuto bago gawin ang bawat pagsasanay.
4. Obserbahan ang katapatan at integridad sa pagsasagawa ng mga gawain at sa
pagwawasto ng mga kasagutan.
5. Tapusin ang kasalukuyang gawain bago pumunta sa iba pang pagsasanay.
6. Pakibalik ang modyul na ito sa iyong guro o tagapagdaloy kung tapos nang
sagutin lahat ng pagsasanay.
Kung sakaling ikaw ay mahirapang sagutin ang mga gawain sa modyul na ito, huwag
mag-aalinlangang konsultahin ang inyong guro o tagapagdaloy. Maaari ka rin humingi
ng tulong kay nanay o tatay, o sa nakatatanda mong kapatid o sino man sa iyong mga
kasama sa bahay na mas nakatatanda sa iyo. Laging itanim sa iyong isipang hindi ka
nag-iisa.

Umaasa kami, sa pamamagitan ng modyul na ito, makararanas ka ng makahulugang


pagkatuto at makakakuha ka ng malalim na pang-unawa sa kaugnay na mga
kompetensi. Kaya mo ito!
Talaan ng Nilalaman

Alamin --------------------- 1
Subukin --------------------- 2

Aralin --------------------- 3
Balikan --------------------- 3
Tuklasin --------------------- 4
Suriin --------------------- 5
Pagyamanin --------------------- 14

Isaisip --------------------- 15
Isagawa --------------------- 16
Tayahin --------------------- 17
Karagdagang Gawain --------------------- 18
Susi sa Pagwawasto --------------------- 19
Sanggunian --------------------- 20
Alamin

Ang modyul na ito ay tungkol sa mga Kontribusyon ng mga Asyano, na


nagbigay sa paghubog ng sinaunang kabihasnan at pagkakakilanlan ng Asyano.
Higit sa lahat ay malalaman ang mga kontribusyon na magpahanggang ngayon
ay tinatangkilik ng pandaigdigan.

Saklaw ng modyul na ito a Ang Kontribusyon ng mga Sinaunang Asyano. Dito


napapahalagahan ang mga kontribusyon ng mga sinaunang lipunan at
komunidad sa Asya. (AP7KSA-IIh-1.12)

Sa araling ito, inaasahang matutuhan ang mga sumusunod:

1. masusuri ang mahahalagang kontribusyon ng sinaunang sa Asya


2. mapapahalagahan ang mga kontribusyon na nagbigay daan sa paghubog
ng sinaunang kabihasnan sa Asya, pagbuo at pagkakilanlang Asyano
3. maitala ang kontribusyon ng sinaunang Asyano na naibabahagi sa
makabagong panahon

1
Subukin

Panuto: Basahin ng mabuti ang mga pangungusap. Isulat ang TAMA kung tama
at MALI kung mali ang nakasaad sa pangungusap. Isulat ang sagot sa sagutang
papel.

________1. Ang gulong ay isa sa mahahalagag ambag ng mga Sumerian.


________2. Pinaunlad ang sistema ng pagsusulat ng mga Akkadian.
________3. Bibliya ang naging pundasyon ng kanilang pananampalataya ng
mga Hebreo.
________4. Ang Kodigo ni Hammurabi ay binubuo ng 228 na batas na
nagsilbing pamantayan ng kabihasnang Babylonian.
________5. Alpabeto ang ambag ng mga Pheonician sa daigdig.
________6. Barter ang sistema ng kalakalan ng mga Hittie.
________7. Sa dinastiyang Zhou ay naniniwala ang mga tao sa Mandate of
Heaven o Basbas ng Kalangitan na ang emperador ay
namumuno sa kapahintulutan ng langit.
________8. Sa Dinastiyang Han ipinatayo ang Great Wall of China.
________9. Ang Dinastiyang Balhae ay itinatag ni Dae Joeyong.
________10. Isa sa mga dinastiyang namayagpag sa Japan ay ang Liping
Goeryo at Nara.
________11. Sa Cambodia makikita ang Angkor Wat.
________12. Ang Borobudur ay isang banal na templo.
________13. Ang Pilipinas ay binubuo ng tatlong malalaking isla na Luzon,
Visayas, Sulu.
________14. Hawak ng imperyong Majapahit ang Spice Island noon.
________15. Kinilala ang Imperyong Srivijaya bilang “Dalampasigan ng
Ginto”.

