Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 14

Kabanata 1: Sa Ilalim ng Nagpapalayong Kubyerta

(Musical Prelude)

Simoun: Sa pagbubukas ng salamin, aking tanaw,


Ang bayan kong nasadlak sa dusa't paghamak.
Sa bawat luha't sigaw, ang galit ay pumapait,
Kaya't ako'y nagbabalik, upang panahon ay igupo't takipan

Donya Victorina: (mataray at naiinis ang tinig) Ang bagal-bagal naman ng takbo nitong bapor!
Hay naku, Bibilis sana ang takbo ng bapor Tabo kung walang mga Indio sa ilog, sa pampang. Sa
alinmang lipunan o sa alinmang bahagi ng daigdig! (Walang nakikinig rito. Nagpapaypay ito ng
mabilis. Umismid na tumalikod at tinanaw ang lawa.)

Scene 2

(Tinatanaw ng lahat ang lawa. Namamangha sa nakita. Biglang lumingon si Ben Zayb sa kapitan
at nagtanong.)

Ben Zayb: Papasok na pala tayo sa lawa. Kapitan, alam niyo ba kung saang dako ng lawa
napatay ang isang pilibusterong nagngangalang… ano nga ‘yon… Cuevarra, Navera o… Ibarra?
(Napatingin lahat sa kapitan.)

Kapitan: Tumingin kayo roon (itinuro ang isang bahagi) Ayon sa mga guwardiya-sibil na
humabol sa mga tulisan, si Ibarra, nang makitang wala na siyang ligtas ay tumalon mula sa
bangka at lumangoy. Sa tuwing lilitaw ang kanyang ulo ay pinauulanan siya ng bala. Doon sa
malayo ay hindi na siya makita, ngunit ang tubig sa dakong iyon ay nagkulay dugo. Iyan ang
nangyari, labingtatlong taon na ngayon ang nakararaan.

Ben Zayb: Kaya ang kanyang katawan ay…

Padre Salvi: Ay sumama sa kanyang ama. Sa bangkay na isa pang Pilibustero.

Ben Zayb: Ano ang nangyayari sa inyo, senyor Simoun? Namumutla ka yata. (Tumawa at
kumutya) Ikaw, na isang manlalakbay, nahihilo sa isang patak ng tubig na ito?

Kapitan: Ang lawang ito ay hindi ninyo dapat tawaging isang patak lang ng tubig. Ito’y mas
malaki pa sa kahit anong lawa sa Suwisa, at kahit pagsama-samahin pa ang lahat ng lawa
Espanya. Marami na akong nakitang marinerng nahihilo rito.

Scene 3

Juli: Ama! (Eksayted) May dumating na po bang sulat galing kay Basilio?

Tales: A, oo (sabay bigay ng sulat kay Juli)


Juli: Ano kaya ang pakiramdam na makapag-aral sa Maynila tulad ni Basilio, ama nuh?

Tales: Huwag kang mag-alala, sa isang taon ay makakapag-aaral ka na sa Maynila at


makakabihis na tulad sa mga babae roon.

Juli: Talaga, ama? (Niyakap ito) Salamat! Sige, babasahin ko muna itong sulat. (Umalis na)
(Napabuntong hininga si Tales.)

Scene 4

Basilio: (Nagdarasal sa may puntod ng ina.) Kamusta na ina? Matagal-tagal na rin po ah.
(umupo sa bato.) Labingtatlong taon na rin pala ang nakakaraan. Pero sariwa pa rin ang lahat…
dito sa isipan ko. Matagal na ngunit ramdam na ramdam at naaalala ko pa rin ang sakit na dulot
ng nakaraan.

(Natigilan nang may marinig na ingay ng yapak ng tao. Iginala niya ang paningin sa paligid.
Napalunok siya at sinundan ang ingay.)

Simoun: Anong ginagwa mo sa gubat na ito?

Basilio: Kung naaalala niyo pa, sa mismong pook ding ito tayo nagkita, may labing tatlong taon
na ang nakakaraan. Kayo po ang naghandog sa akin ng isang pakikiramay.

(Itinutok ni Simoun ang rebolber kay Basilio.)

Simoun: At sa palagay mo’y sino ako? (humakbang paurong.)

Basilio: Kayo po si Crisostomo Ibarra na sa pagkakaalam ng lahat ay patay na.

