Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 6

2

SI RIZAL SA IKA-19 NA SIGLO NG MUNDO AT


PILIPINAS
Mga Layunin
1. Ipaliwanag ang ugnayan ng indibiduwal at ng lipunan;
2. Ilahad ang kahalagahan ng pakikisalamuha sa lipunan ng isang tao;.
3. Ilarawan ang mga pagbabago sa aspetong
sosyal, pulitikal, ekonomiya at kultura noong panahon ni Rizal at ilahad ang sanhi at
epekto nito sa mga Pilipino;
4. Bumuo ng isang "crossword puzzle" ng mga salitang matatagpuan sa binasang
paksa tungkol sa kapanahunan ni Rizal; at
5. Magplano, magsagawa at magtanghal sa klase ng maikling dula tungkol sa mga
paksa o kaganapan noong panahon ni Rizal.

IKALAWA AT
IKATLONG LINGG

BUHAY AT PAGTUTURO NI RIZAL 1


ARALIN 2
Upang maunawaan at mapahalagahan ang buhay ni Dr. Jose Rizal, narararapat
lang na malaman ang kasaysayan ng mundo at ng Pilipinas noong panahon niya. Ang
ika-19 na siglo na panahong nabuhay siya ay panahon ng mga pangyayaring
nagpabago sa pangkaraniwang estado at takbo ng pamumuhay ng mga tao. Sa Asya,
Europa at Amerika, walang humpay ang mga pangyayari na para bang mga alon ng
karagatan na nakaapekto sa pamumuhay ng mga tao.

ANG MUNDO NOONG PANAHON NI RIZAL


Noong ika-19 ng Pebrero, 1861, apat na buwan bago ipinanganak si Rizal sa
Calamba, Laguna, ang liberal na pinuno ng Rusya na si Alexander II (1855- 1881) ay
ipinahayag ang pagpapalaya sa 22,500,000 na manggagawa sa mga taong
namamahala sa kanila.

Ipinanganak si Rizal noong ika-19 ng Hunyo, 1861 na kasidhian ng Giyera Sibil


ng Amerika na ang dahilan ay ang isyu tungkol sa pang-aalipin sa mga Negro. Ang
malalang kaguluhan noong Abril 12, 1861 ang naging dahilan upang iproklama ni
Pangulong Lincoln ng Estados Unidos ang pagpapalaya sa mga Negro sa pang-aalipin
noong ika-22 ng Setyembre, 1862.

Ika-15 ng Mayo, 1867 nang talunin ng mga Mehikano (Mexicans) sa pamumuno


ng kanilang pangulong si Benito Juarez sa tulong ni Pangulong Lincoln ng Estados
Unidos ang mga sundalong Pranses sa pamumuno ni Maximilian ng Austria na
itinalagang puppet Mexican Emperor ni Emperor Napoleon III sa "Battle of
Queretaro." Ika-19 ng Hunyo, 1867 (Ika-6 na taong anibersaryo ng kapanganakan ni
Rizal) nang bitayin si Emperor Maximilian na naging malaking dagok sa ambisyon ni
Emperor Napoleon III na sakupin ang Latin Amerika.

Dalawang bansa sa Europa ang matagumpay na napagkaisa ang kanilang


mamamayan at naitaboy ang sa kanila'y nananakop. Ang Italya ay pinatalsik ang mga
sundalong Austriano at Pranses at itinatag ang kaharian ng Italya sa pamumuno ni
Haring Victor Emmanuel. Ang mga Prussiano sa pamumuno ni Otto Van Bismarck ay
tinalo ang Pransya at itinatag ang German Empire noong ika-18 ng Enero, 1871 sa
pamumuno ni Haring Wilhelm ng Prussia.

Naging malawak ang kanlurang imperialismo ng mga bansang nais mapalawak


ang nasasakupan at kapangyarihan. Inglatera ang nangungunang imperialismong
bansa sa pamumuno ni Queen Victoria (1837-1901) na nagwagi sa Ist Opium War
kontra Tsina (1840-1842) at nasakop ang Hong Kong. Sa 2nd Opium War, nasakop
niya ang Kowloon Peninsula. Taong 1859 nang sakupin niya ang India, Pakistan at
Baghdad at 1885 ang Burma. Sinakop din ng Inglatera ang Ceylon (Sri Lanka),
Maldives, Aden, Malayan at South Pacific.

Noong 1858-1884, sinakop ng Pransya ang Vietnam, Cambodia at Laos.


Ang mga Dutch, matapos paalisin ang mga Portuguese at Kastila sa East Indies ay
sinakop at pinangalanan itong Netherlands East Indies (ngayon ay Indonesia).

Nagpalawak naman ng nasasakupan ang Rusya pasilangan at nasakop niya ang


Siberia, Kamchatka, Kuriles at Alaska na ibinenta niya sa Estados Unidos noong 1867

BUHAY AT PAGTUTURO NI RIZAL 2


ARALIN 2
sa halagang $7,200,000. Simula 1865-1884 ay sinakop pa ng Rusya ang Muslim
Khannates ng Bokhara, Khiva, at Kokand ng Central Asia. Sumama siya sa Inglatera,
Pranses at Alemanya upang sakupin ang Manchuria at magawa ang 5,800 milyang
Trans-Siberian Railway, ang pinakamahabang riles sa buong mundo.