2
Aralin Ang Kontribusyong Asyano

Ang araling ito ay tungkol sa mga mahahalagang kontribusyon na may


kaugnayan sa pag-unlad ng kabihasnang Asyano mula sa pagkabuo nito.
Matutunan din sa araling ito ang kahalagahan ng kanilang kontribusyon na may
relasyon tungo sa makabagong panahon.

Balikan

Bago tayo magpatuloy sa ating paksa, subukan muna natin ang iyong
kaalaman sa nagpag-aralan
NOON natin nuong nakaraang modyul.
NGAYON
K
Panuto: 1.Gamit
______________ A
ang Venn Diagram, magsulat ng1.tig______________
limang katangian ng mga
2. ______________ B
kababaihan noon at ngayon. 2. ______________
A
3. ______________ 3. ______________
B
4. ______________ A 4. ______________
5. ______________ I 5. ______________
H
A
N

Tuklasin

3
Gawain 1: Pair Me!
Panuto: Hanapin sa Hanay B ang mga salitang may kaugnayan sa mga
salitang nasa Hanay A. Gawing gabay ang halimbawa sa ibaba.
Hal. Gulong - - - - Sasakyan

Hanay A Hanay B

1. Gulong A. Timbangan

2. Bakal B. Silid- aklatan

3. Diksyunaryo C. Itak

4. Barya D. Sasakyan

5. 1 kilong bigas E. Bangko

Suriin

1. Anu- ano ang mga kontribusyon ng mga Asyano sa sinaunang panahon?

4
2. Anong imperyo/kaharian/dinastiya ang may pinakamahalagang ambag sa
sangkatauhan? Bakit?

A. Mahalagang Kontribusyon ng Kanlurang Asya

Imperyo Pag-unlad/ Kontribusyon

1. Sumerian Cuneiform, gulong, sistema


ng panukat ng timbang at
(3500 BCE)
haba at paggawa ng dike.

Cuneiform

2. Akkadian Nagtatag ng lungsod- estado


para magkaisa ang
(Circa 2700-
mamamayan, pinaunlad ang
2230 BCE)
sistema ng pagsusulat, pag-
usbong ng literatura.

3. Babylonian Code of Hammurabi na may


(Circa 1790- 282 batas at maikakategorya
1595 BCE) ito bilang retributive justice o
paggawad ng katarungan
batay sa bigat ng kasalanan.

Kodigo ni Hammurabi

4. Assyrian Kauna-unahang pangkat ng


tao na nakabuo ng epektibong
(Circa 745- 612
sistema ng pamumuno sa
BCE)
imperyo, epektibong serbisyo
postal,gumagamit ng dahas at
bakal,nagtayo ng kauna-
unahang aklatan, nagpatayo
Clay Tablet

5
ng mga maayos at
magandang kalsada.

5. Chaldean Hanging Garden of Babylon,


konsepto ng zodiac sign at
(612- 539 BCE)
horoscope, ziggurat na
itinuturing na Tore ni Babel sa
bibliya.

6. Lydian Sistemang barter, paggamit


ng barya sa
(680- 547 BCE)
pakikipagkalakalan.

Unang Barya

7. Phoenician Alpabeto, konsepto ng


kolonya na nangangahulugan
(Circa 1200- 800
ng istasyon o bagsakan ng
BCE)
mga kalakal, naglalakihang
sasakyang pandagat.

Phoenician
Alphabet

8. Hebreo Bibliya ang naging pundasyon


ng kanilang
(Circa 1000- 722
pananampalataya, pagsamba
BCE)
sa iisang Diyos o
monotheism.
Hebrew Bible

6
9. Hittite Pagtuklas ng bakal, pagkilala
at paggalang sa iba’t ibang
(Circa 1600- 12
wika dahil ginamit ito sa mga
BCE)
komunikasyong
pandiplomasya, pagkakaroon
ng titulo ng lupa at mga talaan
nito, imbentaryo ng lupain at
Mandirigmang
pananim na naging batayan Hittite
ng pagbubuwis ng ari- ariang
nakakabit sa lupa.

10. Persiano Nagpagawa ng mahabang


kalsada na nagdugtong sa
(Circa 550- 350
mga lungsod ng Persia
BCE)
hanggang Ephesus, pilak at
gintong barya sa
Palasyo ng Persepolis
pakikipagkalakan, satrapy na
hinati sa mga lalawigan ang
buong imperyo at pinamunuan
ng isang satrap, nagpagawa
ng magagarang palasyo at
gusali tulad ng Persepolis.
Nagbigay diin sa karapatan at
demokrasyang pamumuhay
ng lipunan.

