EDU-573-P3-TQ-with-key

You might also like

Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 12

PHINMA COC College of Education Second Sem

SY 23-24

EDU 573: PAGTUTURO NG FILIPINO SA ELEMENTARYA – PANITIKAN NG PILIPINAS


THIRD PERIODICAL EXAMINATION

Panuto: Basahin at unawaing mabuti ang sumusunod na mga tanong sa bawat bilang. Itiman ang titik sa
iyong sagutang papel ang tumutugon sa bawat tanong. WALANG MGA PAGBUBURA.

1. Sa panahon ng Kastila, Anong uri ng panitikan ang ginawang laro?


A. Palaisipan
B. Bugtong
C. Dula
D. Tula
2. Anong taon nailimbag ang Doctrina Christiana?
A. 1535
B. 1553
C. 1556
D. 1355
3. Sino ang sumulat ng “Mahal na Pasyon ni Hesukristo Panginoon Natin”?
A. Padre Modesto de Castro
B. Gaspar Aquino de Belen
C. Francisco Baltazar
D. Jose Dela Cruz
4. Anong panitikang pansimbahan napabilang ang Pasyong Mahal?
A. Akdang Pangmagandang asal
B. Buhay-buhay na Santo’t Santa
C. Nobena
D. Dalit
5. Anong dula na ang kuwento ay masaya hanggang sa wakas?
A. Melodrama
B. Trahedya
C. Komedya
D. Parsa
6. Anong dula na may tauhang nasasawi o namamatay?
A. Melodrama
B. Trahedya
C. Komedya
D. Parsa
7. Anong dula ang may tema ng pagpapasakit ni Sta. Elena na may kinalaman kay Hesukristo?
A. Panunuluyan
B. Lagaylay
C. Sinakulo
D. Tibag
8. Anong dula na itinatanghal bago mag-alas dose sa gabi ng Kapaskuhan?
A. Panunuluyan
B. Lagaylay
C. Sinakulo
D. Tibag
9. Anong dula ang nagpapakita ng kultura, pag-uugali ng tao sa isang pook?
A. Melodrama
B. Trahedya
C. Saynete
D. Parsa
1
PHINMA COC College of Education Second Sem
SY 23-24

10. Anong tula ang may konsepto ng singsing ng isang prinsesa na naihulog sa dagat?
A. Balagtasan
B. Karagatan
C. Duplo
D. Tibag
11. Anong tulang patnigan ang may kinalaman kay Francisco Baltazar?
A. Balagtasan
B. Karagatan
C. Duplo
D. Tibag
12. Saang bansa unang nagsimula ang Kilusang Progpaganda?
A. Espanya
B. Pilipinas
C. Pransya
D. Italya
13. Saang bansa isinulat ni Jose Rizal ang Noli Me Tangere?
A. Espanya
B. Pilipinas
C. Belgium
D. Berlin
14. Kailan nailathala ang “La Solidaridad” sa Barcelona, Espanya?
A. Pebrero 15, 1889
B. Pebrero 30, 1889
C. Pebrero 25, 1889
D. Pebrero 14, 1889
15. Sino ang “Ama ng Himagsikang Filipino”?
A. Apolinario Mabini
B. Andres Bonifacio
C. Emilio Jacinto
D. Antonio Luna
16. Sino ang “Utak ng Katipunan”?
A. Apolinario Mabini
B. Andres Bonifacio
C. Emilio Jacinto
D. Antonio Luna
17. Alin sa nagpapakita ng pagka-oportunista ng mga prayle sa mga kababaihan?
A. Huwag mo silang pagbintangan, kahit ka masinungalingan
B. Huwag kang makiapid sa kanyang asawa
C. Huwag mong ipagkait ang iyong asawa
D. Huwag mong itangi ang iyong ari-arian
18. Alin ang nagpapakita ng pagiging tiwali ng mga prayle?
A. Huwag mo silang pagbintangan, kahit ka masinungalingan
B. Huwag kang magpapahamak o manunuba ng Prayle.
C. Huwag kang mamamatay kung wala pang salaping panlibing.
D. Sambahin mo ang Prayle na lalo sa lahat.
19. Alin sa mga sumusunod ang tamang kahulugan ng “KKK”?
A. Kataastaasang Kagalang-galang na Katipunan ng mga Anak ng Bayan.
B. Kataas-taasang Kagalang-galang Katipunan ng mga Anak ng Pilipinas.
C. Kagalang-galang Kataastaasang Katipunan ng mga Anak ng Bayan.
D. Kataastaas Kagalang-galang ng Katipunan ng mga Anak ng Bayan.
20. Batay sa sumusunod na mga pagpipilian, Alin sa apat ang naiiba?
2
PHINMA COC College of Education Second Sem
SY 23-24

