4th Quarter Exam sa Filipino 9

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

Colegio de San Gabriel Arcangel

PACUCOA Accredited – Level 1 Status


KAGAWARAN NG JUNIOR HIGH SCHOOL
City of San Jose del Monte, Bulacan

4TH QUARTER EXAMINATION IN FILIPINO 9


School Year 2020-2021

I. PAGSUSURING PANLINGGWISTIKA
Tukuyin ang kahulugan ng salita o pariralang may salungguhit batay sa pangungusap.
1. Magkakasama sa isang pulutong sina Padre Damaso, Padre Sibyla, isang nakapaisano, at isang kawal.
a. pangkat c. pulong b. hapag d. pagtitipon
2. Napagawi ang usapan ng pulutong sa paglilipat kay Padre Damaso sa ibang bayan pagkatapos makapaglingkod sa bayan ng San Diego.
a. makatulong c. manirahan b. manilbihan d. makapagmisa
3. Ikinararangal kong ipakilala sa lahat si Ginoong Crisostomo Ibarra, anak ng nasira kong kaibigan.
a. nawasak c. nalayo b. nawala d. namatay
4. Si Padre Damaso ang kura ng aming bayan at matalik na kaibigan ng aking ama.
a. malayo c. malapit b. marangal d. matalino
5. Marahil ay nakalimutan mo na ang iyong bayan dahil sa tagal ng pamamalagi mo sa Europa.
a. pagbabakasyon c. pagtira b. pagtigil d. pagpunta
6. Iyan ang kasamaang dulot ng pagpapaaral sa Europa – nagiging mapagmataas.
a. mayabang c. marangal b. matalino d. mahusay
7. Marahang naglakad si Ibarra na walang tiyak na patutunguhan,
a. mararating c. layunin b. iniisip d. pupuntahan
8. Balisang-balisa siyang umupo sa isang silyon at tumingala sa kalawakan ng himpapawid.
a. gulong-gulo c. pagod na pagod b. nag-aalala d. walang gana
9. Mula sa isang bukas na durungawan ng kanyang silid ay matatanaw ang bahay na nagliliwanag sa kabilang ibayo.
a. pintuan c. bintana b. teleskopyo d. tarangkahan
10. Nakita niya ang magandang pangitain, isang napakaganda’t mayuming dilag na nakadamit-Pilipina.
a. mahinhin c. marikit b. magalang d. matalino
11. Ang inyong sinabi ay pumukaw sa aking damdamin.
a. nagpatindig c. gumising
b. gumulat d. nagbukas
12. Ang di-karaniwang anyo ni Padre Damaso nang ito’y umakyat ang nagpabagabag kay Kapitan Tiago.
a. nagpabahala c. nagpahina
b. nagpangilag d. nagpasama
13. Ang kura at an alperes ay madalas magkapingki sapagkat nagpapaligsahan sila sa taglay na kapangyarihan.
a. magkasundo c. magkaagapay
b. magkalaban d. magkatuwang
14. Si Padre Salvi ang humalili kay Padre Damaso nang ito’y maalis sa San Diego.
a. lumaban c. tumalo
b. nagparaya d. pumalit
15. Masukal ang buong libingan at pinaggugubatan ng mga damo at halamang gumagapang.
a. matarik c. magubat
b. makipot d. maaliwalas

