Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

Banghay-Aralin sa Edukasyon sa Pagpapahalaga

Petsa: 09/29/2023
Baitang: 10
Quarter 1 Day 3

Pamantayang Pangnilalaman

 Naipamamalas ng mag-aaral ang pag-unawa sa mga konsepto tungkol sa paggamit ng isip sa paghahanap ng
katotohanan at paggamit ng kilos-loob sa paglilingkod/pagmamahal.

Pamantayang Pagganap

 Nakagagawa ang mag-aaral ng mga angkop na kilos upang maipakita ang kakayahang hanapin ang katotohanan at
maglingkod at magmahal

Kompetensi

 Natutukoy ang mataas na gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob. (ESP10MP-la-1.1)


 Nakilala ang kanyang mga kahinaan sa pagpapasya at nakagagawa ng mga konkretong hakbang upang
malampasan ang mga ito. (ESP10MP-la-1.2)

I. LAYUNIN:

1. Natutukoy ang gamit at tunguhin ng isip at kilos-loob sa angkop na sitwasyon


2. Nasusuri kung ginagamit nang tama ang isip at kilos loob ayon sa tunguhin ng mga ito
3. Naipaliliwanag ang batayang konsepto ng aralin.
4. Naisabuhay ng mag-aaral ang tamang paggamit bg isip at kilos loob.

II. PAKSANG ARALIN


A. Paksa Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos Loob
B. Sanggunian Edukasyon sa Pagpapakatao
Ang Mataas na Gamit at Tunguhin ng Isip at Kilos Loob
C. Kagamitang
(Modyul)
Pampagtuturo

III. PAMAMARAAN

Tunghayan ang dalawang larawan sa ibabaw ng box at pagkatapos ay sagutin ang mga
sumusunod na tanong sa loob ng box.

Tanong Tao Aso

1. Ano ang mayroon sa bawat isa upang makita ang babala?


Ano ang mayroon sa bawat isa upang maunawaan ang sinasabi ng babala?
Mula sa Gawain 1, sagutin ang sumusunod.
1. 1. Ano ang pagkakatulad ng hayop at tao?
2. Ano ang pagkakaiba ng hayop at tao?
3. Paano kumilos ang hayop? Ang tao?
4. Ano ang natuklasan mo tungkol sa hayop at tao batay sa pagsusuri ng larawan?
5. Kung ikaw ang tao na nasa larawan ano ang iyung gagawin?
Ang tao ay nilikha ayon sa wangis ng Diyos na nangangahulugang ang tao ay may
katangiang katulad ng katangiang taglay Niya. Binigyan niya ang tao ng kakayahang mag-
isip, pumili at gumusto. May kakayahang alamin kung ano ang mabuti at masama.
Ayon sa pilosopiya ni Santo Thomas de Aquinas, ang tao ay binubuo ng ispiritwal
at materyal na kalikasan. Kakabit ng kalikasang ito ay ang dalawang kakayahan ng tao.
(E.Esteban, 1990, ph.48)
1. Ang pangkaalamang pakultad (knowing faculty) dahil sa kanyang panlabas at
panloob na pandama at dahil sa isip kaya’t siya ay nakauunawa, nanghuhusga, at
nangangatwiran.
2. Ang pagkagustong pakultad (appetitive faculty) dahil sa mga emosyon at dahil sa
kilos-loob
Ipinakita ito ni Esteban gamit ang tsart sas ibaba:
Ang Kabuuang Kalikasan ng Tao

Kalikasan ng Tao Pangkaalamang Pagkagustong Pakultan


Pakultad

Materyal Panlabas na Pandama Emosyon


(Katawan) Panloob na Pandama

Ispiritwal Isip Kilos-loob


(Kaluluwa)
(Rasyonal)

