Download as pdf or txt
Download as pdf or txt
You are on page 1of 19

Arts – Ika-apat Baitang

Ika-apat na Markahan – Modyul 2​: Pagtitina o T​ ie-Dyeing


Unang Edisyon, 2020
Isinasaad sa Batas Republika 8293, Seksiyon 176 na: Hindi maaaring
magkaroon ng karapatang-sipi sa anomang akda ang Pamahalaan ng Pilipinas.
Gayonpaman, kailangan muna ang pahintulot ng ahensiya o tanggapan ng
pamahalaan na naghanda ng akda kung ito ay pagkakakitaan. Kabilang sa mga
maaaring gawin ng nasabing ahensiya o tanggapan ay ang pagtakda ng kaukulang
bayad.
Ang mga akda (kuwento, seleksiyon, tula, awit, larawan, ngalan ng produkto o
brand name, tatak o trademark, palabas sa telebisiyon, pelikula, atbp.) na ginamit sa
modyul na ito ay nagtataglay ng karapatang-ari ng mga iyon. Pinagsumikapang
matunton ang mga ito upang makuha ang pahintulot sa paggamit ng materyales. Hindi
inaangkin ng mga tagapaglathala at mga may-akda ang karapatang-aring iyon. Ang
anomang gamit maliban sa modyul na ito ay kinakailangan ng pahintulot mula sa mga
orihinal na may-akda ng mga ito.
Walang anomang parte ng materyales na ito ang maaaring kopyahin o ilimbag
sa anomang paraan nang walang pahintulot sa Kagawaran.
Inilathala ng Kagawaran ng Edukasyon Dibisyon ng Lungsod ng Pasig
Inilimbag sa Pilipinas, Kagawaran ng Edukasyon – Pambansang Punong Rehiyon
Tanggapan ng mga Paaralan ng Sangay-Lungsod Pasig
Paunang Salita
Para sa tagapagdaloy:
Malugod na pagtanggap sa asignaturang ​Arts 4 ​ng Modyul para sa araling
pagtitina o ​tie-dyeing!
Ang modyul na ito ay pinagtulungang dinisenyo, nilinang at sinuri ng mga
edukador mula sa Dibisyon ng Pasig City na pinamumunuan ni Ma. Evalou
Concepcion A. Agustin, OIC Schools Division Superintendent at sa pakikipag
ugnayan sa Lokal na Pamahalaan ng Pasig sa pamumuno ng butihing Alkalde na si
Hon. Victor Ma. Regis N. Sotto, upang matulungang makamit ng mag-aaral ang
pamantayang itinakda ng Kurikulum ng K to12 habang kanilang pinanagumpayan
ang pansarili, panlipunan at pang-ekonomikong hamon sa pag-aaral.
Ang modyul na ito ay umaasang makauugnay ang mag-aaral sa
mapatnubay at malayang pagkatuto na mga gawain ayon sa kanilang kakayahan,
bilis at oras. Naglalayon din itong matulungan ang mag-aaral upang makamit ang
mga kasanayang pan-21 siglo lalong lalo na ang 5 Cs ​(Communication,
Collaboration, Creativity, Critical Thinking and Character) habang
isinasaalang-alang ang kanilang mga pangangailangan at kalagayan.
Bilang karagdagan sa materyal ng pangunahing teksto, makikita ninyo ang
kahong ito sa pinakakatawan ng modyul:

Bilang tagapagdaloy, inaasahang bibigyan mo ng paunang kaalaman ang


mag-aaral kung paano gamitin ang modyul na ito. Kinakailangan ding subaybayan
at itala ang pag-unlad nila habang hinahayaan silang pamahalaan ang kanilang
sariling pagkatuto. Bukod dito, inaasahan mula sa iyo na higit pang hikayatin at
gabayan ang mag-aaral habang isinasagawa ang mga gawaing nakapaloob sa
modyul.

Para sa mag-aaral:
Malugod na pagtanggap sa ​ Arts 4 ​ Modyul ukol sa ​pagtitina o ​tie-dyeing!

Ang modyul na ito ay ginawa bilang tugon sa iyong pangangailangan.


Layunin nitong matulungan ka sa iyong pag-aaral habang wala ka sa loob ng
silid-aralan. Hangad din nitong madulutan ka ng mga makabuluhang oportunidad
sa pagkatuto.
Ang modyul na ito ay may mga bahagi at ​icon​ na dapat mong maunawaan.

