Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 9

KATARUNGANG PAMBARANGAY SCENE 1

SLIGHT PHYSICAL INJURY ART 265


***BARANGAY CAPANDANAN***
Enting: Kaaapppiiitaaannn Dadong meron po akong gustong ireklamo si Boy Puwing
sinuntok po nya ako tignan nyo po meron po akong black eye sa mata.
Kapitan: Oh sino naman yang Boy Puwing nayan bat parang ngayon ko lang narinig ang
pangalan nayan dito sa ating barangay.
Enting: Yun pong pinsan ni Kardo na taga looban po. Tito nya si ano si Mang Lukas.
Kapitan: Eh abay taga rito ba iyan sa ating barangay o munisipalidad man lang, Dahil
kung hindi hindi mo naman yan pwedeng ireklamo sa barangay.
Enting: Taga rito po sya dati Kap, umuuwi po sya dito minsan sa pinsan nya at mga tito
nya, pero lumipat na ng Barangay Domalandan dahil duon nakapangasawa. Dito lang
din naman yun sa Lingayen malapit lang dito satin, tas kapag pumupunta dito akala mo
kung sino kung umasta.
Kapitan: Ok Enting, tutulungan ka ng ating barangay secretary sa pagsusulat sa KP
FORM 7: PORMULARYO NG NAGREREKLAMO (COMPLAINANT’S FORM)
At kailangan mong magbayad ng filing fee sa Barangay Treasurer para sa pagsasampa
ng iyong kaso.
Mabuti lamang at naparito ka na magsumbong dahil hindi ka maaring dumiretso sa
hukuman o anumang tanggapan ng gobyerno para sa pagpapasya ng iyong kaso laban sa
Boy Puwing nayan dahil ang inyong alitin ay saklaw ko. Considered as MGA HINDI
GAANONG MALALANG PINSALA SA KATAWAN o SLIGHT PHYSICAL
INJURIES AND MALTREATMENT (ART. 265) kasi ang nagyare sayo.
Pero kailangan mong tandaan na ako bilang isang Kapitan at ang aking mga lupon ay
hindi kumikilos at hindi kikilos bilang hukuman at hukom, dahil ang gawaing Lupon ay
hindi isang Hukumang Pambarangay at ang kasapi ng Lupon ay hindi mga Hukom. Ito
ay isang grupo para sa pagkakasundo at ang mga kasapi ay mga tagapagkasundo, at
ako bilang Kapitan ay isa lamang tagapamagitan.
Enting: Huh? Akala kopa naman Kapitan tutulungan nyo akong ipakulong si Boy
Puwing dahil sa ginawa nya saakin, tignan nyo po giniwa nya saakin sinuntok suntok po
nya ako, may mga pasa pa nga ako sa mga katawan ko saka itong mapungay kong mata
tignan nyo kung anong nagyari Kapitan (iyak Malala.)
Saka ano po ba yang Lupon na sinasabi nyo di ko po naiintindihan. Hindi po ba yan
yung mga kagawad na kasama nyong nanalo nung election?
Kapitan: Naku Enting hindi maari yang gusto mong mangyari na kulong agad! Andito
ka para matulungan ng katarungang pambarangay ito ay isang mahalagang