II. NOLI ME TANGERE


A. Piliin ang pinakawastong sagot sa bawat bilang. Titik lamang ang isulat.
16. Ang Noli Me Tangere ay nangangahulugang:
a. Huwag mo akong salingin.
b. Huwag mo akong salangin.
c. Huwag mo akong tignan.
d. Huwag mo akong paasahin.
17. Ang kahulugan ng Noli Me Tangere ay nanggaling sa berso ng bibliya na:
a. San Juan 20:1-4 c. San Juan 20:7-10
b. San Juan 20:13-17 d. San Juan 20:19-22
18. Ang buong pangalan ng sumulat ng Noli Me Tangere.
a. Jose Protacio Mercado Rizal y Alonzo Realonda
b. Jose Protacio Mercado Rizal Alonzo y Realonda
c. Jose Protacio Rizal Mercado y Alonzo Realonda
d. Jose Protacio Rizal Mercado Alonzo y Realonda
19. Ang inibig ni Rizal sa loob ng 11 taon.
a. Josephine Bracken c. Suzanne Jacoby
b. Leonor Rivera d. Leonor Valenzuela
20. Pinag-alayan ng Noli Me Tangere.
a. GomBurZa c. pamilya
b. kasintahan d. Inang Bayan
21. Ang nagpahiram kay Rizal ng salapi upang maipalimbag ang nobelang Noli Me Tangere.
a. Paciano Rizal c. Maximo Viola
b. Ferdinand Blumentritt d. Valentin Ventura
22. Ang Noli Me Tangere ay halimbawa ng nobelang:
a. pampolitika c. panlipunan
b. panrelihiyon d. pampamilya
23. Ang salitang panlibak ng mga Espanyol sa mga Pilipino
a. mangmang c. erehe b. tamad d. indiyo
24. Ang mga sumusunod ay mga bansa kung saan isinulat ni Rizal ang Noli Me Tangere, MALIBAN sa:
a. Japan c. Alemanya
b. Espanya d. Pransiya
25. Nagtagal ng pitong taon si Ibarra sa Europa para:
a. magbakasyon b. tapusin ang pag-aaral
c. doon na manirahan d. makahanap ng kasintahan
26. Bumalik si Ibarra sa bayan ng San Diego upang:
a. makitang muli si Maria Clara b. magbakasyon sa San Diego
c. magpatayo ng paaralan sa San Diego d. malaman ang sanhi ng pagkamatay ng ama
27. Kasabay ni Kapitan Tiago ang isang binatang luksang-luksa ang kasuotan. Ang salitang may salungguhit ay nangangahulugang:
a. kulay itim ang kasuotan b. bakas ang kalungkutan
c. luray-luray ang damit d. balisang-balisa ang binata
28. Kapag ikaw’y tinawag na erehe, ikaw ay kalabam ng:
a. bayan b. mamamayan
c. simbahan d. pamahalaan
29. Sakit sa lipunan na tinutukoy ni Rizal sa nobelang Noli Me Tangere
a. HIV c. Pneumonia
b. Kanser d. Tuberculosis

“Mamamatay ako na di makikita ang pagbubukang-


liwayway sa aking bayan! Kayong nakamamalas sa kanya, batiin
ninyo siya at huwag ninyong kalimutan ang nangbulid sa dilim ng
gabi.”
30. Binibigyang-diin sa pahayag na binasa ang:
a. naghihingalo c. mga bayani
b. kaliwanagan d. inaasahang kalayaan
31. Ang pagbubukang-liwayway sa aking bayan ay patungkol sa:
a. kinabukasan ng bayan
b. kalayaan ng bayan
c. kaluwagan ng bayan
d. kuwentong bayan
32. Ang nagsasalita sa pahayag na binasa ay:
a. namamaalam c. nanghihinayang
b. naghahabilin d. nanunumbat
33. Sa pahayag ay binanggit ang nangbulid sa dilim ng gabi ito ay tumutukoy sa:
a. mga bayani c. kabataan
b. mga sundalo d. matatanda
34. Sa kabuuan ng pahayag ay may imaheng:
a. pambansa c. pang-espiritwal
b. panlipunan d. pangkalikasan
35. Matapos mong mabasa ng kabuuan ng pahayag, nangibabaw ang damdaming:
a. maka-Diyos c. makatao
b. makabansa d. makakalikasan
36. Ang kinakausap ng nagsasalita sa pahayag na binasa ay ang:
a. bata c. matatanda
b. kabataan d. mamamayan

“Kung ang isalubong sa iyong pagdating ay masayang mukha’t


may pakitang giliw, lalong pag-ingata’t kaaway na lihim.”
- Pilosopo Tasyo
37. Anong katangian ng nagsasalita ang maliwanag sa pahayag?
a. matulungin c. mapagmasalakit
b. matalino d. mapanakot
38. Anong katotohanan ang nais bigyang-pansin sa pahayag?
a. kaingatan c. kaligtasan
b. kainggitan d. kataksilan
39. Ang “masayang mukha” ay sumisimbolo sa:
a. nagpapanggap c. nagpapahanga
b. nagpapasaya d. naghahambog
40. Binigyang-diin sa pahayag na ang tao ay:
a. di dapat magtiwala c. may pasalubong
b. may kaaway d. pinakikitaan ng giliw
B. Punan ng wastong kapares ang sumusunod na analohiya.
41. Crisostomo Ibarra:Don Rafael; Maria Clara:_____
a. Kapitan Tiago c. Kapitan Basilio
b. Padre Damaso d. Padre Salvi
42. Crisostomo Ibarra: Maria Clara; Don Tiborcio:_____
a. Donya Victorina c. Salome
b. Donya Consolacion d. Sinang
43. _____:simbahan;pilibustero:pamahalaan
a. pueblo c. erehe
b. servicio d. pintakasi
44. Padre Salvi : Maria Clara ; _____ : _____
a. Padre Damaso : Crisostomo Ibarra
b. Donya Victorina : Donya Consolacion
c. Gobernador Heneral : Alperes
d. Padre Sibyla : Crisostomo Ibarra
45. Crisostomo Ibarra : liham ; _____ : _____
a. Maria Clara : dahon ng sambong
b. ketongin : agnos
c. Padre Damaso : krus
d. Kapitan Tiago : apian