A. Sa Aking mga Kababata


B. A La Juventud Filipina
C. Mi Ultimo Adios
D. Fray Botod
21. Batay sa sumusunod na mga pagpipilian, Alin sa apat ang naiiba?
A. Graciano Lopez Jaena
B. Marcelo H. Del Pilar
C. Dr. Jose P. Rizal
D. Juan Luna
22. Ano ang pangunahing layunin ng Kilusang Propaganda sa Pilipinas noong huling bahagi ng ika-19 na
siglo?
A. Upang isulong ang mga repormang pangkultura at pang-ekonomiya sa loob ng umiiral na kolonyal
na balangkas
B. Upang suportahan ang mga patakarang kolonyal ng Espanyol at mapanatili ang status quo na
balangkas
C. Upang itaguyod ang agarang kalayaan mula sa pamumuno ng mga Espanyol
D. Upang magtatag ng sistemang komunista sa Pilipinas
23. Ano ang agarang dahilan na nagbunsod sa pagsisimula ng Rebolusyong Pilipino laban sa kolonyal na
paghahari ng Espanya noong 1896?
A. Ang pagsiklab ng armadong pag-aalsa na pinamunuan ng Katipunan
B. Ang pagpapatupad ng mga reporma sa Gomburza
C. Ang paglagda ng Treaty of Paris
D. Ang pagbitay kay Dr. Jose Rizal
24. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakaakma na sa naging kinahinatnan ng kolonisasyon ng mga
Espanyol?
A. Nilabanan ng mga katutubong kultura ang lahat ng aspeto ng impluwensya ng Espanyol.
B. Humantong sa pangangalaga at paghihiwalay ng mga katutubong kultura.
C. Ang pagpapakilala ng Kristiyanismo at edukasyong Kanluranin.
D. May kaunting epekto sa mga katutubong kultura.
25.Alin sa mga sumusunod na pahayag ang pinakamahusay na nagpapakita ng kahihinatnan ng pamamahala
ng Espanyol?
A. Ang pagtatatag ng mga kolonya ng Espanya ay nagpadali sa isang maayos na pagsasama-sama ng
lokal na pamamahala, na pinapanatili ang mga institusyong bago ang kolonyal.
B. Ang kolonisasyon ng mga Espanyol ay humantong sa paghina ng mga katutubong kultura at wika,
na nagpapabagal sa mga tradisyunal na istrukturang panlipunan.
C. Napanatili ng Pilipinas ang ganap na awtonomiya sa buong panahon ng kolonyal na Espanyol, na
nagtaguyod ng pagkakaiba-iba ng kultura.
D. Nakaranas ang Pilipinas ng kaunlaran at katatagan ng ekonomiya dahil sa pagpapakilala ng mga
mahusay na patakarang kolonyal.
26. Anong taon nagsimula ang panitikan sa Panahon ng Kastila?
A. 1565
B. 1621
C. 1899
D. 1941
27. Anong taon nagsimula ang panitikan sa Panahon ng Propaganda at Paghihimagsik?
A. 1898
B. 1872
C. 1899
D. 1941
28. Anong taon nagsimula ang panitikan sa Panahon ng Amerikano?
A. 1941
3
PHINMA COC College of Education Second Sem
SY 23-24

