Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

PAMILYA

East Visayan Advenstist Academy


John Cedrick S. Lopez

Pera? Ginto? Luho? Wala ako niyan. Pero nag iisa lang ang itinuturing Kong kayamanan, ang
aking pamilya. Kaagapay, kasalo at kadamay sa lahat ng oras o bagay. Sa lahat ng nararanasan
ko, ang aking pamilya ang siyang aking nagiging sandigan at kakulitan.

Ano nga ba ang pamilya? Sa iba ang pamilya raw ay isang grupo ng tao na nagkataon lamang na
nag kasama, ang iba naman, ang pamilya ay grupo ng tao na laging humahadlang sa atin at
nagbabawal satin, yung tipong pinapagalitan ka lagi. Ilan lamang ito sa mga opinyon ng mga tao
sa pamilya. Yun ngaba talaga ang totoong ibig sabibin ng pamilya?

Bigyan ko kayo ng isang halimbawa,noong bata pa ako naalala ko na halos araw araw lagi akong
pinagsasabihan ng magulang ko, syempre bata pa ako hinde kopa na iintindihan kung bakit akoy
pinagsasabihan, pero noong lumaki naako na pagtanto ko na ginawa lamang nila iyon upang ako
ay lumaki ng maayos at upang hinde ko na ulitin lahat ng mga maling nagawa.

Milyong milyong tao dito sa pilipinas, marami ang hinde nakakaintinde sa pamilya . Oo, tayo ay
pinagagalitan, tayo ay pinagbabawalan, pero niisang araw ba, ating naisip na lahat na ginagawa
nila, lahat ng mga pambabawal nila ay para rin na man sa ikabubuti natin?sila ay nagsasakripisyo
upang tayo'y hinde mabitin sa ating mga kakainin. At aminin nyo ang swerte pa natin dahil ang
iba may mga kapatid na mapagmahal at matulungin.

Huwag sana nating sayangin ang pamilyang ibinigay saatin ng panginoon,Dahil sila lamang ang
mga taong palaging tatanggap sa akin , sa iyo, sa panahong walang wala tayo. Hanggat andito pa
Sila wag nating kalimutan na pasalamatan Sila sa lahat ng mga sakripisyong ginawa nila. Dahil
ang pamilya ang laging gagabay saatin sa mga daan patungo sa magandang kinabukasan

You might also like