Simoun: Isang nakamamatay na lihim ang iyong nalaman. Isang lihim na maaari mong
ikapahamak. Hindi mo ba naisip na dahil dito ay maaari kang masawi sa aking kamay?

Ang pagkakatuklas mong ito sa aking lihim ay isang malaking banta sa akin. Ang maaaring
pagkakabunyag nito ang sisira sa plano ko! Sa plano kong paghihiganti! Sa plano kong matagal
ko nang pinaghandaan!

Basilio: Kung gayon ay nagkamali pala ako ng pagkakakilala sa inyo.

Simoun: Totoong ako’y naparito may labing tatlong taon na ang nakakaraan, upang dakilain ang
isang kaibigan na inilaan ang buhay para ipaglaban ang karapatan ng mga Pilipino laban sa mga
mapang-api. At ngayo’y nagbalik ako upang ipagpatuloy ang kanyang nasimulan. Hindi ko
akalaing ang lason na naiwan ay lubusan ng kumalat sa lipunan! At ang mga kabataan! Wala ng
ginawa kundi sumunod! Magpa-alipin! Hindi pinakikinggan!
Basilio: Hindi G. Simoun! Kung hindi dahil sa pag-aaral ng mga kabataan ng wikang Kastila ay
hindi tayo pakikinggan ng pamahalaan. At ang wikang ito ang magbubuklod ng tuluyan sa mga
Pilipino.

Simoun: Isang pagkakamali! Hindi kailanman ito magiging wikang pambansa! Aanhin natin ang
wikang ito? Itatago lamang ng huwad na wikang ito ang ating mga karapatan! Ang ating mga
pagkatao!

Basilio: G. Simoun, mali ang inyong iniisip.

Simoun: Hahayaan kitang mabuhay, Basilio. Kahit na alam kong ang nakataya dito ay ang
katuparan ng aking mga plano. Hahayaan kitang mabuhay, sumama ka sa akin, sabay nating
isakatuparan ang aking mga plano laban sa mga mapang-api!

Basilio: Salamat sa pagtitiwala ngunit ako man ay may mga pangarap din. Gusto kong
makapagtapos. Gusto kong maging isang ganap na doktor.

Simoun: At ano ang iyong mapapala kung ikaw ay makakapagtapos? Makikita mo bang masaya
ang iyong bayan? Makikita mo bang malaya ang mga tao? At ano, iyo na lamang bang hahayaan
ang iyong ina at kapatid na mabulok sa ilalim ng lupa na tinatapakan ng mga taong siya
mismong pumatay sa kanila?

Basilio: Ano ang nais ninyong gawin ko G. Simoun? Kaya ko bang silang ipaglaban gayong ako
mismo ay wala! Isa lamang akong hamak na estudyante, wala sa buhay. Hindi maaaring hukayin
ang aking ina at iharap sa hukuman ang kanyang bangkay at pagkatapos ay mangbintang nang
kung sino-sinong kastila.

Simoun: At kung ibibigay ko sa’yo ang aking tulong?

Basilio: G. Simoun, magbaba man ng hatol ang mga hukom, wala na silang magagawa. Hindi na
kayang ibalik ng kanilang mga pasya ang buhay ng aking ina at kapatid. Hayaan na natin silang
matahimik. Wala rin naman akong mapapala sa aking paghihiganti.

Simuon: Gabi na, bumalik ka na sa inyo. Hindi ko hinihiling na iyong itago ang aking lihim,
dahil kahit ihayag mo ito’y tiyak kong hindi ka nila paniniwalaan. Gayon man, kung sakaling
magbago ang iyong isip, hanapin mo lamang ang aking bahay sa may Escolta.

(Pagkatapos nito ay umalis ng payapa si Basilio. Nanatili si Simoun sa kanyang kinatatayuan.)

Simoun: Tama kaya ang aking ginawa? Bahala na! Mamatay na ang mahihina at matira ang mga
malalakas! Kaunting pagtitiis na lang, malapit na akong magtagumpay. Kaunting tiis na lang.
(ngumiti ng nakakatakot.)

Curtain close

Scene 5
Tata Selo: O, ano ang problema anak?

Tales: (Tumingin sa lupain.) Ang mga prayle ama. Tumaas na naman ang renta sa
pinagsasakahan kong lupa. (muling napabuntong hininga. Titingin ulit sa lupain, at kukuyom ang
palad.)