B. 1942
C. 1945
D. 1899
29. Anong taon nagsimula ang panitikan sa Panahon ng mga Hapones?
A. 1942
B. 1941
C. 1944
D. 1945
30. Anong taon nagsimula ang panitikan sa Panahon ng Patuloy na Pagbabago?
A. 1899
B. 1941
C. 1942
D. 1945
31. Anong uri ng panitikan ang tumutukoy sa mga bagay na nangyayari sa paligid o lipunan?
A. Anekdota
B. Editorial
C. Nobela
D. Balita
32. Ano ang salitang ugat sa salitang PANITIKAN?
A. panitik
B. panitikan
C. nitik
D. titik
33. Anong uri ng panitikan na may maingat na tanong na kinakailangan ng tumpak na sagot?
A. Salawikain
B. Kasabihan
C. Palaisipan
D. Bugtong
34. Anong uri ng panitikan na isang pahulaan nagpapatalas ng isipan?
A. Salawikain
B. Kasabihan
C. Palaisipan
D. Bugtong
35. Alin sa mga sumusunod ang KAHALAGAHAN ng pag-aaral ng panitikan?
A. Mababatid lamang ang kahinaan ng kanilang paniniwala at pag-uugali.
B. Nakikilala natin ang ibang panitikan at napapayabong pa ito.
C. Salamin sa karanasan at pangyayari sa ating kasasayan.
D. Ito ay sariling opinyon sa pangyayari sa kasaysayan.
36. Paano nakaaapekto ang paggamit ng iba't ibang wika sa pag-unlad ng panitikan ng Pilipinas?
A. Nagbibigay ito ng mas maraming oportunidad para sa ekspresyon ng kulturang rehiyonal.
B. Hindi ito nakakaimpluwensiya sa estilong pagsusulat ng mga manunulat.
C. Nagiging hadlang ito sa mas malawakang pag-unawa ng mga akda.
D. Nagpapalimita ito sa bilang ng mambabasa ng panitikan.
37. Paano nakakatulong ang panitikan sa pagbuo at pagpapanatili ng pambansang kamalayan?
A. Tumutulong ito sa pagpapakita ng mga pangyayari sa kasaysayan at kultura ng Pilipinas.
B. Nagbibigay ito ng kwentong walang kahulugan sa kasaysayan ng bansa.
C. Hindi ito naglalaman ng mga aral o turo sa mga mambabasa.
D. Limitado lamang ito sa personal na karanasan ng manunulat.
38. Bakit mahalaga ang paggamit ng sariling wika sa panitikan?
A. Nagpapahayag ito ng identidad at kultura ng isang bansa o rehiyon.
B. Nagbibigay ito ng mas malalim na kaalaman sa iba't ibang wika.
4
PHINMA COC College of Education Second Sem
SY 23-24