MGA INAASAHAN
Sa bahaging ito malalaman mo ang mga dapat mong
matutuhan pagkatapos mong makumpleto ang Modyul.
PAUNANG PAGSUBOK
Dito masusukat ang dati mo nang kaalaman at mga dapat mo
pang malaman sa paksa.
BALIK-ARAL
Dito masusukat ang iyong natutuhan at naunawaan sa mga
na unang paksa.
ARALIN
Tatalakayin sa bahaging ito ang paksa sa Modyul na ito.
MGA PAGSASANAY
Pagbibigay ng guro ng ibat ibang pagsasanay na dapat sagutan
ng mga mag-aaral..
PAGLALAHAT
Sa bahaging ito ibunuod ang mahahalagang konsepto na
dapat bigyan halaga.
PAGPAPAHALAGA
Sa bahaging ito ay titiyakin kung ang mga kasanayang
pampagkatuto ay naiuugnay at nailalapat sa inyong mga
pagpapahalaga​.​.
PANAPOS NA PAGSUSULIT
Dito masusukat ang mga natutuhan ng mga mag-aaral.

MGA INAASAHAN
Pagkatapos mo ng modyul na ito, ikaw ay inaasahan na:
1. nakikilala ang iba’t ibang kahulugan ng mga disenyo,
kulay, at iba pang mga pattern sa likhang-sining;
2. nailalarawan ang mga hakbang sa paggawa ng tina-tali
o ​tie-dye​;
3. naipapakita ang mga hakbang sa paggawa ng tina-tali
o ​tie-dye​ sa likhang sining.
PAUNANG PAGSUBOK

Panuto:​ Isulat ang titik ng tamang sagot sa patlang.


________1. Ano-ano ang mga pangunahing kulay?
A. pula, dilaw, asul C. puti, itim, kahel
B. dilaw, berde, lila D. itim, berde dilaw
________2. Ano ang mabubuo kapag pinagsama ang pula at
dilaw?
A. berde C. kahel
B. asul D. dilaw
________3. Alin sa mga sumusunod na kulay ang may mapusyaw
na kulay?
A. itim C. puti
B. tsokolate D. pula
________4. Ano ang mabubuo kapag pinagsama ang asul at
dilaw?
A. lila C. berde
B. kahel D. pula
_______5. Alin sa mga sumusunod ang may madilim na kulay?
A. dilaw C. kahel
B. itim D. berde

BALIK-ARAL
Pagmasdan ang mga larawan.
Ano-ano ang inyong mga nakitang disenyo?
Napansin niyo ba ang kulay ng bawat disenyo na hindi ito
pantay pantay?
Ano-anong mga hugis at linya ang inyong nakita?

Kung inyong pagmamasdang mabuti ang mga larawan sa


itaas, masasagot mo ang mga nabanggit na katanungan. Base sa
mga larawan ipinapakita nito ang gawang sining gamit ang
ibat-ibang disenyo na nabuo sa pamamagitan ng pagtitina o ​tie
dyeing.​
Sa pagpapatuloy ng ating talakayan higit nating
mauunawaan kung ano, paano, at bakit mahalagang matutunan
natin ang ganitong klase ng gawaing pang-sining.
Maraming kulay ang makikita natin sa kapaligiran. May
mapusyaw na kulay ​(light colors), may matingkad ​(bright) at may
madilim na kulay ​(dark colors).
Ang tina ​(dye) ay isang uri ng pangkulay na inilalapat sa
isang may tubig na timpla na ginagamit sa pagkulay ng tela. Ito
ay maaaring ihalo para makagawa ng panibagong kulay.
Sa ​tie-dye may mga disenyong nabubuo na kakikitaan hindi
lang ng kulay kung hindi mga linya at hugis din.
Tina-tali o ​Tie-dye
Ang ​tina-tali o ​tie-dye ay isang modernong salita na
naimbento sa kalagitnaan ng 1960 sa Estados Unidos para sa
isang paraan kauri ng sinaunang stratehiya sa pagtitina.
Ang bawat lugar dito sa Pilipinas o sa ibang bansa ay may
natatanging disenyo na nagpapakita ng kanilang kultura at
tradisyon tulad ng T’nalak ng mga T’boli na tinitina ang mga
hibla ng abaca para makabuo ng magandang disenyo at ang
Shibori ng Japan at Indonesia.
Ang tina-tali o ​tie-dye ay proseso ng pagkukulay na
karaniwang binubuo ng pagtitiklop, pagpilipit, papatong na
pagtiklop,o paglukot ng tela o isang damit na tinatalian ng tali o
goma ​(rubber band) ​na sinusundan sa pagbabad o paglubog sa
timpla na may kulay. Ang mga tina ​(dye) ay maaaring
paghalu-haluin para makagawa ng panibagong kulay.