Tata Selo: Magtimpi ka! Higit na malaki ang magagastos mo kung lalaban ka sa inihaharap
nilang kaso. Bayaran mo nalang ang hinihingi nilang renta.

Tales: Ngunit ama, sila’y umaabuso na!

Tata Selo: Magpaumanhin ka! Ipagpalagay mo na lamang na ang iyong salapi ay nahulog sa
tubig at sinakmal ng malaking buwaya at ang kanyang kamag-anak ay sumama sa kanya.

Tales: Hindi ko hahayaang makuha nila ang lupa, ama. Hindi! Walang sinumang dayuhan ang
makakakuha ng aking lupang sinasaka! Lupa ko ito.

Scene 5.

(Nagbubungkal si Tales nang may naramdaman siyang baril na nakatutok sa kanya.)

Tulisan: Sumama ka nang matiwasay sa amin kung gusto mo pang mabuhay.

Scene 6.

Juli: Wala na pong ibang paraan, ingkong. Kahit lumusot sa butas ng karayom, gagawin ko.
Kung iyon lang ang tanging paraan upang mailigtas lamang si ama sa kamay ng mga tulisan.

Tata Selo: Pero… may iba pa sigurong-

Juli: Naisanla ko na po ang lahat ng aking mga alahas pwera lang sa agnos na ibinigay ni Basilio,
kaso… kulang pa rin po. Wala nang ibang paraan kundi ito.

(Umiyak si Tata Selo at pkinalma ito ni Juli.)

Juli: Ingkong, malalim na ang gabi. Matulog ka nap o. (hinalikan si Tata Selo sa noo. Lumabas
ito nang makitang nakapikit na ang mga mata nito)

(Napadausos ito sa pinto ay impit na umiiyak habang sapo-sapo ang bibig.)

Scene 7

(Inilapag ni Simoun ang dalawang kahon sa mesa. Binuksan iyon at napahanga ang mga tao sa
paligid.)

Mga Tao: Ang gaganda!


Simoun: Dating pagmamay-ari ang kwintas na iyan ni Cleopatra na natagpuan sa mga piramide.
Ang katabi naman niyan ay mga singsing na gawa sa ametista na pagmamay-ari ng mga senador
ng Roma at magigiting na kawal ng Cartaga.

Kapitan Basilio: Yan siguro ang mga ipinadalang singsing ni Hanibal matapos magkagyera sa
Cana! (Taas noo habang tinitignan kung nakikinig ang lahat.)

Simoun: (Nakangiting binuksan ang isa pang kahon.) Nagdala rin ako ng mamahaling hikaw na
dating pag-aari ng mga babaeng taga-Roma na nakuha sa mga villa ni Annius Mucius Papilinus
sa Pompei, Italya. (Lihim na napasulyap kay Kabesang Tales.)

Simoun: Kayo po Kabesang Tales, may naitago ba kayong alahas?

Tales: Na-naipagbili na po lahat ng anak ko ang lahat ng alahas niya at ang mga natira ay wala
namang halaga.

Sinang: Teka, Kabesang Tales, nasaan po ang lacket ni Maria Clara?

Tales: Laket ni Maria Clara?

Sinang: Opo, isang magandang laket na may mga diyamante at Esmeralda. Suot po iyon ng
matalik kong kaibigan bago siya pumasok sa monasteryo.

(Pinawisan ng malapot si Simoun habang nagbubukas si Tales ng aparador. Inilabas ng huli ang
kahitang nakita. Nangiginig ang mga kamay na kinuha ni Simoun iyon. May nangingilid na luha.)

Simoun: Ma-maganda! Magkano po kung bibilhin? (hindi umimik si Tales) Nagustuhan ko ang
disenyo nito, ipagbibili mo ba ito ng limandaang piso? Isang libo? Li… mang libo? Sabihin
ninyo. O baka gusto ninyong ipalit ito sa ilang mga alahas na dala ko? Mamili na po kayo!

(Napatingin si Kabesang Tales sa naroon. Ang mga mukha nito ay nagsasabing ipagbili niya na
ang agnos ni Maria Clara.)

Tales: Kung papayagan ninyo, hihingin ko muna ang permiso ng anak ko. Hintayin po ninyo ako.

(Gabi na at naghihintay pa rin si Simoun. Dahil sa pagod ay napikit niya ang mga mata habang
nakikita niya si Maria Clara, nakangiti, suot ang agnos nito. May naglandas na luha sa pisngi ni
Simoun habang napangiti.)

