4AS LESSON PLAN Final Final Najud

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 4

HOLY CROSS OF DAVAO COLLEGE

Sta. Ana Avenue, Davao City


School of Teachers Education

4 A’s LESSON PLAN


Araling Panlipunan 1

Content Standard: Ang mag-aaral ay naipamamalas ang pagunawa sa kahalagahan


ng pagkilala sa sarili bilang Pilipino gamit ang konsepto ng pagpapatuloy at
pagbabago.
Performance Standard: Ang mag-aaral ay… buong pagmamalaking
nakapagsasalaysay ng kwento tungkol sa sariling katangian at pagkakakilanlan bilang
Pilipino sa malikhaing pamamaraan.
Learning Competency: Nasasabi ang batayang impormasyon tungkol sa sarili:
pangalan, magulang, kaarawan, edad, tirahan, paaralan, iba pang pagkakakilanlan at
mga katangian bilang Pilipino AP1NAT-la1

I. Layunin
Pagkatapos ng diskusyon, inaasahan na ang baitang 1 pangkat Rizal ay:
a. Naipakilala ang kanilang sarili
b. Naibabahagi ang batayang impormasyon ng sarili tungkol sa
pangalan, edad at tirahan
c. Natutukoy ang kahalagahan ng pagkilala sa sarili

II. Paksang Aralin


Aralin: Pagkilala sa Sarili
Sanggunian: https//youtu.be/Isqh5Kjquhy (02-02-2023)
Kagamitan: visual aid na naglalaman ng kapahayagan tungkol sa pagkilala sa
sarili, larawan ng nanay at tatay
III. Pamamaraan
Panimulang Gawain
 Pagdarasal
 Pag alam sa Attendance
 Pagbati
 Pagpapaalala

A. Aktibidad
1. Pagganyak
Bago sisimulan ng guro ang klase ay magkakaroon ng kaunting presentasyon
sa pamamagitan ng awitin. Aawit ang guro na patungkol sa pagpapakilala sa
sarili. Sa ganitong pamamaraan, mabibigyan ang mga mag-aaral ng ideya ng
panibagong aralin at upang silay maging masigla bago simulan ang aralin.

B. Pagsusuri
Panuto: Sagutin ng pasalita ang mga sumusunood na katanungan.
1. Ano ang pangalan mo?
2. Ano ang pangalan ng nanay mo?
3. Ano ang pangalan ng tatay mo?
4. Kailan ka ipinanganak?
5. Ilang taon kana?

C. Paghahalaw
Ipinaliwanag ng guro ang kahalagahan ng konsepto sa pagkilala sa sarili.
Ipinaunawag sa buong klase ang kahulugan at kahalagahan ng pangalan,
pangalan ng mga magulang, araw ng kapanganakan, ang iyong edad, ang iyong
tirahan at pangalan ng paaralan bilang pagkilala sa sarili.

Gabay na tanong:
1. Bakit mahalaga na kilala natin ang ating sarili?
D. Paglalapat
Pagkatapos ng mag-aaral na kilalanin ang kanilang sarili. Hahayaan ng guro
ang mga mag-aaral na nais ibahagi o ipakilala ang kanilang sarili sa buong
klase. Ang unang limang mag-aaral na susubok ay makatanggap ng gantimpala
mula sa guro.

IV. Pagtataya
Magkakaroon ng isang Gawain ang mga mag-aaral upang mas higit na
maunawaan ang konsepto ng aralin.
Panuto: Iguhit sa loob ng isang malinis na papel ang iyong nanay at tatay. Ilagay
sa ibaba kung ano ang kanilang pangalan. Tingnan ang halimbawa upang higit na
maunawaan.

Halimbawa:

Ana Marie Dela Cruz Arlou Del Rosario

ubrik:

Pagiging malikhain 25%


Pagiging maayos/malinis 25%
V. Takdang Aralin
Ang bawat mag-aaral ay kailangan ng name tag sa malinis na papel kung saan
nakasulat ang kanilang pangalan at pangarap na propesyon. Pakulayan ito gamit
ang kanilang mga paboritong kulay. Ipasuot ito tuwing oras ng klase.

Rubrik:

Pagiging malikhain 25%


Pagiging maayos/malinis 25%

You might also like