Mga Hakbang sa Pagtitina o ​Tie-Dyeing


1. Ihanda ang mga kagamitan gaya ng
tali/pisi, lastiko ​(rubber band),​ tela
o damit, tina ​(dye), ​palanggana,
mainit na tubig, suka at asin.

2. Tupiin at talian ang tela ayon sa


gustong disenyo.

3. Sa mainit na tubig ihalo ang


dalawang pakete ng tina, dalawang
kutsarang suka at isang kutsarang
asin.

4. Ilagay ang tinaling tela sa timpla ng


5 hanggang 15 minuto.

5. Banlawan ang ginawa sa purong


tubig.

6. Alisin ang tali, patuyuin at kapag


tuyo na ay plantsahin.

Iba’t – Ibang Disenyo ng Tie-dye


May iba’t ibang disenyo na maaaring gawin sa pagtitina o
tie-dyeing.​ Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod.
Ang disenyo sa tela ay napagaganda kapag sinusunod ang
tamang hakbang sa pagsasagawa ng ​tie-dye. Dapat ring maging
malikhain sa pagbuo ng disenyo upang ang natapos na
likhang-sining ay magtataglay ng orihinal at kakaibang anyo.

MGA PAGSASANAY
Pagsasanay 1
Panuto:​ Isulat ang salitang ​TAMA​ kung ang pahayag ay wasto at
MALI naman kung hindi ito wasto.
_______1. Ang tina o dye ay isang uri ng pangkulay na
ginagamit sa pagkulay ng tela.
_______2. Hindi maaaring lagyan ng suka at asin ang mainit
na tubig sa pagtitina.
_______3. Ang disenyo ng tela ay napagaganda kapag
sinusunod ang tamang hakbang sa pagsasagawa
ng tie-dye.
______​_4​. ​Sa tie-dye may mga disenyong nabubuo na
kakikitaan hindi lang ng kulay kung hindi mga
linya at hugis din.
_______5. Ang mga tina o dye ay hindi maaaring
paghaluin para makagawa ng bagong kulay.
Pagsasanay 2
Panuto: ​Ayusin ang mga sumusunod na hakbang ayon sa
tamang pagkakasunod-sunod. Lagyan ng bilang 1-5 sa patlang.
_______1. Banlawan ang ginawa sa purong tubig.
_______2. Tupiin at talian ang tela ayon sa gustong disenyo.
_______3. Alisin ang tali at patuyuin at kapag tuyo na plantsahin.
_______4. Ilagay ang tinaling tela sa timpla mula 5 hanggang 15
minuto.
_______5. Sa mainit na tubig, ihalo ang isang kulay ng dalawang
pakete ng tina, dalawang kutsarang suka at isang
kutsarang asin.

Pagsasanay 3​: Pagtitina o ​Tie Dyeing


Panuto: ​Kumuha ng isang puting tela o malinis na damit at
gamitin ito bilang pagdidikitan ng kulay sa
pamamagitan ng pagtitina o tie dyeing.

Mga Hakbang sa Paggawa:

PAGLALAHAT
​Panuto:​ Isulat sa patlang ang tamang sagot upang mabuo ang
mga pangungusap.
1. Ang ________________ ay proseso ng pagkukulay na
karaniwang binubuo ng pagtitiklop, pagpilipit,
papatong na pagtiklop,o paglukot ng tela o isang
damit na tinatalian ng tali o goma (rubber band) na
sinusundan sa pagbabad o paglubog sa timpla na
may kulay.
2. Ito ay isang modernong salita na naimbento sa
kalagitnaan ng 1960 sa ______________________para
sa isang paraan kauri ng sinaunang stratehiya sa
pagtitina.
3. Ang _______ ay isang uri ng pangkulay na inilalapat
sa isang may tubig na timpla na ginagamit sa
pagkulay ng tela.
4-5. Ang ______________at _____________ay mga lugar sa
ibang bansa na may natatanging disenyo na
nagpapakita ng kanilang kultura at tradisyon na
tinitina ang mga hibla ng abaca para makabuo ng
magandang disenyo.
PAGPAPAHALAGA

Bawat bata ay may angking talento sa pagdidisenyo at


nakagagawa ng kakaibang likhang sining gamit ang iba’t
ibang kulay.
Ano ang mararamdaman mo kapag pinuna ang iyong
tinapos na gawaing sining?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________

Ano ang dapat mong gawin upang mapaunlad ang iyong


kakayahan sa paglikha ng isang sining?

