Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Colegio de San Gabriel Arcangel, Inc.

PACUCOA Accredited – Level 2 Status

Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan

Reading in Philippine History

GAWAING PAGKATUTO BLG. 1

Kahulugan ng kasaysayan at kaibahan nito sa salitang “History”

Ayon kay Zeus Salazar may kaibahan ang kanluranin na terminong “History” at ang Filipinong Katumbas nito na
kasayasayan.

Sa kanluranin ang “History” ay “Study of the past” at record of past events”. Ibig sabihin kailangan ang lahat ng
mga pangyayari ay dokumentado. Pero sino lang ba ang nakagawa ng mga dokumento? Sa kaso ng Pilipinas, ito ay ang
mga nakapag-aral lamang.

Samantalang ang “Kasaysayan” mula sa salitang-ugat na “saysay” na ang ibig sabihin ay katuturan, kabuluhan
kahalagahan. Ang kasaysayan ay isang kuwento, kuwento na dapat mahalaga sa atin, may “relevance” mga “salaysay na
may saysay.”

Pagkakaiba ng History at Pre-history

Ang History ay nasusulat o naitala ng mga tao sa nakaraan ito ang mga panahon kung saan naimbento nang mga
tao ang pagsusulat at kakayahan gamiting ang utak sa mas makabuluhang pamamaraan. Samantalang ang Pre-history ay
ang panahon kung saan hindi pa naiimbento ang panulat. Ang panahon kung saan nagsimula ang lahat mula sa mga
sinaunang nilalang na nabuhay at tumapak sa mundo.

Mga gamit ng kasaysayan

Marami ang gamit ng kasaysayan ngunit sa kabuuan tatlo lang ang pinakamahalaga.

1. Alalahanin ang nakaraan upang magkaroon ng aral upang hindi na ulitin ang mga pagkakamali ng ating mga
ninuno at ituloy ang mga magandang nasimulan nila.
2. Alamin ang nakaraan upang magbigay sa atin ng pagkakalanlan (identity) at pagmamahal sa bayan, sapagkat ang
taong kilala ang sarili ang mas may kakayanan at tapang na humarap sa mundo. At gayundin ang mga, ayon sa
mga historyador na si Jonathan Balsamo, hindi maaring mahalin ang isang taong hindi mo naman kilala, gayundin
ang pagmamahal sa bayan.
3. At ang huli, basahin ang kasaysayan para maglibang.

Ang kasaysayan ay may metodo

Ang pagsulat at pagkilala sa mga pangyayari sa nakaraan ay hindi ganoong kadali. Dito kailangan liwanagin na
may metodo ang pagsusulat ng kasaysayan. Kinakailangan ng Fact checking, at pagsusuri kung totoo ba ang Dokumento o
“authentic” ang ganitong pagsusuri ay tinatawag na External Criticisms. Nakapaloob din dito ang credibilidad ng
sumulat at ano ang kanyang katayuan o background ng mga panahong isinulat niya ang isang dokumento. Internal
Criticisms naman ang pagsusuri ng nilalaman ng isang dokumento. Sinusuri dito ang kaangkupan ng nilalaman ng
dokumento batay sa kung anu ang intensyon ng manunulat.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Bukod sa mga nabanggit na gamit, ano pa ang maaring gamit ng kasaysayan sa pang-araw-araw na pamumuhay
natin?
___________________________________________________________________________________________

2. Bakit kailangan magkaroon ng isang metodo o pamamaraan ang pagkilala sa ating kasaysayan?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
3. Ano ang koneksyon ng kasaysayan sa iba pang disiplina o sa mga agham na ating pinag-aaralan?

4. Bakit kailangang kilalanin ang isang bagay bago mo mahalin ano ang maaring epekto kung mahalin ang isang
bagay na wala tayong kaalam-alam?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
5. Naniniwala ka bang mga mayayaman o mga naghaharing uri lamang nakapagsulat ng ating kasaysayan? Bakit?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
6. Paano nasabi ng ibang manunulat na ang kasaysayan ay “salaysay na may saysay”?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
7. Ipaliwanag ang kahulugan ng Colonial Mentality. Naniniwala ka ba na dayuhan ang nagbigay sa atin ng kultura at
pagkakakilanlan?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
8. Ano ang maaring epekto ng kasaysayan sa bawat tao na nabubuhay sa kasalukuyan.
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________

Colegio de San Gabriel Arcangel, Inc.