pamamaraan sa ating barangay para sa patas at mabilisang pag-aayos ng mga alitan. Ito
ay namumukod-tanging bahaging tungkulin ng pambarangay upang itaguyod ang
kapayapaan at pagkakasundo ng mga mamamayan sa komunidad. Sa madaling salita
kailangan namin kayong pag ayusin at kailangan nyong dumaan sa proseso ng
PAGKAKASUNDUAN (CONCILIATION).
At saka Enting, ang mga Barangay Kagawad ay hindi maaring maging parti ng Lupon
dahil sila ay mga halal na pinuno ng pamahalaan, ang pagiging isang elected
government official ay isa sa disqualification upang maging myembro ng Lupon.
Enting: Eh sino sino po ang mga qualified na kasapi ng lupon? At ilan po sila? At sino po
ang mga nagtalaga sakanila?
Kapitan: Ang mga kasapi ng lupon ay mga kasalukuyang naninirahan at/o nagtatrabaho
sa barangay, nasa hustong gulang at nagtataglay ng mga sumusunod na katangian:
integridad, walang pinapanigan, may sariling desisyon, patas, kilalang matapat,
mahinahon, maparaan, bukas ang isip at madaling makaangkop.
Sampo hanggang Dalawampung katao ang maaring maitalagang kasapi ng Lupon,
ngunit dito satin Labing dalawa lang ang napili ko na maging kasapi ng Lupon ng ating
Barangay at ako bilang Punong Barangay lamang ang maaring magtalaga ng kasapi ng
Lupon Enting.
Enting: Ah ganun po ba Kapitan Dadong, o sige po papatulong na po ako sa barangay
secretary na pirmahan ang KP FORM 7: PORMULARYO NG NAGREREKLAMO
(COMPLAINANT’S FORM) at babayadan ko na din po ang filing fee sa Barangay
Treasurer para ma-summon (mapatawag) nyo na yang si Boy Puwing nayan na akala mo
kung sino napaka yabang! (iyak Malala).
Kapitan: Ok Enting, sa loob ng tatlong araw ay mag-iissue ako ng KP FORM 8:
NOTICE OF HEARING para sayo na complainant at KP FORM 9: SUMMON FOR
THE RESPONDENT naman para kay Boy Puweng.
At Enting ipapaalam ko pala sayo na kapag hindi ka nakipagharap without justifiable
cause o makatuwirang dahilan ang iyong reklamo ay ipawawalang-saysay at hindi ka
maaaring magsampa ng kaso sa hukuman. maaari ka ding maparusahan o
mapangaralan para sa di-tuwirang paglapastangan sa hukuman. Sa kabilang banda,
kung si Boy Puweng naman ang hindi makipagharap without justifiable cause o
makatuwirang dahilan, ang kanya kontra-demanda, kung mayroon man, ay
mapawawalang-saysay at mawawalan na siya ng karapatang magsampa ng kaso sa
hukuman at maaari din siyang maparusahan para sa di-tuwirang paglapastangan sa
hukuman.
Enting: Naku naman Kapitan Dadong ako pa ba?! Hintayin ko lang yang Notice nyo at
aattend talaga ako, ewan lang dun sa Boy Puweng na yun!
ARAW NG PAGHAHARAP