Nagkaroon ng digmaan ang Japan at Tsina (1894-1895). Tinalo ng Japan ang


Tsina at sinakop ang Formosa (Taiwan) at Pescadores at noong 1910, sinakop ng
Japan ang Korea.

Sa pag-aagawan ng Alemanya at Espanya sa Carolines at Palaus archipelagos,


Kapwa sila pumayag sa desisyon ni Pope Leo XIII na ang pag-aari sa mga isla ay sa
Espanya at ang pagbibigay karapatan sa Alemanya sa pakikipagkalakalan at pagtatayo
ng coaling station.

Maraming bansa na nasakop ng Espanya ang nag-alsa dahil sa pagmamalabis


nito at nakamit ang kalayaan. Kabilang dito ang Paraguay (1811), Argentina (1816),
Chile (1817), Colombia at Ecuador (1819) ng Latin Amerika, (Costa Rica, Honduras,
Guatemala, El Salvador at Nicaragua) ng Central Amerika (1821), Venezuela (1822),
Peru (1824), at Bolivia at Uruguay (1825).

Patuloy ang pagmamalabis ng mga Kastila sa mga natitira pa nilang


nasasakupang bansa na kinabibilangan ng Cuba, Puerto Rico at Pilipinas.

Ang Pilipinas Noong Panahon ni Rizal


Hindi nabubuhay ang mga Kastila na kasalamuha ng mga Pilipino. Sila ay hindi
naging kadamdamin ng mga katutubong Pilipino bagkus ay naging hayagan o lantaran
ang pagpapakita ng diskriminasyon ng mga Kastila sa mga Pilipino.

Nabigo ang bayan nang ipahayag ng Gobernador na ang binabanggit na


konstitusyon ng 1821 ay hindi para sa mga Pilipino kaya't ang mga Pilipino ay
patuloy na nagbabayad ng mga buwis at hindi nila makakamit ang mga karapatang
ipinagkakaloob sa mga Kastila.

Sa kabila ng pagwawalang bahala at diskriminasyon ng mga pinunong Kastila sa


pagbibigay ng karapatan sa mga Pilipino, ang kabuhayan sa kapuluan ay patuloy na
umuunlad. Nagbukas ang Espanya ng bagong pamilihan para sa mga produkto sa
Silangang Asya at ang Maynila ay naging sentro ng kalakalan sa Silangan. Naging
pook ng kayamanan ang Maynila at ang kasaganaang iyan ay dahil sa malayang
kalakalan.

Nainggit sa kaunlaran ng Maynila ang mga mangangalakal ng Cadiz at Sevilla at


sila ay nagsagawa ng iba't ibang paraan upang mapilit ang pamahalaan ng Espanya na
higpitan ang kalakalan ng Mehiko at Maynila.

Nagsikap si Ventura delos Reyes, isang kinatawan sa Cortes ng Espanya noong


1811 na putulin ang kalakalan ng galleon sa Maynila at Acapulco dahil sa kasamaang
naidudulot nito sa bayan tulad ng monopoliya sa mga industriya, ang limitadong
bilang ng taong nakikinabang, pagkasira ng mga likas na yaman, di makatarungang

BUHAY AT PAGTUTURO NI RIZAL 3


ARALIN 2
pagpapatrabaho sa mga Pilipino at ang mabagal na pag-unlad ng
bansa.

Napalitan ito ng pagbubukas ng kalakalan ng dayuhan sa Maynila at iba pang


lungsod sa kapuluan. Nakapagtatag ng mga bangko at bahay-kalakal ang mga
dayuhan sa Maynila. Pinamahalaan ni Ferdinand de Lessep noong Nobyembre 17,
1869 ang pagbubukas sa Kanal Suez na nakatulong upang makapasok sa Pilipinas ang
mga bagay at diwang dayuhan.

Marami sa mga Pilipino ang nakinabang at umunlad ang kabuhayan. Nakarating


ang maraming Pilipino sa Maynila at ang iba naman ay nangibang- bansa.
Nakamalas ang mga Pilipino ng bagong anyo ng buhay at nakadama sila ng pagiging
malaya. Naranasan nila ang makasalamuha ang mga taga-ibang bansa pati na ang mga
Kastila at pinakitunguhan sila ng katulad nila. Lumawak ang kanilang pang-unawa
sapagka't nakilala nila ang kanilang sarili na sila ay may mga katangiang katulad o
higit pa sa mga dayuhan. Naisip at namalas nila kung paano dinuduhagi at binabale
wala ang kanilang mga karapatan at kung paanong tinatakipan ng pananampalataya
ang pagmamalabis ng mga paring Kastila.