C. Dahil ito ay mas madaling maunawaan ng mga dayuhan.


D. Dahil ito ay sumasalamin sa modernisasyon ng bansa.
39. Si Lola Remedios ay nagkukwento ng isang kwento sa kanyang mga apo na umabot ng limang oras
habang walang humpay na nakikinig ang mga apo nito sa kanya. Bakit kaya hindi nababagot sa pakikinig ang
mga apo nito sa kanyang kwento?
C. Dahil maganda ang pagkukwento ni lola.
B. Dahil naaaliw ang mga apo sa kwento.
A. Dahil naaawa sila sa kanilang lola.
D. Dahil sanay na sa kwento ni lola.
40. Sa isang aklat ng tula, isang makata ang nagpapakita ng kanyang pakikibaka laban sa walang hustisya sa
lipunan sa pamamagitan ng kanyang mga likha. Ano ang implikasyon nito sa kanyang kontribusyon sa
panitikan ng Pilipinas?
A. Pagiging bahagi ng mga suliraning panlipunan ay hindi mayaman sa kanyang mga tula
B. Pagtatanghal ng pagiging malikhain sa paraan ng pagtalakay sa mga isyu ng lipunan
C. Hindi pagkakaroon ng kahalagahan ang ginamit na anyo ng sining
D. Pagiging hindi epektibo ng tula sa pagtawag pansin sa Lipunan
41. Isang koleksyon ng mga sanaysay ang naglalarawan ng mga totoong karanasan ng mga magsasakang
Pilipino sa harap ng mga suliraning pang-agrikultura. Ano ang potensyal na epekto nito sa kamalayan ng mga
mambabasa?
A.Walang kaugnayan ang mga sanaysay sa pang-araw-araw na buhay ng mga Pilipino.
B. Pagpapakita ng mga kuwento na hindi naman nangyayari sa tunay na buhay.
C. Pagbibigay-diin sa mahahalagang isyu at karanasan ng mga magsasaka.
D. Pagiging walang kabuluhan ng mga sanaysay na ito.
42. Sa isang epiko, isang bayani ang nagpakita ng katapangan sa labanan upang ipagtanggol ang kanyang
bayan. Ano ang masasabi mo sa kanyang kontribusyon sa panitikan ng Pilipinas?
A. Pagpapakita ng mga aral at kagitingan ng isang bayani sa pagtanggol ng bayan.
B. Hindi ito may kinalaman sa kultura at kasaysayan ng Pilipinas.
C. Walang kabuluhan ang kwento sa kasalukuyang panahon.
D. Nakakapagbigay lamang ito ng aliw sa mga mambabasa.
43. Paano nakakaapekto ang mga likhang pampanitikan sa kamalayan ng mga Pilipino sa mga isyu tulad ng
karapatan, kahirapan, at kawalan ng hustisya?
A. Pagpapakita ng mga posibleng solusyon sa mga isyu ng karapatan, kahirapan, at kawalan ng
hustisya.
B. Pagbibigay-diin sa pagpapakita ng kumplikadong suliranin nang walang solusyon.
C. Pagpapakita ng mga kuwento na walang kaugnayan sa mga isyung ito.
D. Hindi mayaman sa aral ang panitikan ukol sa mga isyung ito.
44. Paano nakakaapekto ang pagbabago ng panahon at lipunan sa pag-unlad ng mga tema, estilo, at uri ng
panitikan sa Pilipinas?
A. Pagsulpot ng bagong mga tema na kaugnay ng teknolohiya at modernisasyon.
B. Pagbaba ng kahalagahan ng panitikan sa kasalukuyang panahon.
C. Pagpapabaya sa paggamit ng tradisyonal na estilo at tema.
D. Pagtanggi sa pagtuklas ng bagong mga uri ng panitikan.
45. Paano nakakatulong ang paggamit ng iba't ibang wika sa panitikan ng Pilipinas sa pagpapahayag ng
kultura at identidad ng mga rehiyon sa bansa?
A. Pagpapakita ng kahalagahan ng paggamit ng iba't ibang wika sa pagpapahayag ng kultura at
identidad.
B. Pagpapakita ng hindi pagkakaroon ng koneksyon ng wika sa pagpapahayag ng kultura.
C. Pagiging hindi epektibo ng iba't ibang wika sa pagpapahayag ng kultura.
D. Pagtanggi sa pagkilala sa kaibahan ng bawat rehiyon sa bansa.

5
PHINMA COC College of Education Second Sem
SY 23-24

46. Si Ana ay mahilig magbasa ng iba’t-ibang anyo ng panitikan. Labis din siyang nalulugod kagpag siya ay
gumagawa ng sarili niyang panitikan. Mahilig siyang gumawa ng panitikang may saknungan. Kadalasan ito ay
may sukat at tugma. Ano ang anyo ng panitikan ang kinahihiligang gawin ni Ana?
A. Anyong Panuluyan
B. Anyong Pasalindila
C. Anyong Patugma
D. Anyong Patula
47. Ang kwento ni Pagong at Matsing ay isang halimbawa ng pabula dahil:
A. Ito ay ginanap sa probinsiya at nangyari noong unang panahon.
B. Ito ay nakasaad na sa kasaysayan ng Pilipinas.
C. Ito ay isa sa mga pinakamatandang kwento at may aral na makukuha rito.
D. Ito ay kwentong may tauhang mga hayop at nagtuturo ng magandang aral.
48. Alin sa mga sumusunod ang nagsasaad ng kaibahan ng maikling kwento at nobela?
A. Ang maikling kwento ay naglalarawan ng isang natatanging pangyayari sa buhay ng maraming
tauhan at ang nobela naman ay naglalalrawan ng maraming pangyayari sa isang pangunahing tauhan.
B. Ang maikling kwento ay mas maikli kaysa nobela.
C. Ang nobela ay hindi masyadong nagbibigay ng aral sa mga mambabasa ngunit ang maikling kwento
naman ay kinapupulutan ng maraming aral.
D. Lahat ay tama.
49. Alin sa mga sumusunod ang naiiba?
A. Pabula
B. Oda
C. Alamat
D. Sanaysay
50. Alin sa mga sumusunod ang hindi nabibilang sa mga uri ng panitikan na tinatawag ding tula ng puso?
A. Oda
B. Elehiya
C. Saynete
D. dalit
51. Ayon kina Alejandro at Pineda, ito ay isang paraan ng “paglalarawan ng buhay hinango sa guniguni na
pinararating sa ating damdamin at ipinahahayag sa pananalitang nag-aangkin ng tumpak na aliw-iw at lalong
mainam sa mga sukat at tugma”. Ano ang tinutukoy ng pahayag?
A. Dula
B. Sanaysay
C. Tula
D. Maikling Kwento
52. Noong unang panahon pa man, sinasabing mayroon ng tula ang ating mga katutubong Pilipino. Ano ang
tawag sa pinagmulan ng tulang Pilipino na mayroong namang mga payo at paalala na galling sa mga
karanasan ng mga matatanda?
A. Bugtong
B. Parabula
C. Salawikain
D. Mga Paalala
53. Sa anong panahon ng tulang Pilipino sumibol ang awit at korido?
A. Matandang Panahon
B. Panahon ng Hapon
C. Panahon ng Espanyol
D. Panahon ng Amerikano