PACUCOA Accredited – Level 2 Status
Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan

Reading in Philippine History

GAWAING PAGKATUTO BLG. 2

ANG BANSANG PILIPINAS

Ang Pilipinas ay matatagpuan sa Timog-Silangang Asya sa kanluran ng Karagatang Pasipiko. Ang Pilipinas ay Archipelago
dahil sa binubuo ito ng mga isla. Binubuo ang Pilipinas ng 7,641 na isla. Luzon ang Pinakamalaking isla ng Pilipinas kung saan
matatagpuan ang Maynila o Manila na kabisera nito. at ang Mindanao naman na pangalawa sa pinakamalaki ay matatagpuan naman
Timog. Ang Pilipinas ay tinatawag na Perlas ng Silanganan.

Republika ng Pilipinas ang buo nitong pangalan. Ang Populasyon ng Pilipinas ay nasa 108, 784, 288 (December 2019).
Nahahati sa tatlong sangay ang pamahalaan natin na mamaya ko pa tatalakayin kase marami pa akong sasabihin. Filipino ang
pambansang Wika natin at hindi Tagalog dahil ang Tagalog ay Dayalekto samantalang ang Filipino ay ang wikang napagkaisahang
gamitin ng bawat tao rito sa Pilipinas. Piso o Peso ang tawag sa pananalapi ng ating Bansa. ang Pilipinas ay masasabing
demokratikong bansa o mas akmang tawaging Republika o Republic dahil sa kadahilanang ang bansang Pilipinas ay nakatingin sa
kaibahan ng bawat isa higit sa kagustuhan ng nakararami. Hindi tulad ng monarkiya na naghahari ang isang pamilya o totalitarian o
isang tao lamang ang namumuno, Ang Pilipinas ay naghahalal ng isang Presidente at mga mambabatas, nahahati ang kapangyarihan
ng bawat sangay ng ating pamahalaan kaya wala naghahari o umaabuso Republika ang tawag sa gobyerno ng Pilipinas dahil nakalaan
sa bawat isang mamayan ang karapatan at hindi sa nakararami na tinatawag nating demokratiko.

Nakuha ang pangalan ng Pilipinas sa Hari ng Espanya na si Haring Philip II, ito ang ipinangalan ni Ruy Lopez De Villalobos
nang mapunta ito sa Pilipinas noong ika-16 na siglo, tinawag ito ni Bernardo dela torre na “Las Islas Filipinas” na tumutukoy lamang
sa isla ng Leyte at Samar at hindi naglaon ay tinawag ng Filipinas ang ating bansa sa kabila ng maraming tawag dito. Noong panahon
ng rebolusyon tinawag ito na Republica Filipina o First Phillipine Republica. Mga Amerikano ang tumawag sa bansa natin na
Philippines. Kung anu ang kinalaman ni Marcos at bakit hindi “Maharlika” ang tawag sa bansa natin ay isang malawak na talakayan
hanggang sa ngayon.

Sangay ng Pamahalaaan ng Pilpinas

Nahahati sa tatlo ang pamahalaan ng Pilipinas:

Ehekutibo(Exucutive)
kinabibilangan ng Pangulo, Pangalawang Pangulo at mga Gabinete. Ang Pangulo ang namumuno sa ating bansa, ito ay
inihahalal ng mga tao at namumuno ng 6 na taon. Ang Pangalawang Pangulo naman ang tumutulong sa Presidente at humahalili
kapag wala ang Pangulo. Ang mga gabinete naman ang nagsisilbing tagapayo ng Preisdente. Presidente ang namimili ng kanyang
mga Gabinete.

Lehislatibo (Legislative)
Sila ang gumagawa ng batas. Nahahati sa dalawa ang sangay na ito, Ang Senado at Kongreso. Ang mga Senador ay kabilang
sa Senado binubuo ito 24 na Senador sila ay inihahalal ng mga mamayan ng Pilipinas at namumuno ng Anim na taon. Ang Kongreso
na binubuo ng mga kinatawa ng ibat-ibang Distrito ng Probinsya, Lungsod at Munisipalidad binubuo sila ng 250 miyembro
namumuno ang mga Congressman ng 3 taon. Kabilang rin dito ang mga partido o party list.
Sila ang gumagawa ng batas at sila rin ang may karapatang mag impeach o magtanggal sa presidente kung sakaling ito ay
may ginagawang hindi maganda. Ang Lehislatibo rin ang nagdedeklara ng Digmaan.

Hudisyal (Judiciary)
Sila ang tagapatupad ng batas sila ang humahatol sa mga indibidwal na lumabag sa batas. Sakop ng sangay nito ang Korte
Suprema o Supreme Court at mga Mababang Korte.

Sagutin ang mga sumusunod na tanong.

1. Anu sa tingin mo ang positibong epekto ng pagiging archipelago ng bansang Pilipinas?

___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
2. Sa tingin mo bakit tinatawag na “Perlas ng Silanganan” ang bansang Pilipinas?