Ayon naman kay De Torre(1980) ang isip ay ang kaalaman o impormasyong


nakalap ng pandama ng tao ay pinalalawak at hinahatid sa isip upang magkaroon ito ng
mas malalim na kahulugan. Nangangahulugan lamang na magsisimulang gumana ang isip
kapag nalinang na ang pandama ng tao. Ang isip ay walang taglay na kaalaman o ideya
mula sa kapanganakan ng tao. Nakukuha niya ito sa ugnayan niya sa reyalidad sa
pamamagitan ng mga panlabas na pandama. Samakatuwid and kakayahang ito na
nakakabit sa materyal na katawan ang nagbibigay ng kaalaman sa isip. Kung ang pandama
ay depektibo, nagkakaroon ito ng epekto sa isip. Ang kilos-loob ay umaasa sa isip.
Ibinigay ng isip ang katwiran bilang isang kakayahan upang maimpliwensiyahan ang
kilos-loob.
Tayong mga ato ay nilalang ng Panginoon na may likas na kaalaman tungkol sa
mabuti at masama. Ang kakayahan na gumawa ng malayang pagpili ay isa pang
sumasalamin sa paglalang ng tao na kawangis ng Diyos. Mayroon din siyang tungkulin
upang sanayin, paunlarin at gawing ganap and isip at kilos-loob. Tayong mga tao ay
biniyayaan ng napakalaking handog at iyong ang kalaayang mag-isip at magdesisyon sa
kung ano ang ating gagawin at gugustohin sa ating sarili. Ang handog na ito ay maaring
magamit ng tao sa maling paraan ngunit kung gagamitin ang isip ng buong ingat , maaari
tayong makaiwas sa maling kilos na magiging resulta nito. Kaya bago gawin ang isang
bagay dapat isiping mabuti kung nakakabuti ba ito sayo, sa kapwa, sa pamilya at lalong
lalo na hindi ba ito taliwas sa gusto ng Panginoong Maykapal.
Ayon kay Santo Tomas ang Kilos-Loob ay isang makatuwirang pagkagusto
(rational appentency) sapagkat ang tao na may kilos-loob ay naakit sa mabuti at kusang
lumalayo sa masama. Halimbawa ang galit na aso ay maaring mangagat ngunit ang tao na
may Kilos-Loob gagamitin niya ang kanyang isip upang kumuha nag buod o esensiya sa
mga bagay na umiiral, maaring ang emosyon at ang kilos-loob na magkaroon ng
magkaibang pagkilos.

Mga gawain na ginagamit nang tama ang isip at kilos-loob, maaring magagamit mo ang
iyong isip at kilos-loob kung patuloy mong pinapanigan ang wasto at naayon sa katwiran.
1. Huwag gumawa ng pandaraya sa iyong kapwa
2. Kahit na ikaw ay nasa gipit na kalagayan ay patuloy na tumulong sa
nangangailangan.
3. Tumulong sa pamayanan upang malutas ang mga suliranin
4. Maging maingat sa pagpili ng mga kakandidato sa gobyerno na may kakayahang
pamunuan an gating pamahalaan.
Ipinanganak man tayo na magkaiba, ngunit wag kalimutan tayo ay nilikha na
kawangis ng Diyos may isip at kilos-loob upang tayo ay maging malaya na ukitin ang
ating magiging kapalaran. Nakasalalay ang magiging bukas sa kung papaano natin
gagamitin ang ating isip at kilos-loob. Sa panahon ngayon ng pandemiya nararapat mas
kailangan nating gamitin ang ating isip at kilos-loob kung ano ang tamang gawin.
Halimbawa sa ilalim GCQ (General Community Quarantine) bawal lumabas o gumala
ang may edad 20 pababa at 60 pataas ngunit si Pablito na 15 taong gulang ay patuloy pa
ring gumagala , at sa kanyang paggala nahawa siya ng COVID 19. Sa kanyang pag uwi sa
bahay nahawaan din niya ang kanyang pamilya. Sa iyong palagay nagamit ba ni Pablito
ang isip at kilos-loob sa tamang paraan? Laging isipin kung ano ang magiging kahinatnan
ng iyong ginagawa, gamitin sa mabuti ang Isip at Kilos-loob.
C. Pagsasanay
(Mga Paglilinang na Gawain)
Punan ang loob ng kahon ng hinihinging sagot tungkol sa mataas na gamit at tungkulin ng isip at kilos-loob at sagutin ang
mga tanong sa ibaba ng kahon.
Pamatayan sa Pagmamarka
Katiyakan ng sagot 5
Organisasyon 3
Wika 2
10

