pob.2 report2016

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 32

Mga minamahal kong kabarangay,

Bilang napakatagal ko nang nagsilbi na kagawad ng Barangay at ngayon ay nagging


Punong Barangay ng Poblacion II ay nakaukit na sa aking isipan at puso ang salitang
paglilingkod. Paglilingkod na kung saan ay alam kong napakabigat na responsibilidad sa aking
balikat ang maglingkod sa ating Barangay. Sa pagsuong ko sa larangan ng paglilingkod bilang
Punong Barangay ay inihanda ko na ang aking sarili para ihakbang at bagtasin ang magagandang
adhikain upang maibalik at masuklian ko ang ibinigay ninyong tiwala, maglilingkod ako ng
walang bahid ng anumang agam-agam at ipagkakaloob ko ito at gagampanan ko sa makataong
pamamaraan.
At sa pag-usad ng panungkulang pangbarangay at sa pagsasakatuparan ng mga
obligasyong iniatas ng Pambansang Batas ukol sa maayos/ malinis na pagganap ng tungkuling
pangmamamayan.
Ang Barangay Governance Performance Management System ay isa sa mahalagang
kaganapan, sapagkat makikita natin dito ang apat na mukha ng pag-unlad ng Barangay tulad ng:
ADMINISTRATION, SOCIAL SERVICES, ECONOMIC DEVELOPMENT, at
ENVIRONMENTAL MANAGEMENT. Ang apat na mukhang ito ay panuntunang ninais
nating landasin upang mabigyan natin ito ng malalim at malawak na kabuluhan at kailangan ang
sam-sama nating pagtugon na may moralidad, pangsiguridad, pagpapa-unlad at higit sa lahat ay
may pangmalayang komunidad.
Sama-sama po nating yakapin ang misyon/ adhikain, pananaw at layunin ng Barangay
tungo sa positibong pagsulong ng may matatag, maunlad, may katahimikang pamayanan na may
paggalang sa isa’t-isa at sa ating Inang Kalikasan at higit sa lahat ay may takot sa Amang
Lumikha.

Muli po, maraming marami pong salamat.


God bless us all!!!
Mabuhay po tayo!

RIGY B. BASIT
Punong Barangay
ANG BARANGAY POBLACION II, STA. CRUZ,
OCCIDENTAL MINDORO AY NAGKAKAISA SA MGA
GAWAIN AT NAGLILINGKOD NG TAMA, TAPAT, AT
MAAYOS TUNGO SA MAUNLAD, MASAGANA AT
MAPAYAPANG MAMAMAYAN.
BARANGAY POBLACION II, STA. CRUZ,
OCCIDENTAL MINDORO AY ISANG PAMAYANAN NA
NAGTUTULUNGAN AT NAGKAKAISA UPANG
MAPAUNLAD AT ISULONG ANG PAGIGING MAKA
DIYOS, MAKATAO, MAKAKALIKASAN, KABUHAYAN
AT EDUKASYON.
SA PAMAMAGITAN NG PAG SASAGAWA NG MGA
PROGRAMA AT PROYEKTONG PANG-KAUNLARAN,
KAAKIBAT NG MAAYOS, MAHUSAY AT TAMANG
PANUNUNGKULAN.
MAGING INSTRUMENTO SA PAGKAKALOOB NG
MGA PANGUNAHING SERBISYO PANGKOMUNIDAD,
MAILATAG ANG ISANG MALINIS AT TAPAT NA
PAMAHALAANG BUKLOD SA MAMAMAYAN AT
MAKAPAGDULOT NG MGA PROGRAMANG
MAKAPAGPAPAANGAT SA KABUHAYAN NG MGA
MAMAMAYAN.
Ang Barangay Governance Performance Management System (BGPMS) ay isang
balangkas ng mga alituntunin at kagampanang inilalahad sa lahat ng tao, ito ay may
pambarangay, kalapit barangay, pampamahalaan na naglalayon sa pagpapatatag at
pagsasatotoo ng mga magagandang programang pangbarangay na kumakawangis sa apat
(4) na mahahalagang gampaning pampamunuan,
ang:

☻ Administrative – 0.97 level 4


☻ Social Services – 0.83 level 4
☻ Economic Development – 0.93 level 4
☻ Environmental Development – 0.93 level 4

Na ang apat (4) na ito ay kailangang mapanatili, lalong mapalakas at maibatay sa


pangkasalukuyang sitwasyon upang ang mga ito ay mapanatili sa buhay, sa malayang
paggalaw sa obligasyong ginagalawan.