4. Bukod sa mga nabanggit na pagkakaiba, ano pa ang pinakaiba ng Republika at Demokratiko?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
5. Bakit sa tingin mo maraming nagtatangkang baguhin ang pangalan ng Pilipinas?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
6. Ipaliwanag ang trabaho ng bawat sangay ng pamahalaan.
Ehekutibo
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
Lehislatibo

Hudisyal

7. Ipaliwanag ang daloy ng paggawa ng batas o paano ginagawa at ipinapatupad ang isang batas?
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________________________
____________________________________________________________________________________

Colegio de San Gabriel Arcangel, Inc.

PACUCOA Accredited – Level 2 Status
Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan

Reading in Philippine History

GAWAING PAGKATUTO BLG. 3

Sa loob ng maraming taon na pananakop ng Pilipinas ay hindi maitatanggi na tayong mga Pilipino ay
naimpluwensyahan ng ibat-ibang pag-uugali at kultura narito sa ibaba ang positibo at negatibong pag-uugali na bahagi
nan g ating kultura.

POSITIBONG PAG-UUGALI NG MGA PILIPINO

1. Matibay na pagbubuklod ng Pamilya(Strong family Ties)- mataas ang pagtingin ng mga pilipino sa pamilya.
Ang Pamilya ang pinakamahalagang parte ng kanilang buhay.
2. Pagiging masayahin at Positibo(Humor and Positivity)- ang mga Pilipino sa kabila ng paghihirap at maraming
pagsubok nakukuha pa natin na magbiro at maging positibo dahil ikaw nga nila “habang may buhay may pag-
asa”.
3. Pananampalataya(Faith and Religion)- dahil nag-iisa lamang sa Asya ang Pilipinas Bilang Purong Kristyano
nakakabit na sa tradisyon ng mga Pilipino ang humarap sa mga Pagsubok na kasangga ang nasa itaas.
4. Mabuting Pakikitungo/Matanggapin (Hospitality)- Ang magiliw na pagtanggap ng mga Pilipino sa kahit
sinuman madalas ito ay makikita sa mainit napagsalubong at pag-aasikaso sa loob ng bahay na binisita.
5. Madiskarte (Flexibility ang Adaptability)- Likas na sa mga tao na makibagay sa kanyang paligid at maging
maparaan sa oras ng kagipitan.
6. Bayanihan(Team work)- ito ang pag-uugali na kung saan tulong-tulong ang lahat sa paggawa.

Negatibong Pag-Uugali Ng Mga Pilipino

1. Crab Mentality- pag-uugali kung saan hinahatak ang isang umuunlad pababa o sisirain ang isang tao na malapit
na umunlad.
2. Ningas-Kugon- Pag-uugali na sa umpisa lang masipag o magaling ngunit hindi naman natatapos ang isang
gawain.
3. Mañana Habit- Pag-uugali na maari namang gawin ngayon ngunit ginagawang mamaya o kaya ay
ipinagpapabukas pa.
4. Filipino Time- Palaging huli sa larangan ng pagpasok sa trabaho sa paaralan at samga bagay na maaring ipasa ng
maaga ngunit nahuhuli pa.
5. Balat-Sibuyas- pag-uugali na mabilis masaktan o maoffend sa mga bagay na dapat inuunawa muna bago mag-
react.
6. Hindi marunong Sumunod sa Panuto- Ang pag-uugali na hindi kayang sundin ang simpleng panuto o mga
panuntunan sa isang lugar.
7. Colonial Mentality- ang pagyakap ng isang indibidwal sa kultura ng ibang lugar o bansa.
8. Bahala na Attitude- Ang pag-asa ng isang tao sa swerte o sa mga bagay na anu na lang ang mangyari ay
tatanggapin.
9. Korapsyon- ang pagbibigay ng lagay o suhol. Binibigyan din nito ang diin ang pagnanakaw o panlalamang sa
kapwa.
10. Hypocrisy- Pag-babalat kayu o kaplastikan. Mabuting tao kapag nakaharap sa tao ngunit marami nang sinasabi
kapag nakatalikod na ito.
11. Ubos-ubos biyaya- ang pag-gasta ng isang tao na parang walang bukas. Wala sa isip ang pagtitipid.

Sumulat ng isang sanaysay(essay) na pumapaksa sa pag-uugali ng mga Pilipino at paano nakakaapekto ang mga
pag-uugaling ito sa pag unlad ng ating bansa. (Gumawa ng sariling pamagat)

_______________________________________________

__________________________________________________________________________________________________

You might also like