Grade 12 – HUMSS, STEM1A & STEM1B Loyola High School Mahilig ba kayo manood ng Pelikula? •1. Nakikilala ang iba’t ibang Inaasahang akademikong sulatin ayon sa: pagkatapos •(a) Layunin (b) Gamit (c) Katangian (d) Anyo. CS_FA11/12PN-0a-c-90 ng aralin na 2. Nakasusulat nang maayos na akademikong ito ang mga sulatin.CS_FA11/12PU-0d-f-92 mag-aaral ay: •3. Nakasusunod sa istilo at teknikal na pangangailangan ng akademikong sulatin. Ano ang Paglalagom?
• Ang paglalagom ay tumutukoy sa pagsulat ng mga pinaikli o pinasimpleng
bersiyon ng isang akda upang makuha kaagad ng mambabasa ang nais sabihin ng isang akda o sulatin. • Kadalasan, ito ay ginagamitan ng sariling pananalita para malaman kung naunawaan ng manunulat ang isang akda. • Maikli ang sulating paglalagom ngunit ito ay naglalaman ng pinakadiwa ng isang akda. • Ang salitang 'lagom' ay tumutukoy sa pinaikli o pinasimpleng bersiyon ng isang akda o sulatin. Ilang uri mayroon ang paglalagom? May tatlong (3) uri ito. Abstrak Sinopsis/Buod Bionote ABSTRAK
• Ang Abstrak ay isang uri ng lagom na karaniwang ginagamit sa pagsulat
ng mga akademikong papel tulad ng tesis, papel na siyentipiko, at teknikal lektyur, at mga report. Ito ay kadalasang bahagi ng isang tesis o disertasyon na makikita sa unahan ng pananaliksik pagkatapos ng title page o pahina ng pamagat. Naglalaman din ito ng pinakabuod ng boung akdang akademiko o ulat. • Ayon kay Philip Koopman (1997), bagamat ang abstrak ay maikli lamang, tinataglay ang mahalagang elemento o bahagi ng sulating akademiko tulad ng Introduksyon, mga kaugnay na literatura, metodolohiya, resulta at konklusyon. Rasyunal- Nakapaloob dito Metodolohiyang ang Layunin at Ginamit Suliranin ng (Mapusyaw na Pag-aaral Asul) (Berde) Nilalaman ng Abstrak Saklaw at Resulta at Delimitasyon Konklusyon (Lila) (Dilaw) Halimbawa ng Abstrak
Ang pag-aaral na ito ay tungkol sa kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ika-apat na
taon ng pambansang mataas na paaralan ng Talevera,Nueva Ecija. Hinangad sa pag-aaral na ito na matanto ang antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa mga sining pangtanghalan tulad ng pasalitang pagkukuwento, pagtatalumpating impromptu at ekstemporenyo. Saklaw ng pag-aaral na ito ang labing limang (15) mga mag-aaral na mag-rebyu sa ika-apat na taon. Nalimita ang pag-aaral sa kasanayan ng mag-aaral sa pagsasalita sa mga gawaing pasalitang pagkukuwento at talumpating impromptu,ekstomperenyo. Ang instrumentong ginamit sa pagtanto ng antas ng kasanayan sa pagsasalita ng mga mag-aaral sa ikaapat na taon ay ang walang diyalogong film na pinamagatang “Ang Pamana” na ginamit sa pagkuha ng datos sa pagkukuwento. Ang paksang “Ang Pagtatapos” sa impromptu at ang paksang “Global Krisis” sa ekstemporenyo gamit ang pamantayan o kraytirya sa pagtatalumpati upang tukuying ang kasanayan sa pagsasalita ay ginamit sa paglikom ng datos. Lumabas sa pag-aaral na may taglay na husay o kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral sa pagkukuwento at pagtalumpating ekstemporenyo subalit sila’y nabalitaan na kakulangan sa kasanayan sa pagtatalumpating impromptu. Sa kalahatan, tahasang maipapahayag na kulang sa kasanayan sa pagsasalita ang mga mag-aaral. SINOPSIS Ito ay tinatawag ring isang buod ito ay isang uri ng lagom na kadalasang ginagamit sa iba’t ibang akda katulad ng; • kwento • salaysay • nobela • dula • parabola • pabula • talumapati Sinopsis • Sa pagkuha ng mahahalagang detalye ng isang akda,mahalagang malaman ang sagot sa mgasumusunod na tanong: • Ano? • Kailan? • Saan? • Bakit? • Paano? • Mahalagang maipakilala sa mga mambabasa kung ang akdang binabasa na ginawan ng synopsis o buod sa pamamagitan ng paglalahad ng pamagat, may-akda, at pinanggalingan ng akda. Dapat ding maiwasan ang pagbibigay ng iyong sariling pananaw o paliwanang tungkol sa akdang binasa. Sinopsis/Buod ng MIRACLE IN CELL NO.7 Ang pelikula ay naganap sa isang kulungan kung saan karamihan ng mga karakter ay mga bilanggo sa ika-pitong