☺ Mapanatili ang pamalagiang pagiging agresibo ng


pamunuan sa pagganap ng mga obligasyong ginagalawan.
☺ Maging aktibong instrument sa pagtataguyod, pagpapalaganap at
pasasakatotohanan ng mga umiiral na kautusan, maging ito man ay pang-
Nasyonal, Probinsyal, Munisipal at lalo’t higit pangbarangay.
☺ Panatilihin ang pagkakaisa, mapataas ang income ng barangay upang
magkaroon ng sapat na pondo ang mga plano, proyekto at programang
isinusulong ng barangay upang maipagkaloob ng maayos ang sebisyo sa mga
mamamayan.
☺ Maisakatuparan sa aktibo at positibong pamamaraan ang lahat ng mga
biyayang mithiin at mga layuning pambuong Barangay na may pagsangguni
at paggalang sa naisin o mithiin hindi lamang ng mga taga-kabarangay
kundi lahat ng mga taong nangangailangan ng serbisyong pangbarangay,
panglokal at pangnasyonal.
☺ Magkaroon ng mga panukala ang barangay kung papaano matutulungan
ang mga taong mahihirap upang mabigyan sila ng libreng serbisyong pang-
edukasyon tulad ng mga libreng gamit sa pag-aaral at gayon din ang libreng
serbisyong pang medical sapagkat may mga taong mahihirap na hindi halos
makabili ng mga gamot.

☺ Makapaglatag ng mga programang sumusuporta


sa pagpapaunlad at pagpapataas ng antas ng kabuhayang pangmamamayan
o pangbarangay.
☺ Hikayatin ang mga kabarangay na mapaangat ang kaalaman tungkol sa
ekonomiya sa pamamagitan ng pagtatag ng mga samahan o livelihood
program na angkop at higit na makakatulong sa mga mamamayan ng
barangay.

☺ Maitaguyod ng may kasiglahan ang illuminated, clean and green drive para
sa maliwanag, malinis, kaaya-aya, tahimik at ligtas na pamayanan.
☺ Magkaroon ng isang malawakang pagpupulong tungkol sa kalikasan at
kapaligiran at hikayatin ang mga kabarangay na magtanim ng maraming
punong kahoy upang maberde, makulay ang kapaligiran.
☺ Mapanatili ang kalinisan ng kapaligiran at matuto ang bawat mamamayan
na paghiwalayin ang mga nabubulok at hindi nabubulok.

Performance
Performance Area Color Code Average
Level

Administration 0.97 4

Economic Development 0.93 4

Environmental Management 0.93 4

Performance
Performance Area Color Code Average
level

Women & Children 0.67 3


Patatagin ang sinimulang adhikain sa barangay na mapataas ang
income ng barangay. Upang magkaroon ng sapat na pondo o proyekto at mga programang
isusulong ng Barangay upang maipagkaloob ng maayos ang mga serbisyo sa mga
mamamayan.

Performance
Performance Area Color Code Average
Level

Administration 0.97 4

Service Area 4

1.1 Brgy. Legislation 1.00 4

1.2 Transparency 1.00 4

1.3 Citizens Administration 1.00 4

1.4 Development Planning 1.00 4

1.5 Revenue Generation 0.80 2

1.6 Revenue Allocation Utilization 1.00 4

1.7 Financial Accountability 1.00 4

1.8 Facilities and Costumer Service 0.96 4

1.9 H.R Management 1.00 4


Sa Administration, ito ay may kabuuang score na 0.97 at ang performance level ay
4. Sa service area nito, sa Barangay Legislation nito ay may score na 1.00; 1.00 naman ang
nakuhang score ng Transparency at nakapagtala ng score na 1.00 ang Citizens
Participation; 1.00 naman ang Development Planning. Bagama’t ang Revenue Generation
ay may score na 0.80, pagsiskaping mabigyan ito ng mga hakbangin kung papaano ito
iaangat sa pamamagitan ng mga ordinansa upang maiangat ang Revenue Generation.