C. Piliin sa hanay B ang inilalarawan sa hanay A.

Hanay A
_____46. Siya ang kasintahan ni Crisostomo Ibarra. Siya ay maganda, relihiyosa, amsunurin, matapat, mapagpakasakit ngunit may matatag na
kalooban.
_____47. Siya ay piloto/ bangkero at magsasakang tumulong kay Crisostomo Ibarra para makilala sa kanyang bayan at gayundin ang mga suliranin
nito.
_____48. Ang mapagmahal na ina nina Crispin at Basilio na may asawang pabaya at malupit.
_____49. Isang iskolar na nagsisilbing tagapayo ng marurunong na mamamayan ng San Diego.
_____50. Kurang Pransiskano na dating kura ng San Diego at siya ring nagpahukay at nagpalipat sa bangkay ni Don Rafael Ibarra sa libingan ng mga
Intsik.
_____51. Babaeng punung-puno ng kolorete sa mukha dahil sa kanyang pagpapanggap bilang isang mestisang Espanyol. Mahilig din siyang
magsalita ng Kastila bagama’t ito ay laging mali.
_____52. Isang mayamang mangangalakal na taga-Binondo na asawa ni Pia Alba at kinikilalang ama ni Maria Clara.
_____53. Kurang pumalit kay Padre Damaso sa bayan ng San Diego.
_____54. Siya ay isang dating labanderang malaswa kung magsalita na naging asawa ng alperes.
_____55. Siya ang hipag ni Kapitan Tiago na nag-alaga kay Maria Clara simula nang sanggol pa lamang.

Hanay B
A. Padre Damaso
B. Donya Consolacion
C. Elias
D. Donya Victorina
E. Alperes
F. Tiya Isabel
G. Kapitan Tiago
H. Sisa
I. Maria Clara
J. Padre Salvi
K. Pilosopong Tasyo

D. Kung wasto ang diwa ng pangungusap, isulat ang T sa patlang; kung mali, iwasto ang salitang may salungguhit.
56. Ang Noli Me Tangere ay inihandog ni Rizal sa bayan.
57. Si Padre Salvi ay lihim na umiibig kay Sinang.
58. Ang nagturo kay Ibarra kung saan nalibing si Don Rafael ay si Tinyente Guevarra.
59. Ang tanging baon ni Ibarra saling kay Maria Clara nang siya ay magtungo sa Europa ay dahoon ng sampaguita.
60. Tinulungan ni Padre Salvi si Elias na magapi ang buwaya.
61. Naging paksa ng sermon ni Padre Damaso si Crisostomo Ibarra.
62. Inako ni Elias ang pagkaguho ng makenaryang ginamit sa paghuhugos.
63. Lumapat ang kamay ni Ibarra sa mukha ni Padre Damaso dahil sa mga panlalait nito kay Maria Clara.
64. Tanging si Kapitan Tiago lamang ang nakaawat sa akmang pagsaksak ni Ibarra kay Padre Damaso.
65. Ang nagsalaysay sa naging buhay ni Don Rafael kay Ibarra ay si Tinyente Guevarra.
66. Malimit na nagpaparinig si Padre Salvi sa kanyang misa kapag pumasok na sa simbahan ang Kapitan-Heneral.
67. Sa araw ng pista, tanging si Donya Victorina lamang ang naiiba ang kasuotan.
68. Laging pinipintasan ni Donya Consolacion ang mga dalagang mapadadaaan sa tapat ng kanilang bahay.
69. Ang leeg at pakpak na bahagi ng tinolang manok ang natanggap ni Padre Sibyla sa pananghalian.
70. Dala ng mga guardia civil ang kanilang mga baril na may bayoneta sa paghahanap kay Elias.
Inihanda ni:
JOSHUA O. CORREA
Guro sa Filipino 9
Colegio de San Gabriel Arcangel, Inc.
Founded 1993
PACUCOA Accredited
Recognized by DepEd, TESDA and CHED
KAGAWARAN NG JUNIOR HIGH SCHOOL
Area E, Sapang Palay, Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan

SUSI SA PAGWAWASTO
Taong Panuruan 2021-2022
1. A 36. B
2. B 37.C
3. D 38. D
4. C 39. A
5. C 40. A
6. A 41. B
7. D 42. A
8. A 43. C
9. C 44. A
10. A 45. A
11. C 46. I
12. A 47. C
13. B 48. H
14. D 49. K
15. C 50. A
16. A 51. D
17. B 52. G
18. C 53. J
19. B 54. B
20. D 55. F
21. C 56. T
22. C 57. STA. CLARA NUESTRA SENORA DE SALAMBAW
23. D 58. T
24. A 59. DAHON NG SAMBONG/SAMBONG
25. B 60. T
26. D 61. STA. CATALINA
27. A 62. ANASTACIO
28. C 63. T
29. B 64. ALPERES
30. D 65. T
31. B 66. ALPERES
32. B 67. IBARRA
33. A 68. T
34. A 69. PADRE DAMASO
35. B 70. DON RAFAEL IBARRA

Inihanda ni: JOSHUA O. CORREA


Guro sa Filipino 9
Colegio de San Gabriel Arcangel, Inc.
Founded 1993
PACUCOA Accredited
Recognized by DepEd, TESDA and CHED
KAGAWARAN NG JUNIOR HIGH SCHOOL
Area E, Sapang Palay, Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan

TALAHANAYAN NG ESPESIPIKASYON

Asignatura FILIPINO 9 Markahan Fourth Quarter


Guro Correa, Joshua O. Taong Panuruan 2021-2022

MGA DOMEYN Bilang


Kasanayang
ng
Pampagkatuto Pag-alala Pag-unawa Pagsusuri Pagbubuo Paglalapat Pagtataya
Aytem

Magagawa kong matukoy


ang kahulugan ng salita o
parirala batay sa 1-15, 31-36, 23
konteksto ng 37, 39
pangungusap.

Magagawa kong matukoy


ang mahahalagang
impormasyon tungkol sa
kaligirang 16-29 14
pangkasaysayan at
nilalaman ng Noli Me
Tangere
Magagawa kong matukoy
ang kaisipang
30, 38, 40 3
binibigyang-diin ng
pahayag.
Magagawa kong matukoy
ang kaisipang
41-45 5
binibigyang-diin ng
pahayag.
Magagawa kong makilala
ang mga tauhan ng Noli 46-55 10
Me Tangere.
Magagawa kong matukoy
kung ang pangungusap ay 56-70 15
wasto o hindi.
Bilang 24 26 20 0 0 0 70
KABUOAN
Bahagdan 34% 37% 29% 0 0 0 100%

Inihanda ni:

JOSHUA O. CORREA
Guro sa Filipino 7

Nasuri ni:

WINALYN C. TUCAY
Pang-ulong Guro

Binigyang-pansin:

MOUNIEN D. BELDIA, Ed.D.


Punongguro
Colegio de San Gabriel Arcangel, Inc.
Founded 1993
PACUCOA Accredited
Recognized by DepEd, TESDA and CHED
KAGAWARAN NG JUNIOR HIGH SCHOOL
Area E, Sapang Palay, Lungsod ng San Jose del Monte, Bulacan

TALAHANAYAN NG ESPESIPIKASYON

Asignatura FILIPINO 9 Markahan Fourth Quarter


Guro Correa, Joshua O. Taong Panuruan 2021-2022

MGA DOMEYN Bilang


Kasanayang
ng
Pampagkatuto Pag-alala Pag-unawa Pagsusuri Pagbubuo Paglalapat Pagtataya
Aytem

Magagawa kong matukoy


ang kahulugan ng salita o
parirala batay sa 1-15, 31-36, 23
konteksto ng 37, 39
pangungusap.

Magagawa kong matukoy


ang mahahalagang
impormasyon tungkol sa
kaligirang 16-29 14
pangkasaysayan at
nilalaman ng Noli Me
Tangere
Magagawa kong matukoy
ang kaisipang
30, 38, 40 3
binibigyang-diin ng
pahayag.
Magagawa kong matukoy
ang kaisipang
41-45 5
binibigyang-diin ng
pahayag.
Magagawa kong makilala
ang mga tauhan ng Noli 46-55 10
Me Tangere.
Magagawa kong matukoy
kung ang pangungusap ay 56-70 15
wasto o hindi.
Bilang 24 26 20 0 0 0 70
KABUOAN
Bahagdan 34% 37% 29% 0 0 0 100%

Inihanda ni:

JOSHUA O. CORREA
Guro sa Filipino 7

Nasuri ni:

WINALYN C. TUCAY
Pang-ulong Guro

You might also like