B. Mahahalagang Kontribusyon sa Silangan at Hilagang Asya

Dinastiya sa China Ambag/ Pangyayari

7
1. Zhou o Chou Naniniwala ang mga tao sa
(1112- 221 BCE) Mandate of Heaven o
Basbas ng Kalangitan na
ang emperador ay
namumuno sa
kapahintulutan ng langit.
Naimbento ang bakal na
Crossbow
araro, sandatang crossbow at
chariot. Nagpagawa ng
irigasyon, dike at mga
kalsada. Umusbong dito ang mahalagang kaisipang
Confucianism, Taoism at Legalism na humubog sa
kamalayang Tsino.

2. Qin o Ch’in Pinatupad ang pilosopiyang


legalism, ipinatayo ang Great
(221 – 206 BCE)
Wall of China, sinimulan ang
sistemang scholarship,
binuwag ang piyudalismo at
pinailalim sa kapangyarihan ni
Great Wall of China
Shi Huang Ti ang lahat ng
lupain. Sa Dinastiyang ito, dito
nakuha ang pangalan ng bansang China.

3. Han Naimbento ang kauna-unahang lexicon o diksyunaryo,


papel, porselana at water- powdered mill. Nagsimulang
(206 BCE- 220 CE)
magkaroon ng mga pagsusulit para sa serbisyo sibil o
paglilingkod sa pamahalaan.

4. Sui Nagawang pag-isahin muli ang watak- watak na teritoyo


ng China (konsolidasyon). Itinayo ang Grand Canal.
(589- 618 CE)

5. Tang Naimbento ang woodblock printing na siyang nagpabilis

8
(618- 907 CE) ng paggawa ng mga kopya ng anumang sulatin.
Nailimbag ang kauna- unahang diyaryo.

6. Sung Patuloy ang pamumulaklak ng sining at panitikan.


Naimbento ang gun powder. Nagsimula ang tradisyon
(960 – 1278 CE)
ng foot binding sa mga babae. Umunlad ang agrikultura
at kalakalan sa bansang Pilipinas.

7. Yuan Nagkaroon ng maraming manlalakbay at isa na doon


ang sikat na si Marco Polo.
(1278- 1368 CE)

8. Ming Naitayo ang Forbidden City na naging tahanan ng


emperador. Pinag- ibayo ang paglinang sa sining,
(1368- 1644 CE)
kalakalan at industriya. Nagawa ang mamahaling
seramika na naging pangunahing kalakal sa buong
mundo.

Dinastiya sa Korea Ambag/ Pangyayari

1. Gojoseon o Isa sa pinakamalakas na dinatiya sa Korea na itinatag ni


Lumang Joseon Dangun noong panahon ng Bronze.
(2333- 108 BCE)

2. Tatlong Pinamunuan ng mga aristokratikong mandirigma.


Kaharian; Hiniram nila ang sistema ng pamahalaang Han sa
Guguryeo, Baekje China, Buddhism, at tradisyon ng pagsusulat ng
at Silla kasaysayan.

(313- 668 CE)

3. Pinag- isang Pinamunuan ng isang magaling na hari kaya’t nasakop


Silla nito ang mga katabing kaharian. Napag-isa ang halos
kabuuan ng Korea.
(668- 935 CE)

4. Balhae Itinatag ni Dae Joeyong. Ang kultura nito ay pinagsanib

9
(698- 926 CE) na Tang at Goguryeo. Noong ika- 10 siglo nasakop ito
ng mga nomadikong Khitan.

5. Goryeo o Koryo Itinatag ni Wang Geon. Nakalikha ito ng sariling istilo ng


porselana na tinatawag na celadon.
(918- 1392 CE)

Dinastiya sa Japan Ambag/ Pangyayari

Ang Liping Yamato Namayagpag ang eleganteng pagsusulat ng tula, sining


at Nara ng calligraphy at pananamit. Naisulat ang dakilang
nobela na “The Tale of Genji”. Lumitaw ang grupong
bushi at samurai. Nabuo ang tradisyong militar na
nakapaloob sa Bushido, alituntunin ng karangalan kung
saan mahalaga ang katapatan, karangalan at
katapangan.

C. Mahahalagang Kontribusyon sa Timog Asya

Natatanging
Pangyayari

1. Panahong Vedic Panahon ng karunungan (vedas). Ang pamumuhay ng


mga Indo- Aryan ay pagsasaka at sila ay natutong
mamuhay sa pamayanan.