(Nagising si Simoun sa umaga.Nagtaka kung saan ang kanyang rebolber, napatingin siya sa
lamesa. May sulat doon kalakip ang agnos ni Maria Clara. Naglakad siya papunta doon at binasa
ang sulat.)

Boses ni Kabesang Tales: Patawarin niyo po ako sa kapangahasang ginawa ko. Ipinalit ko sa
inyong rebolber ang laket na pinagmimithian ninyo. Kailangan ko ang sandata sapagkat ako’y
sasama sa mga tulisan. Pinapayuhan ko kayong mag-ingat. Ikalulungkot ko kung magkita tayong
muli dapagkat makatitiyak kayong huhulihin namin kayo at ipatutubos sa malaking presyo tulad
ng pagbebenta sa mga alahas ninyo.

Pagbaba ninyo sa hagdan ng bahay ko, makakasiguro kayong hindi na ninyo ako maituturing na
isang kaibigan kundi isang kaaway na dapat pangilagan. ----Telesforo Juan de Dios.

Simoun: (bulong.) Natagpuan ko na rin ang taong aking hinahanap. (Tumawa ng malakas.)

Scene 8

(Nagsasaya ang mga tao, halakhakan. May nagtatabako.)

(Sa may silid ni Quiroga, nag-uusap sila ni Simoun.)

Simoun: Nasaan na ang siyam na libong piso na iyong inutang?

Quiroga: Wala na akong pela. Empleyado, opisyal, tinyente, sundalo. Lahat sila utang akyen
pelo wala bayad. Hindi akyen alam kung paano bayad utang. Tulong ka ke Quiroga.

Simoun: Ngayon ko pa naman kailangan ng salapi pero alam mo namang kaibigan kita. Kung
gusto mo, gawin na lang nating pitong libo ang utang mo. Kayo’y nakapagpapaok ng aduana ng
lahat ng inyong naisin, mga kahon ng lampara, bakal, porselana at mga baril para sa mga kura. O,
ano, papayag ka ba?

Quiroga: Si…sige, payag ako basta kikita pela. Pe..pelo delikado kontlabando. Ba…baka huli
tayo sundalo?

Simoun: Shh… huwag kang maingay. Ngayong gabi, may darating na ilang kahong baril. Gusto
kong tulungan mo akong itago ang mga ito sa iyong bodega.

Quiroga: Takot si Quiloga. Meron ako balil. Pelo pak hawak ko, pikit ko mata.

Simoun: Kung ayaw mo madali akong kausap. Pero magbayad ka ngayon din sa utang mo.

Quiroga: Sige, sige, ako hindi na takot. Tulong na Quiloga sa kaibigan. Pelo ikaw ingat. Huwak
damay Quiloga, ha?

Simoun: Huwag kang mag-alala. Sagot kita. (Tinapik-tapik niya ang intsik.)

Scene 9

Simoun: Kamusta na si Kapitan Tiago?

Basilio: Mahina na ang pulso, walang ganang kumain. Kumalat na nang tuluyan ang lason sa
kanyang katawan.
Simoun: Parang Pilipinas, habang tumatagal, lalong humihina. Napansin kong hindi mo
binabasa ang librong ibinigay ko sa iyo. Wala kang pagmamahal sa bayan. (Tututol sana si
Basilio) Huwag na, (malungkot ang boses) sa loob ng isang oras, magsisimula na ang
himagsikan, at bukas ay wala nang mga unibersidad, wala nang mga mag-aaral at magpapahirap.
Naparito ako dahil sa dalawang bagay: ang kamatayan mo o ang iyong kinabukasan. Sa panig ng
umaapi sa iyo o sa panig ng iyong bayan?

Basilio: Hindi ko alam. (napabuntong-hininga.)

Simoun: Magpasya ka.

Basilio: Ano ang nararapat kong gawin?

Simoun: Pamunuan ninyo ang isang pangkat at salakayin ang kumbento ng Sta. Clara at dooy
ilabas ang isang taong maliban sa inyo at kay Kapitan Tiago ang nakakaalam, si Maria Clara.

Basilio: Huli na kayo! Patay na si Maria Clara.

Simoun: P-patay na? (Nanginginig ang boses.) Hindi! Hindi totoo ‘yan!

