Download as docx, pdf, or txt
Download as docx, pdf, or txt
You are on page 1of 5

GRADE SCHOOL DEPARTMENT

SY 2023-2024
IKAAPAT NA MARKAHAN

FILIPINO 4
LEARNING ACTIVITY SHEET NO.1
Pamagat ng Aktibidad: Pangatnig
Layunin: Nakikilala ang pangatnig na ginamit sa pangungusap
Uri ng Aktibidad: Pagsasanay
Sanggunian: Yamang Filipino 4, pp. 329-331
Pagpapahalaga: Paggalang sa kapwa

Pagsasanay

Panuto: A. Bilugan ang pangatnig na ginamit sa pangungusap.


1. Magsipilyo nang tatlong beses sa isang araw upang maiwasan masira
ang mga ngipin.
2. Dahil hindi ka kumain ng almusal, wala kang enerhiya para maglaro ngayong umaga.
3. Inaantok ka pa kasi hatinggabi ka na natulog kagabi.
4. Kumakanta sila ng “Lupang Hinirang" habang itinataas ang watawat ng Pilipinas.
5. Nagtatrabaho si Tatay samantalang nag-aalaga ng anak si Nanay.
6. Ni ang mga bata ay nakasali sa palaro.
7. Maglilinis ka ng silid o magdidilig ng halaman?
8. Nahuli siya sa klase kaya hindi siya nakakuha ng unang pagsusulit.
9. Maging ang kanilang lider ay nasiyahan sa resulta ng programa.
10. Kung mag-aaral kang mabuti matutuwa ang mga magulang mo.
B. Punan nang wastong pangatnig ang patlang.
1. Maganda nga ang dalaga ___________ masungit naman siya.
2. Mahusay gumuhit ______ magpinta si Tom.
3. Kumakanta ang ina _________ pinapatulog ang kaniyang sanggol.
4. Sasama ako sa inyo ________ pinayagan ako ni Nanay.
5. Nagtampo siya sa iyo ________ dahil iniwan mo siya kahapon.
GRADE SCHOOL DEPARTMENT
SY 2023-2024
IKAAPAT NA MARKAHAN

FILIPINO 4
LEARNING ACTIVITY SHEET NO.2
Pamagat ng Aktibidad: Bahagi ng Pangungusap
Layunin: Nakikilala ang dalawang bahagi ng pangungusap
Uri ng Aktibidad: Pagsasanay
Sanggunian: Yamang Filipino 4, pp. 343-345
Pagpapahalaga: Paggalang sa kapwa
Pagsasanay

Panuto: I. Bilugan ang buong simuno at salungguhitan ang buong panaguri sa


pangungusap.
1. Ang mga bata ay malakas na nagtatawanan.
2. Umiyak nang malakas si Nita.
3. Ang panuto ay malinaw na binasa ni Ruth.
4. Masarap magluto ng kaldareta si Nanay.
5. Ang tirahan ng mga hayop sa kagubatan ay mapayapa.
6. Binabasa ni Liza ang mga bagong aralin gabi-gabi.
7. Aalis mamaya ang bus na papuntang Bicol.
8. Bumili ako ng masarap na almusal.
9. Ang matamis na tagumpay ay nakamit niya dahil sa pagtitiyaga.
10. Ang aking binasa ay lubos kong nauunawaan.
GRADE SCHOOL DEPARTMENT
SY 2023-2024
IKAAPAT NA MARKAHAN

FILIPINO 4
LEARNING ACTIVITY SHEET NO.3
Pamagat ng Aktibidad: Ayos ng Pangungusap
Layunin: Nakikilala ang dalawang ayos ng pangungusap
Uri ng Aktibidad: Pagsasanay
Sanggunian: Yamang Filipino 4, pp. 374-375
Pagpapahalaga: Paggalang sa kapwa