54. Ano ang tawag sa uri ng tula na binubuo ng anim hanggang walong pantig at inaawit habang may
sumasayaw?
6
PHINMA COC College of Education Second Sem
SY 23-24

A. Awit at Korido
B. Balad
C. Soneto
D. Dalit
55. Ito ay anyo ng tula naglalarawan ng iba’t-ibang tagpo at pangyayari sa buhay.
A. Tulang Liriko
B. Tulang Pantanghalan
C. Tulang Pasalaysay
D. Tulang Patnigan
56. “Ang hipong tulog, Itinatangay ng agos.” Ang pahayag sa itaas ay halimbawa ng isang?
A. Bugtong
B. Salawikain
C. Awiting-bayan
D. Tanaga
57. Alin sa mga sumusunod na pahayag ang totoo tungkol sa bahagi ng tula sa ilalim? “isda ko sa Mariveles
Nasa loob ang kaliskis”
A. Ang tula ay walang sinusunod na sukat.
B. Wawaluhin ang sukat ng tula.
C. Walang sukat at tugma ang tula.
D. Walang tamang sagot.
58. Ito ay tumutukoy sa sentral na ideya ng kwento at mahalagang pangkaisipan ng may akda.
A. Banghay
B. Kasukdulan
C. Tema
D. Saglit na Kasiglahan
59. Sa anong panahon ng tulang Pilipino naging karaniwang paksa ang pag-ibig at pagkamakabayan?
A. Matandang Panahon
B. Panahon ng Hapon
C. Panahon ng Espanyol
D. Panahon ng Amerikano
60. “Halina’t tayo’y mag-alay Ng bulaklak kay Maria Halina’t magsilapit Dine sa Birheng marikit” Ang tula sa
itaas ay halimbawa ng:
A. Soneto
B. Dalit
C. Elehiya
D. Balad
61. Ito ay tumutukoy sa paggamit ng mga pili, angkop at maririkit na salita sa pag gawa ng tula.
A. Talinghaga
B. Kariktan
C. Tugma
D.Sukat
62. Alin sa mga sumusunod ang nagpapaliwanag kung bakit tayo gumagamit ng mga pili at angkop na salita
sa pag gawa ng tula?
A. Ito ay upang maitago natin ang totoong kahulugan ng tula
B. Ito ay upang maakit ang mambabasa at mapukaw ang kanilang damdamin.
C. Ito ay upang mas maging angat ang ating tula kaysa sa iba.
D. Ito ay upang tayo ay makapag-isip.
63. Ano ang tawag sa uri ng panitikan na isang paglalarawan ng katotohanan sa buhay na naglalayon ding
makapagbigay aliw at kasiyahan sa pamamagitan ng paggaya ng mga representasyong makatotohanan at
paggamit ng masining na kilos?
A. Dula
7
PHINMA COC College of Education Second Sem
SY 23-24