Ang Revenue Allocation & Utilization ay nakakuha ng score na 1.00, gayon din ang
Financial Accountability na may score na 1.00; ang Facilities and Costumer Services ay
0.96 at ang Human Resource Management & Development ay 1.00 na bagama’t naabot ng
mga ito ang magandang Performance level, ito at ipagpapatuloy at maipatutupad ng
maayos at marangal para sa kapakinabangan ng mga mamamayan. Hangad ng Barangay
Poblacion II na lalo pang paigtingin at ibayuhin ang serbisyo nito sa tamang proseso
kasama ang mamamayan upang makita ang unti-unting pagsibol nito para sa lubusang
pag-unlad sa mga susunod pang mga taon.
☺ Mapanatili ang Performance Level nito at panatilihin ang pagtitiwala,
pagkakaisa at paninindigan ng mga nanunungkulan para sa pag-unlad ng
Barangay.
☺ Magsagawa ng mga Ordinansa upang magkaroon ng pondo ang barangay
para sa pagsasagawa ng mga proyektong pakikinabangan ng mga
mamamayan.
☺ Mapataas pa ang nakuhang marka ng Revenue Generation at Revenue
Allocation upang madagdagan ang pondong inilalaan sa mga planong
proyekto at mga programa ng Barangay.

Magkaroon ng mga panukala ang barangay kung papaano matutulungan ang mga
taong mahihirap upang mabigyan sila ng libreng serbisyo sa pang-edukasyon tulad ng
libreng mga gamit sa pagpasok sa pag-aaral at gayon din ang libreng serbisyo sa pang-
medikal sapagkat may mga taong mahihirap na hindi halos makabili ng mga gamot. Kung
ito ay maisasakatuparan, walang hadlang upang hindi sila makapag-aral at upang
masiguro ang kaligtasan ng mga mamamayan sa anumang uri ng karamdaman.
Performance Area Color Code Average Performance
Level
Social Services 0.83 4

Service Area

2.1 Health & Nutrition 0.95 4

2.2 Education Culture & Sports 0.75 4

2.3 Women & Children 0.67 3

2.4 Public Safety DRRM 0.95 4

Sa Social Services, higit na kailangang pagtuonan ng pamunuan kung ano ang mga
hakbang lalo sa Edukasyon, Culture and Sports at ang Women and Children upang
maiangat ang antas nito.

☺ Magkaroon ng sariling Health Center ang Barangay para sa maayos na


serbisyo ng mga Barangay Health Worker.
☺ Magkaroon ng pasilidad na gagawing evacuation center upang may
masilungan ang mga pamilya na naapektuhan ng kalamidad.
☺ Paggawa ng mga resolusyon para sa pangangailangan ng Public Safety &
Disaster Reduction Management.
☺ Magkaroon ng Medical Mission upang mabiyayaan at mabigyang
importansya ang mga mamamayang may sakit na walang kayang
magpagamot.
☺ Mapataas pa ang kalidad at siguridad ng mga bata at mga kababaihan
upang mabawasan ang gawaing di karapat-dapat.

Mapaangat ang kaalaman tungkol sa pangkabuhayan ng mga mamamayan upang


maiangat ang kahirapan ng buhay at bigyan sila ng kamalayan sa pamamagitan ng
pagtatatag ng mga livelihood program na angkop at higit na makatutulong sa mga
mamamayan ng barangay.

Performance
Performance Area Color Code Average
Level
Economic Development 0.93 4
Service Area
3.1 Agriculture and Fisheries
0.92 4
Development
3.2 Entrepreneurship, Business & Industry
0.95 4
Promotion
Bagamat nakuha ng Economic Development ang average na 0.93 at ito ay nasa level
4, dapat paring mabigyan ng pansin ang markang ito upang maiangat ang kalidad ng
ekonomiya. Higit pang pag-ibayuhin ang mga plano, programa at proyekto nito sa
pamamagitan ng ma livelihood program training at seminar for fisher folks.

☺ Lalo pang pagyamanin ng mga lider ng livelihood program ang pondong


ipinagkatiwala sa kanila upang ito ay mapalago at mapagyaman para sa
kanilang pamilya.
☺ Gumawa ng mga plano kung papaano magkakaroon ng fish cages sa
kailugan.
☺ Gumawa ng mga Ordinansa sa pagbabawal ng pangunguryente ng mga
similya ng hipon, alimango at mga lamang ilog/ dagat.
Magkaroon ng pagpupulong tungkol sa kalikasan at kapaligiran upang lubos na
maunawaan ang kahalagahan ng maraming punongkahoy, maberde at malinis na
kapaligiran. Mapaigting ang mga porgrama ng mga illegal na gawain at magkaroon ng
kamalayan sa mga basura na matutong paghiwalayin ang mga basura na nabubulok at di-
nabubulok.