Boy Puweng/Edwarda: Kapitan Dadong kumusta na po? Ako po ito si Edwarda,


pamangkin po ni tito Lukas kapatid ni papa Eduardo.
Kapitan: Naku naman bata ka! Akala ko naman kung sinong Boy Puwing ang tinutukoy
netong si Enting ikaw lang pala Edwarda!
Enting: Boy Puwing tawag sakanya Kapitan kasi napakaliit Nyang tao pero akala mo
kung sino sya!
Kapitan: Oh sya, bago muna natin umpisahan ang mediation ay magdasal muna tayo
nang bigyan tayo ng kalinawan ng isip ng Panginoon sa gagawin nating pag uusap
ngayong araw.
Lahat tayo ay magsitayo, at magdasal. Ama naming nasa langit kami po ay gabayan mo
ngayong araw at bigyan mo po sana ng kalinawan ang mga isip at puso ang complainant
at respondent sa pag uusap nila, nawa po ay maghari ang kaunawaan at pagpapatawad
sa kanilang mga puso. Gabayan nyo po ako Panginoon na matulungan ko po silang
ayusin ang kanilang kaso at pagkakaalitan. Ito po ang aming samot dalangin sa
Pangalan ng Maunawiing Hesus. Amen.
Magandang umaga sainyong lahat, Simulan na po natin ang proseso ng pamamagitan o
Mediation.
Kapitan: Lilinawin ko lang sa bawat partido na andito kayo para sa MEDIATION
PROCEEDING, bilang punong barangay ay hindi ko pagpapasyahan o ireresolve ang
inyong kaso. Mamagitan lang ako, makikinig mabuti sa bawat panig at tutulungan
kayong hanapin ang solusyon sainyong alitan.
Oh Edwarda, itong si Enting nirereklamo ka nya ng MGA HINDI GAANONG
MALALANG PINSALA SA KATAWAN o SLIGHT PHYSICAL INJURIES AND
MALTREATMENT (ART. 265). Totoo ba na sinuntok mo sya?
Boy Puwing/Edwarda: Naku Kapitan Dadong, walang katutuhanan yan, ito kasama ko si
Cardo at Andres na witness ko na magpapatotoo na di ko naman yan inupakan o
sinuntok yang si Enting. Ang katutuhanan nga nyan tinapik ko lang yan sa balikat Kap,
tas nagulat sya natalisud, gumulong saka nabagok.
Cardo: Opo Kapitan, totoo sinasabi ni Boy Puwing este Edwarda pala. Nagulat lang
talaga yan si Enting kasi nakatalikod sya may katext na parang kinikilig tas bigla nalang
natalisod saka gumulong kaya tawa kami ng tawa nun.
Andres: Oo Kap, di ko nga inaasahan na magsusumbong yan dito kasi aksidente lang
naman nangyare.
Enting: Yun nanga Kap! Natalisod nan ga ako, gumulong at nabagok pero pinagtawanan
pa nila ako imbes na tulungan. Awang awa ako sa sarili ko Kapitan, nag ka pasapasa ako
at black eye dahil sa Edwarda Boy Puwing na yan!!! (iyak Malala with tulo sipon).
Boy Puwing/Edwarda: O parekoy Enting! Ano ka ba naman napaka sensitive mo. Ako
na ang hihingi ng tawad para hindi na ito humaba pa. Patawarin mo na ako at nagging
insensitive ako at kung nagulat kita kaya ka napagulong at nagkapasapasa. Hayaan mo
ako na bahala sa gamot mo. At kapag ok ka na magpapamasahe tayo, sagot kita!
Carlos&Andres: Uy pare sama kami jan!
Boy Puwing/Edwarda: O sige ba! Basta huminge din kayo ng dispensa dito sa kababata
nating si Enting at napaka sensitive maliit na bagay pinapalaki pa.
Carlos: Pasensya na Enting! Dapat strong lang kasi tayo tama na tong drama at
reklamong to.
Andres: Pasensya na Enting! Maghappy happy na lang tayo mamaya kami bahala sayo.
Enting: Pasensya na din kayo, masyado akong sensitive masakit kasi talaga yung pasa ko
grabe pagkagulong gulong ko at nablack eyeyan pa ako tas pinagtawanan nyo pa ako
imbes na tulungan samantalang magkakaibigan naman tayo dati.
Kapitan: Oh ayan mukha naman nakapag usap na kayong mabuti at nag kayos ang
bawat Partido. May kailangan ba tayong isulat na terms and conditions sa pagkakaayos
nyong to?
Boy Puwing/Edwarda: Oo Kapitan, pakilagay na lang po na, nakapag sunduan naming
ako na bahala sa pagpapagamot nya at ipaxray ko na din po sya para sigurado at
malaman natin na wala po syang mga bali sa katawan.
Enting: Salamat Edwarda napakabuti mo. Ok na po kami Kapitan. Pasensya na din po
sa abala.
Kapitan: Naku walang problema, gusto ko magkakayos kayo at tahimik ang barangay
natin.
Dahil pumayag na kayong magkaayos, isusulat ko ang mga napag kasunduan nyo na
ikaw Edward ay sasagutin ang pagpapagamot at xray ni Enting. Ito ay ilalagda ko sa KP
FORM 16: MAPAYAPANG PAG-AAYOS NG ALITAN (AMICABLE
SETTLEMENT) sa wika o salitang naiintidihan ng magkabilang panig.
Dito na magtatapos ang kaso nyong dalawang magkaibigan ha! Lubos akong nagagalak
at nadaan nyo sa maayos na usapan ang inyong alitan.
SCRIPT NI MADAM
Atty. Baby Ruth: Ang natunghayan nyo pong duladulaan ay isa sa mga pwedeng
idulong na kaso sa ilalim ng Katarungang Pambarangay. Ang mga iba pang kaso na
pwedeng idulong sa Katarungang Pambarangay ay ang mga sumusunod na makikita nyo
sa screen (No need to read kasi madami at mahaba).

MGA KASO SA ILALIM NG KATARUNGANG PAMBARANGAY

 PAGLALATHALA AT PAMAMAHAYAG NANG LABAG SA BATAS (ART. 154);