Basilio: Ika-anim ng hapon nang siya ay mamatay. Naparoon ako sa kumbento upang makibalita
nang sabihin nila sa akin ang lahat. Narito ang sulat ni Padre Salvi na dinala ni Padre Irene. At
dahil na rin sa sulat na ito kung kaya’t naghihinagpis ngayon si Kapitan Tiyago.

Simoun: Namatay! Namatay nang hindi man lang kami nagkitang muli. Namatay nang hindi
man lang nalalaman na nabuhay ako nang dahil sa kanya. Na…namatay na nagtitiis. (Umiiyak na
at nagtatagis ang baga. At umalis ito na wala sa sarili.)

Basilio: Kaawa-awang tao. Labis siyang naghirap. Nagtiis ng napakamahabang panahon para sa
iniibig. Ngunit heto ang nakuha niyang ganti. Sadyang nakakalungkot ang tadhana nilang dalawa.
(Malungkot.)

Scene 9

Sundalo 1: Sino ka at bakit ka pumanhik dito?

Basilio: Nais kong maka-usap si Makaraig, kaibigan niya ako

Sundalo 1: Maghintay ka sa iba, Indio!

(pababa ng hagdan si Macaraig kasama ang isa pang sibil.)

Macaraig: (nagulat) Bakit ka naparito Basilio?


Basilio: Gusto sana kitang makausap.

Sundalo 2: Indiyo, sino ka?

Basilio: Basilio po.

Sundalo 2: Salamat naman at hindi mo na kami pinahirapang hanapin ka. Dinarakip ka rin
namin.

Basilio: Wala naman akong ginagawang kasamaan, anong dahilan at ako’y inyong dadakpin?

Macaraig: Huwag ka nang umalma pa, Basilio. Sa karwahe ko naman tayo sasakay.

Scene 10. kumbento

(Malalim ang gabi, isang nakakasindak na tili ng babae ang narinig sa paligid. Umiiyak itong
naglalakad at tumalon sa bintana ng simbahan.)

Tata Selo: Mga walanghiya kayo! Buksan ninyo itong pinto! (sinusuntok nito ang pinto at
sinisipa.) Apo ko! Ang kaawa-awa kong apo! (Umiiyak)

Scene 11

(Patakbo si Basilio sa isang puntod. Napaluhod siya roon at napaiyak.)

Kabesang Tales: Sino iyan! (pinaputukan ngunit hindi natamaan. Tumakbo siya papunta sa
puntod ng anak at nakita si Basilio.)

Basilio: Hu..Huli, (nanginginig ang boses, at umiiyak.) mahal ko. Bakit mo ako iniwan.

Kabesang Tales: Nagpunta siya sa kumbento upang hingin ang pagpapalaya sayo, ngunit hindi
namin aakalain na iyon ang magwawakas sa kanyang buhay.

(Tinungo ni Basilio ang bahay ni Simoun. Kumatok ito sa pinto.)

Simoun: Tuloy.

Basilio: Ginoong Simoun, isa akong masamang anak at kapatid. Nakalimutan kong pinatay ang
aking kapatid at pinahirapan ang aking ina. Ngayo’y pinaparusahan ako ng Diyos. Wala na
akong nararamdaman kundi galit at paghihiganti.

(Hindi kimubo si Simoun.)

Basilio: kahit noong may himagsikan ay hindi ako nakialam. Nabigo sila at ako’y nakulong kahit
wala akong kasalanan. Iyon ang parusa sa akin. Narito ako sa labas nang dahil sa inyo. Ngayon,
handa na ako. Handa ko nang ipagtanggol ang bayan.
Simoun: Nabigo ang kilusan ng dahil na rin sa akin. Urong-sulong ang aking mga desisyon,
dahil umiibig pa ako noon. Ngayong patay na ang aking puso wala ng dahilan para umatras.
Pareho na tayo ngayon. At sa tulong mo ako’y magtatagumpay. Magsasabog ako ng kamatayan
sa gitna ng bango at rangya, ikaw nama’y gigising sa mga kabataan sa gitna ng dugo.

(Isinama ni Simoun si Basilio sa loob ng kanyang laboratory. Ipinakita niya dito ang kanyang
mga gamit at eksperimento sa kemika. Sa loob ng laboratory ay makikita ang isang lampara na
may kakaibang hugis.)

Basilio: Para saan naman po ang lamparang iyan?