Performance
Performance Area Color Code Average Level

Environmental Management 0.93 4


Service Area
4.1 Natural Resources Management 1.00 4
4.2 Waste Management & Pollution
0.86 4
Control
Sa mga nakaraang taon, ang environmental management ay halos ganito pa rin sa
kasalukuyan na dapat pahalagahan sapagkat sa mga nararanasang kalamidad ay
lumalaganap ang mga sakit sahilan narin sa maruming kapaligiran at hindi kanais-nais na
masamang amoy dala ng walang control na kung saan na lamang itinatapon ang mga
basura.

☺ Magpatupad ng mga Ordinansa tungkol sa pagtatapon ng mga basura.


☺ Magtanim ng mga punongkahoy upang mapanatili ang berdeng kapaligiran
at gayon din ang pagtatanim ng mga bakawan lalo na ang bahay na malapit
sa tabi ng ilog.
☺ Mapaigting ang programang Tree Planting at Clean & Green para sa
malinis na kapaligiran.
Sa Performance area na ito, mapanatili ang pagiging agresibo ng pamunuan sa
pagganap ng mga obligasyon dahil ditto nasusubok ang kakayahan ng bawat namumuno.
Maging bukas ang kaisipan, maglaan ng panahon at oras sa mga gawaing pangbarangay.
Sa natamong score ng service area na ito, kumpara sa ma nagdaang taon, nakikita ang
unti-unting pagtaas ng level nito dahil ditto nakasalalay ang mga pondong dapat ilaan sa
mga proyekto, programa at mga plano ng barangay.

Sa social services performance ng Barangay, mapapansin na medyo tumaas ang


nakuhang score nito kumpara sa dating datos, subalit kailangan parin itong pagtuonan ng
pansin sapagkat higit na nakakarami ang nakikinabang ditto lalong-lalo na ang Edukasyon
na dapat magkaroon ang barangay ng programang makapag-aangat sa larangan ng
edukasyon upang madagdagan ang kaalaman ng mga mamamayang walang kakayahang
mag-aral lalo’t higit ang mga pamilyang mahihirapsubalit napakaraming mga anak.
Magsasagawa din ng mga plano para sa Women & Children para walang mga bata
o kababaihan na inaabuso. Gayon din na dapat kumilos ang pamunuan sa paggawa ng
mga resolusyon para sa medical para sa mga mamamayang hindi kayang bumili ng mga
gamut o kaya’y resolusyong paghiling na magkaroon ng Medical Mission sa barangay sa
mga mahihirap at mga pamilyang walang kakayahang bumili ng mga gamut ang dapat
bigyan ng pansin o unahin.

Ang performance area na ito ang bigyan ng kahalagahan sapagkat dito nakasalalay
ang ekonomiya ng barangay o ng mamamayan. Higit pang pag-ibayuhin ang mga plano,
programa, proyekto nito sa pamamagitan ng wastong pamamaraan ng tamang
paghahanapbuhay. Magkaroon ng mga livelihood program upang makatulong sa panahon
ng kahirapan at may pandagdag puhunan para sa iba pang pangangailangan.

Pamunuan ng lahat ng mga namumuno sa


barangay ang kahalagahan ng Clean & Green Drive para Makita ng mga mamamayan ang
kalinisanng kapaligiran. Makakatulong ang malinis at maberdeng kapaligiran upang tayo
ay makaiwas sa mga anumang uri ng sakit. Malaking tulong din ito sa tinatawag na
CLIMATE CHANGE na nararanasan natin ngayon. Ang maberdeng kapalaigiran ay
nagdadala ng sariwang hangin at amoy.
Ang STATE OF BARANGAY GOVERNANCE REPORT na ito ay nakalap at
nabuo sa pagtutulungan ng mga namumuno sa barangay at dito makikita ang MUKHA ng
barangay na may mga layunin at adhikain kung papaano lalong pauunlarin ang barangay
kasama ang mga mamamayan.