 MGA PANANAKOT AT PANINIRANG-PURI (ART. 155);
 PAGGAMIT NG HUWAD NA KATIBAYAN (ART. 175);
 PAGGAMIT NG HINDI TOTOONG PANGALAN AT PAGTATAGO NG
TOTOONG PANGALAN (ART. 178);
 PAGGAMIT NG MGA UNIPORME AT SAGISAG NA LABAG SA BATAS (ART.
179);
 PINSALA SA KATAWAN DALA NG MARAHAS NA PAG-AAWAY (ART. 252);
 PAGTULONG SA NAGANAP NA PAGPAPATIWAKAL (ART. 253);
 PANANAGUTAN NG MGA SANGKOT SA ISANG LABANAN KAPAG
NAGKAROON LANG NG MGA PINSALA SA KATAWAN O WALA MANG
NANGYARING PINSALA (ART. 260);
 MGA HINDI GAANONG MALALANG PINSALA SA KATAWAN (ART. 265);
 MGA BAHAGYANG PINSALA SA KATAWAN AT PAGMAMALUPIT (ART. 266);
 PAGDAKIP NANG LABAG SA BATAS (ART. 269);
 PAGHIMOK SA ISANG MENOR DE EDAD NA LUMAYAS SA KANYANG
TAHANAN (ART. 271);
 PAG-IWAN SA ISANG TAONG NASA PANGANIB AT PAG-IWAN SA ISANG
NAGING BIKTIMA (ART. 275);
 PAGPAPABAYA SA ISANG MENOR DE EDAD (ISANG BATA NA MABABA ANG
EDAD SA PITONG (7) TAONG GULANG) (ART. 276);
 PAG-IWAN NG MGA TAONG PINAGKATIWALAANG MAGAALAGA SA ISANG
MENOR DE EDAD; KAWALAN NG PAGMAMALASAKIT NG MGA MAGULANG
(ART. 277);
 PAGPASOK SA ISANG TIRAHAN NANG WALANG PAHINTULOT (HINDI
GUMAMIT NG DAHAS AT PANANAKOT) (ART. 280); „ MGA IBANG ANYO
NANG PAGPASOK NA WALANG PAHINTULOT (ART. 281);
 MAGAAN NA MGA PAGBABANTA (ART. 283); „ IBA PANG MAGAAN NA
PAGBABANTA (ART. 285); „
 GRABENG PAMUMUWERSA (ART. 286); „ HINDI GRABENG
PAMUMUWERSA (ART. 287);
 IBA PANG KATULAD NA PAMUMUWERSA (SAPILITANG PAGBILI NG MGA
PANINDA AT PAGBABAYAD NG SUWELDO SA PAMAMAGITAN NG
PAGSINGIL NG UTANG NA LOOB) (ART. 288);
 PAGBUBUO, PANANATILI AT PAGBABAWAL NG PAGSASANIB NG
PUHUNAN AT LAKAS-PAGGAWA SA PAMAMAGITAN NG DAHAS AT
PANANAKOT (ART. 289);
 PAG-ALAM NG LIHIM NANG SAPILITAN AT SA PAMAMAGITAN NG
KASUNDUAN (ART. 290);
 PAGSISIWALAT NG LIHIM NANG MGA PANG-AABUSO NG
KAPANGYARIHAN (ART. 291);
 PAGNANAKAW (KUNG ANG HALAGA NG NINAKAW NA ARI-ARIAN AY
HINDI HIHIGIT SA P50.00). (ART. 309);
 PAGNANAKAW (KUNG ANG HALAGA AY HINDI HIHIGIT SA P500). (ART.
310);
 PAGSAKOP NG MGA TIGIL NA ARI-ARIAN O SAPILITANG PAGKUHA NG
KARAPATAN SA ARI-ARIAN (ART 312);
 PAGLILIPAT NG MGA HANGGANAN O MUHON (ART. 313);
 PANDARAYA O PANGGAGANTSO (KUNG ANG HALAGA AY HINDI HIHIGIT
SA P200.00). (ART. 315);
 IBA PANG ANYO NG PANDARAYA (ART. 316);
 PANDARAYA SA ISANG MENOR DE EDAD (ART. 317);
 IBA PANG PANLOLOKO (ART. 318);
 PAGTANGGAL, PAGBEBENTA O PAGPEPRENDA NG NAKASANLANG PAG-
AARI (ART. 319);
 MGA KAKAIBANG KASO NG PANLOLOKONG MAY MASAMANG HANGARIN
(KUNG ANG HALAGA NG NASIRANG ARI-ARIAN AY HINDI HIHIGIT SA
P1,000.00). (ART 328);
 IBA PANG KALOKOHAN (KUNG ANG HALAGA NG NASIRANG ARI-ARIAN
AY HINDI HIHIGIT SA P1,000.00). (ART. 329);
 SIMPLENG PANUNULSOL (ART. 338);
 PAGGAWA NG KAHALAYAN NA MAYROONG PAGSANG-AYON NA
NAAGRABYADONG PARTIDO (ART 339);
 PAGBANTA NA ISISIWALAT AT ALOK NA PAGPIGIL SA PAGSISIWALAT NA
MAY KABAYARAN (ART. 356);
 PAGPIGIL SA PAGLALATHALA NG MGA GAWAING TINUTUKOY SA
PANAHON NG OPISYAL NA PROSESO (ART. 357);
 PAGDADAWIT SA MGA INOSENTENG TAO (ART. 363); „ MGA PAKANA
LABAN SA DANGAL (ART. 364);
 PAGLALABAS NG TSEKE NANG WALANG SAPAT NA PONDO (BP 22);
 PAGBILI NG NAKAW NA ARI-ARIAN KUNG ANG HALAGA NG ARI-ARIANG
SANGKOT AY HINDI HIHIGIT SA P50.00 (PD 1612)

Atty. Baby Ruth: At ang mga sumusunod naman ang mga kinakailangang form kapag
ikaw ay mag dudulong ng kaso sa Barangay.