B. Nobela
C. Sanaysay
D.Maikling Kwento
64. Alin sa mga sumusunod na pahayag tungkol sa tula sa ibaba ang ang totoo? “Ambong kaylamig’ Maging
matsing ay nais Ng kapang damo”
A. Ang tula ay isang halimbawa ng tanaga.
B. Ang tula ay isang halimbawa nga haiku.
C. Ang tula tugma ngunit walang sukat.
D. Walang tamang sagot.
65. Ang mga sumusunod na pahayag ay katangian ng isang maikling kwento MALIBAN sa isa, ano ito?
A. May isang pangunahing tauhan at mahalagang suliranin at ilang tauhan
B. Ang paksa nito ay madula at di makakalimutang pangyayari
C. Marami itong impresyon.
D.Mayroon itong isang mahalang tagpo.
66. Sa panahong ito, mas umusbong ang tulang Pilipino? Malayang nagamit ng mga Pilipino ang sariling
wika. Ano ang panahon ang inilalarawan?
A. Panahon ng Espanyol
B. Panahon ng Amerikano
C. Panahon ng Hapon
D. Kasalukuyang Panahon
67. Anong bahagi ng maikling kwento ang itinuturing na pinakamadulang bahagi dahil dito nakakamtan ang
katuparan o kasawian ng tauhan.
A. Kakalasan
B. Kasukdulan
C. Wakas
D. tunggalian
68. Ito ay kadalasang tinatawag ding tulay sa wakas ng kwento.
A. Kakalasan
B. Kasukdulan
C. Wakas
D.tunggalian
69. “Nahihirapan na si Ana sa relasyon nila ni Natoy. Gusto na niyang makipaghiwalay ngunit hindi niya alam
kung paano.” Ito ay isang halimbawa ng anong elemento ng maikling kwento?
A. Tema
B. Banghay
C. Suliranin
D. Tunggalian
70. “Ang laki sa layaw karaniwa’y hubad Sa bait ay muni, sa hatol ay salat” Alin sa mga sumusunod na
pahayag ang totoo tungkol sa bahagi ng tula sa itaas?
A. Ito ay walang sukat
B. Ito ay wawaluhing sukat
C. Ito ay may lalabindalawahing sukat
D.Ito ay may tugma at lalabing-animing sukat.
71. Ito ay anyo ng panitikan kung saan maluwag na pinagsama-sama ang mga salita sa karaniwang takbo ng
pangungusap. Ito ay patalata.
A. Anyong panuluyan
B.Anyong Pasukat
C. Anyong patula
D. Anyong Patugma
72. Sino ang nagdala ng imprenta sa Pilipinas?
A. Mga Kastila
8
PHINMA COC College of Education Second Sem
SY 23-24

B. Mga Indian
C. Mga Cambodian
D. Mga Indones
73. Ito ay ang grupo ng mga pinagsamang taludtod ng tula.
A. Sukat
B. Tugma
C. Saknong
D. Banghay
74. Sumali si Natoy sa isang patimpalak ng pagsulat ng tula sa kanilang paaralan. Ang kategoryang kanyang
sinalihan ay hindi nangangailangan ng sukat at tugma ng tula. Anong anyo ng tula ang isusulat ni Natoy?
A. Tradisyunal na tula
B. Malayang Taludturan
C. Di-Tugmaang Taludturan
D. Sinaunang Tula
75. Si Maria ay inatasan ng kanyang guro na sumulat ng maikling kwentong nagbibigay aliw at saya. Anong
uri ng maikling kwento ang kanyang kailangang isulat?
A. Kwento ng Pangyayari
B. Kwentong Katatawanan
C. Kwento ng Tauhan
D. Kwento ng Katutubong Kulay
76. Kung ang manunulat ay nagnanais na mabigyang pansin at diin ang pamumuhay, pananamit at kahit na
pananalita ng mga tao sa nasabing lugar, anong uri ng maikling kwento ang kanyang dapat pagtuunan ng
pansin?
A. Kwento ng Pangyayari
B. Kwentong Katatawanan
C. Kwento ng Tauhan
D. Kwento ng Katutubong Kulay
77. Ano ang tawag sa mga pagtatalong binibigkas patula na ginagamitan ng talas ng isip at pangangatwiran?
A. Tulang Patnigan
B. Tulang Liriko
C. Tulang Pasalaysay
D. Tulang Pandulaan
78. Alin sa mga sumusunod ang hindi nabibilang?
A. Balagtasan
B. Parsa
C. Duplo
D. Karagatan
79. Ito ay ang nobelang isinulat ni Jose Rizal laban sa mga Kastila?
A. Noli Me Tangere
B. Doctrina Christiana
C. Kahapon, Ngayon, at Bukas
D. A Fly in a Glass of Milk
80. Ito ay mahabang salaysay na sumasaklaw sa sumusunod na mga sangkap: tauhan, lugar, balangkas, at
mga pangyayari.
A. Nobela
B. Awit at Korido
C. Epiko
D. Talumpati
81. Ito ay mga kwentong-bayan na ang mga tauhan ay mga hayop.
A. Parabula
B. Epiko
9
PHINMA COC College of Education Second Sem
SY 23-24

