Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 20

Arts – Ikaapat Baitang

Ikaapat na Markahan – Modyul 1: Tradisyon sa Paghahabi o Paglalala sa Pilipinas


Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag
sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang Arts 4 ng Modyul para sa araling
tradisyon sa paghahabi o paglalala sa Pilipinas!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Dibisyon ng Pasig City na pinamumunuan ni Ma. Evalou
Concepcion A. Agustin, OIC Schools Division Superintendent at sa pakikipag
ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng Pasig sa pamumuno ng butihing Alkalde na si
Hon. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang modyul na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo lalong lalo na ang 5 Cs (Communication,
Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa Arts 4 Modyul ukol sa tradisyon sa paghahabi
o paglalala sa Pilipinas!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad
sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at icon na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang Modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
na unang paksa.
ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.
MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan
ng mga mag-aaral..
PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na
dapat bigyan halaga.
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga..
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

MGA INAASAHAN
Pagkatapos mo ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. naipakikita ang larawan o aktwal na mga halimbawa
ng iba’t ibang uri ng mga tradisyunal na paghahabi ng
banig sa Pilipinas;
2. nakikilala ang mga uri ng tradisyunal na paghahabi ng
banig sa Pilipinas sa pamamagitan ng mga larawan o
aktwal na halimbawa;
3. nakagagawa ng isang maskara o headdress na disenyo
gamit ang mga patapon na bagay.
PAUNANG PAGSUBOK

Panuto: Pagmasdan ang mga larawan. Tukuyin ang disenyo at


isulat sa patlang kung ito ay stripes, zigzag, plain, checkered o
square.
1. ___________ 4. ___________

2. ____________ 5. ____________

3. ____________

BALIK-ARAL
Sino sa inyo ang natutulog sa banig? Saan kaya nagmula
ang ginagamit ninyong banig at paano ito ginagawa? Pagmasdan
ang mga larawan ng iba’t ibang uri ng banig inbaba.
Ang banig ay isang kagamitan na karaniwang ginagamit sa
pagtulog lalo na sa Pilipinas at sa Silangang Asya. Bawat rehiyon
ay may sariling disenyo sa paglala o paghahabi ng banig. Ang
banig ay maaaring gawa sa buri, pandan o dagat dahong damo.
Isa sa tanyag na lugar sa Pilipinas sa paglalala ng banig ay ang
Basey, Samar.
Ang bawat kulay na ginagamit sa nilalang banig ay may
kahulugan katulad ng kulay ng kalikasan.
Mapapansin na ang paraan ng paghahabi o paglalala ay
karaniwan lamang ngunit ang sining at kagandahan ng paglalala
ng banig ay nababatay sa pagtitiklop ng mga piraso ng material
upang makalikha ng kahanga-hangang disenyo.
.

Ano ang Paghahabi o Paglalala?


Ang paghahabi o paglalala ay isang paraan ng
pagsasalit-salit ng materyal gaya ng buri, pandan o pira-pirasong
papel na iniaanyo pahaba o pagbalagbag upang makabuo ng
kahanga-hangang disenyo. Kilala tayo sa buong mundo sa
pagiging malikhain pagdating sa paghahabi.

Sa pamamagitan ng paghahabi ng banig na may iba’t ibang


disenyo, kulay, at materyales na ginagamit ay naipakikita ang
paniniwala, tradisyon at damdamin ng iba’t ibang pamayanang
kultural sa bansa.

Mga Tradisyon ng Paglalala sa Pilipinas


May tradisyon ang mga Pilipino pagdating sa paghahabi ng
banig. Gumagamit sila ng iba’t ibang materyales at dahil dito
marami silang nabubuong disenyo. Narito ang iba’t ibang lugar
sa bansa na kilala sa paglalala ng banig.
Ang Basey, Samar ang sikat na rehiyon sa Pilipinas dahil sa
kakaibang disenyo nito sa paglalala ng banig. Ang karaniwang
mga disenyo ng banig ng taga Basey, Samar ay yano (plain),
sinamay (papalit-palit) at bordado o pinahuta (burdado). Nag
iiba- iba ang laki, may malalapad at malalaki.

Ang mga Samals ng Sulu naman ay karaniwang gumagamit


ng dahon ng buri at pandan. Madalas, tinitina ang mga piraso ng
mga ito at pinagtatagpi upang makabuo ng isang disenyo gamit
ang apat na disenyo sa paghahabi. Ito ay ang stripes, square,
checkered, at zigzag.
Sa disenyong stripes nakikita ang mga linyang pahilis sa
banig at ang bawat stripes ay nag- iiba iba batay sa iba’t ibang
kulay na ginamit sa paglalala.
Ang disenyong checkered naman ay may kumbinasyon ng
mga linyang pahilis, pahiga, at patayo. Maaaring gumamit ng
dalawa o maraming kumbinasyon ng kulay upang makita ang
disenyo.
Ang disenyong parisukat o square ay makikita sa banig sa
pamamagitan ng paglalala ng may parehong kulay upang
makabuo ng parisukat na porma.
Ang disenyong pa- zigzag naman ay nabubuo sa
pamamagitan ng pagporma ng linyang pasigsag gamit ang
parehong kulay o kumbinasyon ng mga kulay sa paglalala.