Dito rin masasalamin ang mga magagandang hakbangin tungo sa isang Barangay
na may Pananaw, may Misyon at may Layuning mapayaman ang mga panukala para sa
pagmamahal sa mga mamamayan.

Ito rin ay isang larawan na makikita ang isang magandang samahan ng mga
namumuno, nag pagkakaisa at pagkakapitbisig at kayang yumakap sa lahat ng mga
programa, mga plano at mga proyektong pangkaunlaran na ipinatutupad ng wasto at
naaayon sa batas ng Pamahalaan.
In accordance with the Presidential Decree dated April 18, 1973, the town proper of
Santa Cruz was divided into two barangays, namely Poblacion I and Poblacion II.
Barangay Poblacion II is up to now headed by Barangay Chairman and seven (7)
Barangay Councilors. In 1973, there were 135 families compared the present number of
families which is 650, which comprises 2,496 population of the Barangay.
Poblacion II takes pride of being the seat of Municipal Hall. This Municipal Hall
houses the different national agencies of the government like, DILG, COMELEC, PNP,
DAR and others.
A kilometer away from the Municipal Hall is the Santa Cruz National High School
(STCNHS) which was then headed by Administrator with seven (7) teachers and 92,000
students. At present it is headed by the Principal, two Head Teachers, four Master
Teachers and five administrative personnel. Now, the students are 1,397. STCNHS now
serves as an E-learning center in Santa Cruz District.
The First Day Care Center was under the administration of the late Mrs. Gliceria
Calabio. They used one of the classrooms of STCNHS serves as the Poblacion II Day Care
Center, under the supervision of Miss Norlita de Lara and now they uses their own
building located at Sea Side.
Adjacent to the STCNHS is the Rural Health Center (RHC) which was then headed
by Dra. Lilia Asisas the Municipal Health Officer (MHO), Mrs. Adoracion Hernandez a
mid-wife, a nurse and a sanitary inspector. At present Dr. Roberto Liabres serves as the
MHO, together with a nurse, midwives, and a medical technologist. A medical technologist
is needed for the RHC’s own laboratory.

The Santa Cruz Community Hospital is just a wall away from the RHC.
Poblacion II takes pride in being a religious barangay because churches of the
Iglesia ni Kristo, Methodist, Baptist and the Roman Catholic are all located here.
From a few business establishments, the Barangay Pobalcion can be considered a
high commercial barnagay. The first Hotel in town, the San Antonio Hotel is located in our
barangay. Residents of Poblacion II and the nearby barangays can be connected to the
whole world due to the presence of internet cafés.

The major projects of our Barangay are the following:

a. Construction/ Implementation of Synchronized Public Information Utility.


b. Construction of Covered Court in barangay plaza.
The Multi-purpose Center and Poblacion Water Works are joint projects of Poblacion I
and Poblacion II.

Barangay Captain: Redentor Viana


Councilmen: Ricardo V. Castro Sr.
Ednamar Tria
Menardo Tapales
Josefina Lampitoc
Mary Tria
Glenior Torreliza
Romeo Hernandez
Barangay Secretary: Minerva H. Cajayon
Barangay Treasurer: Felixberto Liboro
SK Chairman: Rodel C. Ramos

Barangay Captain: Redentor Viana


Councilmen: Manuel Viray
Menardo Tapales
Ednamar Tria
Mary Tria
Ricardo V. Castro Sr.
Felino M. Barraca Jr.
Romeo Hernandez
Barangay Secretary: Evelyn C. Ramos
Barangay Treasurer: Felixberto Liboro
SK Chairman: Waneza Templanza

Barangay Captain: Felino M. Barraca Jr.


Councilmen: Mark Joseph A. Gonda
Rigy B. Basit
Nelson B. Sagun
Ronie P. Alegria
Ernesto Z. Sibulan
Romeo D. Hernandez
Dionito R. Tomas
Barangay Secretary: Minerva H. Cajayon
Barangay Treasurer: Rowena S. Aquino
SK Chairman: Mark Francis V. Galsim

Barangay Captain: Ronie P. Alegria


Councilmen: Venacio M. Mallen
Rigy Basit
Edeliza Castro
Nora M. Guba
Carl James D. Tria
Ernesto Z. Sibulan
Ricardo V. Castro Sr.
Barangay Secretary: Minerva H. Cajayon
Barangay Treasurer: Mark Joseph A. Gonda
SK Chairman: Pamela Erika T. Encina