Mahalagang gamit ngayong panahon ng pandemic Kahalagahan nito

Isip

Kilos-loob

1. 1. Ano ang nauunawaan mo sa isip at kilos loob?


2. Bakit mahalagang gamitin ang isip at kilos-loob sa mataas na uri na gamit nito?
D. Paglalapat
Mag-isip ng pangyayari o senaryo na kung saan ay ginamit ng tama ang isip at kilos-loob.
Pamatayan sa Pagmamarka
Nilalaman 5
Organisasyon 3
Wika 2
10

Mga senaryo Pangangatwiran Repleksyon sa iyong sarili

1.

2.

3.

4.

5.

E. PAGLALAHAT
Ang tao ay nilalang ng Panginoon na may likas na kaalaman tungkol sa mabuti at masama. Ang kakayahan na gumawa ng
malayang pagpili ay isa pang sumasalamin sa paglalang ng tao na kawangis ng Diyos. Mayroon din siyang tungkulin
upang sanayin, paunlarin at gawing ganap ang isip at kilos-loob.
IV.PAGTATAYA
I. Tukuyin ang sumusunod na pahayag kung ang sitwasyon ay nagpapakita ng tamang paggamit ng isip at kilos-
loob. Isulat ang TP sa patlang kapag tama ang paggamit ng ist at kilos-loob, HTP naman kapag hindi.
__1. Patuloy na nagsisikap ni Sandra sa pag-aaral upang makamit niya ang kaniyang pangarap sa buhay.
__ 2. Pinili ng magkaibigan na tatawid sa kalsada kaysa sa umakyat pa sa overpass upang mas mabilis
makarating sa pupuntahan.
__ 3. Gabi nang umuwi si Miko at hindi nagpaalam sa kanyang mga magulang kung saan siya pupunta.
___ 4. Uminom si Justin ng Juice, nang maubos ito ay wala siyang
makitang basurahan kaya’t itinapon na lang iya ito sa lansangan.
___ 5. Tumulong sa mga gawain sa bahay at sa paaralan si Maria na hindi na naghihintay na pagsabihan
pa siya.
II. Sagutin ang mga sumusunod.
Pamatayan sa Pagmamarka
Nilalaman 5
Organisasyon 3
Wika 2
10
1. 1. Ano ang mga mahahalagang sangkap ng tao?
2. Bakit mahalagang sanayin ng tao ang kanyang kilos-loob?

V. KARAGDAGANG GAWAIN
1. Magbigay ng limang sitwasyon kung saan ginagamit nang tama ang isip at kilos loob ayon sa tunguhin ng mga ito.

A. Bilang ng mga mag-aaral na nakakuha ng 80% sa


pagtataya
B. Bilang ngmga mag-aaral na nangangailangan ng iba
pang Gawain para sa remediation
C. Nakatulong ba ang remedial? Bilang ng mag-aaral
nakaunawa sa aralin.
D. Bilang ng mag-aaral na magpatuloy sa remediation.
E. Alin sa mga istratehiyang pagtuturo ang nakatulong
ng lubos? Paano ito nakatulong?
F. Anong suliranin ang aking naranasan na solusyon sa
tulong ng aking punong-guro at superbisor?
G. Anong kagamitan panturo ang aking nadibuho na
nais kong ibahagi sa kapwa ko guro?

Inihanda ni:

LOREBETH D. MONTILLA
Teacher 1

You might also like