Simoun: Hintayin mo.

(Pagkaraan ay inilabas ni Simoun ang isang lalagyan na may nakasulat na nitrogliserina, isang
pormula na ginagamit sa paggawa ng dinamita.)

Basilio: Dinamita!

Simoun: Oo, ngunit hindi ito basta-basta dinamita. Ito ang mga kasawiang naimbak, mga
kagagawang walang katwiran at mapang-api. Ngzyong gabi, makakarinig ng pagsabog ang
Pilipinas at mapaparusahan ang mga makasalanang hindi magawang parusahan!

(Ipinagpatuloy ni Simoun ang ginagawa.)

Simoun: Mamayang gabi ay magkakaroon ng pista. Ilalagay ang lamparang ito sa gitna ng
handaan. Napakaningning nang liwanag na ibibigay nito, ngunit pansamantala lang. Pagkaraan
ng dalawampung minuto, mawawala ang ilaw ng lampara. Kapag inayos ang mitsa, sasabog ang
bomba!

Basilio: Kung gayoo’y hindi na pala ninyo ako kailangan.

Simoun: Iba ang iyong gagawin. Pagkarinig ng putok ay lalabas ang mga artilyero at iba pang
kinasundo ko noon. Pupunta ang lahat sa lugar na kinaroroonan ni Kabesang Tales sa Sta. Mesa.
Sabay-sabay na susugod ang lahat. Magkakagulo at ang mga mamamayan ay nanaisin na ring
lumaban. Ikaw ang mamumuno sa iba. Dalhin mo sila sa bahay ni Quiroga dahil doon
nakaimbak ang mga baril at pulbura. Kami naman ni Kabesang Tales ay susubukang agawin ang
tulay. Mamamatay ang lahat ng mahihina! Ang lahat ng hindi handa!

Basilio: Lahat? Kahit ang mga walang laban?

Simoun: Oo! Lahat! Lahat ng Indio, Mestiso, Intsik, Kastilang duwag! Kailangang magsimulang
muli. Mula sa mga dugong dadanak ay sisibol ang bagong lahi! Isang bagong lipunan na kahit
kailan ay hindi na magpapa-api!

Basilio: At ano na lang ang sasabihin ng mundo sa gagawin nating ito?


Simoun: Pupurihin tayo ng daigdaig!

Basilio: Ano nga naman ang aking pakialam! Bakit ko kailangang isipin kung pupurihin nila ito
o hindi? Bakit ko kailangang lingapin ang mundong kailan man ay hindi lumingap sa akin!

Simoun: Tama ka!

(Inabot ni Simoun ang isanng rebolber kay Basilio.)

Simoun: Hintayin ninyo ako sa tapat ng simbahan ng San Agustin, ika-10 ng gabi. Lumayo kayo
sa Daangan Analoague sa alas-nuwebe.

Basilio: Kung gayo’y magkita na lamang tayo mamaya.

(At tuluyan nang umallis si Basilio.)

(Dumagsa ang mga panauhin ang bahay ni Kapitan Tiago. Sa harap ng bahay ay naroon si
Basilio at nagmamasid.

Basilio: Ang dami palang mamamatay sa pagsabog na magaganap. Kaawa-awa naman sila.
Payuhan ko na lamang kaya ang ilan na umalis upang hindi madamay.

(Papalapit na siya sa bahay.)

Basilio: Hindi! Ano naman ngayon sa akin kung mamamatay sila! Hindi ko dapat sirain ang
pagtitiwala niya. Siya ang naglibing sa aking ina at ang mga tao sa loob ang pumatay! Sinubukan
kong kalimutan ang lahat! Magpatawad, pero ang lahat ay may hangganan din!

(Nakita niya ang pagdating ni Simoun dala ang lampara.Pagdating ng Kapitan Heneral ay isa si
Simoun sa sumalubong. Kinilabutan bigla si Basilio. Nakita niyang pinaligiran ng mga taong
mangha sa liwanag na binibigay ng lampara.)

Basilio: Hindi sila dapat madamay!

(Pumunta si Basilio sa pintuan at sinubukang pumasok.)

Basilio: Papasukin nyo ako! Ililigtas ko sila!

Tanod: Hindi ka maaaring pumasok dito! Tignan mo nga iyang suot mo!

Basilio: Papasukin ninyo ako!