Pagsasanay
Panuto: Isulat sa patlang ang K- kung ang ayos ng pangungusap ay nasa karaniwang ayos
at DK- naman kung di –karaniwan.
______1. Ang araw ay sumisikat na.
______2. Unti-unting nawawala ang dilim.
______3. Bumangon mula sa kaniyang kama si Crispin.
______4. Si Inay ay nagluluto ng almusal.
______5. Ang mga tandang ay tumitilaok nang malakas.
______6. Ginigising nila ang mga tao sa pamayanan.
______7. Ang mag-anak ay sabay-sabay kumain ng almusal.
______8. Nagtimpla ng kape si Crispin para sa ama.
______9. Kami ay mag-aani ng prutas at gulay.
______10. Ang mga ani ay ibebenta nila sa palengke.
______11. Kinain ng malaking agila ang ahas sa damo.
______12. Nagbisikleta patungo sa paaralan ang magkapatid.
______13. Ang aso at pusa ay kinain ang tirang pagkain.
______14. Si Lisa ay naglalaba ng kanilang damit.
______15. Masayang namasyal ang mag-ama kahapon.
GRADE SCHOOL DEPARTMENT
SY 2023-2024
IKAAPAT NA MARKAHAN

FILIPINO 4
LEARNING ACTIVITY SHEET NO.4
Pamagat ng Aktibidad: Uri ng Pangungusap ayon sa Gamit
Layunin: Natutukoy nag pangungusap ayon sa gamit nito
Uri ng Aktibidad: Pagsasanay
Sanggunian: Yamang Filipino 4, pp. 386-389
Pagpapahalaga: Paggalang sa kapwa

Pagsasanay
Panuto: I. Tukuyin kung anong uri ng pangungusap ang ginamit at isulat ang tamang bantas
nito sa patlang.
___________1. Nanood ka ba ng telebisyon kagabi _____
___________2. Magsipilyo ka muna bago ka matulog _____
___________3. Wow ______Napakasarap ng lto mo.
___________4. Nakopya mo ba ang takdang aralin sa pisara ______
___________5. Pakiabot nga po ng bayad sa drayber _________
___________6. Ang edukasyon ang susi sa ating tagumpay______
___________7. Hoy, bawal magtapon ng basura diyan _______
___________8. Maaari po bang makahingi ng tubig _______
___________9. Mag-aral ka para sa iyong pagsusulit.
___________10. Binuksan niya ang mga pinto at bintana sa sala_______

II. Magbigay ng halimbawa sa bawat uri ng pangungusap ayon sa gamit.


1. Pasalaysay
2. Pautos
3. Pakiusap
4. Patanong
5. Padamdam
GRADE SCHOOL DEPARTMENT
SY 2023-2024
IKAAPAT NA MARKAHAN

FILIPINO 4
LEARNING ACTIVITY SHEET NO.5
Pamagat ng Aktibidad: Uri ng Pangungusap ayon sa Kayarian
Layunin: Natutukoy ang uri ng pangungusap ayon sa kayarian nito
Uri ng Aktibidad: Pagsasanay
Sanggunian: Yamang Filipino 4, pp.403-406
Pagpapahalaga: Paggalang sa kapwa

Pagsasanay:
Panuto: I. Isulat sa patlang ang P kung ang kayarian ng pangungusap ay payak, T- kung
tambalan, at H-kung hugnayan.
_____1. Papaliguan namin ang aso o didiligan namin ang halaman.
_____2. Pinapakain ni Ted ang inahing manok at mga sisiw.
_____3. Ako ang susundo sa iyo kapag may pupuntahan si Nanay.
_____4. Unti-unting nauubos ang mga puno at nawawalan ng tirahan ang mga hayop.
_____5. Hindi tayo makaaalis habang malakas pa ang buhos ng ulan.
_____6. Mahilig mag-alaga ng ibat-ibang hayop ang kapatid ko.
_____7. Umalis ako sa bahay nang maaga subalit wala akong masakyan.
_____8. Dahil masipag at matiyaga siya, nakapagtayo siyang sariling negosyo.
_____9. Kapayapaan at kaayusan ang nais ng buong sambayanan.
_____10. Tumigil nang pag-iyak ang bata nang bumalik ang ina.

You might also like