C. Pabula
D. Elehiya
82. Ito ay tumutukoy sa isang pagpapahayag ng opinyon ng mga akda.
A. Nobela
B. Sanaysay
C. Maikling kwento
D.Alamat
83. Ano ang naging kahalagahan ng imprenta sa ating panitikan?
A. Mas naging mahusay na manunulat ang mga Pilipino
B. Dahil dito, napag-ingatan natin ang ilan sa ating mahahalgang panitikan noon.
C. Mas naging madali ang pagsulat ng panitikan.
D.Walang tamang sagot.
84. Ano ang tawag sa paghahalin ng panitikan gamit ang dila o bibig?
A. Pasalinbibig
B. Pasalindila
C. Pasalin-salin
D. Pasalinsulat
85. Ito ay uri ng tulang dula na may nakakatuwang pangyayari.
A. Komedya
B. Saynete
C. Trahedya
D. Melodrama
86. Ang tulang ito ay karaniwang nilalaro sa isang lamay. Ito ay nagsimula sa isang prinsesang naghulog ng
singsing sa karagatan.
A. Duplo
B. Parsa
C. Saynete
D. Karagatan
87. Ito ang uri ng sanaysay kung saan ang tono ng iyong boses ay parang kaibigan lamang,
A. Palagayan
B. Patanghal
C. Maanyo
D. Porma
88. Ito ay uri ng sanaysay na may maintelektuwal at seryosong paksa.
A. Palagayan
B. Malaya
C. Maanyo
D. Malikhain
89. “Ang ninikat na araw, Iisa araw-araw Ngunit bawat liwayway Ay bago’t bagong araw.” Ang tulang ito ay
halimbawa ng?
A. Haiku
B. Soneto
C. Tanaga
D. Salawikain
90. Sino ang nagdala ng mga paniniwalang pagano at awiting panrelihiyon sa atin?
A. Indones
B. Tsino
C. Malay
D. Cambodian

10
PHINMA COC College of Education Second Sem
SY 23-24

91. Sa wakas ng kwento, naaksidente ang kasintahan ni Ronaldo at Nawala ang kanyang alala kaya hindi niya
maalala si Ronaldo at naging dahilan ito na hindi sila nagkatuluyan. Base sa wakas ng kwento, anong uri ng
dula ito?
A. Komedya
B. Saynete
C. Trahedya
D. Parsa
92. Siya ang nagsulat ng sikat na “Dasalan at Tocsohan.”
A. Jose Rizal
B. Marcelo H. Del Pilar
C. Emilio Jacinto
D. Graciano Lopez Jaena
93. Ano ang tawag sa dulang puppet na yari sa karton na gumagalaw sa likod ng mailaw at putting tela?
A. Korido
B. Carino
C. Carillo
D. Cadino
94. Sinong manunulat sa panahon ng mga Amerikano ang nagsulat ng mga oda para kay Rizal?
A. Lope K. Santos
B. Cecilio Apostol
C. Severino Reyes
D. Juan K. Abad
95. Siya ang naglikha ng pangalang “sanaysay”.
A. Alejandro G. Abadilla
B. Alejandro G. Padilla
C. Alejandro Rabadilla
D. Alejandro G. Badilla
96. Anong ang tawag sa awit ng kalungkutan?
A. Indulanin At Soliranin
B. Diona At Talindaw
C. Dalit At Umbay
D. Ihiman
97. Anong tawag sa awit na ginagamit sa pag-iisang dibdib?
A. Tigapsin
B. Ihiman
C. Hiliraw
D. Uyayi
98. Ano ang tawag sa awit panlasangan?
A. indulanin at soliranin
B. diona at talindaw
C. Balingkungkong
D. dalit at umbay
99. Ano ang tawag sa awit na may kinalaman sa pagtatagumpay?
A. tigapsin
B. ihiman
C. hiliraw
D. uyayi
100. Ano ang tawag sa awit na pampatulog ng bata?
A. sambotani
B. tigapsin
C. ihiman
11
PHINMA COC College of Education Second Sem
SY 23-24

D. uyayi

-Wakas-

12

You might also like