Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 1

MGA MAPANGHUSGANG MATA

Kami ay kababaihan, dumadaloy sa aming dugo ang pagiging matapang

Kasing tapang ng mga bayaning lumaban para sa ating bayan

Kasing lakas ng isandaang kalalakihan

At kasing ganda ng bulaklak ang aming kalooban.

Hindi man kami maikukumpara kung pisikal ang pag uusapan

Kaya pa rin naming huwag magpaapi at lumaban

Gamit ang taglay naming katalinuhan

At talentong minana sa aming kanunu-nunuan

Hindi kami gamit na kapag sawa na basta basta nalang bibitawan at iiwan bigla

Kaya ngayon amin ng iniingantan ang aming puso’t isipan.

Bawat kilos na aming gagawin ay hindi kailangan ng inyong opinion,

Sapagkat kayang-kaya rin naming gumawa ng sarili naming desisyon

You might also like