Una (show sa screen): KP FORM 7: PORMULARYO NG NAGREREKLAMO


(COMPLAINANT’S FORM).
---Ito ay kailangan pirmahan ng nagrereklamong Partido, kinakailangan din Nyang
magbayad ng maliit na halaga sa barangay treasure sa pagsasampa ng kaso. Ang halaga
ay depende sa nakapagkasunduan ng mga barangay council.

Pangalawa (show sa screen): KP FORM 8: NOTICE OF HEARING


---Sa loob ng tatlong araw, ang kapitan ay dapat maglabas ng patalastas ng pagdinig sa
nagsasakdal at pagpapatawag sa isinasakdal. Silang dalawa ay dapat humarap sa
tanggapan ng Barangay.
Pangatlo (show sa screen): KP FORM 9: SUMMON FOR THE RESPONDENT
---Ito naman ay ang pagpapatawag sa nirereklamo o nasasakdal.

Atty. Baby Ruth:


Question 1: Paano naman po kaya kung hindi makaharap ang sinuman sa mga
partido?
Answer: Kung hindi nakapagharap ang nangsasakdal na makatuwirang dahilan, ang
kanyang reklamo ay ipawawalang-saysay at hindi na siya maaaring magsampa ng kaso
sa hukuman. Maaari din siyang maparusahan o mapangaralan para sa di-tuwirang
paglapastangan sa hukuman. Sa kabilang banda, kung ang isinasakdal naman ang hindi
makapagharap na makatuwirang dahilan, ang kanya kontra-demanda, kung mayroon
man, ay mapawawalang-saysay at mawawalan na siya ng karapatang magsampa ng kaso
sa hukuman at maaari din siyang maparusahan para sa di-tuwirang paglapastangan sa
hukuman.

Question 2: Paano kung pareho silang humarap, ano ang gagawin mo bilang punong
barangay/tagapamagitan?
Answer: Bilang tagapamagitan, kailangan making kang mabuti sa kanila at tutulungan
mo silang hanapin ang solusyon sa loob ng labinlimang (15) araw. Kung hindi humarap
ang isinasakdal, ang kaso ay ihaharap sa pangkat tagapagkasundo.

Question 3: Bilang punong barangay, ano ang dapat gawin para maayos
mapanghawakan ang kanilang kaso?
Answer: Bago ka mamagitan, kinakailangan mong makilala ang mga partidong
sangkot at malaman ang kanilang pinag-aawayan. Napakahalagang ipaliwanag mo sa
bawat panig ang mga proseso at layunin ng pamamagitanan o mediation at ang mga
patakaran na dapat nilang isaalang-alang.
Mas maganda kung sisimulan ninyo sa isang panalangin ang buong proseso.
Bigyan mo ng oras ang bawat partido na ipaliwanag ang kani-kanilang panig nang
walang pagsabad mula sa kabilang partido. Magtanong ka at isali mo ang magkabilang
partido sa paghahanap ng solusyon sa kanilang alitan.
Napakahabang proseso nito na nangangailangan ng paggagalangan at pakikinig.
Tandaan nyo po na ang punong barangay ay hindi hukom kundi isang tagapamagitan.
Hayaan nyo pong hanapin ng dalawang panig ang solusyon sa kanilang alitan.

Question 4: Kung sakaling pumayag na silang magkaayos, dapat bang isulat ang mga
takda at kondisyon ng kanilang pag-aayos?
Answer: Oo, pero ito ay dapat nasa wika o salitang naiintindihan ng magkabilang
panig.

Pangapat (show sa screen): KP FORM 16: MAPAYAPANG PAG-AAYOS NG


ALITAN (AMICABLE SETTLEMENT)
Tulad ng napanuod nyong duladulaan kanina, umabot sa amicable settlement si Boy
Puwing Eduarda at Enting, at ang kanilang pagkakaintindihan at pinagkasunduan ay
nilagda sa KP Form 16, tandaan na dapat ang wikang ginamit ay parehong naiintindihan
ng magkabilang panig.

You might also like