___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
___________________________________________________________________________
PANAPOS NA PAGSUSULIT

Panuto:​ Basahing mabuti ang mga katanungan.


Piliin ang titik ng tamang sagot at isulat sa patlang.
_______1. Anong uri ng sining ang ginagawa sa pamamagitan ng
paglalagay ng kulay sa tela gamit ang tina (dye)?
A. paglilimbag C. tie-dyeing
B. paglalala D.pagdidikit
_______2. Ano ang may pinakapusyaw na kulay?
A. pula C. berde
B. puti D. itim
_______3. Saang bansa pinangalanan ang prosesong tie-dyeing?
A. Estados Unidos
B. Japan
C. Indonesia
D. Malaysia
_______4. Paano magagawang mapusyaw ang isang kulay?
A. Ilagay sa dakong madilim.
B. Haluan ng puti ang kulay.
C. Ilagay malapit sa ilaw.
D. Haluan ng konting kulay itim.
_______5. Ano ang pangunahing hakbang sa tie-dyeing?
A. pagtatali ng tela
B. paglubog ng solusyon
C. pagpapatuyo ng tela
D. paglalagay ng kulay
SUSI SA PAGWAWASTO
SANGGUNIAN
Maria Elena D. Digo, Fe V. Enguero, Ma. Teresa P. Borbor, Amelia M.
Ilagan, Josepina D. Villareal, et al... 2015MUSIKA AT SINING,
KAGAMITAN NG MAG-AARAL, DepEd- Beareau of Elementary
nd
Education Curriculum Development Division, 2​ Floor, Bonifacio
Bldg. DepEd Complex, Meralco Ave. Pasig City, Philippines 1600,
Telefax: (632) 638-4799 0 637-4347

https://www.desktopbackground.org/wallpaper/tie-dye-tumblr-backgrounds
-692398
https://www.wikihow.com/Tie-Dye-a-Shirt-the-Quick-and-Easy-Way
https://www.wikihow.com/Tie-Dye-a-Shirt-the-Quick-and-Easy-Way
https://www.wikihow.com/Tie-Dye-with-Food-Coloring#/Image:Tie-Dye-with-
Food-Coloring-Step-19.jpg
https://www.wikihow.com/Tie-Dye-with-Food-Coloring#/Image:Tie-Dye-with-
Food-Coloring-Step-18.jpg
https://www.wikihow.com/Tie-Dye-with-Food-Coloring#/Image:Tie-Dye-with-
Food-Coloring-Step-9.jpg
https://www.wikihow.com/Tie-Dye-with-Food-Coloring#/Image:Tie-Dye-with-
Food-Coloring-Step-8.jpg
https://www.wikihow.com/Tie-Dye-with-Food-Coloring#/Image:Tie-Dye-with-
Food-Coloring-Step-7.jpg
https://www.wikihow.com/Tie-Dye-with-Food-Coloring#/Image:Tie-Dye-with-
Food-Coloring-Step-5.jpg
https://whttps://www.wikihow.com/Tie-Dye-with-Bleachww.wikihow.com/
Tie-Dye-with-Food-
Coloring#/Image: Tie-Dye-with-Food-Coloring-Step-20.jpg
https://www.pinterest.ph/pin/374854368981595385/
EDISON P. CLET
Tagaguhit

ELINETTE B. DELA CRUZ


Project Development Officer II (LRMDS)
Tagalapat

MICHELLE C. VERANA
Naglapat ng Video

BONIFACIO A. MATONDO JR.


Video Editor

BONIFACIO A. MATONDO JR.


Tagapagsuri Ng Video

MARY ANN A. GARCIA


​ urong Tagapag-Ugnay
G

JOSEPHINE Z. MACAWILE
Punong Guro

DR. CEAZAR S. GONZALES


Pandistritong Tagapagmasid Ng Mga
Pampublikong Paaralan

You might also like