Sa panahong ito, nadama sa Pilipinas ang himagsikan sa Mehiko (1822) laban sa


Pamahalaang Kastila. Natipon na lamang sa Cuba, Puerto Rico at Pilipinas ang
kolonya ng Espanya. Unti-unting nababawasan at nabubuwag ang kapangyarihang
pandaigdig ng Espanya.

Ang mga Pilipino noong panahon ni Rizal ay mga biktima ng mga sumusunod na
suliranin, pagmamalabis at kalupitan ng mga kastila:

1. Ang suliraning politikal ng Espana na dulot ng pag-aalitan ng mga Kastilang


maka-autokratiko (pamamahala ng isang tao) at maka- liberal (kalayaan at
progresibo), pagkakaroon ng digmaan (Carlist Wars), pagsasagawa at pagsunod
sa 4 na konstitusyon noong 1834- 1862 at rebelyon ang labis na nakaepekto sa
pag unlad sa aspetong politikal at ekonomiya ng Pilipinas. Ang madalas na
madaliang pagpapalit ng mga administrador na Kastila sa mga posisyon sa
pamahalaan ng Pilipinas ay dahilan kung bakit hindi lubusang magampanan ang
kanilang tungkulin sa maikling panahon lamang ng kanilang panunungkulan..

2. Karamihan sa mga kastilang administrador/opisyales ng pamahalaan na ipinadala


ng Espanya sa Pilipinas ay malulupit sa mga Pilipino, hindi tapat sa kanilang
tungkulin, imoral, at hindi kwalipikado sa kanilang mga gaganaping tungkulin.

3. Ang Pilipinas na dati ay may representante/kasapi sa Kagawarang Tagapagbatas


(Spanish Cortes) ng Espanya noong 1810-1837 na kung saan naipaaabot ng mga
Pilipino ang kanilang suliranin at pangangailangan ay tinanggalan ng
representasyon at hindi na muli naibalik. Si Ventura de los Reyes ang unang
delegado na naging bahagi sa pagsasagawa ng 1812 na konstitusyon at ang
pagpapatigil ng "Kalakalang Galleon"dahil sa suliranin sa monopoliya ng mga
produkto, sapilitang pagpapatarbaho, at pagsasamantala sa likas na yaman ng
bayan.

4. Ipinagkait ng mga Kastila ang mga karapatang pantao (kalayaan sa pagsasalita,

BUHAY AT PAGTUTURO NI RIZAL 4


ARALIN 2
pamamahayag, pakikibahagi, atbp.) ng mga Pilipino na sinusunod ng mga Kastila
sa kanilang konstitusyon.

5. Ipinatupad ng mga Kastila ang hindi pagkakapantay-pantay sa hustisya katulad


ng pagpapataw ng mas mabigat na parusa sa mga nagkasalang Pilipino at mestizo
at magaang na parusa sa nagkasalang puting Kastila. Hindi makaapela ang mga
Pilipino sa batas para sa hustisya sapagkat ang batas na ipinatutupad ng mga
Kastila ay para lamang sa mga mapuputing Kastila.

6. Bukod sa mas pinapanigan ng korte Suprema ang mga Kastila kontra sa mga
Pilipino, maraming Pilipino ang nakaranas magdusa dahil sa kabagalan ng
pagpapatupad ng hustisya, kakulangan sa kaalaman ng nagpapatupad ng
batas/hustisya at maling pagpapatupad ng batas at hustisya.

7. Mababang antas ang pagtingin sa mga Pilipino ng mga Kastila at tinatawag ng


mga Kastila ang mga Pilipino na "Indios" (Indians). Naging malawakan ang
diskriminasyon sa pamahalaan, Korte Suprema, militar, edukasyon at relihiyon.

8. Naging talamak ang "frailocracy" (frailocracia) o pamamahala ng mga paring


Kastila sa kanilang makapangyarihang impluwensya sa relihiyon, edukasyon,
pulitika at ekonomiya ng Pilipinas.

9. Ang sapilitang pagpapagawa (forced labor) o ang tinatawag noong "polo" na


kompulsaryong paggawa na utos ng mga Kastila sa lahat ng mga may edad nang
kalalakihan sa mga inpraistruktura at paggawa ng mga barko.

10. Ang mga paring Kastila ang nagmamay-ari ng mga "hacienda" (agricultural
lands) sapagkat sila ang nakakakuha ng titulo ng pag-aari sa pamahalaang Kastila
at ang mga Pilipino na matagal nang nakatira at nagsasaka dito ang naging mga
manggagawang pinagsasaka at pinangangalaga nito.

11. Ang pang-aabuso ng mga Guardia Civil na kulang sa pagsasanay militar at sa


disiplina sa mga inosenteng Pilipino na pinagna- nakawan ng kanilang alagang
mga hayop at mga kagamitan at inabusong sekswal ang mga kababaihan.

BUHAY AT PAGTUTURO NI RIZAL 5


ARALIN 2
BUHAY AT PAGTUTURO NI RIZAL 6
ARALIN 2

You might also like