Barangay Captain: Mark Francis V. Galsim


Councilmen: Rigy B. Basit
Nora M. Guba
Carl James D. Tria
Nelson B. Sagun
Ricardo V. Castro Sr.
Edeliza V. Castro
Ronicarl D. Tria
Barangay Secretary: Minerva H. Cajayon
Barangay Treasurer: Dionito R. Tomas
Barangay Captain: Rigy B. Basit
Councilmen: Nora M. Guba
Carl James D. Tria
Nelson B. Sagun
Ricardo V. Castro Sr.
Edeliza V. Castro
Ronicarl D. Tria
Barangay Secretary: Juliet G. Pangilinan
Barangay Treasurer: Dionito R. Tomas
Barangay Collector: Rodelia R. Daprosa

Punong Barangay: Rigy B. Basit


Councilmen: Nora M. Guba
Carl James D. Tria
Nelson B. Sagun
Ricardo V. Castro Sr.
Edeliza V. Castro
Ronicarl D. Tria
Barangay Secretary: Juliet G. Pangilinan
Barangay Treasurer: Dionito R. Tomas
Barangay Collector: Rodelia R. Daprosa

Republic of the Philippines


Province of Occidental Mindoro
Municipality of Santa Cruz
BARANGAY POBLACION II

OFFICE OF THE PUNONG BARANGAY

Executive Order No. 03


Series of 2017

AN ORDER MANDATING THE DEVELOPMENT OF BARNGAY GOVERNANCE


PERFORMANCE MANAGEMENT SYSTEM (BGPMS) OF BARANGAY POBLACION II
SANTA CRUZ, OCCIDENTAL MINDORO AND CREATNG THE BGPMS BARANGAY
ASSESSMENT TEAM FOR THE PURPOSE AND APPROPRIATE FUNDS THEREFORE.

WHEREAS, BGPMS, is an assessment tool for Barangays that measures the effective delivery
of services and accomplishments in the performance of the function of Barangay Officials as mandated
in the 1991 Local Government Code (LGC) and other related issuances;

WHEREAS, Barangay Governance Performance is measure to determine and assess the level of
compliance of the Barangay in the identified service areas through the BGPMS scoring and rating system
in order to improves the quality of programs and local policies;
WHEREAS, the leadership advocates the promotion of Good Governance through clear,
transparent, accountable, and responsive Public Services Delivery;

WHEREAS, the benefits of BGPMS, as it s encourage transparency, and accountability among


Barangay Officials, improve the organizational and management leadership among us in planning,
budgeting, and allocation of resources, identifying the existing services in the community and the quality
of programs and projects implemented and to determine the state/ level of development of the barangay;

WHEREAS, is it the leadership desire for the barangay Poblacion II, and its residents, to reap the
said benefits through the establishment of its Barangay Governance Performance Management System
Assessment Team (BGPMS-BAT);

NOW THEREFORE, by the virtue of the power vested upon me as the Local Chief Executive
of the Barangay Poblacion II hereby order the following:

SECTION I. Creation of Barangay Governance Performance Management System- Barangay


Assessment Team (BGPMS-BAT) the said team is composed of the following:
Chairperson: Punong Barangay Rigy B. Basit
Members: Kgwd. Carl James D. Tria
Brgy. Secretary Juliet G. Pangilinan
Brgy. Treas. Dionito R. Tomas

SECTON II. Terms of reference for the BGPMS Barangay Assessment Team (BGPMS-BAT) shall
perform the following functions:

1. Conduction data gathering accomplish and process the Data Capture Form (DCF)
2. Coordinate closely with the Municipal Assessment Team on policy matters regarding
project implementation.
3. Submit one (1) copy of accomplished Data Capture Form (DCF) to the respective
Municipal BGPMS Team.
4. Retain one (1) copy of the accomplished Data Capture Form (DCF) for reference in
the preparation of the Barangay State Governance Report and the Barangay
Development Plan.

SECTION III. Effectively – This Executive Order shall take effect immediately.
Done in the Office of Sangguniang Barangay of Poblacion II, Santa Cruz, Occidental Mindoro this 29 th
day of January 2017.

RIGY B. BASIT
Punong Barangay

You might also like