(Nakita ni Simoun si Basilio. Bigla itong namutla sa kaba. Bigla itong umalis.)

Simoun: Tayo na sa Escolta, madali!


(At tuluyan nang umalis si Simoun)

Basilio: Ililigtas na niya ng kanyang sarili. Dapat na rin akong umalis.

(Nagsimulang lumakad palayo si Basilio. Kanyang nakasalubong si Isagani sa daan, patungo sa


pista.)

Isagani: Anong ginagawa mo dito?

Basilio: Isagani! Tara na! Umalis na tayo dito!

Isagani: Bakit ka aalis? Puntahan natin siya. Iba na siya bukas. Ibig ko siyang makita.

Basilio: Gusto mo na bang mamatay?

Isagani: Hindi ko alam.

Basilio: Makinig ka! Ang lampara sa loob ay may lamang pulbura! Sasabog iyon ano mang oras
ngayon! Tara na!

Isagani: Bukas ay iba na siya….

Basilio: Kaawaan ka ng Diyos.

(At iniwan ni Basilio ang kaibigan upang iligtas ang sarili. Sa loob ng bahay ay nagkakainan na
ang mga bisita nang may nakita silang papel.

Bisita1: Nakasulat dito, “Mane thecel, pares” – Crisostomo Ibarra

Bisita2: Isang biro lang iyan!

Bisita3: hindi magandang biro! Isang pagbabanta mula sa isang taong matagal nang namayapa!

(Binasa ni Padre Salvi ang liham.)

Padre Salvi: Si Ibarra! Siya ang nagsulat nito! Sulat kamay niya ito!

Kapitan Heneral: Ituloy ang kasiyahan! Walang dapat ipangamba. Walang kwenta ang ganyang
biro.

Don Custodio: Hindi kaya nais niya tayong patayin lahat?

(Hindi kumibo ang lahat. Nang biglang mamatay ang ilaw sa lampara.)

Kapitan Heneral: Padre Irene, pakitaas na lamang ang mitsa.


Padre Irene: Isang saglit lamang.

(Bago pa man makatayo si Parde Irene, isang anino ang lumapit at kumuha sa lampara.)

Padre Irene: Magnanakaw! Habulin ninyo ang magnanakaw!

(Dumiretso ang magnanakaw sa asotea ng bahay at tumalon sa ilog kasama ang lampara. Ilang
saglit pa ay, isang nakagigimbal na pagsabog ang narinig.)

Scene 12

(Palakad-lakad ang mga sibyl, tangan ang mga baril, pinaghahanap si Simoun. Uminom ng lason
si Simoun at pinilit nitong magpunta kay Padre Florentino. Nakahiga si Simoun habang may
hawak na rosaryo.)

Padre Florentino: Matitiis ba ninyo ang paghihirap, Senyor Simoun?

Simoun: Matitiis ko pa, padre. Mawawala rin ang lahat pagkaraan ng ilang sandali. Anumang
oras ay tatalab na ang lason sa aking katawan. A…Alam kong hindi na magtatagal at darating na
ang walang hanggang kapayapaan.

Padre Florentino: Diyos ko! Napatalikod lang ako sandali, wa…wala nang laman ang botelya!

Simoun: Wala nang lunas. Bago mag-alas ocho ay dadakpin ako rito buhay man o patay. Pero
hindi ako makapapayag na kunin nilang buhay.

Padre Florentino: Panginoon ko, bakit kailangang mangyari ito?

Simoun: Huwag kayong matakot. Ang nagawa ay nagawa na. Lumalalim na ang gabi. Nais kong
ilahad sa inyo ang aking lihim. Pe…Pero bago yan, may gusto lang sana akong itanong sa inyo.

Padre Florentino: Ano iyon senyor Simoun? Itanong ninyo at lilinawin ko.

Simoun: (Nangingilid ang mga luha.) To…totoo ba na may isang dakilang Diyos na… na
gumagabay sa ka…kapalaran ng sangkatauhan?

Padre Florentino: May iba pa akong gamit na maibibigay sa inyo, Senyor Simoun. May
morpina, may eternal, may chloroformo.

Simoun: Huwag na kayong mag-aksaya ng panahon. Ma…malapit na malapit na ang saglit nang
pamamaalam. Padre, tulungan mo ako, ayokong mamatay na may dalang kasamaan!