2. Panahong Epiko Ang mga ulat tungkol sa pamumuhay ay galing sa mga


epiko.

10
3. Pagtatag ng Nahahati ang lipunan sa apat na pangkat; (1) Brahmin/
Sistemang Caste pari- pinakamataas, (2) Kshatriyas- mga mandirigma,
(3) Vaishya- mga mangangalakal o magsasaka at (4)
Sudras- mga alipin o pinakamababang uri ng mga tao
sa lipunan.

Outcaste/ Untouchables- hindi kasali sa caste, mga


gumagawa sa mga gawain tulad ng paglilinis ng daan at
palikuran.

4. Imperyong Niyakap ng panahon na ito ang Buddhism. Tinuruan at


Maurya tinulungan ang mamamayan at nagpadala ng mga
misyonero sa Ceylon (Sri Lanka) at Burma.

5. Imperyong Naganap ang Golden Age o Gintong Panahon. Umunlad


Gupta ang agham sa panahong ito. Maunlad ang mga
larangan ng astronomiya, matematika, at siruhiya
(surgery).

6. Ang mga Ipinatupad ng pinunong si Akbar ang kalayaan sa


Mongol at pananampalataya. Ipinatayo ni Shah Jahan ang Taj
Imperyong Mogul Majal at Aurangzeb na nagbawal ng sugal, alak,
prostitusyon at sati (suttee).

D. Mahahalagang kontribusyon sa Timog Silangang Asya

Kaharian/ Imperyo Pangyayari

1. Kaharian ng Pinagkuhanan ng mga hilaw na produkto na dinadala sa


Vietnam China, namana ng mga Vietnamese sa mga Tsino ang
paggamit ng apelyido, relihiyon at iba pang
impluwensiya.

11
2. Kaharian ng Naging malakas ang kapangyarihan ng Funan dahil sa
Funan tulong at impluwensiya ng kulturang Indian at Tsina.

3. Imperyong Ang Angkor Wat ang


Angkor/ Khmer pinakadakilang ipinagawa sa
panahong ito. Ito rin ang
pinakamatanda at
pinakamalaking istruktura
pang- arkitektura sa daigdig.
Angkor Wat sa Cambodia

4. Kaharian ng Ito ay may pamayanang agrikultural na may iba’t- ibang


Pagan uri ng arkitektura.

5. Kaharian ng Itinatag ang darmasastra, isang kodigong legal batay sa


Ayutthaya tradisyong Hindu at Thai.Naging pamantayan ito ng
batas sa Thailand hanggang ika- 1767 siglo. Ang
kanilang monument at temple ay nagpapatunay ng
ambag ng kahariang ito.

6. Imperyong Kinikilala bilang “Dalampasigan ng Ginto” dahil sa


Srivijaya mayaman sila sa mina ng ginto. Naimpluwensiyahan sila
ng relihiyong Buddhism ng China.

7. Kaharian ng Isa sa pamana ay ang Borobodur, isa itong banal na


Sailendras kabundukan.

8. Imperyong Dating may hawak sa Spice Island at binubuo dati ng


Majapahit mga bansang Laos, Vietnam, Cambodia, New Guinea,
Sulu at Lanao.

Karagdagang Kaalaman

12
Malacca- kilalang sentro ng pangkalakalan.

Pilipinas (Bago ang 1565) - binubuo ng Luzon, Visayas at Mindanao na kung


saan ang Mindanao ay ang tanging yumakap sa Islam. Nagkaroon ng
impluwensiyang Tsino sa kulturang Pilipino at impluwensiyang Muslim sa
pamumuhay.

Pagyamanin

13
Gawain 2: I-Tsek MO
Panuto: I-tsek () ang kolum kung saang rehiyon sa Asya nabibilang ang mga
nabanggit na mga kontribusyon at pangyayari .
Mahalagang Kontribusyon Timog Silangan at Timog Timog
at Pangyayari Kanlurang Hilagang Asya Silangang
Asya Asya Asya
1. nadiskubre ang barya sa
pakikipagkalakan
2. pag-uuri ng mga tao sa
lipunan
3. naitatag ang Great Wall of
China bilang
pananggalang sa mga
kalaban
4. kauna-unahang lexicon o
diksyunaryo
5. ipinagbawal ang Suttee
6. Maunlad ang mga
larangan ng astronomiya,
matematika, at siruhiya
(surgery)
7. nadiskubre ang gulong na
siyang ginagamit sa
agrikultura
8. matatagpuan ang iba’t
ibang pampalasa o rekado
9. matatagpuan ang
pinakamatanda at
pinakamalaking
estrukturang pang-
arkitektura sa daigdig
10. konsolidasyon

Isaisip

14
Gawain 3: Simulan Ko, Tapusin Mo!
Panuto: Punan ng mga angkop na salita ang patlang upang mabuo ang diwa ng
pangungusap.