Ang bayan ng Libertad, Antique naman ay kilala rin sa


paghahabi ng banig na naging isa sa mga pangunahing
pinagkukunan ng kabuhayan ng mga taong-bayan. Ang banig na
ginawa sa bayang ito ay hinahangad sa lokal at dayuhang mga
merkado dahil sa kaniyang natatangi at buhol-buhol na disenyo.

MGA PAGSASANAY
Pagsasanay 1:
Panuto: Basahin at unawain ang mga pahalang at pababang
pahayag. Isulat sa puzzle na nasa ibaba ang tinutukoy
na salita ng nasabing mga pahayag.
Pahalang:
1. tradisyon ng mga Pilipino
3. disenyong may linyang pahilis sa banig.
Pababa:
2. disenyong may linyang pahilis, pahiga at patayo
4. ginagamit ito sa pagtulog
5. disenyong may linyang pa-zigzag

Pagsasanay 2
Panuto: Isulat ang salitang TAMA kung ang pahayag ay wasto at
MALI naman kung hindi ito wasto.
________1. Ang Basey, Samar ay tanyag sa Pilipinas sa
paglalala ng banig.
________2. Hindi maaaring gamitin ang mga dahon ng
buri at pandan sa paglalala.
________3. Ang mga Samals ng Sulu ay kilala rin sa
paglalala ng banig.
________4. Kilala tayo sa buong mundo sa pagiging
malikhain sa paghahabi.
________5. Ang buhol-buhol na disenyo ay gawa ng mga taga
Libertad, Antique.
Pagsasanay 3
Panuto: Gumawa ng maskara o headdress gamit ang mga
patapon na bagay.
Kagamitan: lumang dyaryo o magasin, gunting, at pandikit.
Mga hakbang sa paggawa:
1. Ihanda ang mga linas (strips) ng lumang dyaryo o
magasin na gagamitin sa paglala.
2. Simulan ang paglala na sinusundan ang sariling
disenyo.
3. Tupiin ang isang linas at isingit ang isang linas
nang pasalit-salit sa dalawang linas.
4. Gawin ito nang paulit- ulit hanggang sa makuha
ang nais na disenyo at lapad.
5. Para sa maskara, butasan ng dalawang maliliit para
sa mata at lagyan ng goma sa magkabilang dulo.
6. Lagyan ng pandikit ang mga gilid upang hindi ito
bumuka at malinis tingnan.
7. Para sa headdress, maaaring gumawa ng sombrero
gamit ang nilalang dyaryo o magasin.

PAGLALAHAT
Panuto: Pumili ng tamang salita o mga salita sa kahon. Isulat
ito
sa patlang sa bawat bilang upang mabuo ang ideya ng
bawat pangngusap.
dahon ng buri at paniniwala, tradisyon
pandan at damdamin
Basey, Samar
Libertad, Antique paglalala

1. Ang _________________ ay isang paraan ng


pagsasalit-salit ng materyal gaya ng buri, pandan o
pira-pirasong papel na iniaanyo pahaba o
pagbalagbag upang makabuo ng kahanga-hangang
disenyo.
2. Ang ______________ ay sikat na lugar sa Pilipinas sa
paglalala ng banig.
3. Ang mga Samals ng Sulu ay karaniwang gumagamit
ng ________________________sa paglalala.
4. Ang bayan ng ____________________ ay kilala rin sa
paghahabi ng banig dahil sa kaniyang natatangi at
buhol-buhol na disenyo.
5. Sa pamamagitan ng paghahabi ng banig na may
iba’t ibang disenyo, kulay, at materyales na
ginagamit ay naipakikita ang _____________________
ng iba’t ibang pamayanang kultural sa bansa.
PAGPAPAHALAGA

Ang paglalala ay napakaimportanteng likhang-sining


kahit saang sulok ng Pilipinas. Maliban sa sumasalamin ito
sa paniniwala, kultura, at tradisyon, ito rin ay
pinagkakakitaan ng mga Pilipino at nagiging tanyag ito sa
buong mundo.
Bilang isang mag-aaral, paano mo pahahalagahan ang
mga banig na gawa sa iba’t-ibang lugar dito sa Pilipinas na
nilapatan ng iba’t-ibang orihinal na disenyo?
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto: Basahing mabuti ang mga katanungan.


Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.
______1. Ito ay isang kagamitan na karaniwang ginagamit
sa pagtulog lalo na sa Pilipinas at sa Silangang Asya.
A. dahon C. banig
B. damit D. papel
______2. Ano ang pangunahing kagamitan na kailangang ihanda
sa paglalala?
A. buri C. pangkulay
B. panulat D. pagkit
______3. Sa paglalala, anong prinsipyo ng sining ang makikita?
A. paulit-ulit C. parayos-rayos
B. pasalit-salit D. paekis-ekis.
______4. Saang lugar dito sa Pilipinas ang may pinakatanyag na
disenyo ng banig na yari sa buri.
A. Romblon C. Basey
B. Tawi-tawi D. Iloilo
______5. Paano lilitaw ang magandang disenyo sa paglalala?
A. gamitin ang makulay na tela
B. gamitin ang itim na kulay
C. gamitin ang malamlam na kulay
D. gamitin ang matingkad at malamlam na kulay
SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN
Maria Elena D. Digo, Fe V. Enguero, Ma. Teresa P. Borbor, Amelia M.
Ilagan, Josepina D. Villareal, et al... 2015MUSIKA AT SINING,
KAGAMITAN NG MAG-AARAL, DepEd- Beareau of Elementary
Education Curriculum Development Division, 2nd Floor, Bonifacio Bldg.
DepEd Complex, Meralco Ave. Pasig City, Philippines 1600, Telefax:
(632) 638-4799 0 637-4347

https://www.google.com/search?q=zigzag+woven+&tbm=isch&ved=2ahUKEwj4mJe
J1MDrAhUC6ZQKHYxLBVsQ2-cCegQIABAA&oq
https://www.britannica.com/technology/plain-weave
https://www.google.com/search?q=square%20design%20fabric&tbm=isch&tbs=rimg
%3ACW5nEHtidDdOYSac1yQ_1AAHX&hl=en&sa=X&ved=0CCYQuIIBahcKEwiYpZLr
1cDrAhUAAAAAHQAAAAAQBw&biw=1349&bih=663#imgrc=VXLLnva38SuYcM
https://www.123rf.com/photo_104605027_close-up-on-striped-woven-fabric-texture-
blue-navy-and-white-vertical-stripes-as-a-background-.html
https://www.amazon.ca/White-Checkered-Dinner-Napkins-16ct/dp/B00UY0ZXD0
https://www.google.com/search?q=basey+samar&tbm=isch&hl=en&chips=q:basey
+samar,g_1:weaving:0ca2kfSJmqo%3D&bih=663&biw=1349&hl=en&sa=X&ved=2a
hUKEwibrI3H2MDrAhURAqYKHbJaDgoQ4lYoAnoECAEQGA#imgrc=S3R-cJfVPXCeoM
https://www.google.com/search?q=weaving+mats+in+Basey&tbm=isch&ved=2ahU
KEwjHx4mS2cDrAhUUI6YKHedRA2MQ2-cCegQIABAA&oq=weaving+mats+in+Basey
&gs_lcp=CgNpbWcQAzoCCAA6BAgAEB46BggAEAgQHjoECAAQGFDNnAFYtrsBYIbC
AWgBcAB4AIABkQWIAeMdkgELMC40LjAuMS4xLjSYAQCgAQGqAQtnd3Mtd2l6LWltZ
8ABAQ&sclient=img&ei=629KX4emG5TGmAXno42YBg&bih=663&biw=1349&hl=en
&hl=en#imgrc=Haop4af7K0q5-M
https://www.google.com/search?q=sulu%20mats&tbm=isch&hl=en&hl=en&tbs=rim
g%3ACdkZvbApwbhIYQprVcATUbky&sa=X&ved=0CBsQuIIBahcKEwjAg6L-2sDrAhU
AAAAAHQAAAAAQBw&biw=1349&bih=663#imgrc=_mvvR61-5U1YHM
https://www.pinterest.ph/pin/551550285597149385/
https://www.facebook.com/NCCAOfficial/photos/mats-from-basey-samar-at-the-sel
ling-exhibition-of-the-crafts-produced-by-the-pr/10153582565530283/
EDISON P. CLET
Tagaguhit

ELINETTE B. DELA CRUZ


Project Development Officer II (LRMDS)
Tagalapat

MICHELLE C. VERANA

Naglapat ng Video

BONIFACIO A. MATONDO JR.


Video Editor

BONIFACIO A. MATONDO JR.


Tagapagsuri Ng Video

MARY ANN A. GARCIA


Gurong Tagapag-Ugnay

JOSEPHINE Z. MACAWILE
Punong Guro

DR. CEAZAR S. GONZALES


Pandistritong Tagapagmasid Ng Mga
Pampublikong Paaralan

You might also like