(Isinalaysay ni Simoun kay Padre florentino ang lahat. Mula nang nanggaling siya ng Europa
hanggang sa mawala ang lahat sa kanya.)
Padre Florentino: Patawarin ka ng Diyos, anak. Tandaan mong alam ni Bathala na may mga
kahinaan tayong humihila sa atin pababa. Subalit ang Panginoon natin ay Panginoong
nakatunghay sa mga krus na ating dinadala rito sa matiryal na sandaigdigang ating ginagalawan.
Alam niyang hindi mo ginusto ang lahat, na ikaw ay nasilaw lamang ng galit at paghihiganti.
Kagustuhan Niyang lahat na nangyari. Hindi nagtagumpay ang iyong plano nang dahil sa Kanya.
Sapagkat alam Niyang hindi ito tama. Igalang natin ang Kanyang kapasyahan.

Simoun: Palagay niyo po ba ay Diyos ang nagkaloob ng lahat ng ito?

Padre Florentino: Walang makakapagsabi ng iniisip ng Diyos, ngunit kailan man ay hindi Siya
naghangad ng masama para sa atin.

Simoun: Kung gayon, bakit hindi Niya ako tinulungan?

Padre Florentino: Sapagkat mali ang iyong pamamaraan. Pag-ibig lang ang nakakagawa ng
kadakilaan.

Simoun: Tinatanggap ko ang… paliwanag . Makasalanan ako, padre, pero bakit ako ang
pinarurusahan at hindi ang mga masasamang namamahala na walang dulot kundi kasamaan?
Bakit nagbibingi-bingihan ang tinutukoy ninyong Diyos sa malakas na hinaing ng mga inaalipin?
Bakit nagbubulag-bulagan siya sa hirap na dinaranas ng mga pinarusahan sa loob at labas ng
mga kulungan?

Padre Florentino: Kailangang makaranas ng paghihirap ang mga karapat-dapat sa pagpapala ni


Bathala, senyor Simoun. Kailangan din naming kiskisin ang mga bato upang mag-init at
magningas, Isang katotohanang may nang-aalipin at may nagpapaalipin.

Simoun: Kung gayo’y ano ang nararapat gawin?

Padre Florentino: Magtiis at gumawa.

Simoun: Kung ganyan ang kalaking hinihingi ng Diyos sa tao na hindi makaaasa sa kasalukuyan
at nag-aalinlangan sa hinaharap. Magtiis at gumawa! Anong diyos iyan?!

Padre Florentino: Isang Diyos na makatarungan, ginoong Simoun. Isang Diyos na nagpaparusa
sa ating kawalan ng pananalig, sa ating mga masasamang hilid at di-gaanong pagpapahalaga sa
kabutihan.

(Nagpatuloy sa pagkukumpisal si Simoun kay Padre Florentino. Hanggang sa pinisil ni Simoun


ang kamay ng pari.)

Simoun: Maraming salamat Padre, ngayon ay payapa na ang aking kalooban.

(Muling pinisil ni Simoun ang kamay ni Padre Florntino at tuluyan itong nawala sa
pagkakahawak. Ipapakita ang krus.)
Padre Florentino: Nasaan ang mga kabataang naghahangad sa kanilang ginintuang panahon, ng
kanilang pangarap at kasigasigan sa ikakabuti ng bayan? Nasaan ang mga kabataang
magbubuwis ng buhay upang mabayaran ang gayong karaming kahihiyan, ang gayong maraming
krimen? Malinis at walang dungis ang buhay na kailangang alay upang ang handog ay maging
karapat-dapat? Nasaan kayo, kabataang may mga pusong pinag-iinit ng layuning makapag-
ambag sa lalong ikadadakila ng sangkapuluan? Hinihintay namin kayo!

(Kinuha ni Padre Florentino ang kayamanan ni Simoun at nagtungno sa talampas. Inihagis ni


padre Florentino ang kaymanan ni Simoun sa karagatan.)

Padre Florentino: Malibing ka nawa sa kailaliman ng dagat… ngunit kung kakailanganin ka ng


tao para sa isang marangal na hangarin, ipahintulot ng Diyos na matuklasan ka sa sinapupunan
ng alon. Samantala, diyan ka muna, hindi makababaluktot ng katwiran, hindi mag-uudyok ng
kasakiman.

Padre Florentino: (malungkot) Ang kayamanan ang siyang ugat ng lahat ng kasamaan.

You might also like