1. Ang mga Assyrian ay ang pinakaunang pangkat na may malaking


kontribusyon sa edukasyon sapagkat ___________________.
2. Ang dinastiyan Qin o Chi’n ay nagpatayo ng Great Wall of China bilang
___________________.
3. Ang Sistemang Caste ng India ay itinatag upang ___________________.
4. Tanyag ang Imperyong Angkor/Khmer sapagkat ___________________.
5. Ang kulturang Pilipino ay may impluwensya ng kulturang dayuhan
sapagkat ___________________.

Isagawa

Gawain 4: Tri- Question

15
Panuto: Pumili ng isa sa mga dinastiya/ imperyo/kaharian sa bawat rehiyon.
Sagutin ang tatlong mahahalagang tanong at isulat sa loob ng kahon ang bawat
sagot. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

Rehiyon sa Asya Dinastiya/ Ano ang Bakit Paano


Imperyo/ kanilang mga mahalaga ginagamit ito
Kaharian Ambag/ ang ambag/ sa
Kontribusyon? kontribusyon makabagong
na ito? panahon?

1. Kanlurang
Asya

2. Silangan at
Hilagang
Asya

3. Timog Asya

4. Timog
Silangang
Asya

Tayahin

Panuto: Basahing mabuti ang bawat pangungusap. Isulat ang TAMA kung wasto
ang isinasaad ng pangungusap; kung ito ay mali, itama ang salitang may
salungguhit upang maiwasto ang pahayag. Isulat ang sagot sa sagutang papel.

16
________1. Ang gulong ay isa sa mahahalagag ambag ng mga Sumerian.
________2. Pinaunlad ang sistema ng pagsusulat ng mga Akkadian.
________3. Bibliya ang naging pundasyon ng kanilang pananampalataya ng
mga Hebreo.
________4. Ang Kodigo ni Hammurabi ay binubuo ng 228 na batas na
nagsilbing pamantayan ng kabihasnang Babylonian.
________5. Alpabeto ang ambag ng mga Pheonician sa daigdig.
________6. Barter ang sistema ng kalakalan ng mga Hittie.
________7. Sa Dinastiyang Zhou ay naniniwala ang mga tao sa Mandate of
Heaven o Basbas ng Kalangitan na ang emperador ay
namumuno sa kapahintulutan ng langit.
________8. Sa Dinastiyang Han ipinatayo ang Great Wall of China.
________9. Ang Dinastiyang Balhae ay itinatag ni Dae Joeyong
_______10. Isa sa mga dinastiyang namayagpag sa Japan ay ang Liping
Goeryo at Nara.
_______11. Sa Cambodia makikita ang Angkor Wat.
_______12. Ang Borobudur ay isang banal na templo.
_______13. Ang Pilipinas ay binubuo ng tatlong malalaking isla na Luzon,
Visayas, Sulu.
_______14. Hawak ng imperyong Majapahit ang Spice Island noon.
_______15. Kinilala ang Imperyong Srivijaya bilang “Dalampasigan ng
Ginto”.

Karagdagang Gawain

Gawain 5: I- Collage Mo!

Panuto: Maghanap at gumupit ng mga larawan mula sa mga magasin,


pahayagan, brochure at iba pang reading materials. Bumuo ng isang collage na
nagpakikita o naglalarawan ng natutunan mo sa araling ito.

17
Pamantayan sa Pagmamarka:
Nilalaman ------------------------- 15 puntos
Pagkamalikhain-------------------10 puntos
Kalinisan at kaayusan----------- 5 puntos
________________________________
Kabuuan --------------------------- 30 puntos

Susi sa Pagwawasto

18
Sanggunian

Department of Education, PROJECT EASE (Effective Alternative


Secondary Education) Araling Panlipunan II Modyul: Ang Pag-unlad ng
Sinaunang Kabihasnan sa Asya

19
Vivar, Teofista, et. al. Kasaysayan sa Daigdig (Batayang Aklat Para sa
Ikatatlong Taon: (SD Publications, Inc.), pp.35- 64

Link:
Pixabay.com

20

You might also like