selda na siyang pinagkuhanan ng titulo ng pelikula. Si Yong-gu ang pangunahing tauhan na ginampanan ni Ryu Seung-ryeong. Meron siyang sakit sa pag-iisip at walang kakayahang makapag-salita ng tuwid, ngunit isa siyang mapagmahal na ama kay Ye-sung. Si Yong-gu ay nagtratrabaho sa isang paradahan ng mga sasakyan bilang isang enforcer.Siya at si Ye-sung ay mahirap lamang, ni hindi nga nila magawang makabili ng Sailor Moon na bag na inaasam asam ni Yesung, pero kahit ganun, masaya sila. Isang malamig na araw, nagyelo ang mga daan sa bayan. At nadulas ang anak na babae ng hepe ng mga pulis sa nagyeyelong kalsada at nabagok ang ulo. Nakita ni Yong-gu ang aksidente at sinubukang tulungan ang bata. Sa kasamaang palad, namatay ang batang babae at inakusahan siya ng kasong pagpatay, at dahil sa pagkakaroon ng kapansanan hindi niya nagawang ipagtanggol ang sarili. Hindi naglaon nakulong si Yong-gu at sinentensyahan ng parusang kamatayan, at sa ika-pitong selda siya nailagay kung saan minamaltrato siya ng kanyang mga kasamahan dahil nalaman nila na ang kaso niya ay may kinalaman sa pagpatay sa isang bata. Ngunit sa paglipas ng panahon nalaman ng kanyang mga kasamahan na hindi nya magagawa ang ganung krimen dahil nga siya ay may kapansanan. Noong bumisita si Yesung sa bilangguan upang magtanghal bilang mang-aawit, itinakas siya ng mga kasamahan ng kanyang ama upang makapiling niyang muli ang ama. Ang mga naging kaibigan ni Yong-gu ang tumulong sa kanya sa nalalapit na huling paglilitis sa korte. At nang sumapit ang araw ng paglilitis pinuntahan ng hepe si Yong-gu at tinakot na papatayin din niya si Ye-sung kung hindi aakuin ni Yong-gu ang kasalanan. Walang nagawa si Yong-gu kundi akuin ang mga ibinibintang sa kanya. Kahit na may pagkukulang sa isip, alam nyang kayang saktan ng Hepe ang kanyang mahal na anak. Nasayang ang lahat ng paghahansa nila dahil na sentinsyahan parin si Yong gu ng parusang kamatayan. Sa kabila nito, naging masaya parin ang pagsasama ng mag-ama. Nuong nahatulan na siya ng kamatayan naging kahabag-habag ang mga pangyayari. Ang pelikulang ito ay may pinaghalong malungkot at masayang katapusan, lumaki si Yesung at naging isang abogado na siyang nakapaglinis ng pangalan ng kanyang ama. Bionote • Ito ay ang maikling paglalarawan ng manunulat na ang gamit ay ang pananaw ng ikatlong tao na kadalasang inilalakip sa kaniyang mga naisulat. Ito rin ay isang nakapagtuturong talata na nagpapahayag ng mga katangian ng manunulat at ang kaniyang kredibilidad bilang propesyonal. • Sinusulat ito para malaman ng mga mambabasa ng karakter at kredibilidad sa larangang kinabibilangan, ito rin ay isang daan para maipakilala ng manunulat ang kanyang sarili sa mga nagbabasa. Mga Bahagi Nito
• Personal na impormasyon – mga pinagmulan, ang edad, ang buhay
kabataan hanggang sa kasalukuyan • Kaligirang pang-edukasyon – ang paaralan, ang digri at karangalan • Ambag sa larangang kinabibilangan – ang kanyang kontribusyon at adbokasiya Bionote BRIGITTE GERMAINE T. GORON Siya ay pinanganak noong Abril 10, 2002, pangalawa sa anim na anak nina Ginoong Julius L. Goron at Ginang Brigieda T. Goron. Kasalukuyan siyang nag-aaral ng General Academic Strand (GAS) sa akademik track ng senyor hayskul sa Liloan National Highschool ext. Don Bosco Campus. Siya ay nasa ikalabing-dalawang baitang at kasalukuyang presidente sa kaniyang klase sa pinapasukang paaralan. Hilig niya ang magsulat ng mga tula. Hilig din niyang sumayaw at makilahok sa iba't ibang sports activities. Katunayan, siya ay kabilang sa Lilies of the Altar (LOA) isang Sym group ng paaralan at kabilang din Futsal Team ng paaralan. Madalas siyang sumasali sa mga aktibidad na extracurricular sa paaralan at sports tournament sa dibisyon at provincial. Balang araw, gusto niyang maging isang matagumpay na abogada. Ninanais niya ding libutin ang mundo kasama ang kanyang mga mahal sa buhay. Ang makapag-aral sa Unibersidad at makapagtapos ng may natutunan ang isa sa kanyang mga mithiin.